"Kung si Tricia ay isang alak, siya ay isang 'flaming blow job'.. You know how. I mean, alam mo kung paano ako magsalita, imagine me saying these lines.." :)
Teka, countdown lang. December 20 na pala ngayon. 5 days nalang, Christmas na. Pero, heto kami, pumaparty pa. And I consider this night, as my year-end party with my beloved College friends. :) I had so much fun. Sobrang saya ng experience na 'to for me. :)
Wow. It's 4:57am na. And I'm still widely awake. :) Sobrang fun ng gabing 'to. I mean, hello. Tuesday na pala. Haha, wala lang. Super bilis kaya ng oras ngayon, Idk what's wrong. Pero di ko namamalayan na, umaga na naman pala. :) Well, hindi naman sa hindi parin talaga ako makagetover sa mga nangyari last night, (Tricia's debut), it's just that.. Okay, fine. Wait. I'm not drunk or anything, haha. Nag-shot lang ako. :) Tatlong shot glass lang ng GSM blue. Hindi ako tanggera uh, wala lang. Just to kill the time, just to kill the boredom. Teka, ulit. Ang ingay. Di ako makapagfocus magblog e. Hoho. Ang ingay kaya ni Grace Montino, wow. 5:23am na pala, wala pang magandang progress 'tong blog ko. Haha, first time kaya 'to nangyari, like you know.. Wala akong sense ngayon sa mga sinasabi ko, I guess, introduction pa lang naman kasi, but I bet, this would be like super long.. Kasi, I have tons to share, I mean, seriously. Idk, kahit sa sarili ko hindi ko kayang iexpress, alam ko yung mga nangyari, but Idk na it all happened, like in a split seconds lang. I have to be honest with you, dear blogspot, so I'm not gonna hide anything na nangyari tonight, I mean.. After party. Kasi naman, uh basta. :) We talked about it na, and I'm not claiming naman that, I have no problems at all, it's just that, wala nevermind. Continue reading nalang. :) Oh di ba, see? Up until now, wala paring pinatutunguhan 'tong blog ko, eh sobrang haba na kaya. Haha, wala lang, nagiging madaldal na naman ako, pero swear. Srsly. I'm not drunk uh. :) Pero, it's up to you, kung gusto mo pang ipagpatuloy yung pagbabasa, kung sa tingin mo, may mapapala ka. Stay. Pero, kung sa palagay mo naman, nangtatrashtalk lang ako dito? Well, umalis ka na. :)
At 5:28am na. Eto na, magsisimula na nga ako sa aking kwento. Sorry, ang dami ko pang sinasabi, humahanap lang ako ng bwelo, kasi nga, Idk where to start. :) It's like, I'm effin confused pa. So anyway, eto na talaga yun e. :) Alam mo yung excited? Haha. Ako yun! Si Adrienne Magora. :) Sobrang tarantang taranta kaya ako kanina, swear. Wala pa kaya akong tulog, less than 4 hours palang yata, kasi naman di ba? I'm waiting for my blockmates' arrival. Yeheesss naman, invasion ng aming bahay. :) Haha, so I woke up so early para naman macontact sila, if nasaan na sila, and kung what time sila pupunta dito samin. :) So, quarter to 8am, gising na ko. Sobrang unusual di ba? Natulog pa ko? Sana hindi nalang kasi. I called Meg, asking kung ilan sila, and what time. So ayon. Mga 11am daw sila aalis ng UST, pero sobrang late na, past 1pm na, nung nagtext sila sa akin na they're on their way na. So anyway, okay naman. Akala ko traffic, kaya medyo patiks muna, anong petsa na. Natulog muna ako ng mga bandang 9am, kasi for sure.. Late naman talaga sila darating, kung sinabi nilang 11am, wow.. I guess, hindi naman talaga. At tama naman nga ako. :) I fetched Zhea nang una sa lahat, cause she's from Malolos lang, sobrang lapit lang pala nun dito samin. She kept on calling me pa. Baka daw kasi maligaw siya, haha. So, nung nagtext siyang nasa Pulilan na siya, kahit sobrang kalalabas ko lang talaga ng banyo.. Sinundo ko na siya. Well, syempre, nagbihis naman ako di ba? Yun nga lang.. Ako po'y nakashorts lamang at naka racerback na tanktop. :) Kaya swear to God. Sorry, pinagtitinginan na naman pala ako ng mga tao. Pagdating sa gate namin, nice. Nandun na naman yung mga asungot na lalaking laging humaharang sa akin sa daan. Fuck you all, haha. Ang sarap kasing sabihin di ba? Kasi naman, nakakairita na po kaya. Moving on. :) Kaya ko pa naman, haha. Medyo haggard, kasi malayo layo rin yung nilakad namin ni Zhea, past 2pm na yata yun, then maya-maya, biglang tumawag sakin si Sheena. Wow. Sobrang nice di ba? Kasi.. Nasa simbahan na daw sila? Shocks. So, we have to fetch them na kagad. Di ba? Ang hassle. Haha, tiis lang. Pero, sobrang saya and fulfilling naman, kasi nakarating sila dito sa amin. :)
Syempre, ako naman, sobrang hospitable, well dapat lang. ;) Sobrang asikasong asikaso ko silang mga bisita ko. :) First time ko magpasleepover sa house namin ng College friends, I mean.. Dito sa Bulacan, sa Quezon kasi and sa Quezon City, may nakapagsleepover na. So ayon. :) Sobrang umaga palang, nagpaluto na ako. Nagpabroil ako ng dalawang chicken, vegetable salad na corn and carrots and lechon paksiw. And nagpasaing sa kabilang bahay, kasi naman, sa sobrang liit na casserole lang kami nagsasaing, kapag kami lang kumakain, and sobrang seldom lang nun. Sobrang entertain naman ako sa kanila, even sa sarili ko nga, natutuwa ako, kasi, wow naman di ba? Ang galing ko. Haha. Well, feeling ko lang naman yun, assuming lang ako. Pero di nga, seryoso. Sobrang saya ko lang. :) Idk how to explain, pero, since mag-isa nga ako sa bahay, feel na feel ko yung lonesome and emptiness, so nung dumating sila.. I asked them to put their things na sa kwarto ko, and pinakain ko na sila, kasi for sure, sobrang napagod sila dun sa binyahe nila going here. :) And okay, sobrang napansin naman yung mga pictures ko. :) Sobrang cute daw nung baby picture ko dun sa living room namin. Imagine, yun ang bubulaga sa kanila? Haha. Eh, bakit? Ako padin naman yun, mata palang daw.. Alam na. Haha, and super sorry. :) Baby, pretty face lang talaga ako. Kaya, oyea. :) \m/ Anyway, time to prepare for Tricia's debut na. Make-up dito, make-up dun. Straight ng hair dito, hairspray dun. Wow. Sobrang naging makalat yung room ko. Bagong palit pa naman yung mga bedsheets and pillowcases, pero kaboom talaga. :) Imagine, six kaya silang dumating. So, siksikan kami sa kwarto. Pero okay lang. Carry parin. Yung makeup kit ko? Wow. Di ba, sobrang dami ko kayang pang makeup, pero di ko naman alam gamitin yung mga 'yun. :) Sobrang fail ko lang. Puro mineral pa yung mga pang makeup ko, Loreal, from Etude House, L.A. Colors, and sobrang dami pang iba. Lahat na yata ng uri ng makeup nandun na sa kit ko. :) Dalawang malaki yun e, pero srsly, di talaga ako marunong gumamit ng mga 'to. Sobrang ironic nga lang, kasi.. Sobrang kikay ko, pero di ako marunong magmakeup.. :) Well, isa lang reason ko dyan, 'I don't have nor I don't need to wear makeup to be beautiful, for I know.. I'm always beautiful, especially at my simplest form', and that's the reason why I don't need to make paganda na, and paint my face with lotsa cosmetics. :) 'Mas simple, mas maganda' :) And, nakikita lang naman talaga ang tunay na ganda ng babae, kapag wala siyang makeup e. So ibig sabihin, kapag maganda ka ng walang makeup, ode natural na maganda ka, pero kung maganda ka lang dahil naka makeup ka, well? Ang fake mo naman. :) Haha.
Thanks Jam for my makeup, and Jinny for my hair. =)) Lol. Pero, I straightened my hair alone naman after. Wala lang, I don't think na contented na ako sa hitsura ko, I mean sa ayos ng hair ko. :) Gusto ko kasi simpleng straight lang. Pero ayon nga, sobrang wagi naman. Kasi ang pretty ko kaya with my look last night. Yay. Self glorification o? Pero dammit. Ang pretty and fab ko talaga tonight e. :) Sabi nga ni Baylon, bulong daw ng bulong sakanya si Terence nang 'Sheet, ang ganda talaga ni Adrienne'. Seryoso nga talaga ako, para pa kong tanga. Tingin ako ng tingin sa salamin, nagbreathe in breathe out pa ako, nagpractice ng 'Hello'. Wala lang, ang tanga ko di ba? Gusto ko kasi, sobrang casual lang yung mangyayari samin tonight.. Kasi, sobrang kinakabahan ako sa kung ano man ang mangyayari sa akin sa party.. Kasi alam mo na, may dapat akong iwasan. :) Well, not totally namang iiwasan talaga, pero.. Basta, mahirap ipaliwanag. Mahirap magpaasa ng tao, kung alam mo naman sa sarili mong, wala naman talaga sa'yo. I mean, sobrang wala lang for me yung mga actions ko tonight, pero.. Di ko pala alam, na kung para sakanya pala, may 'ibang' meaning pa pala yun. Mahirap na. :) Kaya, iwas iwas nalang. :) 5:45pm, sinundo na kami nung driver, sakay na sa van. And ayon. Okay naman, maluwag pa. Kasya pa ang gustong sumakay. Haha, syempre sa harap ako, and as usual, sino ba ang forever vain? Haha. Traffic lang ng konti going to Bustos, well.. I have to admit sobrang far flung place naman talaga yun. Kaya, good thing talaga at nakapunta sila. Kasi, kung hindi sila nakapunta, sobrang kawawa naman si Tricia. :) So, I accommodated people na kaya ko namang isabay at patulugin, pakainin, well in short.. Kupkupin at ampunin sa aming tahanan just for a night. :) Sobrang welcome naman kahit sino dati samin e. :) Sobrang napasaya pa nila ako. Stress relievers ko 'tong mga 'to e. :) Lagi akong napapangiti. Sobrang special ko kasi sa kanila, at ganun din naman sila sa akin.
Sobrang traffic nga going to Bustos, at habang papalapit na kami ng papalapit, lalong bumibilis yung tibok ng puso ko, kasi sobrang kinakabahan nga ako. Kinakabahan din yung friends ko for me, kasi alam nila na baka nga may 'posibleng' mangyari between 'alam niyo na, and me.' My forever pakyuuut at paepal na ex boyfriend. Haha, lagi nalang sumisingit sa picture e. Sobrang nakakasawa at nakakairita natin at times. Akala naman niya, kaya niya akong agawin kay Bee? Haha. Asa pa siya. Isa lang laman ng puso ko noh. Loyal kaya ako kay Bee. :) Siya lang. Kahit nasa malayong lugar pa siya ngayon.. Alam ko siya lang laman ng puso ko. :) Past 6pm na yata kami nakarating dun sa venue, Feeling ko, sobrang late na kami. Pero, in fairness, hindi pa pala nagstart yung program, so okay lang. :) Pero, wow. Eto talaga yun e. Sobrang wrong attire, pataaay. Walang aircon. Ang init pa naman ng suot ko. T.T Shocks, anyway, may photobooth! So, kami naman.. Sinamantala ang photobooth, late na po kasi kami, wala ng spare table for us nung pagdating namin, tapos ayon, luckily, may nagbigay. From afar, shocks. Alam ko na e. Kaya napa 'sheeet, omg' na lang talaga ako. Tinuro na ako. I know na, you know.. Kapag nakita ko si JM, katabi na nun si Jared. So okay, wala. Wala lang. Nakakainis lang yung fact na, agaw eksena. Haha. :) Sobrang daming 18's para dun sa program ng debut ni Tricia, sobrang init pa. Sobrang nabobore ako. Sobrang nabobore din sila. So, I asked them to go out. And here we go, habang patagal na nang patagal yung party, habang palalim nang palalim yung gabi, kinakabahan ako. Ayoko. Ayoko talaga kasing may mangyari, kaya labas ako ng labas, punta ako ng punta ng CR, kahit mag-isa lang ako, kasi.. Kailangan ko ng fresh air, I need to breathe. Oh Lord, help me. :) Kayo na po ang bahala sa akin tonight. :) Eto na nga ba yung kinatatakutan ko ehhh. Please. Please.. Just pleaseeee? T.T
Nung kakastart palang ng party, yung table namin, approaching the stage for group picture taking na, and for the buffet na. Guess what, I mean guess who. Kung sino yung nag-aaproach sa akin, nakangiting nakangiti pa. Ano ba? Ano gusto mong palabasin? So okay, sobrang casual talk lang. Tapos, sabay alis narin ako. Di kita papansinin. Wag kang magpapansin, okay?-----Natatakot ako. Please, wag naman o? Ayoko talaga. Parang awa mo na. WAG KANG KAKANTA. Pwedeng magmura? Putangina! Kasi naman. Bakit kailangang kumanta, tapos.. Crazy For You, yung song? Tapos, bakit kailangang sa entire song.. Nakatingin lang siya sakin, tapos pumipikit pikit pa. Sobrang bumibirit, nagpapaimpress ka ba boy? Paksheeet. Sorry, pero.. Medyo umeepekto kasi e. Sabi ko naman. WAG KAKANTA e. Pero omg! Napasigaw ako sa loob loob ko lang syempre, pero kasi naman di ba? Parang awa mo na. Wag kang gumawa ng eksena. Kung pwede lang, wag mo kong titigan? Nalulusaw na ko. T.T Naiinlove na sa'yo yung mga kaklase ko o. Bakit kasi sobrang galing mong kumanta? Okayyy. Patuloy parin siya.. (Hinaharana daw ako, sabi ng mga kaklase ko. Sige na, deep inside, kinikilig ako. Kasi naman, bakit sa dami dami ng pwedeng kantahin, CRAZY FOR YOU? May inaalala ka ba? May gusto ko bang patamaan?) Ghaad. Tapos, yung second song pa.. 'High' :) Sobrang nananadya ka na ba talaga? Kasi, kung oo, pwede bang itigil mo na? Naiiyak nako. Ayoko! :( Diretso CR naman ako. Kasiiii. Gusto kong maglabas ng sama ng loob, 'Walang mangyayari tonight, okay. Wala' :) Relax, Adrienne. I hugged, V. Telling her what my dumb ex just did. T.T Sabay yakap din akin, telling me.. Nakakainlove nga daw. Okay. Sige na po. Kayong lahat ay naiinlove na sakanya, kasi naman. Bakit ang pogi ng boses mo? Sabi ko na e. WAG LANG TALAGANG KAKANTA, kasi sheeet. Sisigaw talaga ako. Ehhh, wala. Sobrang nakakalungkot lang for my part. Hindi na naman natupad yung gusto kong mangyari, iniiwasan ko nga di ba? Pero ano na naman? T.T At kung pwede lang sana, kahit isang beses lang, paki alis naman yung malalagkit na tingin sakin o? Naiilang ako. Hindi. Hindi 'to tama. Maling mali. Kaya pwede, tigilan mo na? :(
18 Roses na, pumunta ako sa may stage, kasi I would like to take pictures of Tricia and my guy blockmates na kasali sa 18 Roses, so kasali din si JM at si Jared. Sobrang natuwa lang din naman ako, kasi.. Sobrang natatouched ako pag may nagdedbut, nagkakagoosebumps pa nga ako. :) Basta, there's a certain feeling kasi na mafifeel mo kapag umaattend ka ng debut. :) Anyway, back to I was saying.. Casual talk and stuff, tapos.. Tinanong nila ako kung ano daw yung part ko, so sinagot ko naman, sabi ko. '18 Cheers ako' so magsshots ako? Haha. Okay. So habang nasa party naman, sobrang magkalayo namana kami, kaya no worries at all. I'm like super calmed na nothing's gonna happen between the two of tonight. :) Sobrang confident pa ako. Hanggang sa 18 Cheers na. Akala ko naman, wine yung iinumin namin di ba? Pero, wow. Iced tea lang. :) Sobrang nakakaloka lang! Omg :) Ayoko na. Natatawang nahihiya talaga ako sa pinagsasabi ko e. Ghaadd. Sobrang demure pa naman ng family niya. :) Tapos bumanat ako ng 'FLAMING BLOW JOB?' Wow. Sobrang nice lang! Haha. :) "Kung si Tricia ay isang alak, siya ay isang 'flaming blow job". Cause she's hot, and kagaya ng blow job, may flame, tapos.. Kapag shinot mo na siya, masarap. Matamis. :) Parang si Tricia lang. Tapos, last naaaa. 18 Candles na, sobrang tagal. Iyakan pa yun e. Haha, kami naman, halos pumarty na sa likod, kasi sobrang bored narin. :) Yung mga kinain pa namin nung dinner, wala lang. Hindi ko lang masyadong trip yung mga pagkain, haha. :) As usual, takaw mata lang naman ako. Sobrang daming hindi kumakain, tapos ako, kung makapagtapon ng pagkain, ganun ganun nalang? Aww. Pity me. :O Anywayyy. Nagpaalam na samin sina Terence, Venus, Arvin and Jam. :) Kasi pupunta pa silang Hundred Islands, dun sa Pangasinan. :) I bade them goodbye kisses, said Merry Christmas, wow. Srsly, mamimiss ko sila.. 'Buhbye, guys. Merry Christmas, see you next year' :)
After party na. :) Tapos na yung program, okay. It's party time. Haha, I'm so mean, I started dancing the dance floor, like come one. Leggo! Dance party, party people. Sobrang saya kayang magsayaw. Sobrang saya lang pumarty! Nyahaha. Put your hands in the air. Oyea =)) Teach Me How to Dougie. Sobrang sayaaaa talaga. Ang KJ nga lang nila, di sila sumasayaw.. Puro ako lang, si Meg, at si Leira. The best. :))))) Hahaha. Showdown kami ni Leira e. Down, down, down. :) Pababa pa ng pababa. Hahaha. Ayoko na. Hyper na hyper na naman ako, sorry na. Kung gumiling at kumembot ako e, parang wala nang katapusan.. Mga kaklase ko naman, 'Hoy, Magora. Tingnan mo si Jared, kung makatingin sa'yo o.' Kaya, naiinlove sa'yo e' Wagas, sorry na kasi, may swag akong sumayaw e. Hihi. =)) Wow. Ang landi ko na naman. Kung sumayaw ako, nang-aakit ba? Haha, hindi naman kaya. Aba. Gusto kong pumarty e. Sheet. 'Hindi ako magpapasundo, hangga't di kayo sumasayaw, walang KJ'. Hahaha. Nagbigay ng threat e noh? Lol. Pero seryoso, di talaga ako magpapasundo, kung di nila ako sasamahan sumayaw. :) Ang corny naman ni Kuyang DJ, sobrang luma nung mga songs na pineplay. Haha, pwede ba? Come on. Puro ako request ng songs e. Sheeet. May nakaholding hands ako ng wala sa oras, sobrang hindi sinasadya. Eeeeww. Basa, sobrang pasmado. Haha. Papuntang dance floor.. 11:30pm, wala na. Ang dull na ng mga tao, wala nang nagsasayaw, pagod na sila. Haha. Pero di pa ko pagod, gusto na nilang umuwi, antok na raw sila. Fine, sige na po. Magpapasundo na ako. =))
'Matamis pala yung Pasko mo e, baka mamaya magselos niyang si Jan-Michael Vincent'. Wow uh. Sobrang buong buo? Haha. Sabi ko naman 'Hindi magseselos yun, alam naman niyang siya lang mahal ko e, tsaka wala namang dapat kaselosan'. :) ----Nasa parking lot na daw si Kuya, tara na girls :) Uwi na tayo! 'Wait. Paano kayo uuwi?' 'Sa bahay namin, dun sila matutulog, sakin sila sasakay' 'Eh kayo?' 'Wala e. Tulog na yung mga tao samin, pwedeng pasabay?' 'Okay. Sige, hanggang sa Baliuag' 'Pwedeng makisleepover din ako sa inyo? Tara, swimming tayo' 'Heh, wala akong damit, manahimik ka, hindi ka pwede samin' 'Hindi ba ako pwede sa inyo?'
Nagbuhbye na kami ng mga kablock ko kay Tricia, and nagthank you siya sakin, for accommodating our blockmates. Tapos ayon, sakay na kami sa van namin----- Byee na talaga, Tricia :) So habang pasakay ng van.. 'Hindi na kasya, saan kami?' Biglang may nagsabi, yung isa dito sa likod, yung isa sa harap.. Sa tabi ni Magora. Okay fine, so magkatabi kami ni Jared sa harap. Not that awkward namin for me, kasi okay lang. Walang halong malisya, tapos na. Nakagetover nako. Sobrang excited lang akong umuwi, kasi gusto ko na makachat yung Bee ko. :"> 'Wow, girls?' So okay fine, hindi pa kayo inaantok?' Kung makakanta naman kasi, wagas di ba? 'Oo nga pala. Hindi nga pala tayo, hanggang dito nalang ba ako?' Asaan ba ako sa'yo, aasa pa ba ako sa'yo?'---- 'Swaying room as the music starts, strangers making the most of the dark, two by two their bodies become one, two by two their bodies become one, I see you through the smokey air, can't you feel the weight of my stare. You're so close but still a world away, what I'm dying to say, is that I'm crazy for you touch me once and you'll know it's true, I never wanted anyone like this.. It's all brand new, you'll feel it in my kiss, I'm crazy for you. Nakakawindang po, pwedeng tumahimik, girls? 'K-I-S-S-I-N-G, sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G. Shut up talaga. Pwede? Haha. Ano baaaa? Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila JM. Nagbuhbye na ako sa kanilang dalawa. 'Nasaan yung hug ko?' Buhbye, Merry Christmas! :) 'Ehh, nasaan nga yung hug ko?' with open arms. Okay, sige na.. Hinug ko na siya. Wtf. Pero, wala lang yun sakin, swear. :) Idk kung sakanya may ibang meaning. Christmas gift na daw yun. :) Okay fine, sobrang kinabahan talaga ako, ayokong matulog sila dito sa amin, that's why I decided na idrop off nalang sila sa house ni JM, at si mokong, may pangtawag naman pala, hindi nalang nagpasundo. Wow di ba? Sabi nga ni Grace. 'Ayaw mo nun, nagkaroon pa tayo ng chance para.. 'Para ano?' 'Para magkasabay sabay umuwi nang safe.' :) And baaam. I remember her, borrowing my camera pa. Then, shocks. Stolen shot po, magkatabi kami ni Jared. Sabi nila, holding hands kami.. Pero hindi, obviously, he's trying to, but I avoided him. Sabi nga nila, baka daw kung wala pa sila dun, baka nagkiss na kami? Wow naman. OF COURSE NOT. Hell no. I won't do that. Hindi ako kailanman magiging UNFAIR kay Bee. :) I know he'll get hurt, and sobrang wrong nun. Kaya, enough. Enough with his phantasms.
'Kuya, daan tayong 7eleven, bibili lang kami ng drinks'. Sa 7eleven, My One and Only, One and Only you yung kanta? Ehh, hindi nga. Sus, anyway, bumaba lang kami ni Grace, pero after buying, agad alis na, sakay na sa van. Continuing.. 'Let go, okay. Forget about what had happened tonight, wala lang yun. :)' I miss my Bee. Alam niyo ba, I'm so happy for him, kasi.. Sobrang pangarap niya kayang matanggap niyo rin siya as my boyfriend. I'm so happy nagiging close na si Bee saka yung mga friends ko, saka tinanggap na siya ng buong buo. Swear. Sobrang saya ko lang. Miss na miss ko na si Bee. Nasa Singapore siya ngayon, kaya feeling ko, sobrang lamig ng Pasko ko. Pero okay lang. :) Alam ko naman, siya lang talaga ang laman ng puso ko, kahit ano pa man mga nangyari ngayong gabi, hindi mapapantayan ng MEMORIES lang ni Jared ngayong gabiyung PAGMAMAHAL na meron ako kay Bee. :"> Kung before, sobrang confused pa ako sa nararamdaman ko, ngayon, wala akong naramdamang confusion, after nung party.. Natakot ako na may baka kung ano man akong maramdaman for him. :) Pero sobrang saya ko lang, kasi promise. Wala. :) Alam ko sa sarili ko na si BEE lang talaga ang laman nito. :> Sobrang loyal ko kaya. Kahit we're like effin miles away from each other, at the end of the day, siya parin talaga yung hinahanap hanap ko. :) Well, hindi ko naman na siya kailangan pang hanapin, kasi.. Hindi naman siya nawala o umalis, kasi nasa puso't isip ko lang siya buong gabi, wala akong ibang bukang bibig sa mga kaibigan ko, kung hindi si Bee. :) Siya lang naman talaga. Naexplain ko narin sakanila kung ano yung meron samin ni Bee ngayon. :) Swear. Masaya nako. Ayoko nang guluhin pa niya yung masayang buhay namin together ni Bee, I won't let him enter the picture once again. For he's the only one for him, and I'm not gonna make him doubt about my love for him. :)
Sobra akong naging honest sa blog ko na 'to. Again, despite all those things na nangyari kagabi, ang alam ko lang.. Si Bee lang at wala nang iba pa. Miss na miss ko na siya. Five days nalang, Christmas na.. 'Wag ka sanang magtataka or wag mo kong kwestyunin sa kung ano man ang mga nangyari, kasi wala akong kung ano mang intensyon. :) Ang intensyon ko lang, mahalin ang Bee ko nang magpakailanman. :) Naisip ko narin kung paano matatapos ang lahat ng problema na meron kami about my 'ex' :) Closure lang talaga. Sabi nga nila Grace, si Jared nalang talaga yung may problema, ako daw, wala nang problema. :) Kasi, patuloy parin siyang umaasa sa wala na.. Akala kasi niya, meron pa. Sabi ko na nga ba yun yun e. He's like saying kasi na 'Nandito lang ako for you, never naman akong nawala e, hindi mo lang inaacknowledge yung presence ko'. Sorry.
I'm so sorry, kasi.. Sa lahat ng mga nangyari, ang alam ko. Si BEE ko lang talaga. WALA NG IBA PA. At wala na akong mahihiling pa. :) Sobrang kumpleto na kaya ng Christmas ko. :">
Inuman sa bahay, after. Kasi naman di ba? Wala man lang after party dun kina Tricia, so dito nalang samin pinagpatuloy. We had fun, actually. As in sobra. Si Baylon and Zhea, naging tipsy. Si Jinny and Sheena, nakatulog narin after a while, si Bea yung last man standing e. Sobrang tahimik lang na nanunuod ng DVD at nakikinig lang samin ni Grace na sobrang hindi talaga natulog. :) Si Meg na Idk if she was like half asleep and half awake last night. :) Basta, sobrang drama namin ni Grasya kagabi. As in walang kupas. Ang dami naming secrets na narevealed. :) Well, sana maulit. :) I had so much fun lang talaga. Sana hanggang sa Christmas ganito ako kasaya. :)
7:47am of Tuesday na pala. Hardcore naman akong magblog. Haha. Hustler e. :)
No comments:
Post a Comment