'Mas mabuti pang dahan dahan kang masanay sa mga bagay na alam mong unti-unti ding mawawala sa'yo. Kaysa, ipilit mo pa sa sarili mo na meron pa, kahit alam mong wala na.'
Ano na ang Status mo ngayon? '❒ Single ❒ Taken ✔ SINGLE, MASAYA, AT KONTENTO.' :)
Oh ehm gee. Alam mo yung may matinding pinagdadaanan? Haha. Ako alam ko 'yun, kasi naman, sobrang daming tao sa paligid ko ang namomoroblema tungkol sa mga buhay pag-ibig nila. Ako naman 'to, carry on. Palibhasa kasi, tapos na ko sa mga kaartehan 'yan e. Inaamin ko naman, namimiss ko parin siya at times, lalo na kapag may mga lovers akong nakikita na masayang magkasama, nagtatawanan, magkaholding hands, or yung mga magkatabi lang talaga, pero makikita mong masaya silang dalawa, kasi magkasama sila, kontento na sila sa ganun. Pero, ako? Ano, saan ko ilulugar yung sarili ko? Haha. Nakakatawa. Ang dami namang pwede d'yan o. Technically, free naman ako, Single naman talaga ako, pero mas pinipili ko paring mag-isa. Bakit ba kasi? Ehh. Kasi mahal mo pa? Ohh. Foul, mahal ko pa nga ba? Well, di naman kagaya pa ng dati, kasi.. Siya na mismo yung gumawa ng paraan para tigilan ko yung pagmamahal ko sakanya e. Haha. Enough, pero kasi.. Kahit alam kong, maraming naghihintay, maraming pwedeng magmahal sakin, ayoko. Kasi, magiging unfair ako. Sabi nga nila, masamang gumamit ng tao, para makapagmove ka lang completely e. Di ba? Mas masarap sa pakiramdam, and syempre, mas malinis sa konsensya mo kung makakapag move on ka na sa sarili mo lang.
Oo kaya, alam ko, sobrang hirap nang pinagdadaanan ko ngayon. Yung tipong, lalabanan mo lahat ng pagsubok sa buhay mo, maraming temptations, maraming gustong sumingit at umepal sa journey kong ito. Pero heto ako, carry on. Kinakaya nang sa sarili ko lang. Ang dami dami ko nang 'adventures' na pinagdaanan sa loob ng humigit kumulang isang buwan. February 27 na ngayon. Tapos, kinabukasan 28 na. Kasabay ng pagpatak ng araw na 'yun, gugunitian kong.. 'One Month na akong Single!' Mabuhay ako, mabuhay tayo. Mabuhay ang mga single. Haha. Kung tatanungin mo ako ngayon, kung kamusta na nga ba ang puso ko, after ng mga lumipas na panahong, lumalaban ako sa buhay ko nang mag-isa, nang wala siya.. Eh, ito lang masasagot ko, kasi, eto naman talaga ang status ko ngayon.. "❒ Single ❒ Taken ✔ SINGLE, MASAYA, AT KONTENTO." :D. Ako'y Single, masaya at kontento sa buhay ko. Alam ko, awkward, kasi kapag idle ako. Namimiss ko parin siya, inaalala at iniisip ko parin yung mga panahong magkasama kami, masaya kami at nagmamahalan kaming dalawa. Pero, may malaking kaibahan yung noon sa ngayon. Noong unang mga araw, sobrang in despair ako, sobrang struggle, di makatulog sa gabi, hirap na hirap magmove on, kaya ko pa ba? Haha, nakakabaliw na tanong ko sa sarili ko. Kaya ko ba ng wala siya? :)) Hanggang sa lumipas ang isang linggo, dalawang linggo. tatlong linggo, at bukas.. Isang buwan na. Ginawa ko lahat ng pwede kong gawin para kalimutan siya. Para kalimutan yung mga sakit na naidulot niya sa akin, sa puso ko. Oo, shit lang. Napakahirap. Lalo na't, siya yung kasama mo sa loob ng halos isang taon. Siya yung naging boyfirend, bestfriend at 'Kuya' ko narin at the same time, 1st year College hanggang ngayon 2nd year College, masarap sa feeling. Nakakagaan ng pakiramdam, balikan yung mga alaalala namin together, sa totoo lang, namimiss ko na naman siya, habang 'eto, nagsusulat ako ngayon. Kasi, after a long time. Nagparamdam siya o. Nagulat ako. Nangiti naman ako. '@saaberry buhay pa ba smart mo? pwede matawagan?' Pero, heeep. Hanggang diyan nalang 'yun. :)
Di naman porket inentertain mo, ibig sabihin nun, may feelings ka na e. Hindi lang talaga ako mapagtanim ng galit. :) Past is past nga e. Sa loob ng isang buwan, nakita ko yung progress ko, kaya ko naman pala e. Kinaya ko. Para sa sarili ko, kasi kailangan ko. Kung hahayaan ko lang yung sarili kong malugmok for eternity nang dahil sa kalungkutan kong 'hindi na kami'. Aba, kawawa naman ako forever, mahal ko naman yung sarili ko noh. More than anyone else, kaya.. Tumayo ulit ako. At hanggang ngayon, inaassess ko parin sa sarili kong 'strong ako'. Akala ko lang, weak ako. Kasi, dinepende ko yung sarili ko sakanya, masyado akong nasanay na nandiyan siya lagi, para sapuhin ako sa tuwing magkakaproblema ako, sa tuwing iiyak ako, nandyan siya para patahanin ako. Sa tuwing magkakaroon ako ng problema sa pamilya't mga kaibigan ko, nandyan siya para makinig.. Hanggang sa nawala siya. Nawala yung init ng pagmamahal niya sakin. Hanggang sa nagising ako sa katotohanang 'hindi siya forever na nasa tabi ko lang'. I have to stand with my own two feet. I have to make a stand, I have to make a move, I have to be independent. Hindi yung lagi lang akong nakaasa, nakadepende at nakasandal sakanya. Ginawa ko siyang sandigan at haligi ko e. Pero paano nalang pala kung wala na siya di ba? Ayan. Hanggang sa ngayon, napatunayan kong.. 'Strong naman pala ako e.'
Strong talaga ako. Kasi, nakayanan ko. Kinaya ko. At patuloy kong kakayaning harapin lahat ng pagsubok na darating pa sa buhay ko. Mabuti nga, ganun lang yung 'pain' na naramdaman ko e. Iniisip ko nalang, paano pa kaya yung ibang taong mas grave yung problemang pinagdadaanan? Ganito kababaw. Oo nga siguro, mababaw, pero. Hindi yun para panghinayaan ako ng loob at lakas. Alam kong kaya ko. Malaki ang tiwala ko sa sarili kong kaya ko. Kaya naman, patuloy parin akong lumalaban at bumabangon mula sa pagkakahandusay ko, mula sa masalimot na bangungot na 'yun.. :) Kung dati, hindi ko maisip nang wala siya, kung paano ako.. Iniisip ko yung Valentine's Day noon, paano ako? Paano? Haha. Ngayon, natatawa nalang ako. Naovercome ko yung 'event' na yun. Oo, umiyak ako. Nasaktan ako, inaamin ko. Di ko naman tinatago at dinedeny yun e. Masakit e, iniyak ko. Nilabas ko lang lahat, hanggang sa dumating yung time na 'Okay na ako.' Okay na sakin ang lahat, kahit pag baligtad baligtarin pa natin ang mundo.. Alam ko sa sarili kong. 'Hindi na 'pwede'. Hindi ko naman kasi isusuko yung laban, kung may ipinaglalaban pa ako e. Kaya lang, nakita't naramdaman kong.. Lumalaban nalang pala ako para sa sarili ko. Hindi naman niya ako binack-ap-an. Para saan pa yung pakikipaglaban ko di ba? Haha. Isang buwan.
Isang buwan na akong namumuhay mag-isa ngayon. Patuloy na kumakayod para sa aking sarili. Para sa mga taong nagtitiwala sa akin na kaya ko. Para sa mga taong patuloy na nagmamahal sa akin, kahit nagiging paulit ulit na ako. Para sa mga taong patuloy akong iniintindi. At higit sa lahat, para sa sarili ko. Para sarili ko naman yung buuin ko, alagaan ko ng husto, i-preserve ko, at i-ready ko, hanggang sa dumating yung time na masasabi ko sa sarili kong.. 'Handa na ulit akong magmahal, and by that time, alam kong.. Sobrang sarap ko nang magmahal nun.' Hahaha. Sorry nalang kay recent beloved, kasi.. Kung kelan naman nag-bloom yung pagmamahal ko sakanya, kung kelan naman ready na akong mag-all out, tsaka niya pinatalbog yung bola. Ayon tuloy, hindi ko nasalo. :) Pero, life must go on. Hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob e. Sakin, okay na ako ngayon, no hard feelings. Ayoko naring pag-usapan pa yung nakaraan, kasi hindi naman na yun importante pa, that won't change anything naman na e. Ang mahalaga lang is.. Happy ako. At sana ganun din siya. Willing naman akong tulungan siya, every time na may problem siya e, kasi.. After all, friends parin naman kami. :) Sana lang, hindi siya maghesitate na lumapit sakin. Kagaya kanina, malaking bagay na 'yun. Willing naman akong makinig. :) Dahil hindi naman bato ang puso ko. :)
Hindi ko namang hahayaang maovercome ng hatred yung natitirang 'care' ko para sa taong 'yun. Hindi naman ako masamang tao. Again, life must go on. Pwedeng kalimutan lahat lahat ng pain as much as possible, itapon nalang lahat, alam ko mahirap makalimot, pero madali namang magpatawad e. Pero, paano nga ba ako magpapatawad, kung wala namang nanghihingi ng kapatawaran ko? Haha. Funny. Pero dahil nga, life must go on ang peg ko, 'Carry on lang'. Hindi naman ibig sabihin na natapos na ang lahat sa inyo, tatapusin mo narin, pati pagkakaibigan niyo. Maaaring tapos na yung page natin bilang lovers. Pero, pwede parin namang maging mag kaibigan di ba? :) Ayoko lang kasi ng may kaaway or kasamaan ng loob. Enough na sakin yung time na binigay ko para sa sarili ko, para sana sa Part Two pa. Chapter 2 na, Strangers tayo di ba? :) Wag namang Friendship Over. Haha. :)
No comments:
Post a Comment