December 3.
Saturday ngayon? Ano naman. Haha. Hindi ako makatulog last night, seriously. Sobrang sama ng pakiramdam ko, mixed illnesses nga e, severe colds, runny and clogged nose, sore throat, cramps and dysmenorrhea, kagabi yan, oh well, kaninang madaling araw pala. Pero dagdagan mo ng swollen tonsillitis and dry coughs ngayon. :)) Ehh. Nakakainis lang talaga, sobrang exhausted ko kaya this whole week, pero.. Sige parin ako ng sige. Strong nga kasi ako.. (Sabi ko. Kahit, nagrereklamo yung katawan ko. Kumokontra, ang liar ko raw. Weak naman talaga ako) Haha. Wala lang, hindi lang talaga ako tolerable sa mga sakit, ang alam ko kasi, malakas yung immune system ko e, kaya sobrang seldom lang ako magkasakit. And, and.. Bawal kasing magkasakit sa mga panahong ito. December e. Hindi ko makokompletong super saya yung Yuletide Season ko, kung magkakasakit ako. :))
Anyway, past 1AM na, di parin ako nakakatulog. Omg. Ano bang meron, ano bang nangyayari sa sistema ko? :( Please. Sana naman, makatulog na ako, at magkikita pa kami ni Mommy. :)) Masyado akong nabulabog sa mga texts na natanggap ko bago ako matulog, yung tipong I was about to sleep na, then biglang nag-vibrate yung phone ko, nagtext yung friend ko.. Telling me, break na daw sila ng boyfriend niya.. So, I was damn shocked naman. Okay. So lalo na akong hindi nakatulog, so instead of sleeping, I ended up talking and comforting her. :)) Di ba, ganun naman talaga dapat ang role ng mga true friends? No matter what, nandyan lang sila palagi, good times and hard times, walang iwanan. Kahit, sobrang may sakit ka na.. :)) Magsasacrfice ka parin for them, ewan ko. Ganun ako sa mga kaibigan ko e. Sobra kasi akong magmahal ng kaibigan, kaya swerte ka kapag kaibigan mo ako. :)) Wala nga lang selosan, pareparehas lang naman ako ng treatment sa bawat isa e. :))
Past 2AM na ako nakatulog, well, feeling ko. Haha, hindi ko narin kasi namalayan pa yung oras. Then nagising ako ng quarter to 9AM, I texted Mom, informing her to text me, kung paalis na siya ng bahay, and kapag nasa Nlex na siya. Haha. Kailangan ko kasi ng time frame, para hindi na naman siya magalit sa akin. :)) Everytime na magkikita kasi kami, yung tipong nagbibihis pa lang ako, nasa meeting place na siya, haha. Ayoko namang masabon ako ulit. :)) 12:30PM na kami nagkita. Ayon, then diretso bili na ng mga dapat bilin. :)) I need a jeans for my sheer top, yung mustard na Top Shop. Haha, dala ko naman yung money ko e. :)) Well, nagbigay naman ako ng 500php sa kanya. :)) Tama nga si Honeybee sa sinabi niya kagabi. Nagdilang anghel, less than 1K lang yung pera ko, pero yung pinamili ko ngayon, more than 3K ang halaga. :)) Well, thanks sa Levi's para sa jeans ko, Top Shop and Host para sa cute and posh party dresses ko. :)) Sabi ko na nga ba, may nagbago sa akin e. I mean, mas lalo. Sabi nung dalawang saleslady. :)) Muntikan pa nga ako hindi makabili ng pants, kasi wala ng available na size. :)) 26 waist line. Okay. Wala na.. Nakakainis. 29 na daw ang pinakamaliit, so paano na ako? Ugh. Badtrip.. Hahaha. Pero buti nalang meron pa sa Levi's. :)) So, nagliwanag na naman ang mga mata ko. Napangiti na naman ako ng sobrang wide. :))
Then yung nabili kong posh party dresses sa Top Shop and sa Host, though medyo revealing, hot naman. Haha, glamorous black yung isa, super hot pink yung isa. :)) Ang cute lang nung Korean na Saleslady sa Host. I bought the dress na suot nung mannequin. Yaay. Kasya sa akin. :)) Flattered naman ako kay Korean Saleslady, sobrang fad and pretty niya kasi, then yung dress na binili ko, may artistang bumili din daw sa kanya na isusuot sa Fashion Week. :)) Ehhh. Naexcite rin bigla tuloy ako sa incoming Fashion Week sa company namin. DTA. :)) and si Mommy, bumili rin ng para sakanya.. Cowgirl yun e. Hahaha! Ang cute lang naming magMommy. Forever mahilig magshopping, tuwing umaalis kami, di ba? Hindi pwedeng walang uwing damit. :))
On our way home. Sobrang saya lang. Namention ko na naman ng namention sakanya yung name ni Honeybee. Ghaad. Baka biglang makahalata to uh. Haha, pero seriously, wala lang. Parang ang casual lang naman nung mga kwento ko e. :)) Pero deep inside kinikilig ako. :)) Ehh. Hanggang sa napagusapan na naman namin yung mga ex ko. :)) Awkward e, pwede bang change topic, drop them off the line? Haha. Gusto ko puro si Honeybee ikkwento ko e. :)) Siya lang kasi gusto kong pag-usapan na lalaki.. Wala ng iba pa. :)) Syempre, aside sa mga kapatid at Dad ko. :)) Na mga napag-usapan rin naman namin habang nasa byahe. :)) Sobrang comfortable lang ako tonight, and at the same time, nakangiti lang habang inaalala yung mga bagay na masarap alalahanin. :))
Bawal mastress, bawal mabadtrip, bawal magtampo or maasar.. Kaya nga, kahit hindi nagparamdam sa akin yung mokong na yun isang buong maghapon, at ngayon na matatapos na naman ang isang buong araw.. Ehhh, no comment nalang ako. :)) Hindi naman niya ako naalala e. Nakakalungkot lang. Walang effort. Haha. Inconsistent. Haha. :)) Parang yun yata yung reasons ko kanina kay Mom, kung bakit sobrang naaasar ako kay ex number 7 e. :)) Anyway, runny nose nga ang meron ako ngayon.. Kaya sobrang sama talaga ng pakiramdam ko, dry coughs pa. Habang nag struggle ako sa pagtatype, dahil sobrang lamig sa kwartong ito. :))
*EHHH BAKIT KASI MAY SAKIT AKO?* HUHUHUHUHU. :'(
No comments:
Post a Comment