August 08 2012 (Wednesday)
"Don't multiply entity without necessity."
Dreaming of you. :*
Flash floods. :(
Sobrang di ko na alam yung dapat kong maramdaman. Grabe nga e. Sana matapos na 'tong calamity na 'to. Kawawa naman kasi yung mga taong nasalanta. Sobrang thankful nalang din ako kay Lord. Kasi kahit almost three consecutive nights non-stop yung rain.. Kahit semi-stranded na kami dito sa Penthouse di parin niya Kami pinabayaan. Sama sama kaming apat. Kaming tatlong magkakapatid at si Mama. Kahit medyo nag-short kami sa food; nawalan ng kuryente and tubig.. Nakasurvive parin kami. Tapos nagmistulang hero and knight in shining armor pa namin si Papa. Dumating siya sa gitna ng calamity na 'to. Sobrang saya ko. Sobrang saya ni Mama. Kitang kita ko yung mga ngiti sa mga labi niya pati narin ang ningning sa kanyang mga mata.
Di naman namin pwedeng ikaila na kailangan namin siya sa buhay namin e. Sobrang pasasalamat ko lang talaga kay Lord. Kasi ginawa niyang memorable tong experience naming pamilya sa gitna ng kalamidad. Sa lalim ng baha sa Espana.. Sinilong Niya kami sa matatag at mataas na lugar. Tinipon tipon Niya kami para ipaintindi sa amin ang tunay na kahulagan ng pamilya. Sobrang nagpapasalamat ako.
Sobrang saya ko sa kabila ng lahat ng nangyari. Isang linggo nga pala kami walang pasok. Nakakamiss mag-aral. Nakakamiss yung mga tao sa school. Nakakamiss yung boyfriend ko. Pero alam kong di ko mapapantayan yung kasiyahang nabigay sakin ng pagkakastranded naming buong pamilya dito sa condo. Si Lord talaga kapag gumawa ng paraan para i-unite kaming lahat.. Ibang klase. :)
No comments:
Post a Comment