August 14 2012 (Tuesday)
One Month. One Week. Three Days.
I guess I'm starting to hate Tuesdays. Our forever is over. Oo nga pala. Single na ako ngayon. Tapos na yung times na in a relationship pa ako. Parang kelan lang. Parang kahapon lang masaya pa kong inaalala na mahal ko si Zaf. Then I woke up this day.. And everything will end soon narin pala agad. It just ended so soon. Why gone to soon? As much as I want to feel pain. The hurt? Why is that I can't feel anything? I miss him. I just want to be with him. Onga. Nawala sa isip kong it's all my fault din pala why we ended up this way. "Gusto ko lang naman mawala yung sakit na nararamdaman ko." Mashado kong nagpadalos dalos.. Di ko na inisip yung nararamdaman niya. Insensitive din ako. Akala ko it was him whose damn insensitive pero in reality.. Ako pa talaga. Ako talaga yung may kasalanan. In the first place di ko siya dapat sisihin. Wala ako sa lugar para sisihin siya. Pero wala akong magagawa. I was a dumb ass. I was just carried away by my feelings as well. Punung puno ako ng galit at tampo sa puso ko. Pakiramdam ko naman kasi wala siyang pakialam sakin.. Pero di ko na naisip na he's feeling guilty na he failed to do something for me that night. If only I contained back my feelings. Kung sana pinalamig ko man lang yung situation.. Ode sana di kami magkakaganito. Di kami hahantong sa breakup.
Di naman breakup ang tanging option sa lahat ng bagay na pinagdadaanan namin e. It's just weird. Why this soon? Bakit sa una palang susuko na kami agad? Susuko na siya agad? (Tears falling) Ang hirap i-contain. Ang hirap itago na hindi ako nasasaktan. Na hindi ako umiiyak. Na okay lang sakin yung nangyari.. When in reality hindi naman talaga. Sobrang nahihirapan ako. Sobrang nagdurusa ako. I maybe smiling outside but inside I'm dying. Kung alam niya lang kung ano yung gusto ko talaga sabihin that night. Kung pwede ko lang sanang ibalik pa yung oras. Kung sana nanahimik nalang ako at naghintay sa pag-approach niya. "Hangga't maaga pa tapusin na natin yung sakit na nararamdaman natin. Believe me it's for the best." Siguro nga. Hangga't di pa completely malalim yung naiinvest kong feelings for him. Halos two months palang naman e. Actually wala pa two months e. Mas matagal pa yung getting to know each other stage namin kesa sa relasyon namin.
"Easy come. Easy go." Pero naniniwala naman akong.. Even good things come to an end. Masakit lang tanggapin na.. Kung kelan akala ko things will work out perfectly na. Kung kelan inakala kong siya na talaga. Kung kelan nakaramdam ako ng something.. This 'thing' na di ko naramdaman noon. Maybe because there's 'something' that we did na.. Di ko alam kung pagsisisihan ko ba for the rest of my life or ikakatutuwa. Sobrang di ko alam. (Ngayon. Di ko mapigilan yung pagpatak ng mga luha ko.) Sa maikling panahon naparamdam niya sa akin na minamahal ako. At yun nga. I was damn happy as well cause I was able to prove myself that I can love a person unconditionally. Maybe? Love isn't just enough. Siguro kung mas hinabaan ko pa yung patience ko.. Siguro kung nagtyaga ako. Siguro kung nagshut up nalang talaga ako.. Wala akong intindihin ngayon. Walang masakit sakin. Walang masakit na puso. Wala. Pero hindi ko nagawa. :(
Nasa huli nga talaga ang pag-iisip. Napapatulala nalang ako sa mga nangyayari. Unti unti na kasing nagsisink sa akin lahat nang nangyari. Bakit kung kelan naman nagpapakaseryoso na ako sa relationship chaka ako makakaramdam ng unfairness sa relationship? Yung feeling na.. I was just used. Pero.. Dahil nga siguro narerealize kong kasalanan ko naman at ang pinag-ugatan ng di niya pagpansin sakin is yung kagustuhan ko. Pinipilit ko parin yung gusto ko.. Ang immature ko talaga. Pero ang problema. Parehas kaming ganun. Sinabayan ko pa siya. Parehas kaming nagdecide on the peak of our emotions. Ang hirap bawiin kasi parehas niyong nasabi yung masasakit na salita. "Hindi ko na mababawi lahat ng mga salitang binitiwan ko. Hindi ba't ikaw narin ang nagpasya at siyang unang umiwas?"
Pero wala talaga akong magawa ngayon. Forever nganga. Nang dahil sa pride ko. Heartbroken ako ngayon. :( Sabi na nga ba't nung sa simula pa lang nakinig na ako sa mga kaibigan at magulang ko.. Hindi ako makakaramdam ng ganito ngayon.
No comments:
Post a Comment