Sunday, February 19, 2012

Make a Move, Make a Stand

Oh ehm gee. This is severely madness, I’m so sick na naman. Colds, runny nose and coughs. Gosh. Can’t help but to cry my condition out. Ang ayoko sa lahat, yung nagkakasakit ako. Every weekend pa, hala naman. Ano bang mali sa sistema ko ngayon? Ano na namang nangyayari sa immune system ko? Huhu. Dati naman, strong ako e. Di ako dinadapuan nang kahit anong sakit. Pero bakit ngayon. Hala. Anong nangyayari sa mundo ko? Kung kelan naman ako naging strong emotionally, tsaka naman lalong naging physically weak. Ayoko nang magkasakit. Duh. Am I abusing my health na nga ba?

Deprived from sleep, sobrang anorexic ko na ba talaga, at nasosobrahan na daw ako sa payat pansin na pansin ni Mommy with my loose pambahay attire? Hala naman. Napapabayaan ko na nga ba ang aking sarili? Heck no. Di ako pwedeng maging tolerable sa sickness every now and then. Okay na ako sa emotional pain e, nakaget over na ko dun e. Well, sana naman.. Wag pati yung kalusugan ko diba. Gosh. Matapos lang talaga tong week na ‘to. Magsasaya na naman ako. Joke. Puro pagsasaya na nga lang yata ang nasa isip ko. Hinahanap hanap na ng katawan ko, tapos, reklamo pa ko ng reklamo ngayon, sa pagkakasakit ko. Lukaret talagang tunay. Hahaha. Bakit ba naman kasi o, sa dinami dami nang pwedeng gawin.. Lakwatsa ang naiisip ko. Lol. Ewan ko ba, dito lang naman ako nagiging masaya. Pero, kung kapalit naman nitong wagas na kaligayahang to, ehh. Yung pagkakagalit namin ng Mommy ko, titigil na muna pala ako. Huhu.

Srsly. Nalulungktot pala ako ngayon. Di kami nagpapansinan ni Mom, since this afternoon. Kasi naman, napagtaasan ko siya ng boses, di ko naman sinasadya ‘yun e. Sobrang sama lang talaga ng gising at pakiramdam ko. Shit. Yung ulo ko, kumikirot, di ako makapagsalita nang maayos nang dahil sa sipon at ubo ko. Tapos.. Hay nako. Nagsisisi ako. Pero kasi naman e, minsan ayoko lang talaga nang pinapakialaman yung diskarte ko sa buhay e. Ugh. Nasabon pa nga ako ng bonggang bongga kagabi. Sa sobrang kagustuhan kong mag-enjoy, magliwaliw at maglibang nang aking sarili.. Nagrounded tuloy ako. Nagkacurfew ako ng wala sa oras. Buhay nga naman o. Sige na, uuwi na ako ng maaga. Di nako hahangout, di na ko gagala. Ouch. Naiitindihan ko naman yun kapatid ko, sa pag-alis niya ng pag-alis every now and then. Wala namang masamang humangout with friends e. Pero, yun nga. Nakita ko nang I’m at fault nga talaga. Sorry naman, hinahanap hanap ko na talaga yung FUN e. Yung, liquor narin. Ohh. Halos every week pala, umiinom nako. Di ko namamalayan. Tolerable narin. Well, binibigyan ko lang naman nang kaluwagan at kasiyahan yung sarili ko. Di ko lang namamalayang, sobra sobra na pala. Marami na pala akong nakakalimutan sa aking mga obligations and responsibilities. Oh noes. Kasi naman e. Sorry, Mom. Kasi, nasagot kita. Di ko naman sinasadya e. Nadala lang din ng emotions. Pati nang sakit na nararamdaman ko paggising ko. Huhu.

Kaya naman, aayos na nga ako ngayong week e. Uuwi nako ng maaga. Aayusin ko na yung mga dapat kong ayusin. Sobrang dami ko na palang nakakalimutan. Well, di naman kasi talaga masayang magsaya e. Wag lang yung sobra sobra. Yung tipong, medaling araw nako umuuwi. Gosh. Oo nga pala. Hindi naman ako ganito dati e. Napabarkada lang kasi. Go lang ng go. Kahit saan, game kami. Kahit walang plano, nakalimutan kong mga estudyante palang nga pala kami. Paano kung napahamak kami sa mga pinupunthan namin? Oo nga’t may mga kasama kaming lalaki.. Pero, paano kapag nasa trouble na kami, maipagtatanggol ba kami nung mga yun? Hay. Si Mommy, ang daming sinasabi sakin. Oo nga naman. Heck, as much as possible, ayokong pakinggan siya. Pero tama naman e. Haay. Sa sobrang kagustuhan ko kasing mapasaya ulit yung sarili ko, yung mabuo ulit yung pagkatao ko, kailangan ko pang gumawa ng mga extremes. Too bad. Pero ayan, nakuha ko na nga pala yung peace of mind ko, ode sana ngayon, ayos nako diba. Sana naman. Kasi, nakakapagsising di kami okay ni Mommy ngayon, nang dahil sa katigasan ng ulo ko. Nang dahil sa pagiging suwail ko, nang dahil sa selfish decisions ko.

Feeling ko kasi, kayang kaya ko na yung sarili ko e. Na porket, di ako pinaghihigipitan, aabusuhin ko naman yung kabaitan niya. Shit. Nakokosensya nako. Sana maging okay na kami bukas. Aalis na naman ako, wala nga siyang ginawa, kundi iayos at sobrang lahat nang comfortable zones, binibigay niya samin e. Ano naman tong ginagawa ko? I’m so irresponsible. Nagiging brat na naman ako. Nagiging selfish na naman ako when it comes to my personal dealings.

Ugh. Sobrang nakakabadtrip. Gusto kong magwala. Nasaktan ko yung feelings ng Mommy ko, nang hindi ko naman sinasadya. Pero, di ko na magawang magsorry ngayon. Di kagaya dati, sobrang dali ko lang magsorry sakanya, pero bakit ngayon.. Di ko magawang kausapin or lapitan man lang siya. What is so wrong? What’s wrong with the world? Nagttransform na naman yata ako. Ugh. These things shouldn’t be happening. Peer pressure. Noooo. Okay, starting tomorrow, magpapakabait na ulit ako. Aalamin ko yung mga limits ko, when it comes to hanging out with my friends. Babawi din ako kay Mommy. Di ko hahayaang may sama siya ng loob sakin. Ang hirap e. Sobrang awkward.

Di ako sanay nang ganito kami. Tapos, sobrang tahimik niya lang din the whole day. Duh. Minsan na nga lang kami magkasama dito sa bahay, tapos ganito pa kami towards each other. Hala naman kasi, Adrienne e. Hindi nakakatuwa. Okay ka na nga diba, nahanap mo na yung sarili mo e. Ayusin mo naman yung character mo sa loob ng tahanan niyo. Okay? Learn to be just with all your dealings. Duh, ang childish mo parin masyado. Hello, malapit ka na pong magbirthday, di ka naman yata tumatanda e. Bumabata ka pa yata. Uhhh. Ayusin mo nga yang ugali mong yan. Wag masyadong mainit ang ulo, kalma lang. Wag hyper. Di nakakatuwa e. Tapos, di mo namamalayang nakakasakit ka na pala ng mga mahal mo sa buhay. Hoy, Ade. Naririnig mo ba yung sarili mo? Pwede ba. HAHAHAHAHA. Okay po. Copied. Understood.

Say hello to tomorrow. Monday na naman. Monday sickness. Good luck sa mga academic related stuffs na gagawin ko til Wednesday. Good night, blogger. Runny nose, please lang o. Makisama ka sakin bukas. Kung hindi talaga, magtutuos tayo ng bongga. Haha. Wag kang magreklamo diyan. Pagbutihan mo. Okay? 12:30 na, maaga ka pang gigising bukas. Good night na talaga.

Make a move, make a stand. Set your limits, be productive enough. Save your life.~

No comments:

Post a Comment