Friday, December 2, 2011

MEET THE DECEMBER, ME

'Meet the December-like, Adrienne Magora' :)

Sabi ko na nga ba e. :)) This is the 'December Me' kasi. I just wanna be happy. Kung ang last day ng November ko, tama lang. Maganda naman, pero hindi parin masyado, ang December ko, sobrang blast. As in, two consecutive days na. :)) Srsly, wala lang. I just feel it this way e. Yung tipong, 'everything's perfect'. December girl ako e. Sweet ko lang sa sarili ko. Haha, I have this belief kasi na.. I should make things right, during Yuletide Season, forget about those little and petty things na nakakasira ng buhay ko, nakakapagpalungkot at nakakapagwonder sa akin. Ayoko na kasing magendure ng so much. Oh well, sana naman, hindi lang to applicable every Yuletide Season di ba. :)) I'm not that emo naman, may pagkasentimental lang talaga. :)) Pero wala talaga e, this is the way I roll nga. You can't do anything about it na. Just please, bear with me. Makiride ka nalang, wala ka namang ibang choice e. And take note, nakikibasa ka nalang. Wag ka nang choosy. Walang basagan ng trip. :)) Eto yung gusto ko e. Dito ako masaya, kung gusto mo, gumaya ka rin, para parehas tayong masaya. O di ba? :)) Well, suggestion ko lang naman yun, it's for you to take it or just simply leave it. Concern lang naman ako. :))

Anyway. As I was saying.. Ayokong magpaapekto sa mga nakikita at nararamdaman ko ngayon, gusto kong i-set aside lahat ng negative vibes, gusto ko.. Puro good vibes lang, yung lahat ng bagay, idadadaan ko lang sa smile, at magiging okay na ang lahat. 'Smile, it increases your face value' :) To prevent wrinkles, always be happy. Secret to forever beauty. :))Basta, ayoko lang talagang maging malungkot. December nga kasi, gusto ko.. Everything's in harmonious relationship with each other, at peace and in order. :) Ang arte ko lang talaga. Pero medyo may pagkaexistentialist kasi ako, kahit ang philosopher king ko pa ay si Nietszche. Haha. I told someone, I'd love to start my first day of December, super happy and filled with love. (Well, sino pa nga ba, yung shock absorbent ko) Si Honeybee, my loves. Haha. Pero teka lang, seryoso. I'm super sick right now, sobrang sama ng pakiramdam ko, clogged nose na medyo nagiging runny nose na. :) I don't sneeze, srsly, sobrang seldom lang. Pero why now? Haha. Happy nga ako di ba, bakit kailangang magkasakit ako sa mga panahong ito? :)) please naman o. Sakit, layuan mo na ako, hindi ako tolerable sa mga katulad mo. :))

December 1. (Thursday)
I thought magkikita kami ni Honeybee before going to school, like 10AM in the morning. Pero nakakainis lang, medyo nagtampo ako. Slight lang naman, he promised me kasi last night that he'll go to school, and we'll eat our brunch together e. :)) Pero hindi nangyari, okay fine. Naiintindihan ko naman yung sitch nga, pero sana, hindi nalang siya nagpromise sa akin last night, I just feel like, super devastated and frustrated. Kasi nga, I hoped for nothing. That's why I told him, next time, I won't be expecting, ohhh I mean, I shouldn't be expecting 'something' from him na. And since idk. But I ain't expecting 'anything' from him naman na. And marami pang ibang harsh words, bastaaa. Naiinis kasi ako. And you know me naman, kapag nainis. Sagaran. Pero, konting lambing lang. Bumibigay at nagtatamed din naman ako. Ako pa. :) Delicate flower ako e. And ghaad. Buti nalang kasi, maaga akong pumasok, 1pm pa class ko, pero dahil nga, ganito ako tuwing December, forever masaya and gay. :)) nag Cafe ako with the girls, Jinny, Venus and Meg. :)) Coffee. Namiss ko, swear. Medyo bawal kasi siya for my health, pero since namiss ko nga. Ode go nalang. :) Super dami rin naming napagkwentuhan, and no doubt. I'm always happy when I'm with them. Pero syempre, hindi lang naman dapat puro saya. May mga times na kailangan mo ring maglabas ng sama ng loob. :) There's always a time for everything naman di ba. :)) Sense ng friendship. Ang saya lang. :) Super nakakainis kaya. Pumasok ako, I mean kami, ng 1-7pm class, para sa wala lang. 30 minutes or less lang kaya kaming nagclass, parang wala nga lang e. Nireturn lang yung quiz paper namin sa Stat. :) Haha, ano 'to. Lokohan? Tinatamad ba ang mga professors at ayaw nila kaming pasukan sa klase? :)) I was waiting til 4pm. Wala lang. Kahit ang seryoso ng usapan naming apat nila Meg, Terence at Jinny, umalis ako, na kinikilig. :)) 'Swear, I'll be back' Sabi ko naman kasi, sandali lang ako magtampo e. Di rin ako makakatiis. Mamimiss at mamimiss ko rin si Honeybee. Oh well, syempre, love ko yun e. Malakas kapit nun sa puso ko. :)) Kaya nga, nung mga tipong 5pm na at nareceive ko na yung text niya na he's waiting for me sa AB pav. Tumalon talon at kinilig kilig na ako na parang tanga lang. :)) Haha. Bakit 'te? One month pa lang kayo, monthsary niyo. Ano beee. Ang landi much lang. :)) Hahaha. Eh, paki mo ba kasi. Namimiss ko e. Di na nga kami nagkita kaninang umaga. Nakakainis. Naalala ko na naman. Hmp. Pero past is past. Haha, ehhh. Mag-iinarte muna ako, tatarayan ko muna siya, I'll make him chase me muna, bago ako maging demure na ulit, harsh ako. Kasi love kita. Parang di na nasanay o. :)) Mahal lang talaga kita, kaya kita ginaganito. :)) Pero sobrang sweet ko talaga e. Pero emotera nga lang. Haha. From 4:20 to 5:30, magkasama lang kami sa Quadri Park, habang nag-uusap ng kung ano ano lang. Ehh kasi naman, namiss ko siya e. Bakit ba? Ako ba, hindi mo ko namiss? Sapak nalang o! Haha.

Tinext ako ni Borj at V na nandun na daw yung prof namin sa SCL 3. Sabi ko, sayang dumating pa siya, sana hindi nalang. Haha. Pero pag-akyat ko ng room, baaam. Aalis din pala siya, nag-iwan lang ng seat work. Pero omg, hindi niya ako inabsent. :)) Ang kind niya, swear. :)) With the camera effect, and cute posing sa harap, I captured the questions, and baba na ulit. :)) Gusto ko lang makasama pa ulit si Honeybee. (I can catch up with my essay naman pag-uwi ko e. And papasok din naman ako ng maaga the next day, para ipasa yung paper ko kay Ate Kristine). Dinner time. Pasta Plate, as usual. Hindi naman siya tagong lugar, pero wala e. Gusto ko ng pasta, as always naman. Haha, pero this is so cute. Super coincidental nung nangyari. Siguro mga 30 minutes or more na kami nakaupo at 'kumakain' no Honeybee, nang biglang nagbukas yung door.. Baaaam. Si Meg and si Jinny. :)) So.. Wow. Ang galing naman, parang may certain vibration. Hahaha. Anyway, for the first time nangyari yung pinapangarap ko. :)) Tatanggapin na ng mga kaibigan ko ang Honeybee ko, no matter what, and they'll be happy nalang for the both us, no side comments na. :)) And umuwi kami ng sobrang saya. Bade good bye kisses with the girls, and hinatid na ako ni Honeybee sa condo, same, xoxo. :) Huggggg. 'Love na love talaga kita e. Swear'

Oh di ba. How melancholic ng school day ko ngayong Thursday. At.. Gabi na. :) Si Zhea naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Pinaiyak niya ako ng bonggang bongga. When she told me, she misses me na raw. Ghaad. I've been expecting for this time to come, for quite some time na, pero grabe. Srsly, I wasn't expecting. May navivibes kasi ako na she's setting a distance between us, and medyo nalulungkot ako, I have a feeling na, she don't want me in her life na, she don't need me as her friend anymore, that's why she don't wanna befriend me anymore. Oo na, maarte na kung maarte. Pero kasi nga, maarte naman talaga ako, kaya pwede. Wag nang magside comment? Mahal na mahal ko lang si Zhea. Kaya ewan ko ba. Naiyak ako ng bonggang bongga. Konting ganun lang, simpleng text lang ng 'I miss you' sumabog na yung luha ko. :)) Kasi naman e, hindi ko naman siya iniwan. Pero ewan ko ba.. Gusto kong bumawi, gusto ko siyang i-hug. Pero I said sorry naman na, for the 'lost' times, kaya nag-isip isip ako.. Teka. Habang katext ko nga pala siya, pero bago pa talaga yun, pinagpatuloy ko na yung nasimulan kong pag-aaral para sa Epistemology, and yung mga tipong, 2 minutes before 12mn, natulog na ako. May naisip kasi ako para sa kinabukasan. Friday. :)))

Ehhh. Ano naman masasabi mo sa December 1 ko, ang WINNER di ba? Super EPIC WIN. Sobrang daming nangyari. Ang 'colorful' talaga ng life ko. Ang sarap isulat at ilathala somewhere. Never naman kasing naging boring ang life ko. :)) Beautiful and meaningful as alwaysss. :) <3

December 2. (Friday)
Ehhh. Kasi nga, December 2 ngayon. Sobrang, ayoko pa sanang tumayo ng kama. Pero kailangan. :)) December po ngayon, be productive. Make yourself busy and energetic, as much as you can. :)) So yun, mga 7:20 nagising ako dahil sa alarm clock ko, pero instead of clicking stop, nag 'snooze' nalang ako for 3 minutes. Haha, sayang yung 3 minutes na itutulog ko pa sana. Ehhh. Napaka walang sense. Hahah, pero wala. Essential parin yun for me. :)) hanggang sa nagising ang kaluluwa't diwa ko ng bonggang bongga. 'Wake up, you'll meet Zhea, today, right? Hello.' Haha, kaya pagkatayong pagkatayo, tiklop ng blanket, kuha ng towel, at diresto ligo na. :)) Tinext ako ni V, ng sobrang aga, mga 7:00am palang yata nun, eh. Tulog pa nga ako. Mga 9:30 yata, natapos ako sa lahat lahat. Ang bagal ko lang. Haha, as always. What do you expect pa nga ba? Haha. Kelan ba naman ako bumilis sa lahat ng bagay? Anyway, wala namang laglagan ng sarili, Adrienne. :)) Ehh. Bakit naman ba kasi? Masaya e. Hahah! (Para lang akong lukaret sa ginagawa ko, sobrang hyper na naman ako) Nga pala, December kasi ngayon. :))))) Anywayyy. Back to the real world: I texted V and Zhea, na papunta na akong school, pupuntahan ko talaga si Zhea sa theFlame office, kasi I wanna make bawi to her nga. :> Miss ko na yung lukresya na yun e. Apparently, nagulat ako. Una si Ate Tine. Ayon. Sa wakas, in time lang. She was about to text me na raw, buti nalang nagkita kami sa may lib. :)) Napasa ko na yung paper ko for SCL3. :) Nice. Ang bait talaga sa akin ni Lord. Then, si V. Sobrang split seconds lang. Haha, nag-yayayang magCafe. Pero.. I have to see Zhea nga. :)) So I told her, pass muna. Si Zhea naman. Sabi ko kay V, susunduin ko siya, then iinivite mag breakfast, feeling ko kasi, hindi pa yun kumakain. Oh well, for sure. So ayon.. I invited her. Gusto ko ng coffee. Pampagising at pamapahyper lang. Pero wala ng seats sa Cafe. So, wala na. Sabi ni Zhea, sa Jabee nalang kami. :)) Pancakes for me. Yess. :) Although sobrang sakit ng tonsillitis ko, game lang. :)) Ready for everything e. Strong ako ehhh. :))

Ang cute lang ni Kuya. May dalawa kasing crew, after kong mag-order. Inassist ako nung isa. Sabi kasi nung isang Kuya. Assist the beautiful lady. :) Haha. Wala lang. Ang cute lang ni Kuya. Natuwa ako, kasi umagang umaga pinapaganda ang umaga ko. Inaappreciate ang aesthetics ng buhay tao. :)) Hahaha. Anyway. Para naman daw akong prinsesa, sabi ni kaibigang Zhea. :)) Okay. Enough. Wala lang. Share lang. :)) Napag-usapan lang naman namin yung iba't ibang issues na laganap sa loob ng classroom, mga simpleng eye openers rin at the same time. Then. It's 15 minutes before 11, and hindi ko parin nauubos yung pancakes ko, okay fine. Sabi ko na kasi e. Mabilis kasi ako. Lagi naman, kahit saang bagay naman. :)) Haha. So, minadali ko na.. Going back to AB bldg na. :)) Pag-akyat sa may labas ng room, hindi masyadong nice ang ambiance ng corridor, ang init pa. Parang nakakasuffocate lang. Tch. Sa loob ng classroom. K. Ang tagal naman magsilabas nitong mga First Year na to, ano beee? Nagpacute ba kayo? Haha. So, I have to tap the armchair pa. Wala lang. Pampam lang. Ang tagal kasi e. Ugh. Good mood pa ako, although masama na yung pakiramdam ko, ehh. Magququiz muna ako sa Epistemology, bago ako magchange phase. :)) Okay naman yung quiz ni Sir Pada. Kinareer ko kaya yun last night, since open notes naman. :) Transfer ko lang lahat ng mga sagot ko, hindi naman hassle, sobrang bait and generous type pa nga si Sir e. :)) Pero OMG. 100 points daw yung essay quiz niya na yun. Oh well, let's see. :))

English time na. Wala si Sir Bernardo. We talked about our planned Christmas party. Though wala naman masyadong nangyari, wala ring naaccomplish. K. Maganda yan e. :)) Haha. Computer time, super duper bored ako. Kasi nga I'm not feeling well na, sobrang serious ko kaya, as in. Hanggang may Bio na, please naman, Sir Olivar. Lalo mong pina complicate yung araw ko e, sobrang sakit na nga ng nostrils ko, naghihingalo na sa sipon ko, ang dami mo na namang alam sa buhay mo. Akala ko ba BIO? Eh bakit puro CHEM tinuturo mo? Hahah. Nakakainis. Lahat kaya kami, hindi na gets mga sinasabi nya. :)) Okay, so ang dami na namang side comments ang naririnig ko sa likod, kung makamura pa, sobrang lutong. OMG. I'm not the fluent kasi when it comes to saying those bad words e, pero bakit kapag sila na yung nagmura. Grabe. Ang lutong? Nagtataka lang ako. :)) Hahaha. Mga babae pa naman. Hindi magandang pakinggan e. Walang class, walang breeding? Haha. :)) Uwian na. Cafe with Venus and Meg. :)) Ano beeeh. So mga te, ginawa na nating tambayan ang Cafe? :)) Sayang, wala si Jinny, medyo kulang yung laughter. :)) We stayed there from 3:15 to 4:30PM. :) Again, we talked about anything under the sun lang. :)) Dun kami masaya e.

4:30PM. 4:45PM. Okay. Chapel muna ako. :) Namimiss ko nang magchapel e. Solitude kumbaga, gusto ko lang magthank you and kamustahin si Lord. Namimiss ko na siyang bisitahin dun e. :)) Napahaba yung pakikipag-usap ko kay Lord. Mga 4:58 na, nagtext na si Honeybee, pero sabi ko, nagdadasal pa ako, hindi pa ako tapos. 5:05 ako nagreply. Haha. 5:06, tapos na akong magdasal. :)) Pero, sa likod, may ibubulong pa ako kay St. Jude, then nagtext na ulit si Honeybee, 5:08 na yun, pupuntahan nalang daw niya ako. :) So okay, I waited sa labas ng chapel. Then nagkita na kami. :))
Wala lang. Sobrang sweet ko nga kasi ngayong araw. Gusto kong i-share sakanya, kahit minsan lang. WEH. Talaga? Haha. =)) Di ko siya inaway, di ako nagtampo or nagtantrums, inintindi ko lang siya. Ayyy, baka siguro kaya ako mabait at sweet ngayon sa kanya, may sakit ako? :)) Hindi kaya? Haha. 5:10, nasa Tokyo Tokyo na kami, nag-oder na. :)) Ehhh. Ang tagal na naman nung order. Haha. Mga tipong 5:20, hanggang 6:30, kumakain ako ng Yakisoba. :)) Hahahha. =)) Okay, marami na naman akong nakwento sakanya, umandar na naman yung armalight ko. :)) while walking, hanggang sa pag-akyat ng AMV, hanggang sa pagkain, hanggang sa pagtambay sa taas ng AMV, hanggang sa pagdadasal muli sa chapel, hanggang sa paglalakad papuntang Moonleaf sa P. Noval, hanggang sa paghihintay ng order na tea.. Hanggang sa pag-ambon, at paglalakad pauwi ng condo ko, hanggang sa paghatid niya sa akin. :))) Hahahaha. Ayon lang po. At ako'y sobrang sinasamaan ng pakiramdam ngayon. :))

Ako ba talaga tong nagtatype? Ehhh. Bakit ang sipag ko na namang magblog at magkwento? Ehh. Bakit ang sweet sweet ko? EHHH. Bakit ang understanding ko na? Eeehhh. Bakit hindi ko siya inaway? Oh well. Ang dami pang iba. :)) Grabe. Sobrang dami dami ko na talagang natututunan sa buhay ko ngayon. At sobrang saya ko, kasi nababalanced ko na lahat lahat sa buhay ko. Diyos, pamilya, kaibigan, boyfriend, paag-aaral, at kaunting social life' :) Sa wakas. Nagbabalik na akong sa dating ako, with a better twist nga lang. Kung noon, sobrang studious na nerd lang ako.. :)) Ngayon.. Sobrang balanced and happy.. :))))Ehhhh. I love being me. I love to be myself. Like OHMYGGHAAAD. Srsly, I have to tell you this, you'll get envious with my life, SRSLY. =))))))))))))


Time check: 12:29AM (Saturday na)
I started typing this blog entry, about an hour ago.. :)) So sobrang daldal ko na naman pala? OMG. =)))))))))) AKONG AKO NGA 'TO. DECEMBER ME.

*EHH BAKIT KASI ANG SAYA KO?*

No comments:

Post a Comment