Sixteen Days After Breakup-
Ouch. Bakit ganun? Ang sakit. Timing, bakit sobrang galing mo din? OF all time, of all people. Haay. I'm down on my knees. I just wanna die, seriously. Someone, just kill me. Please? And end this suffering of mine. Ang sakit naman kasi talaga e. Bakit kailangang makasalubong ko pa siya? Silang dalawa? Ugh. Sobrang awkward kaya. Kung alam mo lang, yung dalawang lalaking magkaibigan na yun. Yung dalawang lalaking dati kong mga naka-thingy. Okay lang sana, bearable pa kung si Jason lang yung nakasalubong ko e. At least, di awkward. Nagpansinan pa nga kami e. Pero, bakit kailangan pati si Justin Jay Roberto Zafra? :O Ouch, to infinity and beyond. Sa totoo lang, di pa nga ako completely nakakamove on e. Tapos, recently lang, nadiscover kong bnlock pala niya ko sa Facebook. Why? Just why. Bakit pati sa Facebook? Di ko naman siya binabother and all e. The hell I fucking care.. Pero bakit ganun? Shit. It sucks. I just wanna die.
Bakit ganun? Ceasefire? Wala naman akong ginagawang masama sakanya e. Sobrang nadurog pagkatao ko. Pati narin pagkababae ko. Why am I feeling this way? Why do I have to feel all these things now? Alam ko, alam din naman niyang di niya ako deserve e. Siya na mismo nagsabi. Oo nga't di niya ko deserve. Pero, tanggap ko naman siya e. Tanggap ko naman yung sitch na yun e. Kahit na nga sobrang douchebag niya e. Kahit sobrang maling mali yung dahil kung bakit kami pumasok sa relasyon na 'yun e. Sa totoo lang, walang dapat sisihin. Parehas naman naming kasalanan 'to e. Parehas kaming nagmadali. Parehas kaming mapusok. Kung sana.. Nagdahan dahan lang kami. Kung sana, kinilala na muna namin ng mas mabuti yung isa't isa. Hay, it doesn't mean pala na super attracted or like niyo na yung isa't isa, kaya niyo nang i-withstand lahat e. Not even the 'commitment' na gusto sana naming panindigan, pero hindi naman kinaya. Kung baga, sa una lang kami parehas magaling. After some time, bibitiwan din naman ang isa't isa. :O
Grabe, nasa huli pala talaga ang pagsisisi. Ohh damn, regrets. Yeah, ayokong magsisi. Alam kong mali, sobrang mali. Hindi dapat. Oo, sobrang masakit. Masakit na masakit na nga e. Actually, naging unbearable na nga bigla ngayon e. Siguro nga, tama sila.. 'Di pwedeng magsama ang dalawang taong halos parehas ang pag-uugali, standards at way of thinking. Kasi, in the end.. Kahit mahal na mahal niyo pa ang isa't isa, sadya man or hindi. You'll end up hurting each other lang din. So as, hating each other. Magclaclash at magclaclash din kayo.
We broke up for a reason, not for anything else. So, don't dare accuse us why. Well, ito na lang talaga yung iniisip ko sa ngayon. 'Twas for a reason. Pero syempre, kahit anong tago.. Or pagiignore. Alam kong nasa loosing end ako. Feeling ko kasi, kahit sinasabi niyang mas mahal niya ako. After everything na nangyari, mas ako yung nagmahal e. Ako yung talo. Feeling ko lang naman, ako yung mas nagmahal.. Kasi nararamdaman kong ako. Kahit nakikipagtalo pa siya sakin madalas, na hindi. Pero.. yun. Oo, ako. Inaamin ko. Ako yung talo. At tinatanggap ko yun. Di ako nagmamataas or whatsoever. I just NEED to accept it. To avoid PAIN.
Peace of mind. Closure. Di ako matahimik. Di ako mapalagay. I want to talk to him. I need answers to my questions left unanswered. Ayokong tanggapin.. PERO KALANGAN. Pero, things just can't be this time. Maybe not NOW. Maybe I just have to wait. Sobrang indifferent pa kasi talaga ng lahat sa ngayon. Sobrang awkward. Sana lang talaga makayanan ko lahat ng 'to. Kaya ko 'to, alam kong kakayanin ko. Makakalimutan ko rin siya.. Nang hindi gumagamit ng ibang tao. Nang hindi nakakapanakit ng ibang tao. Promise. Swear.
Pinapangako ko yan. Strong naman ako e. Kahit 'di nga lang masyadong halata. Good night. Ü
No comments:
Post a Comment