Sunday, December 4, 2011

Loneliness with Unworthiness

Don't give me reasons to look for another.

Sobrang lungkot ko lang talaga today. Idk why. :( Kagabi pa ko nalulungkot e. Simula nung naiyak ako, dahil sobrang feeling worthless and unwanted ako. Napaisip rin ako bigla, hindi kaya dahil sa sobrang dami ko nang iniisip, kaya ako nakakaramdam ng ganito? :( Sobrang daming tao ko nang tinutulungan, naabsorbed ko narin yung mga problems nila, that's why ngayon, sobrang namomroblema narin ako? Haay. I've been trying to convince myself na, okay lang ako. That there's nothing wrong with me, I am alright, and I can make things right. Grabe. So sobrang kagustuhan ko yatang maging masaya this Yuletide Season, nakalimutan kong.. 'Namamatay na nga pala ako ng unti-unti.' I can't bear with this pain and feeling inside of me anymore. :( Bigla akong napaisip, I've been trying to tell myself na 'masaya ako'. Masaya naman nga talaga ako sa tuwing kasama ko siya, hindi naman sa sinasabi kong.. Nagkukulang siya, pero mga mga instances na.. Hindi ko maintindihan kung bakit feeling ko, sobrang worthless na tao ako sa kanya? That.. I'm just another second brand x option? Well, hindi naman sa nagddrama ako or whatsoever, it's just that, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Sobrang bigat na kasi talaga nung damdamin ko e. I don't know where I actually stand. Feeling ko, palagi nalang akong mag-isa, well, nandyan naman for me yung mga friends ko, all the time. As in all the time, pero may hinahanap talaga ako e. :(

Siguro nga, dahil sobrang dami nang nagbago, sobrang constant yung 'change'. Hindi ko na madistinguish or maintindihan yung mga nangyayari, I really don't know kung ano na ba talaga ang dapat kong paniwalaan. It's as if, all these things are mere phantasms nalang e. I can't decipher his words, not even his actions. Sobrang confused na confused na talaga ako, I know, mahal ko siya. Pero di ko mapigilang mag-isip e, napapaisip ako sa napakaraming bagay na nagsasabi sa akin na.. Hindi na talaga dapat. Sobrang dami ng pagbabago, na hanggang 'friends' nalang kami, hindi na more than that. For ex-lovers cannot be friends anymore. Sheet. Ewan, ano na naman bang pinag sasasabi ko? Ang dami ko na namang alam e. Ewan, sa tuwing nasasaktan ako, at naghahanap ng kalinga, lambing at pag-aaruga, wala.. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak nalang. Ayokong umasa sa ibang tao, para ayusin at gamutin yung nararamdaman kong sakit, pero bakit naman ganun? Sa tuwing kailangan ko yung taong gusto kong gumamot sa akin, wala naman siya? Lagi nalang. Hindi na to bagong issue, sobrang lumang luma na. Pero nagiging big deal parin sa akin. Siguro kasi, masyado akong nag-eexpect, as in sobrang pag-eexpect. Ehhh. Naisip ko rin naman, sinanay niya kasi ako sa mga bagay na ganun.. Yung tipong sobrang sweet at laging nandyan for me, tapos.. Biglang ganito. Sino ba naman ang hindi magtataka o mahihiwagaan? :(

OMG. Hindi naman talaga sa nagddrama lang ako. Hindi naman sa gumagawa lang ako ng issue. Pero sobrang sumasabog na yung dibdib ko e. Lungkot na lungkot na talaga ako. Alam ko, maraming 'iba' na pwede akong pasayahin, pero mas sure ako na.. Hindi ako magiging kasing 'saya' na katulad ng ngayon, kung hindi ko siya itatake or irerecognize as my 'beloved'. Alam ko, sobrang sakit. Pero, minsan minsan na lang naman. Alam ko, kaya kong mag-endure na 'mas' masakit pa. Pero, hindi kaya.. Pinangungunahan lang ako ng puso ko? :( Sa ngayon, gusto ko nalang manahimik, kasi wala namang nangyayari. Yung mga sinasabi ko sakanya, mga sentiments na shinashare ko sakanya, tinatabla lang niya.. Masakit di ba? Pero.. Sheeeet. Ayoko na talaga. Ayoko nang umiyak pa. Sabi ko, kahit kailan man, hinding hindi na.. Pero siguro nga, dahil sa mahal na mahal ko siya, simpleng salita or kilos lang niya, masyado na akong naaapektuhan.. Eh wala e.. Mahal na mahal ko talaga. Sobrang lakas ng tama sakin.. Sobrang dagok to o. Sobra. As in, Idk. Mas malalim pa nga sa Marianas Trench e. Pero sa lahat lahat, ayoko lang talaga na tinuturing akong 'Generic'. Yung tinatawag mong 'my lady' yung ibang babae, tapos ako rin, tatawagin mo ng ganun? Oh di ba? Hindi ba't malaking sampal naman yung sa mukha kong maganda? :)) Ayoko kasi na sinasanay ako sa mga bagay na nakasanayan ko naman na talaga. Pagkatapos iibahin after some time. Nakakawindang lang. :( I need a hug. Emotional breakdown. Naiiyak ako ng walang sapat na dahilan. :'(

Sa mga panahong kailangan kita, wala ka naman. Hindi naman sa hinahanap hanap kita palagi.. Pero, ewan. Hindi ko alam.. :'( Well, Ako kasi yung tipo ng beloved na kapag naging seryoso na, hindi na iniisip yung ibang tao. :) Hay nako naman. Ayokong mag-ipon ng sama ng loob sakanya, ayokong magalit or mainis sakanya, kaya kinakalimutan ko nalang lahat ng mga bagay na ginagawa or sinasabi niya, na sobrang nakakasakit sakin. As much as possible, iniintindi ko lahat, kasi ang gusto ko.. Masaya lang kami palagi. Ayokong tablahin niya ako, sabayan niya ako sa mga drama ko, at mas lalo't higit pag salitaan ako ng mga mabibigat at masasakit na salita, I have to admit, ginagawa ko naman yung sometimes, pero after a while, nawawala narin naman.. Sobrang nasasaktan lang ako, kaya naglalabas ako ng mga hinanakit ko. :( Sana noon palang pinakita mo na sakin kung 'ano ka naman' talaga. Di ba? Hindi ako ganun, hindi ako nag-aask or nagrarant for more, pero sabi ko nga sa mga kaibigan ko, my weakness is a guy's sweetness. Sobrang madali akong nakukuha sa ganun. Pero kahit naman ngayon na maraming lalaking nagiging sweet sa kin, at nag-eeffort ng todo todo, iba parin yung gusto ng puso ko.. Pero minsan, hindi ko mapigilang mag-isip.. Pero hindi. Alam ko masaya ko sa'yo.. Sabi ko nga sa mga kaibigan ko.. Masaya ako. Sobra, yung tipong kapag kasama ko siya, wala na akong hahanapin pang iba. Kuntento na akong, magkatabi kami, kahit wala naman talagang pinag-uusapan. Ang mahalaga, kasama ko siya.. Masaya nako dun. :)

Loneliness with unworthiness: Hindi ako manhid. Sadyang babae lang talaga ako. I hate explaining myself to people na, closed minded naman at firsthand. Sobrang pagod na pagod na ako, pero dahil nga mahal ko siya.. Go parin ako ng go. Haha. :)) Spell katangahan? Adrienne? Haha. Ewan, hindi ako gigive up, hangga't alam kong, hindi parin sumusuko yung love namin sa isa't isa. Pero pangako, once na nangyari yun, mas mabilis pa kay Speedo, bibitiw ako. :) Pero dahil sa alam ko namang, hindi yun mangyayari.. Hold on parin ako. Kasi dito ako masaya. Masaya ako kahit minsan sobrang sakit na.. :) Ang importante naman, masaya masaya yung puso ko, sa tuwing kasama ko siya. At alam ko, walang ibang tao ang kayang pantayan yun.. :)

*EHHH BAKIT KASI ANG EMO KO NGAYON?*

No comments:

Post a Comment