Sunday, November 7, 2010

TATLUMPU'T LIMA LANG YAN SA KAWIRDUHAN KO.

1. Abnormal ang body clock ko. Kasi hindi normal. Haha. As in, di ako natutulog ng maaga. Yung tipong alos dos hanggang alas singko ng umaga, dun palang ako matutulog.

2. May sa bampira yata ako. Oo, sabi kasi ng mga magulang ko, pati mga tito at tita ko. Nung bata ako, magdamag akong gising sa gabi, at sa umaga ako tulog.

3. Cold blooded ako. Paano, sabi ng High School closest friends ko, kahit sobrang init na. Ang lamig ko padin pag hinawakan nila ko, lalo na yung mga kamay ko. (Wow. three consecutive answers: Signs nga yata ng pagiging bampira 'to)

4. Sobrang adik ako sa mga damit at sapatos. Yung tipong bili ng bili, kahit di pa nasusuot. Wala. Nakaimbak lang. Haha. Nakakaloka na nga sa dami. Di lang mapigilan. Impulsive buying yata lagi ang nangyayari. :>

5. Once in a blue moon lang ako kung magtext. I mean, nag ggm ako pag may load. Pero, hindi na nagrereply after. Namimili ng katext, most of the time.

6. Hindi ako nagtetext kapag may pasok. Wala akong pakialam sa telepono ko. Haha. Ilang beses na kong nasermonan ng nanay ko, dahil di ko sinasagot mga tawag nya. Haha. :>

7. Mahilig ako sa pictures. Vain kasi ako e. So what naman? Wala naman yatang masama dun di ba? Sige na. Ako na vain. :P

8. Takot ako sa lahat ng uri ng hayop. Kahit sa aso, pusa, ibon. Basta sa lahat. Kasi naman. Napaka warm blooded nila pag hinawakan, ang init. Tapos gumagalaw pa. Parang nakakatakot tuloy. Umiyak pa nga ako minsan nung nilapit sakin nung tito ko yung kuting e. Hahaha. Kaya please, don't you dare.

9. Magugulatin ako. Sobra, kakainom ko na yata 'to ng kape e. Minsan sa sobrang pagkagulat ko, napapaiyak na lang ako.

10. Mahilig akong magbasa ng libro. Yung mga makakapal. Wala lang, ang saya lang kasi. Kahit ilang beses ko pang ulitin, kung saan saang lupalop kasi ko dinadala ng imahinasyon ko kapag nagbabasa ko e.

11. Nung bata ako, marunong akong magbisikleta. Pero ngayong lumaki na ko, hindi na. Naalala ko tuloy nung nalaglag ako sa bike, tapos nagkasugat ako. Tinigilan ko. Kaya siguro ngayon, di na ko marunong. Hahaha. Anong konek?

12. Simula mag College ako, kinakabisado ko na yung mga nakasulat sa libro. Detail per detail. Feeling major kasi lahat ng subjects e. Haha. Naalala ko tuloy, tinagged ako nung kaklase ko sa photo nung libro namin sa major. Ang caption.. "Kabisado yan ni Adrienne Magora". :p

13. Adik ako sa computer. Yung tipong 24/7 akong online. Wala lang, wala akong maisip na pwedeng gawin maliban dito kapag bored na bored ako e.

14. Hindi ako mahilig maglaro ng kung ano mang online game, kahit Facebook applications. Hindi ko type yung mga ganun. Paglaruin mo na lang ako ng Text Twist, Boggle o kaya Scrabble mas maaappreciate ko pa.

15. OC ako sa lahat ng bagay. Kahit hindi ako marunong maglinis ng bahay. Well, nagwawalis naman ako minsan. Yun nga lang, di nga yata talaga pagwawalis ang tawag dun sa ginagawa ko.

16. Mula kinder hanggang 4th year High School, naka school service ako. Hindi kasi ako marunong umuwi ng mag-isa.

17. Umiiyak ako tuwing Wednesday nung Elementary hanggang 1st year High School ako kapag maglilinis na. Kasi, baka maiwan ako nung service ko. Hindi ako makauwi sa bahay namin.

18. Hindi ako marunong magmake-up. Pero ngayon, medyo natututo na kahit papaano.

19. Feeling ko nakakulong ako nung High School, wala kasi akong freedom. As in sobrang higpit. Lahat na lang kasi sa school namin, bawal. Tapos, kailangan mo pang maging good role model sa lahat ng estudyante kasi nga Presidente ka ng Student Council. BV.

21. Sobrang active ako. Lahat ng uri ng contests, sinasalihan ko. Di kasi ko mahiyain e. Parang kapag sumasali ko ng contests, feeling ko mas naiimprove ko yung mga talents ko.

22. Sobrang daldal ako. As in, lalo na kapag hindi ko gusto yung topic ng prof. Mas mabuti pang makipagdaldalan ako the whole period sa katabi ko. Kesa naman sa makinig sa napaka komplikadong ekplanasyon ng prof namin. Mas magegets ko pa yun kung magseself-study ako e.

23. May pagkachoosy at pagkabossy ako. Aaminin ko, may pagkaself-centered ako. Pero, siguro nung High School pa yun, hindi ko na kasi nakikita yung sarili kong ganon ngayon e.

24. Sobra akong GC. Alam nyo naman siguro kung ano yung ibig sabihin ng GC diba? Haha. Oo, maraming naaasar kapag binubuklat ko ang topic tungkol dito. Ano naman? Takot ka? :p

25. Kapag nalulungkot ako, nagpapatugtog ako ng sobrang lakas. Yung tipong wala na kong marinig. As in, yung lyrics na lang ng kanta yung maririnig ko. Sa paraang yun kasi, parang nadadala nung malakas ng tugtog yung emosyon ko e.

26. Mahilig akong lumabas. I mean, hindi ng bahay. Di nga ako lumalabas e. Pero, kapag usapang puntahan sa mall. Wala ng paliwanagan, handang handa ako dyan. Any time. :)

27. Adik ako sa ketchup. As in, yung fries at Nacho chips na kinakain ko, pinupuno ko ng ketchup. Pwede mo rin akong regulahin nito. Kaya lang, dapat yung brand na gusto ko. :)

28. Mahilig ako sa chocolates, cakes and sweets. I have a sweet tooth nga e. Ayoko lang ng white chocolate. Masakit kasi sa lalamunan.

29. Sobrang gustong gusto ko ng surprises. As in, yung malalaking gifts! Lalo na pag Pasko. :)) Tuwang tuwa din ako pag nakakatanggap ng bouquet of flowers saka mga stuffed toys. :>

30. Favorite ko yung banana na sinasawsaw sa peanut butter. :) Ayoko ng banana na sobrang taba. Yung walang lasa. Yung saging na saba. Hahah.

31. Mainipin ako. Ayoko ng pinaghihintay. Kasi minsan, pag nainip na ko. Iba naman yung gagawin ko. Pero, tinatapos ko rin naman yung mga naiwan kong gawain. Ayoko lang ng may unfinished businesses pa ko.

32. Gustong gusto ko yung naglalakad. Sobrang stress reliever kasi. Kapag nagyaya na kong maglakad, maghanda ka. Haha. Walang katapusan, maglilibot tayo ng malayo. :P

33. Sobrang gusto ko ang pagtalon at pagtakbo. Kagaya ng paglalakad, parang nawawala lahat ng bagay na pinoproblema ko, at the same time, nakagpag exercise pa ko. :)

34. Pagkatapos kong mag-aral, gusto kong maging isang ganap na abogado. O kung di naman, maging Anchor na lang ng isang TV news team sa TV. :))

35. Hardcore blogger ako. Mahilig akong magsulat ng mga bagay tungkol sa nangyari sa buong araw ko, pero di ako emoooo! Mahilig din akong magdrawing. Pati narin kumanta at umarte. :>

-- Parang kulang pa yung 35 e. Haha. Marami pa sana kong gustong idagdag pa dito. Kaya lang, baka sobrang haba na. Grabe. 3:30AM na pala. Di pa ko natutulog. =))))

No comments:

Post a Comment