Nakakaasar lang. Anong petsa na naman, di parin ako natutulog. Di kasi ko makatulog e. Urg. Nasanay na naman ako ng ganitong tulog. Mahigit tatlong linggo din pala kong ganito. Batong bato sa loob ng bahay, walang magawa. Walang ginagawa. Gigising ng tanghali na, di na kumakain ng almusal pati narin tanghalian. Nakakatawa. Nagdiet nga ako, oo. Nabalik ko na yung dati kong weight. :) Syempre masaya ko. Pero, duh. Pagbalik ko ng dorm. Lolobo na naman ako! Kaya ayoko pa e. Nakakainis. Kahit na gustong gusto ko nang magbalik eskwela, natatakot parin ako.. Babalik din naman yung naloose kong weight ngayong sembreak e. BV na naman! Hahaha. Tama na nga. Ang labo at ang babaw ko na naman. Kung ano ano na naman pumapasok sa isip ko e.
Maiba naman tayo. Haha. Excited din naman pala kong pumasok. Kasi, new professors. New and hardcore subjects ang nagihintay sa akin. Grabe. Super kakaiba tong nafifeel ko para sa darating na sem na 'to. Parang may something e. =)) Next time ko na lang ishashare kapag buong buo na yung mga details. Medyo vague pa kasi sya, as of now e. Pero siguro, by 2011, okay na. I mean, sa January. Haha. Tapos na kasi nun yung Paskuhan sa UST e. Sana nga pagbalik ko, nakatayo na yung giant Christmas tree na laging nandun. Gusto ko na makita. Excited ako para dun. At nga pala, November 7 ngayon, wala lang. Next month may gugunitain kami. Oo, yung buong family naman. Something tragic happened kasi. So ayon, after a month magbabalik tanaw ako. Masasaksihan na naman ng kompyuter na ito at syempre ikaw, Tumblr kung ano nga yun. Sa ngayon, sikreto muna. Bibitinin muna kita huh? :)
Hanggang sa muli. Maghahanap muna ako ng pwedeng paglibangan pa, habang naghihintay akong dalawin ng aking antok. Dalawang tulog na lang, papasok na ko ulit! Sobra ko yatang namiss ang UST. :>
No comments:
Post a Comment