'Stop'~ Kung ayaw mo nang masaktan.
'Stop'~ Kung hindi mo na kaya.
'Stop'~ Kung kumplikado na.
'Stop'~ Kung hindi na tama.
'Stop'~ Kung hindi na kayang maghintay.
'Stop'~ Kung hindi mo na siya MAHAL.
Wow lang. Sobrang timely nitong nakita ko somewhere sa AB lockers. You know, kahit anong related sa kung ano mang nararamdaman ko, bina-blog ko. Well, I find this poster very entertaining, and at the same time, na-caught yung attention ko ng bonggang bongga. Well, I'm not trying to relate, but I just can't help it. Sa dinami dami ba naman ng pwede kong makita, kailangan related sa pinagdadaanan ko ngayon? Wow. It's just damn funny, nakakawindang kaya. Pero, gusto kong i-contradict kung ano man yung mga nandito, kung ano man yung propositions nung taong nagsulat nitong ad na 'to. Well, kasi naman. Sa point of view ko, well teka, iba iba naman tayo ng perceptions about this said matter, pero.. Feeling ko, mali 'tong mga 'to e.
~Bakit ka titigil kung ayaw mo nang masaktan? Di ba nga. Kaya tayo nasasaktan, kasi mahal natin yung tao? Given na yun. Dapat handa tayong masaktan. Willing tayong i-bear at lampasan lahat ng sakit na 'yun, kasi alam nating in the end, may patutunguhan yung pakikipaglaban natin sa taong mahal natin.
~Bakit ka titigil kung hindi mo na kaya? Hindi naman kailangang tumigil di ba? Pwede namang mag lay low muna, wag munang ibuhos lahat lahat, pwede naman yun di ba? Wag lang susuko agad. Sayang e.
~Bakit ka titigil kung kumplikado na? Ano naman kung kumplikado na? Ano yan? Duwag ka nang harapin yung katotohan? Hello. Simula pa nga lang o. Susuko ka na agad. Weak ka pala e. Di ka handang ipaglaban yung nararamdaman mo. Di ka handang ipaglaban yung taong mahal mo.
~Bakit ka titigil kung hindi mo na kayang maghintay? Wow naman. Ang gandang proposition nito. Duh. Ode sana, nung una palang, hindi mo na sinimulan di ba. Kung hindi mo naman pala kayang panindigan. Kaduwagan lang yan e. Mga duwag lang gumagawa niyan. Hindi mo tunay na mahal, kung hindi mo kayang ipaglaban, at mas lalong hindi mo kayang maghintay. Weak ka.
Pero, naniniwala ako dito.
~STOP, Kung hindi mo na siya MAHAL. Kasi, mahirap lokohin yung 'MAHAL' mo. Nga ba? Haha. Baka naman, hindi mo na talaga mahal. Niloloko mo nalang. Pinapaniwala mo nalang na mahal mo siya, kasi nasanay ka sa feeling na mahal mo siya. Tigilan mo na, kung ganun nalang din pala ang nangyayari. Kasi, una sa lahat, hindi lang siya yung niloloko mo. Aba. Pati yung sarili mo, niloloko mo. Unang una sa lahat. Wag mong gamiting kasangkapan para makapanakit ng ibang tao. Para i-display sa society na meron kang boyfriend or girlfriend. Kasi, yang mga titulong 'yan. Di naman talaga totoo yan e. Di naman yan permanente, niloloko niyo lang yung isa't isa. Hindi niyo naman kailangang magpanggap at ipamukha sa harap ng maraming taong nagmamahalan kayo, kung alam niyo naman sa isa't isa na lokohan lang pala ang lahat?
Sa panahon ngayon, sobrang hindi mo na madistinguish kung alin ang totoo sa hindi. Kasi, sa totoo lang, ang mundong ito, punung puno na ng kasinungalingan at kalokahan ng tao. Mga taong mapagpanggap at nagpapaikot ng damdamin. Mga taong mapanakit, insensitive at plastic, yung mga taong kay daling bitawan ang salitang 'I love you', 'Mahal kita'. Pero, hindi naman pala talaga bukal sa kanilang kalooban. Sobrang dali nalang para sa kanilang bitiwan yung mga salitang yun, parang minamani nalang. Pero, hindi ba nila naiisip na, sa tuwing binabanggit nila yung salitang yun sa mga taong hindi naman dapat pagsabihan, nawawala na yung essence nung salitang 'yun? Reservations lang naman kasi. Kaya nga ako, kahit abutin pa ako ng siyam siyam, kahit sabihan pa akong manhid o robot, di ko basta basta binibitiwan yung mga salitang 'yun, kasi alam ko sa sarili kong, may taong nakalaan para sa mga salitang yun. At mas lalong hindi naman ako plastic para sabihin yung hindi ko naman talaga nais at nararamdaman. :)
Dapat lang talaga, alam natin kung kelan tayo 'hihinto'. Marami mang 'stop overs' sa ating paroroonan, hindi tayo dapat nagpapabulag or nagpapadala sa sinasabi ng ibang tao. Kasi, malay mo, pero sa totoo lang talaga.. Yung mga experiences ng ibang tao, iba sa magiging experience mo. Iba iba tayo ng destinations and missions sa mundo, wag nating i-pattern yung buhay natin sa kanila, hindi naman masamang makinig sa mga sinasabi nila, cause their opinions matter din naman. Pero, hindi sa lahat ng pagkakataon, and at the same time, at the end of the day, hindi naman sila ang makakapagsabi ng kung ano ba talaga ang tama o mali para sa'yo e. Sa huli, tanging sarili mo parin talaga ang makakapagsabi, at makakapagdesisyon kung ano ang dapat gawin. Just bear in mind, dapat sa pipiliin mo, wala kang pagsisisihan sa huli. At kung ano man yung mapili mong choice, paninidigan mo. Kasi, ginusto mo 'yun.
Parang ako lang ngayon. Wala akong kung ano mang pinagsisisihan sa naging desisyon kong 'umalis' sa kung nasaan man ako 'noon'. Kasi, kung hindi ko ginawa yung bagay na 'yun, marahil nakalugmok parin ako sa putik. Sa pansamantalang kasiyahang aking tinatamasa noon. Kaya naman, kung tatanungin mo ako, kung gugustuhin ko pang bumalik sa 'dati'? Siguro, pipiliin kong 'Hindi na'. Kasi, alam kong wala naman na akong babalikan pa. Hindi bale sana, kung may babalikan pa ako. Siya naman yung nag-udyok sa akin para umalis ako ng tuluyan e. Kung hindi niya sana ako tinrato ng 'ganun', ode sana.. Magkasama parin kami hanggang ngayon. Pero, alam kong 'ito' na talaga yung makakabuti para sa aming dalawa. Hihintayin ko nalang yung pagkakataong magkita at magsama kaming muli. Pero, hindi na sa paraang 'kami' dati. Kasi, ibang ibang na ang lahat ngayon. Gustuhin ko mang bumalik dun, alam kong.. WALA na akong babalikan pa. Ang tanging magagawa ko nalang para sa sarili ko, at para narin sa kanya is.. Tulungan naman yung isa't isang makapag move on na ng tuluyan. Nakikita ko naman yung progress ko e. Pati yung sakanya narin siguro. Kahit alam kong hindi kami nag-uusap or nagkikita, alam kong.. Gustong gusto niya naring burahin ako sa puso't isipan niya. :)
Ang pinakamadaling paraan lang talaga para dito ay.. Ayokong sabihing kalimutan namin yung isa't isa. Kasi, hindi kami para maging 'strangers' towards each other. Pero siguro, kalimutan yung 'nakaraan'. Kalimutan yung kung ano mang 'sakit' na dinulot namin sa isa't isa. And by those things, mawawala na lahat ng poot sa aming damdamin, makakalimutan na namin yung hatred, and completely, makakamove on na kami sa 'feelings' na yun para sa isa't isa. Sana lang talaga, maging maayos pa ang lahat samin as friends. Yun nalang talaga yung hinihintay ko e. Wala na naman akong ibang hinihiling pa. Sobrang gandang birthday gift na nun. :)
Chura ko lang. Haha. :))) Pacute much. Back to black na ako. :* Smile, you don't own all the problems in the world. ;) Four days to go. I'm happy. Keep moving forward. I don't regret anything. Spread the love. ♥
No comments:
Post a Comment