Oyes, finally. Medyo relaxed and chilled mode lang ako for today. Done with everything for this week na e. Less hassle and worry free na ako. Well, sana lang talaga, hindi yung medyo nagpapakafeeling pala ako. Haha, I guess, oo naman. Home sweet home. Gosh, ang sarap sa feeling ng 18 hours ka natulog since last night, feels like heaven talaga. Rarampa pa naman sana ako for today, kaya lang, dahil late na nga akong nagising (as usual) cancelled na. Tomorrow nalang. Yung feeling na sobra sobrang mong pinoproblema ang lahat ng bagay na di pa naman dumadating, ayan tuloy, nastressed ka. Pero, naovercome ko na narin naman lahat. Yung news reporting and tapping para sa napakaraming subjects. Hassle pa pag tatapping tsaka pagdadala ng costume. Samahan mo narin ng sandamakmak na papers rin. Grabe lang talaga. Kulang nalang, di ako huminga sa pag-iisip kung paano ko pagkakasyahin yung oras ko e. Sa totoo lang talaga, tamad na tamad nakong pumasok. Yung feeling na, pumapasok ka nalang.. Kasi kailangan, pero sobrang petiks ko lang talaga. Ewan, puro kasiyahan nalang naaappreciate ko sa pang araw araw. Well, kung hindi lang talaga ako center of attraction sa classroom namin, siguro.. Di na ako papasok e. Di nako mamomotivate pang pumasok. Haha. Masarap lang sa feeling na, sobrang mahal at pinahahalagahan ka sa loob ng classroom niyo. Enough na yun for me. Kaya, kahit siguro, sobrang tamad na tamad na akong mag-aral para sa mga natitirang weeks sa A.Y. na to, ginaganahan parin akong pumasok sa school, nang dahil sa fun na nabibigay sa akin ng mga kaibigan ko sa pang araw-araw.
January 20, Monday
So very controversial, so very exclusive, so very entertaining, this is the one and only.. ‘Sa-ab-erry’. Live News Today, Insert. Gosh, mag imagine nalang kayo, kung paano ako magsalita, saying all these things. Pero, may video naman sa Youtube, kaya pwedeng panuorin. Haha. Hala naman. Bakit ba, kahit anong gawin ko, bentang benta ako sa mga kaklase ko? Ugh. Lalo na sa mga lalaking to. ‘Tong mga lalaki kasi e. Pauso masyado. Ayaw tigilan yung saaberry na ‘yun. Haha. Ayan tuloy, lahat nalang ng adjectives pwedeng idugtong. Tch. Saaberry seductive, saaberry beautiful, saaberry fiercest. HAHAHAHA. Kdot. Mga nalalaman niyo diba? Ugh. Buti nalang, sobrang napakaraming purpose at naging napaka productive din naman tong araw na ‘to for me. Nag live newscast na ako sa English, tapos nakapag tapping narin sa Filipino sa may lover’s lane, naka-attend ako ng poetry seminar nung hapon, nakipag-date kay best friend Zhea, nakapuntang Caloocan sa Sophie Martin, kasi.. May photo shoot kami. Tapos, nakasalubong ko pa pauwi si Chester, at nakachat pag-uwi. Haha, inaakala pala niyang snob ako. Nashare ko tuloy sakanya yung secret job ko, kasi.. Napansin pala niya yung suot ko that night. Hay. Sobrang dami kong productive things na nagawa para sa araw na ‘to. Kahit sobrang pagod at puyat ako, kasi wala pa akong halos enough na tulog, since.. I forgot na. Basta, sobrang may sakit pa nga ako e. Tapos, kuma-career ako ng wagas. Ako nga pala si Wonderwoman, career woman all the way. Haha. Tira lang ng tira, kahit may sakit na and everything. Go parin. Kahit sobrang lakas ng ulan this morning, hooo. Kahit sobrang dami kong dalang damit at sapatos para sa mga pinuntahan ko, kahit di na talaga ako makahinga dahil sa sakit ko. So what? Strong ako! Hahaha.
January 21, Tuesday
Umagang umagang soundtrip. So, kamusta naman ang pagkakape ko ng medaling araw diba? At puyat na naman ako pag kagising, pero. Hyper parin as always. Haha. Ayon, nakita ko si ex that very morning. Pero, as usual, hindi na naman siya lumapit sakin, para kamustahin man lang ako. Well, di naman ako umaasa, pero. Lalo ko lang napapatunayan sa sarili kong.. ‘Wala na talaga’. Okay. Let go of that feeling, Ade. ‘Good morning, Ronver!’ Buti pa siya. Ako yung unang nilapitan kanina. Ako yung una niyang kinausap, ako yung kinakausap niya last Friday night, kahit may quiz sila the following day sa Accounting. Funny, sobrang ibang ibang na talaga lahat ngayon. Idagdag mo pa si Anjo, na panay ang pag-akbay sa akin, na laging nag-oopen up sakin ng mga bagay bagay. Mabuti pa sila ni Ronver, may time para sakin, para at least, kamustahin man lang ako. Well, naiitindihan ko naman kung bakit ganyan sakin si Bannag e. Pero, hay. Okay. Enough. ‘Hawakan mo muna yung kamay ko’. ‘Bakit ko hahawakan yung kamay mo?’. Naappreciate ko na yung paglapit niya sakin nung sobrang nahihilo ako after naming mabilad sa araw. Sa pagtapik niya sa shoulders ko. Pero, kailangan kong pigilan yung nararamdaman ko. ‘Okay lang ako, kaya ko ‘to. Asking him to stay away.’ Hanggang sa di ko na talaga kaya yung init. Sobrang nahihilo ako. Hinintay ko nalang matapos yung PE namin. Uwing uwi na ako e. Nakakapanibago lang. Kung dati, siya yung naghahatid sakin pauwi after ng PE, siya yung nagpapayong sa akin palabas ng field, hay. Ibang tao na yung gumagawa nun ngayon, di parin ako sanay. Pero, unti unti, at dapat na talaga akong masanay na, ‘Ibang lalaki na yung gumagawa nung mga dating ginagawa niya sakin, yung pag-aalagang dati niyang ginagawa sakin.’. At higit sa lahat, hindi ko na kayang ibalik pa yung dati. Yung dating kami. Yung dati kaming masaya, yung dati kaming.. Nagmamahalan. Hahaha, memories from the past nga naman o. Pero, iba na talaga ngayon e. Okay.
Saba na nga, berry pa, saan pa nga naman kayo di ba?’ Lahat na, pwede. Haha. Gosh. Bakit ganito, bakit ganito ang nangyayari sa mundo ko? Sobrang saya. Nag-uumapaw. Nawalan man ako ng lovelife, bumongga naman ang balik sa akin. Ewan ko ha. Kung noon, sobrang iniignore, at sineset aside ko lang lahat ng kasiyahan na ‘to, at nagpakabulag ako sa ibang klase ng kasiyahang, akala ko’y tunay ngang kasiyahan, pero.. Iba yung ngayon e. Sobrang saya ko. Hindi kayang pantayan ng kahit ano pa man. So, kamusta naman ang araw na ‘to di ba? Okay, so what’s with the earrings, kamusta nga naman. Sino ba naman ang hindi makakapansin di ba? Saaberry, may kulay blue yung buhok mo? Ay joke. Hindi yan sa buhok, earrings ko kasi ‘yun. Haha. Salamat sa mga naka-appreciate, ‘You’re so beautiful’. Damn, gravity. Gravity talaga. Ibang intensity at level na ‘to e. Ang dami nang paulit ulit na instances na nagpapatunay na. Ohhh. Ayokong isipin, ayokong bigyan ng kahit ano pa mang meaning. Pero. Let it flow lang. Dyan ka lang. Sana, mahintay mong maghilom ng tuluyan yung puso ko, wag kang mag-alala, pagdumating na yung panahong yun, wala kang pagsisisihang naghintay ka. Na hinintay mo ako. Mamahalin kita ng buo. Pero, sana wag kang mapagod maghintay. Dyan ka lang sana. Sa ngayon kasi, di pa ako handang tanggapin at mahalin ka e. Aalagaan ko muna yung sarili ko. Mamahalin ko muna yung sarili ko.
Happy Birthday, Surla and Arvin! Alam na, hahaha. Napaka saya ko lang sa loob ng room kanina, at kahit hanggang kaninang madaling araw. Grabe lang. Tingnan niyo o. May saaberry balloon pa ako. Tapos, dahil nga, young, wild and free ako. Wagas na wagas ang mga naiisip ko e. Sadyang ako talaga ang source ng lahat ng nagiging sobrang trending sa classroom e. Haha, Chinese garter, Stretching, Jack and Split, lahat ng ‘yan.. Nako naman. Bakit ba kung ano ano naiisip ko? Haha, naging sobrang saya naman namin this day. Gamit lang ang mahabang balloon, tapos.. Unbeatable ako sa girls sa Jack and Split, hanggang sa matalo ako ni Soliven, sa limburak naman. Sige lang, bali lang ng bali ng katawan. Haha. Dyan naman ako magaling e. ‘Saaberry flexible’. Fierce nga e. Hahaha. Bonggang bonggang center of attraction, pati ng mga professors ko. Ako parin yung napapansin. Ano bang meron kasi sakin e? Naguguluhan narin ako sa buhay ko. Haha. Joke. Kunwari pa ako. Flattered naman talaga ako sa mga happenings these past few days. Ayon. Eh, kamusta naman ang Prelim grade ko sa Filipino? Second to the highest, di ba? Wagas. Finlash pa sa board. Broadcast na broadcast. Haha, carry lang. Masaya ako. Kahit sa SCL 3, si Maam Redona, ako parin yung napansin. And then, hanggang sa nag-share ako about prejudice. Sabi ko nga. “Who are you to judge me?’ HAHAHAHA. Ang tapang ko talaga. Wagas e.Prejudice nga naman o. Naging biktima narin kasi ako nito. At sadyang may pinaghuhugutan lang talaga. Makapag parinig o. Wagas. Pero, so what, freedom of expression ko naman ‘yun e. Sana lang talaga tinamaan yung taong yun sa mga sinasabi ko nung mga oras na ‘yun. Oh well, I stayed iTower from 7pm to 10pm yata? Not sure. Ang tagal din naming naghintay e. Masaya naman. Surpirse birthday party para kay Surla, and para kay Arvin narin. Medyo maaga narin pala akong umuwi, kasi may curfew ako. Pero, di parin ako nakontento nun. Pagkauwi ko ng condo ng mga bandang past 10pm na yata, umalis parin ako. Haha. Kasama si Ate Myka. Nag coffee and nakipag kwentuhan narin. Oyess. Hanggang 2am magkasama na naman kami.
Ang dami kong natutunan at naabsorbed sa pag-uusap namin. Medyo alam ko narin yung reason kung bakit. Hahaha, well, about the 'BAKIT'. Hahaha. Finally. Sa mga nangyari daw. Okay. Alam kong kasalanan ko, pero.. Again, past is past. Di ko na dapat alalahanin. Baka mashake na naman ako. :) Kahit anong mangyari, kahit may natitira parin akong pagmamahal para sakanya, papanindigan ko na 'to. Strong naman ako e. Carry lang. Haha. I love you, Saaaaaab. :*
No comments:
Post a Comment