Sunday, December 18, 2011

TO HESITATE IS TO DIE

'To hesitate is to die'



It's 12:17 in the morning. Monday na pala. :) Wow. Today is December 19, 2011. Six days nalang, Christmas na. Ang lamig lamig na kaya. Parang ngayon lang. Haha. :D

'Adrienne uh, nangako kang hindi ka na makikipag-boyfriend, baka ngayong Pasko, makipagbalikan ka?' - Hulaan niyo kung sino nagsabi? Haha, well, parang sobrang obvious naman kasi. :) -



Tsk. Anyway, ganito kasi yan e. I told myself, I'm so in to blogging tonight, as in sobrang game ako. :) So I decided to 'continue' with my 'surprise' for him, as part of my Christmas present. Countdown e. Idk nga lang, kung magagawa ko yung pinaka climax sa Christmas Eve. Haha. :) Ehh. I made this certain plan kasi na, while waiting for Christmas Eve, I'll make something extra sweet and special for him. :) So that, though we're miles away from each other, malalaman parin niya, kung gaano ako naglolong for him, and kung gaano ko siya kamiss and kalove. Sana naman, ramdam niya yun. :) Countless and immeasurable. Kaboom. For really, Idk what's happening, for I'm falling harder and deeper. Hindi nawawala yung interest ko sa pagmamahal sakanya, and even proving myself to him, kahit sobrang tagal na, may number of days nga siya e. Haha. :) I mean.. I'm not an ordinary girl nga, they used to call me their 'Dream Girl', kasi whole package na daw ako, pero.. Sobrang naaamaze lang ako, kasi sobrang dali nilang sumuko sa pagiging brat ko towards them, pero si Bee, kahit anong gawin ko, as in.. Matagal narin kaming magkasama as 'friends', I mean as boyfriends and girlfriends, pero up until now, hindi parin siya sumusuko sa akin, patuloy parin niya akong iniintindi at minamahal, and that makes me extra special. :) Kahit at times, lagi akong nagtatampo sakanya, kasi feeling ko. Hindi naman talaga ako 'special' sakanya, for like, I'm seeing and feeling things na ginagawa niya rin sa iba, hindi lang sa akin. Eh, ang basis ko pa naman nang pagiging special ko sa ibang tao ay yung fact na, 'sakin lang niya ginagawa yung mga bagay na yun'. Kaya nga special di ba? Makes sense? :) Naiinis lang naman ako, at medyo kinabahan sa nangyari tonight. 'Caught in act ako e. Omg. So paano na?' :|

December 19 na, nasa Singapore na siguro siya ngayon. Tumawag siya kaninang 8:15pm, nasa labas ako nun, nagpapahangin. Akala niya nagtatampo na naman ako sakanya, for like, I have this 'sad and subtle tone voice'. Wala lang. Nilalamig na kasi ako, kasi nga. Ang arte ko, Pasko na e. Nilalasap ko lang yung spirit ng Christmas, yun nga lang. Alone ako. Kasi, wala siya sa tabi ko. Though second or third time ko nang magcecelebrate ng Christmas with a 'special someone' na masasabi, hindi ko parin nafifeel yung, as in physically magkasama kami ng taong yun. Pero, that's quite impossible to happen e, sobrang bata ko pa kaya. :) Well, I'm looking forward for more years to come, bago siguro matupad yung 'Christmas wish' ko na yun. Although, yun nga.. 'To hesitate is to die', may mga times na naghehesitate ako, like, I've always been asking myself, 'Where do I stand ba talaga when it comes to him?' 'Am I really special to you, or am I just like one of your girl friends? Duh. Am I really your GIRLfriend?' Like you know. :O These things are always on my mind, playing and asking my hypothalamus gland.. Playing on repeat. Well, I know it sucks. Hindi naman maiaalis yun e. Di ba? Kapag mahal mo yung tao, gusto mo.. 'Ikaw lang'. Oo, gusto ko 'Ako lang'. Kasi, na-let go ko na yung feeling na, I need a safety net if ever hindi mag-work out yung relationship ko sa current boyfriend ko, pero that changed everything when I started loving him for real. I mean, alam naman niya na, nung una.. Hindi ko pa talaga siya fully mahal, semi palang siguro. Kasi, sobrang out of the blue, napasubo akong maging boyfriend siya. Haha, well.. Ayoko nang i-expound pa, hindi naman na dapat pang pag-usapan. Sobrang tagal na issue na 'yun e. Ang importante lang naman ngayon sa present is, 'Kaming dalawa', kung ano man yung meron sa aming dalawa. :">



Unti-unti na akong nasasanay sa 'konting' time namin together, though ganun naman talaga dapat, pero kasi, sinanay niya ako na lagi siyang nandyan for me. Medyo iba lang yung impact ngayon, not unlike before, oo. Sa mga previous relationships ko, sobrang seldom lang kami magkita, pero I have to admit, hindi naman talaga masyadong 'love' na maicoconsider yun, kasi nga. Wala palang yun, wala pa sa isip kong may boyfriend ako. Idk. Dahil nga siguro College na ako, ibang level na yung thinking ko when it comes to relationship, I mean, dealing with it. :) Kaming dalawa ni Bee? Ang dami na naming pinagdaanan. Although ayon nga, ngayon. May napakalaking barrier na, 'Hindi pwedeng maging kami, hindi ako pwedeng mag-boyfriend', kasi pinagbawalan na ako. As much as possible, ayokong ifrustrate si Mommy, pero.. MU kami ni Bee. :) Hindi full time relationship na masasabi na katulad ng dati, pero hindi naman sobrang casual lang. In short, we're like. 'Exclusively dating', like super reserved for each other. Pero ang weird di ba? Kasi, nagcecelebrate parin kami in simple ways every 14th of the month. Haha, ang sweet kaya namin ng Bee ko. :"> Kinikilig ako, sa tuwing maiisip ko na, we've gone this far na pala. Idk, if I can let go of him, kasi feeling ko, 'Siya na talaga e', ayaw man minsan tanggapin ng isip ko, pero yung puso ko talaga, sinisigaw yung pangalan niya e.' Kung si Toni Gonzaga, may I love you Piolo, aba. Ako? Merong.. 'I love you, Bee. :)' I love you, Baby.' I love you, Mike'. :) Sobra. <3 Ayon nga, kung dati, medyo hesitant akong sabihan siya ng I love you, parang ngayon, sobrang fearless na e, sabi ko nga sakanya, konting push pa.. Lalabas na rin yung 'showy side of Saab e' :) Well, wait and see. Kapag napalabas niya yun sa akin, wow. I'm gonna salute him. Kasi, not in my entire life, like never. I swore to myself, hinding hindi ako magiging showy. Pero, unti-unti na, konti nalang. :) Good luck to him nalang. Sana hindi maudlot, kasi I myself, gusto kong makita yung ganung side ko e. Haha. Oo, super kikay and girly ako, may pagkademure, may pagkamaldita, selfish at brat, pero kapag minahal kita, wow. Promise, sasabihin mo sa sarili mo, pwede ka nang mamatay. Haha. :) Joke lang, syempre. Sabi nga ni Sir Rey, 'Siguro daw ang swerte niya sakin'. Pero sabi ko naman kay Sir, 'Swerte din naman ako sakanya, e' :) Ehh. Kinikilig ako.. Sobrang lamig kasi, haha. Nakabalot na kaya ako ng sobrang kapal na kumot ngayon, nakatalukbong na ako o. Pero, heto o. Namimiss ko siya, kaya nagsusulat ako ng blog for him. :)Only for him. I even noticed last night when I was checking my blog entries, grabe. :) Halos puro tungkol na pala sakanya yung mga naisusulat ko. :) Naimagine ko tuloy, paano kaya in the future? Paano kapag may mga nakabasa ng posts ko? Haha. Sasabihan kaya nila ako ng 'hopeless romantic?' Haha. Bad. Walang hopeless. ROMANTIC lang pala. :) Haha. Eh, romantic at sweet naman talaga ako eh, pero sa piling tao lang.. :)



As what I was saying earlier.. Nahuli ako ni Mom sa kwarto ko. :o I was taking reminiscing, I mean, may ginagawa nga kasi akong something sweet, and I'm not so sure if I'm gonna post it na as early as now. Haha, may mga ilang araw pa naman ako, bago magPasko. Pero, feel kong ishare na sakanya e. Kaya sige na nga, ipopost ko narin later. :) Hmm, caught in act ako, pero sige lang.. Tuloy padin ako sa ginagawa ko. I was taking photos dun sa mga sweet things na binigay niya sakin, I told him.. 'Tinapon ko na, nawala na, nakalimutan ko na kung saan ko nilagay', pero yung totoo, na sakin pa yung mga yun.. :) Sobrang iniingatan ko kaya yung mga bagay na binigay niya sakin, nasa treasure box ko nga yun e. Treasure box na kulay pink na may butterfly sa labas. :) Nilabas ko lang, kasi.. Namimiss ko nga siya, lalo na nung narinig ko yung boses niya kanina.. Ang lamig lamig nang Pasko ko, kasi wala ka sa tabi ko. :| Pero okay lang, alam ko naman, nasa puso lang kita e. At sana alam mo rin yun, nag-iisa ka lang dito. Wala kang ibang kahati. :) Kaya wag na wag kang magseselos sa kahit na sinong lalaki uh? :) Haha. Wow. Eto yun e, hindi naman sa natatakot akong nakita ni Mom yung kung ano mang ginagawa ko kanina, it's just that, ayokong ngang makita yun ni Mom, pero ang fail e. Nahuli ako. :( Pero ewan. Sabi pa nga niya kagabi sa akin. 'Naiinlove ka naman?' Omg. I don't know what to say. Pero, isa lang naman gusto kong matanggap sa Pasko e. Hahaha. Ang corny ko. Wala. Basta ang mahalaga, nandiyan siya. Nandyan yung family at friends ko. Sobrang complete na ng life ko, as in like, swear. Wala nakong mahihiling pa. :"> Thank you, Lord. Thank you for these countless blessings you've given me, and up until now, you're continuously showering me with more. :)

12:54am of Monday. Spread the love.

No comments:

Post a Comment