"If only I have the courage to make you mine again, maybe we can be together until the end of time".
11:54pm of Wednesday, few minutes lang at December 22 na. :) Wow. Okay, meron akong 'kasamaang' ginawa ngayon, I didn't greet this someone. Idk, if I have to consider him special, well. You know, I have to greet him, kahit sa Facebook man lang, as a sign of, well, nothing so serious naman. It's just that. Ayokong malaman niya na, even a pinch, that I still care. Ilang years narin ang nakalipas. Roughly six years na kaming walang contact and stuff, kagabi ko lang naalala na birthday niya, for like, I accidentally saw something from my treasure box. (Lahat ng mga bagay na may sentimental value sakin, tinatago ko dun). Potluck, be happy, kasi meron ka pa palang konting 'space' sa akin. Be proud, dude. Haha. Joke lang. 'I haven't been around but that doesn't mean I stopped loving you.' Ayoko sa lahat, yung pinaaandaran ako ng kasweet-an ng mga lalaki. Well, depende naman nga pala sa lalaki, pero kapag may 'special place' ka sa puso ko, pwede tigilan mo na? Kasi, as much as possible, ayokong kiligin, kasi kapag kinilig ako, nagkakahangover, at kapag nagkahangover ako nang dahil sa pagkakilig, wow. :) Okay. Naiinlove ako, hindi dun sa tao, pero dun sa ginawa mong sobrang tamis. :"> Again, my weakness is a guy's sweetness.
Kinikilig ako. Swear. Akala ko, wala lang. Akala ko, after all. Wala lang talaga, or hindi ko lang pinansin. Pero, srsly. Idk. Meron e. Meron at meron talaga. Well, hindi naman sa nalulungkot ako or anything, it's just that, shocks. Wait. Meron lang talaga akong hindi nagustuhan! Haha. And up until now, hindi ko parin maaabsorb kung paano ba yun nasasabi ng mga tao. :) Haha, *insert name/s here* But gosh, oyeah. It depends. Waiiiit. Saab, breathe in, breathe out. Gosh, you just made my day, and I miss you. :"> Nawiweirduhan na ako sa sarili ko. Haha, may hangover pa nga yata talaga ako. :) If I remember it right, may nagsabi sa akin.. 'Wow uh, kung sino yung available, dun ka' Sabi ko naman. 'Hindi kaya, ayoko lang maging malamig ang Pasko ko'. But wait, shut up naman kasi. Ganito lang yan, sabi nga nila, baka mamaya nagiging sobrang loyal and faithful na ko, pero siya naman pala yung nambababae. =)) Nalungkot naman ako. Pero life must go on, sabi din ng kaibigan ko, maraming nakapia sa'kin, so kapag iniwan niya ako, or kapag nagkamali daw 'tong si present, hindi naman ako malulungkot, kasi may kapalit agad. Napaisip naman ako. Ano nga ba ang gusto ko sa buhay? Yung sinasabing True Love or yung Perfect Match from Heaven? :) Wow lang talaga. May mga ganun pa palang categories yun! Haha. Parang gusto ko tuloy ulit magpahula sa Quiapo, para naman malaman ko yung kasagutan. Haha, joke. Alam ko namang ako parin makakasagot nun, pero.. Just for the heck of it. Why not, di ba? :)
Nawindang ako kaninang umaga, kasi.. Sobrang hindi ko inaasahan yung mababasa kong message from this certain someone. Idk, as in like, Idk kung paano or magrereact ba ako in a way or two? Pero. Gosh, nakapalan lang ako sa mukha. I don't wanna say it, pero come on. 'Are we too sweet?' Pwede na kasi tayong langgamin sa sobrang ka-sweetan natin e. :) Ugh. Kinikilig na naman ako. Haha, malay ko ba di ba? Kung sa buong pagaakala ko, ay wtf :) I trust him, pero hindi ko parin talaga masabi. Pasko na.. Sinta ko, hanap hanap parin kita. Nasaan ka na ba talaga? Please naman o, sana dumating ka na sa buhay ko. (deciphering) 'Tangina! Ayoko na talaga! Kung ayaw mo sa'kin, mas lalong ayoko sa'yo. Kung malandi ka, at maraming kaflirt, pwes mas marami ako sa'yo'. Sheeet. I'm such a meanie, pero.. Nasshock ako sa mga nalalaman ko e. Kung sana lang sa kanya ko kasi mismo nalaman, okay lang.. Pero hindi e, well, not that I'm hurting inside, kasi so far, medyo aware naman akong ganun siya, I mean, may mga certain instances na kasing nangyari yun, and nakarinig ako ng something about him na ayoko nga, pero.. Wow. Ibang level na kasi 'to. Alam ko, walang bagay na nasosolve ng another problem, and kapag hindi napag-usapan over, pero. Ayoko, ayoko talaga. Ayoko sa lahat yung ganito. Sa harap ko and kapag kasama or kausap ko, sobrang akala mo kung sinong Santo, at wala nang hanggang yung pagmamahal sakin, pero kapag nakatalikod naman pala ako, at kapag malayo kami sa isa't isa. Wow, ano 'to? Ano 'tong mga nalalaman ko? Haha. Nice. Okay na ako sa konting proofs lang, well. Hindi naman ako madaling maniwala, kung orally lang sa kin, sasabihin, pero kapag ako na mismo yung nakakita. Patay tayo dyan. :) Oo, nakikinig naman ako sa explanations, pero I bet, that won't change anything naman na. :)
Moving on, may namimiss ako. LSS ako sa Crazy for you, buong maghapon. Bago ako matulog nung isang gabi, sobrang nagde-day dream ako. Kinilig ako, may 'nang-harana sa akin'. Again. :) Waaah. Sa harap nang napakaraming tao, kung titigan niya ako, parang matutunaw ako. Sheet, I was trying to avoid this feeling. Pero, eto na pala yung after shock. Haha, lol. Kung sana may barrier lang, and kung sana may nagmold lang sa akin kagabi, pero. Ghaad. Wala e. Akala ko talaga, may makakapagpapigil, pero parang wala lang. Tinolerate lang niya. :) Haha, sobrang saya. Namiss ko ulit siya. Lalo na yung boses niyang sobrang nakakainlove, ayokong kumanta siya, ayoko talaga. Sobrang iniiwasan ko yun e. Gustung gusto kong tumakbo sa CR nun habang kumakanta siya ng Crazy for You, sobrang gusto kong ialis yung mga nakaw na sulyap na yun e. Pero hindi mo ako masisisi? Ang gwapo gwapo mo parin. Lalo na yung boses mo. :( 'If only I have the courage to make you mine again, maybe we can be together until the end of time'. Anonymously said. Pero, eto yun e. We both know na wala na. :) Wala nang part two, makontento nalang tayo sa 'remnants ng nakaraan', masaya ako. Kasi.. After talking to Grasya, nagkausap na tayo, at finally.. After so many years, may closure na tayong dalawa. :) Hindi na awkward, and nagkaintindihan narin. Sorry, I can't be your matchmate anymore.
Sobrang wala nang pag-asang maging tayo. 'Oo nga pala, hindi nga pala tayo, hanggang dito nalang', kaya wag nang umasa pa. Kinikilig ako sa mga ginagawa mo para sakin, oo, sa tuwing magkikita tayo, at gagawan mo ako ng mga the moves mo, I have to admit, you're making me fall for you again, kahit sa sandaling panahon lang.. But still, that won't change the fact na. 'Nameet ko na yung future husband ko'. Matagal nakong nakapagdecide, simula nung sinabi ko sa sarili ko na, isa lang ang mamahalin ko, and matagal ko nang isinuko yung pagmamahal ko for you. For I know, I have found the one, yung mga alaala natin together, kahit kailan, I know.. May matitirang remnants, pero.. Hanggang puppy love lang talaga tayo. Wala nang something deeper pa dun. Walang matchmate from heaven ang magaganap. :) Kasi alam ko, true love ang meron ako para kay Jan-Michael Vincent. :">
And I guess, that's perfectly enough. Hindi ko siya mahal ng mas higit pa sa buhay ko. Oo, mahal ko siya, pero may narealize ako.. Maling mali na minamahal ko siya ng akala niyang 'ganito'. Sa ganitong paraan. Haha. :) Kasi kung papipiliin mo ako, kung kaibigan o boyfriend.. Kaibigan ang pipiliin ko. :) I know, ganun din siya, kasi nararamdaman ko naman 'yun. Tama na nga siguro yung MU kami. Yung walang commitment. Para naman, tolerable lang ang pain. :) Tama nga rin si Jackie. 'Ang boyfriend napapalitan, pero ang bestfriend, hindi napapalitan' :) Kaya naman, kung mawawala lang din siya sakin bilang boyfriend ko, ode mas pipiliin ko nang maging bestfriends nalang kami for life, kasi kahit kailan, ayokong mawala siya sa buhay ko. Three days nalang, Pasko na. Alam na ni Santa kung anong gusto kong gift. :) Ayoko rin namang piliting papaniwalain yung sarili kong masaya ako ngayong Pasko. Ang gusto ko lang naman, maging masaya kasama ang buong pamilya ko. And I guess, that's all enough. :)
'For a little love, goes a long way.'
Hindi kita mamahalin o minamahal nang sa akala mong paraan or sa ganitong kalalim, dahil.. Hindi. Hindi mo parin ako tunay na naiintindihan. :) Oo, mahal kita. Pero, wala pa sa kalahati ng pagkatao ko ang nakikilala mong tunay. Malabo man, pero ayokong isipin mo na, *buong buo* ganito ako. Dahil hanggang ngayon, alam ko, meron pa. Meron paring nakatago.. Marami ka paring hindi natutuklasan tungkol sa akin. Kaya hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon, iniisip ko parin.. Wow. Teka. Wala nga palang makakaintindi sa akin, kung hindi ang sarili ko lang. :) Balang araw, maiintindihan mo rin. Sana. :)
12:49am of Thursday.
No comments:
Post a Comment