Friday, February 24, 2012
Where are you now?
Where are you now? 'Cause I'm thinking of you
You showed me how, how to live like I do
If it wasn't for you, I would never be who I am
To the face I see in my memories
Where are you now?
I know we'll never see those days again
And things will never be that way again
But that's just how it goes, people change, but I know
I won't forget you
To the ones who cared and who were there from the start
To the love that left and took a piece of my heart
To the few who'd swear I'd never go anywhere
Where are you now?
Where are you now? This song's playing on repeat. Well, not in my music player, but on my mind. I don't know what made me think of uhhh. I don't know. Oh gosh, heart burn again. :'( Nasaan ka na ba talaga? Nasaan ka na nga ba talaga? Di na kita matanaw, di na kita maramdaman. Ugh. Bakit nga kaya, bakit kaya? Natatawa akong isipin na, finally. Nakayanan ko, napanindigan ko yung kung ano man talaga yung gusto ko. Ang tanong, gusto ko nga ba talaga? Haha. Well, wala akong choice, kailangan kong gawin ang bagay na 'to para sa sarili ko. I know, medyo confusing yung mga stands ko lately, pero that doesn't mean naman, na I'm changing my mind. I'll stick sa kung ano mang yung pinaniniwalaan at sa choice ko narin. Alam ko namang, malaki na ako, alam ko na yung mga bagay na ginagawa ko. At di ko naman pinagsisisihan 'yun. Haha. Nakakatawa. Bilang na bilang ko yung mga araw na nakalipas, parang nung dati lang.. 25 days na kaming 'break'. :) Nakapagtataka noh, bakit binibilang ko parin hanggang ngayon? Well, hindi naman masamang magbilang ng 3 months di ba? Haha. Joke lang. Defense mechanism ko lang. Alam ko naman sa sarili kong hindi ko pa kaya e. Di pa buo yung puso ko, di pa open para magmahal ng iba. Nakatali parin sakanya e. Nagmamahal. Well, not completely syempre, pero. Kahit naman nga kasi anong klaseng pagdedeny ang gawin ko.. Wala akong magagawa, may natitira paring feelings para sakanya e.
Di naman kasi ganun kadaling makalimot ng taong MINAHAL mo. Lalo na, kung wagas at totoo pa 'yun. Yung tipong, sakanya mo naramdaman yung 'tunay' na pagmamahal. Haha. Nakakatawa, siguro nga, dumating na yung karma ko, sa dinami dami ng lalaking pinaiyak at sinaktan ko sa nakaraan ko, oo, aaminin ko, hindi ko masyadong pinagsisihan lahat yun, naglaro lang ako ng naglaro. Nagcollect lang ako ng nagcollect, wow. Ngayon, alam ko nang masakit pala yun, although hindi naman ganun yung nangyari at naramdaman ko ngayon. Pero. Medyo, mapait at masalimot lang isipin na.. 'Nasaktan ako.' Nasaktan ako ng isang katulad niya. Na, noong una, akala ko.. Wala lang. Isang taong walang impact sa kin. Pero, di nagtagal, minahal ko rin ng lubusan. Yun nga lang, siguro, masyado nang late ang lahat para ipakita at iparamdam ko sakanya yung tunay na nararamdaman ko para sakanya. Well, nanghihinayang ako. Kasi, sayang. Hindi niya nasalo yung kaya ko sanang ibigay sakanya, yung kaya ko sanang iparamdam sakanya ng walang pag iimbot at walang pagdududa. Sayang lang, natatapon at nag-uumapaw sa labas. Haha. Ang corny lang, pero. Masaya ako, kasi nailalabas ko na yung saloobin ko nang maluwat ngayon. Medyo, magaan na lahat, unti unti ko nang nakakalimutan yung sakit. Yung bawat sugat na iniwan niya sa puso ko. Sa totoo lang, handa na naman akong mag-open arms ulit sakanya e. Bilang kaibigan. Pero.. Pero. Bakit ganun? Haha.
Eto na naman ako sa mga tanong ko e. Nasaan nga ba siya? Nasaan nga ba siya nung mga panahong kailangan ko siya? Nung mga panahong kailangang kailangan ko talaga siya, nung mga panahong sobrang hina ko, at tanging siya lang yung hinahanap hanap ko at makakapag patahan sakin? Hay. Medyo may kurot parin sa tuwing iisipin kong, hinayaan niya lang akong mag-isa, di niya ako pinigilan sa aking pag-alis, pinabayaan niya lang na tuluyan na akong mawala sakanya. Hay, siguro nga.. Hindi na niya ako mahal. Di na niya ako mahal kagaya ng dati, kagaya nung dating pagmamahal niya sakin. Hindi na niya ako kayang ipaglaban pa. Sinusuko na niya yung laban naming dalawa. Siguro nga, napagod na siya. Napagod na siya sa paulit ulit na pag intindi sa akin, sa paulit ulit na pang aabuso ko sa pagmamahal niya sakin. Oo nga pala, hindi nga pala siya isang 'robot' or 'laruan' ko. Para pahirapan at tratuhin ng ganun. Alam ko, nasakin yung pagkakamali kung bakit kami humantong sa ganito. Pero sana naman, hinintay niya ako.
Konting tiis nalang e. Ayan na sana o. Kung kelan naman nasa finish line narin ako, tsaka siya sumuko. Tsaka niya binitiwan yung laban naming dalawa. Alam ko, napagod na siya. Kahit di niya aminin sakin yun, di naman ako manhid e. Nararamdaman ko naman. Pero, laking pagtataka ko lang talaga. Meron kayang ibang babaeng involved, kung bakit all of a sudden nagbago siya sakin? Yung phasing, kitang kita ko e. Sobrang bilis. Paulit ulit kong binabalik balikan yung dates nung mga dati naming conversations. Since the year started, hanggang sa second week ng January. Hanggang January 14. Hanggang January 28. Hay. Di ko naman inakalang, last date na pala namin nung January 14, 11th monthsary, last na pala namin yun. Sayang, tinake for granted ko pa naman yung araw na 'yun. Naging sobrang cold pa naman ako sakanya nung araw na 'yun. Sana pala, sinulit ko na e. Kasi, wala na palang kasunod yun. End na pala yun. Finish line na pala yun. Hay. Nakakatawa, tama nga sila. Di mo talaga marerealize yung worth nung tao, hangga't di siya nawawala sa'yo. Pero. Sana naman, maisip niya rin yung pagkawala ko sakanya ngayon. Sana naman, nag-sink na sakanya lahat ng ito. Lahat ng 'to, nangyari at nangyayari.. Kasi, may 'problema' kami. Pero hindi e. Di siya nag-effort kagaya ng dati niyang ginagawa. Okay pa sana. Papayag pa sana ako hanggang February 14. Hanggang 'Anniversary' sana namin. Pero.
Pero. Wala siyang ginawa e. Hinayaan niya lang na lumipas yung napaka importante sanang araw na 'yun. Sobrang haba ng panahon, para kausapin niya ako. Para makita niya ako. Di naman ako humihiling nang kahit anong materyal na bagay sakanya e. Kahit sige, go. Bigay niya sa mga babae niya, pero, the fact na 'presence' man lang sana niya that day, oohhh. That would actually change everything na sana e. Pero, wala. Wala. Kahit anino man lang niya. Hanggang ngayon, mystery parin sakin yung reason kung bakit. 'Naduwag ba talaga siya, or Ayaw niya lang talaga akong makita?'
Hay, sobrang dami kong tanong. Pero, alam ko namang hindi na yun importante sa mga panahong ito e. Kasi, wala na naman kami, di na kailangan pang ayusin, kasi.. Wala na namang aayusin pa. Para saan pa nga di ba? Kung gusto talaga, napakaraming paraan. Pero, kung ayaw, sadyang napakaraming dahilan. Di ako manhid, alam kong ayaw na niya, alam kong hindi na niya ako mahal. Alam kong wala na siyang nararamdaman para sakin. (Sinasabi ko tong lahat nang 'to, hindi dahil sa bitter ako, pero eto talaga yung nararamdaman ko). Alam naman niyan hindi na ako susuko ng basta basta ngayon e. Kasi, pinaglaban ko siya, pinaglaban ko yung pagmamahal ko sakanya for 11 days. Pero, hindi niya binigyang pansin yun, di niya binigyang pahalaga, pinabayaan niya lang akong magkaganun. Pero, sorry ha. Di kasi ako tanga, para magbulagbulagan. Katulad mo, tao lang din ako. Napapagod. Kaya nga heto, hanggang sa dulo.. Parehas tayong napagod, yun nga lang, di kagaya nung mga nakakaraang, may 'isang' matibay na nananatili, para ipagpatuloy yung laban nating dalawa. Sorry, kung hindi ako kasing tatag mo, para manatili sa labang ito. Sorry kung hindi ko kayang matapaktapakan yung pagkatao ko ng ilang ulit. Nang ilang beses, okay na yung naranasan ko, kahit sandali. Pero, alam mong babae ako. Babae ako. Di ba, sabi mo nga, 'Ang babae, ginagalang. Ang babae, nirerespeto, ang babae, inaalagaan, hindi pinapaiyak.'
Alam mo naman pala e, bakit hinayaan mo akong umiyak at magdusa nang dahil sa mga ginagawa mo sakin? Hanggang ngayon, may natitira parin akong mga hinanakit sa'yo. Bakit ba kasi. Bakit ba kasi ayaw mong makipag-usap sakin para tapusin na ang lahat e. Para maging clear na yung lahat sa atin. Hanggang kelan ka ba uurungan ng bayag mong yan ha? Hanggang kelan? Hanggang kelan ka maduduwag at magtatago sa saya ng kung sino man? Haha. Harapin mo na ako o. Naghihintay lang naman akong lapitan mo ko e. Okay, pakipot ako. Alam kong alam mo 'yan, pero sana. Wag ka namang duwag. I-push mo lang. Suuyin mo naman ako ng konti o. Pag-usapan natin 'to ng maayos. Isalba natin yung 'friendship', please? Yun lang talaga. For the nth time, paulit ulit ko tong sasabihin, sa nalalapit kong kaarawan, yun lang gusto kong matanggap from you. Gusto ko rin sanang mabawi ko si 'Charm School' book ko. Namimiss ko na siya e. :))
Where are you now? 'Cause I'm thinking of you
Hayyy. Nasaan ka na nga ba talaga, patuloy parin kasi kitang iniisip e. Yung mga panahong kasama kita, magkasama tayo. Magkahawak kamay, nagtititigan lang sa mata ng isa't isa, ramdam na ramdam ko nun yung init ng pagmamahal mo sakin e. Eh, ngayon, nasaan na nga ba? Bakit bigla nalang naglaho? Kay bilis naman yata.
You showed me how, how to live like I do
If it wasn't for you, I would never be who I am
Ugh. You've change me a lot, kung hindi naman talaga dahil sa'yo, di ako aasa. Di ko panghahawakan tong kung ano mang aking nararamdaman para sa'yo e. Sana, hindi mo nalang ako sinanay sa pagpapaikot ng sarili kong mundo. Dati naman akong masaya e, sana hindi mo nalang ako sinama sa joyride mo, nung una palang, ode sana.. Di ako nahihirapang magpaandar ng sarili kong byahe ngayon.
To the face I see in my memories
Where are you now?
Sa totoo lang, kanina sa pagtulog ko, nakita kita sa panaginip ko. Bakit yung memories parin nating dalawa? Yung memories mo sa puso't isip ko'y minsan paring nagugunita ng aking alaala't puso? Ibig sabihin ba nito, malapit na ko sa paroroonan ko. Malapit na kitang makalimutan? Sana nga. Sana lang talaga.
I know we'll never see those days again
And things will never be that way again
But that's just how it goes, people change, but I know
I won't forget you
Oo, hindi na talaga natin makikita at mababalikan pa yung 'dati'. Yung mga panahong masaya tayo. Yung nakaraang nagturo sa akin kung paano kita natutunang mahalin, hanggang sa dumating yung araw na, kinailangan ko nang huminto sa pagmamahal ko sa'yo. Hinding hindi na mauulit, hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Pero, tinatanggap ko namang ganun lang talaga ang buhay. Nagbago ka, nagbago ako. Yung nararamdaman mo para sakin, nagbago. Hindi na ikaw yung dating minamahal ako ng totoo. Pero, wag mo sanang kakalimutan na.. Pagkatapos nang lahat, itatapon ko nalang yung magagandang alaalang meron tayo, kasi di kita kakalimutan at makakalimutan, para kasi sakin, 'Ikaw ang first True Love ko'.
To the ones who cared and who were there from the start
To the love that left and took a piece of my heart
To the few who'd swear I'd never go anywhere
Where are you now?
Nakakatawa, bakit nga ba ako naniniwala sa 'Forever' natin? sa 'Happy Ending' natin? Sa mga pinangako mo sakin dati na, ako lang ang 'yong Prinsesa? Haha. Nakakatawa talaga. Naloko mo naman ako nang di nagtagal, di naman talaga ako naniniwala e. Sobrang daya mo lang din talaga e noh. Oo, madaya ka. Pinaasa mo ako. You made me fall for you so hard, oo nga. Alam ko namang minahal mo ako noong una palang, pero. Unfair e. Di mo ako sinalo kagaya ng ginagawa mo noon, nung ako naman yung nagmamahal na sayo ng lubusan. Bakit kailangang ganun? Akala ko pa naman, we'll meet halfway. Ikaw parin nagmamay-ari ng puso ko. Hanggang ngayon? Oo siguro. Kasi, hindi ko kayang ibigay sa ibang tao e, di ko kayang ipaubaya sakanila, kahit alam kong, hindi naman nila ako sasaktan kagaya ng ginawa mo sakin. Nakakaloka.
Nasaan ka na ba? Where are you now? Paramdam ka naman o.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment