Thursday, December 8, 2011

All I want for Christmas is YOU

All I want for Christmas is YOU.

Before I start with my review for my oh so pa-major subject, ang BIO na Mr. Olivar, well, enough I should stop from giving my side comments na pala.. Kasi unti-unti, parang feeling ko, nagiging close na kami ni Sir Olivar. Well, sabi ng girlfriends ko, unti unti, mawawala narin daw yung pagkainis ko sakanya, at magbabago na yung pagtingin ko sakanya, kasi makikilala ko na yung tunay na siya.. :) I was with V, and Meg kanina, after our Stat quiz, then he passed by.. Nakipagkwentuhan muna sa amin, and then he said.. He feels like, I'm hot. Haha. Syempre, yung body temperature. :)) Pero siguro nga. Ang galing namang makavibes ni Sir. Nilalamig ako.. Kasi super kapal nung suot kong jacket, eh yung mga tao sa paligid ko, naiinitan. Haha. =)) Anyway, sobrang weird, kasi may sakit na naman ako ngayon. Grabe, hindi pa nga ako gumagaling sa muti-sickness meron ako last week, nagkasakit na naman ako ngayon. Omg. Sobrang lakas kaya ng immune system ko before, what the fuck happened to me now? Huhu.

Napaisip na naman ako. Hindi kaya, dahil 'to sa 'matinding' karamdaman na meron ako ngayon, kaya.. Sobrang bilis ko nang magkaroon ng complications.. Na kung before, super once in a bluemoon lang ako kung magkasakit, eh.. Ngayon sobrang often na. As in like, weekly na. Hay, wag naman sana. Umiinom naman ako ng gamot ko sa takdang oras e, and I believe I am living my life the healthy way na ulit. :)) Hindi narin ako masyadong stressed, kasi sobrang daming reasons para maging masaya ako, and sobrang daming tao ang nagmomotivate sakin, para iview ang life, the way how I view it since then.. Wala lang, ang alam ko ngayon, kahit sobrang daming changes ang nangyayari sa buhay ko, well, changes in the sense na.. I'm going back to the 'old' me, na super 'better', compared sa mga previous months, masaya naman ako. And pati yung parents and friends ko for me.. Kailangan ko lang pala talagang ibalanced ang buhay ko. Sobrang systematized and organized na kasi ulit ng buhay ko, plus.. Now, I've learned na, innate naman talaga ang stress sa life, meaning, we cannot avoid them from coming, but we can surely prevent them from attacking us.. :) Magaling naman akong umiwas e. May shield naman ako e. Yun nga lang, sa sakit.. Parang nawawala na.. Haha. Pero okay lang. Tuloy parin ang buhay. Bawal malungkot. 16 days to go nalang naman e. :>

May naisip ako, habang papalapit na nang papalapit ang Christmas. :> Sasabihin ko kay Santa Claus, isa lang naman talaga ang gusto kong matanggap na gift e. Well, gusto kong ipakita sakanya yung picture mo, para alam niya kung sino yung ibibigay niya sakin, para sa future ko. :"> (Ang corny ko na naman, ganito talaga ko, kapag may sakit e. Sobrang daming alam na kaweirduhan. Haha, kung anu-ano pumapasok sa isip ko) Anyway, time first. Kaartehan ko lang 'to. Haha, eto talaga yun e. Wednesday, feeling ko. Sobrang happy ko.. Kasi naman, kahit for an hour lang, na breakfast together with my Honeybee, naramdaman ko na.. Parang for a lifetime na yung kasiyahan ko. :)) Sounds weird and corny, pero... Eto naman talaga yung gusto ko e. Eto yung sobrang tagal ko nang pinapangarap na relationship. Yung, wala masyadong commitment, semi-single, semi-taken. :) Studies yung kahati syempre, hindi naman ibang lalaki. :)) Sobrang free ako to express what I truly feel, kasi so sobrang tagal ng panahon, ngayon lang ako nagkalakas ng loob sabihin sa mga 'trusted' friends ko yung nararamdaman ko talaga, and sa kanila ko lang talaga na feel na, sobrang concerned and maiintindihan nila talaga ako, no matter what, kasi nga friends ko sila. As in, 'super friends', sabi nga ni Jinny. :)

Sa loob ng isang oras or less pa nga yata.. Nagawa kong magdasal sa chapel, pumunta ng main building para sa reaction paper ko sa SCL 3, at makasama siyang magbreakfast. :) Grabe, sobrang saya ko lang.. At kinikilig ako, well, hindi dahil ngumiti at nagwave sakin si Dobee, na super crush ko sa 4PHL, retreat kasi nila.. Kaya mawawala si Sir Bernardo for 2 consecutive meetings. Haha, segway na naman ako. Pero, it's all because of him, kung hindi ko naexpress yung pagkakilig ko nung Tuesday ng dahil sa kanya, sa harap ng mga kaklase kong babae, well at least, ngayong kasama ko siya, napapakita kong kinikilig ako. Haha, akala lang niya, dahil sa ibang tao, pero ang totoo talaga.. Dahil sakanya yun. Cause he's giving me so many reasons to love him more. He's being career-oriented na, inuuna na niya yung studies niya, as his real priority as a student, well, I believe, ginagawa naman yun for the future e. :)) Kinikilig ako, kasi naiisip ko, nung nag-uusap kami sa library, na after a few years.. Sobrang stable na ang lahat, wala nakong iisipin pa.. Di ba? Accountant yung future husband ko? :""> Ehhh. Kinikilig lang talaga ako. Sobrang matagal ko nang gustong makita sa isang lalaki yung ganun e. I mean, sa boyfriend ko. Sabi ko nga kasi, 'mature love' na ang meron ako for him. Imagine, 18 years old na ko, legal age. :)) Ano naman di ba? Feeling ko, sobrang tanda ko na. Para magsalita ng mga ganitong bagay. Haha. Pero, hindi. Wala talaga. :)) Sobrang nafflatter lang ako.. Kasi gusto ko talaga sa isang lalaki, yung 'career-oriented' kasi para sa future naman yun e. Kaya kahit hindi ako ang priority, ang mahalaga.. Yung studies namin parehas. :) And sobrang masayang masaya nako dun. :)

Wala na akong pakialam sa ibang lalaki dyan. :)) Ang mahalaga sakin ngayon, ay ikaw.. At ako.. Kung ano man ang meron sa atin ngayon. :)) Kasi, hindi ko ba talaga alam kung ano ang meron, at sobrang mahal na mahal kitaaaa :))


*EH BAKIT KASI SOBRANG KINIKILIG AKO, AT BAKIT KASI SOBRANG MAHAL KITA?* :"""">

No comments:

Post a Comment