February 17, 2012- 11:11PM, with my wish on air. Cloud9, Antipolo City. ♥
CLOUD9, Antipolo City and Persian Kabab~ With TROPA: Terence, Meg, Nyny, Kyle, Jessie, Diego and Cedjap. From 4pm til 1am magkakasama kami. 4 hours all in all na napakasayang roadtrip. :) Sobrang biglaan, pero.. Saksakan naman ng saya. Akalain mong nagkasya kaming 8 sa Honda civic ni Kyle? Imagine, kung paano namin binali bali yung mga katawan natin magkasya lang dun. Haha. Well, walang problema sakin, nakakandong lang naman ako e. Tsaka, mahilig at sanay naman ako sa masikip na mga lugar. Haha. Oh ehm gee. 3 consecutive nights na akong umuwi ng medaling araw, well, sobrang wala naman akong pinagsisisihan, kasi nag-eenjoy naman talaga ako, I have to admit na, sobrang nakakatulong ‘to, para mabuo ka na muli ng tuluyan yung sarili ko, yung pagkatao kong feeling ko, medyo nawaglit ng panandalian sa akin. Heeep. Arte. Haha.
Friday is TROPA Day, time para mag-unwind, para uminom at magbonding. Every weekend na pala akong umiinom, di ko namamalayan. Haha. Stress reliever, samahan mo ng shisha at company ng mga taong ‘to, ng aking mga kaibigan na talaga namang nakakapagpasaya sa akin ng wagas. Nakakalimutan ko na talagang may mabigat akong pinagdadaanan e. Akalain mo ‘yun, sa tulong nila, wala pang isang buwan, masasabi kong, ‘medyo’ buo na ulit ako. Well, di pa naman completely, pero halfway siguro. Sobrang biglaang lakad lang ‘to. Adventure pa nga e, swear. Promise. Kasi, sobrang wala talaga ‘to sa mga plano naming for today, ang plano lang is.. Manlilibre si Kyle sa Persian Kabab sa Tomas Morato. Ngayon, sa kalaliman ng gabi, nag-eemote ako kasama sila. Samahan mo pa ng Coors. Joke lang, hindi talaga tunay na emote, sinusulit ko lang yung view. Sobrang peaceful e. Ang daya ko lang talaga, knowing na malamig nga, at medyo umaambon, naka-jacket ako. Biglang nag-detach sa usapan nila ngayon. Feel kong magsulat e. Talaga naman o. Ugaling ugali ko ‘to. Ewan, pero.. I find peace and happiness sa ginagawa kong ‘to. At ngayon, lalo pang lumalakas yung buhos ng ulan. Ewan ko ba. Kung dati, yung ulan, napapalungkot ako, ngayon.. Sobrang nakakakita ako ng hope. Kasi, naniniwala ako, pagkatapos ng bawat pagbuhos ng matinding ulan, makakakita parin ako ng bahagharing dulot nito.
Pakonti narin ng pakonti yung mga tao sa paligid namin ngayon. Yung view dito sa Cloud9, lalo ko tuloy naaappreciate. Weird, pero I told myself earlier, pagkabang pagkababa namin ng car, at pagkatapos makahingi ng aking mga binti. ‘I so missed this place, like hell. Yea, it has been more than a year.’ Sabay hinga nang malalim, haay. MEMORIES. The fact na, sobrang tiniis naming magsiksikan sa loob ng Civic ni Kyle, imagine, 8 kaming lahat. ‘Di namin alam nung una kung paano kami magsisiksikan at magkakasya sa loob. Duh, overloaded nga kami. Sobrang saya naman namin sa loob. Kahit, sobrang nahihirapan kami sa mga pwesto naming, parang hindi na makahingi, patong pato na sa loob. Okay parin, kahit umuulan, kahit traffic, kahit maraming humps sa daan. Kahit sobrang taas ng Cloud9 sa Antipolo, tinuloy parin namin, magkakasama lang kami. Okay na ang lahat. Nangako ako sa sarili kong, ‘After 3 years, dito ko sasagutin yung susunod kong magiging karelasyon’. Sobrang positive vibes and energy lang ang lahat, makikita mo yung beauty nang lahat ng bagay, lalo ko tuloy naisip na, wala namang ‘evil’ sa mundo e. Sobrang peaceful and tranquil lang nang lahat. Wala nakong mahihiling pa. Sabayan mo pa ng mga nanghaharana. Gosh, oo. Isa pang weird na pangyayari. Kasabay ng 3 consecutive nights na pag-uwi ko nang medaling araw, 3 consecutive nights ko narin naririnig yung kantang.. ‘Forevermore’. You were just the dream that once knew, never thought I would be right for you, I just can’t compare you with anything in this world, you’re all I need to be here in forevermore. Haay. Again, memories. :”>
Ang sarap alalahanin, lalo na nung debut ko. Kanta niya yun sakin e. Nung pinresent niya yung heart shaped necklace na gift niya nun sakin. Wala lang, naalala ko lang. Ang heartwarming alalahanin, sobrang gandang memory, pero… Hanggang dun na lang ‘yun. Alam ko namang, kahit kailan, hindi na ulit yun mauulit. Kaya nga tayo gumagawa ng mabubuting memories diba, hindi para panghinayangan, kung hindi.. Para sa mga panahong nalulungkot tayo, tapos maaalala natin yung mga ‘yun.. Sasaya na ulit tayo. Muntikan pa nga akong maiyak e. Habang kinakanta nung mga nanghaharana yung kantang ‘yun. Kahit sa loob ng kotse ni Kyle kanina. Habang naglalaro kami ng dugtungan song, at sabay sabay nilang kinanta ‘yun.. Binalot ko lang yung mukha ko sa loob ng jacket ko. Can’t help myself, but to remember that night e. Night of my debut. There’s still a little pain inside of me, pero.. Again, gaya nga ng sabi ko about memories, ngumiti nalang ulit ako. At nakisabay kumanta sakanila, hindi naman ako dapat malungkot at maapektuhan pa e. Part nalang naman yun nang memories e. Pwedeng alalahanin anytime, pero, hindi dapat pagsisihan. Aminin ko man at sa hindi. Napasaya ako nung mumunting mga alaala kong ito ngayon.. Dati. :)
Smile ulit, inaliw ko nalang yung sarili ko kasama tong mga kaibigan ko. Sa ngayon, sila nalang muna yung magsisilbing second inspiration ko, prior to my family, ayan. Complete na naman ako.
Oo nga noh. Sinabi ko kanina, 3 years from now. Nagbigay na naman ako ng particular time. Pero, malay ko ba, hindi naman ako certain kung kelan ulit titibok yung puso ko e. Pero, as much as possible, gusto ko, wag muna siyang dating, 3 years from now nalang sana. Kasi, kung darating na siya ngayon, hindi pa ako ready. Paghahandaan ko muna nang mabuti yung pagdating niya, para pag nandyan na siya sa harap ko, maging sobrang okay na yung lahat. Wala nang maging problema nor pit stops pa. ‘Si Adrienne nag-eemo o.’ Biglang napukaw yung attention ko, napatigil ako sa pagsusulat. Si Terence kasi e. Well, I know, ito lang talaga yung pinaka perfect timing para maglabas ako ng lahat ng natitira pang remnants niya sa puso ko e. Kasabay nang malalakas na patak ng ulan, pakakawalan ko narin ng buong buo yung natitirang nararamdaman ko sakanya.
Panahon na para iwaksi ko ‘to lahat. Sobrang masaya lang din naman ako today, kasi.. Feeling ko, nakuha ko na yung peace of mind na hinahanap ko. Ang miracle nga naman o. Ay blessings pala, it comes in multitude. Natutuwa lang ako, kasi parang sobrang bilis akong pakinggan at dinggin ni Lord. Sinagot na niya yung sign ko. My purpose of doing that thing last night. Ito na talaga ‘yun. Time to relax, yea. Although, di naman talaga ako nageexpect ng reply from him. Nagreply siya kaninang 3pm, ‘How’s everything?’ ‘Okay naman ako. Medyo di makafocus kasi nai-emo palagi. Ikaw? I heard my friends see you with a guy most of the time. Sino namang swerte yun? Haha. Miss you.’ Well, I think ito na ‘yun. Positivity. Ito lang naman yung hinihintay ko e. Makatanggap ng confirmation, I did the first step na.. Para malaman kung ano na ba talaga. Stage of Acceptance na ako. Although, hindi pa completely, pero malapit na. At masaya ako dun. Well, I guess, kahit hindi naman na kami mag-usap pa face to face, maayos na yung nakuha kong sagot e. Wala nang halo ng kung ano pa man. Maayos na yung pakiramdam ko. Feeling ko, nabreak na yung wall. Yung awkwardness between us. Though di ko pa rin masasabi, kasi.. Di pa kami okay personally. Pero. I’d like to say na, oo. Ayoko nang pahirapan pa yung sarili ko e.
Nasagot ko na yung mga katanungan sa isipan ko. Well, I guess, I can consider this as a sign of ‘peace of mind’ na. Sobrang masaya ako. Kasi, okay na yung lahat. Oo nga, medyo mababaw, pero.. Kung iisipin mo, hindi para sakin. Sakto lang ang lahat. Everything is so timely. Just in the right time. Nothing to worry about anymore. Let’s put it into reality. Make it literal na. Since, nakabalik na ulit ako sa lugar na ‘to. Dito sa Cloud9, kung saan una akong nainlove at nakakita nang tunay na kapayapaan at katahimikan, yung feeling ko rin.. Cloud9 na. Sobrang fulfilling. Masaya ako, kasi.. Hindi lang ako yung masaya. Pati yung mga tao sa paligid ko, yung mga kaibigan ko. Nakauwi kami ng safe lahat, although sobrang pagod. At karamihan sa amin, may NSTP pa bukas. Sina Jessie, Cedjap, Meg and Jinny. Sa pagiging sobrang safe driver ni Kyle. Sa mga balikat ni Jessie, ako'y muntik makatulog. Naihatid namin si Cedjap sa bahay ni Louie, si Terence sa Vista Verde, si Meg sakanyang dorm sa may Lacson, ako sa condo sa Grown Galleria, si Jessie at Nyny sa mga dorm nila sa may Espana. :) Hay. Sobrang the best nang araw na 'to. :)Well, sana siya rin.. Masaya na. Sana alam parin niya kung paano ngumiti, kahit wala na ako sa piling niya. Sana alam parin niya kung paano magmahal, kahit alam kong hindi na ako yung minamahal at mamamahalin niya. At sana, kahit ‘strangers’ na kami ngayon para sa isa’t isa, dumating parin yung time na, magiging ‘friends’ kami ulit. Yun nalang yung hihilingin ko para sa February 29. :)
Importante sa akin ang pagpatak ng February 29, pero.. Hindi ko muna iiispoil sa’yo yun ngayon, Blogger. Maexcite ka. Hihi. Excited tuloy ako bigla para sa birthday ko. Haha. Ilang linggo nalang ang hihintayin ko. Maiintindihan ko narin ang lahat. Konting konti nalang. Can't wait. Woooh.
No comments:
Post a Comment