October 12, 2012 and October 13, 2012
Hey, guys! It's sembreak. So what now? :D
Omg. Reality of life, yesterday.. Bago mag Indian Philosophy final exam.. Everyone was in chaos, actually.. Hindi nga mashado e. Kasi, expected na as always, na masasabaw na naman kami sa exam ni Dean. All or nothing nga kasi 'yung exam niya e. Good luck naman kung masagutan namin ng maayos 'yun. Hello, nganga exam for 3 long hours. Umasa nalang ako sa "Divine Intervention" mula kay Buddha. Joke, mula kay Dean pala. :) So, kamusta naman ang pagpwesto ko right in front of him? As in face to face talaga.. And syempre, pampalakas lang.. Source of real knowledge, I have to eat the magical fruit!! -Banana. :) So 'yun. Asang asa talaga ako, na kahit papaano, may maaabsorb ako kay Dean, baka mahawa ako ng vibes ng right knowledge niya. Prakriti and Purusha lang. Chos!!
No offense for being a Philosophy major.. Pero grabe naman talaga. Nakakadrain ng utak. Seryosohan. Halos wala kaming maisagot e. -.- Nganga lang, buti nalang kahit konti.. Nakagbasa ako. Kahit mga 4 chapters lang ng coverage. Lol. Sobrang nakakalungkot lang na may nahuli si Dean na almost cheating ang peg.. "I am the professor of all the professors." Partida, lenient pa siya nung lagay na 'yun. Akala ko talaga, magagalit na e. Nashocked ako. As in windang kung windang. Boo. Mabait parin pala talaga si Dean, kung ibang prof 'yun. Nako, wala na. Pero medj naawa din naman ako sa mga nahuli. Sayang, I just hope.. They won't repeat the course. So yeah.
Right after mag exam, as expected, dahil wala na talaga akong mapiga sa utak ko.. 30 minutes before 6pm, nang napapansin kong.. Kumokonti na kami. As usual, isa ako sa mga nahuhuling magtake ng exam, focus kung focus e. Hahaha. So 'yun. Pagkalabas ko ng room, everyone was like. "O.o" halatang mga sabaw e. Tapos nashocked din sa nangyari.. Pinatawag sakin ni Dean 'yung mga nahuli niya, then date time na with beloved Zhea!! Nasa plano na e. Mga one week before everything, hahaha. Yessss. May dinner date po kami sa Sicilian after ng exam. :D "Mags, CR tayo." Ako naman, si super duper sweet friend.. Sinamahan si babygurl. :P
Simula na ng kwentuhan, at least.. 30 minutes earlier ako. Di nako nagextend pa sa pagkakadalubhasa, baka lumagpas nako sa langit kapag pinilit ko pa 'yung sarili ko e. Joke lang. Boo. So 'yun, direcho Sicilian na, just like the old times.. Namiss ko po si Zhea!! "YESSS, DATE!" Ang tagal na pala nung huling ginawa namin 'to. Mga Prelims pa. Hahaha. Na super nabusog din kami ng sobra sobraaaa. Right after nung defense sa Pol Dy. Wow lang. Wow. After 3 years, natupad din ang pagkain naming dalawa sa Sicilian :) Iimagine niyo naman po 'yung kapagungan ko sa pagkain di ba? :D "Mahirap kang kasama sa pagkain, napaka arte mo kasi!" HAHAHAHA. Shit. Tagusan ang peg, Ate? :P Almost 7:40pm na kami natapos. Chos. Ang lakas ng loob kong sisihin siya sa kabagalan niya.. Well, in reality, ako naman talaga 'yung mabagal.
"Grabe, Mags. Kahit naman nag-aaway tayo, ayy. Kahit pala inaaway kita.. Mas nagiging close pa tayo after ng lahat ng 'yun." Ewan ko ba. Oo nga, parang sa mga kapatid ko lang.. Kahit lagi kaming nag-aaway, mas napapamahal ako sakanila, mas nagiging ka-close ko sila. Kay Zhea? Oo. Para ko na siyang sister, dahil nga pinagkaitan ako ng sister, hinuhugot ko nalang talaga sa mga girlfriends ko 'yung pagkangulila ko sa kapatid na babae. And am just super thankful na, nagkakasundo kami ng ganito, at parang mas nagkakasundo pa nga. "You'll never be alone, I'll never leave you." Pangako ko 'yan. Di ko naman kasi gawaing mang-iwan ng friend sa ere. And when I say I love you as a friend, that would be for eternity, kasi am this type of person na.. Kapag sa lalaki, sobrang daling sumuko, fault finder. Konting pagkakamali lang, dispacha na. Pero bakit ganun? Pagdating sa mga kaibigan, parang wala akong preno. Kahit napapahiya nako. Kahit sobrang pagbababa na ng pride, tinitiis ko? Or is just because.. Mashado ko lang tinetreasure 'yung mga taong 'to? I don't know. I really don't know. Too much attachment. Kaya kapag nasasaktan ako 'cause of them, sobrang nahihirapan akong i-bear.
Buti nalang talaga, 'di ko sinukuan si Zhea. Inisip ko nalang.. Bump lang 'yun sa friendship namin. Nagpaka lalaki ako, para lang i-save 'yung friendship namin. Nung panahong inaakala kong.. Nagiging lesbo na ako. (Well, sobrang labong mangyari, pero naconfused din naman talaga ako.) baaah. Namiss ko lang talaga siguro siya ng sobra sobraaaa. Kaya nagkaganun ako. And I'm just extremely glad, kasi nalampasan ko 'yung barrier na 'yun. 'Yung bump na 'yun, feeling ko, mas naging stronger 'yung friendship namin, kapag naiisip ko.. Naiiyak nalang ako, at the same.. Natatawa. Iyak tawa nga e. Sa lahat kasi ng mga kaibigan ko, inaamin kong si Zhea 'yung isa sa may pinakamalaking impact sakin. Madali akong maapektuhan pagdating sakanya. Boo. *breaks the ice*
Time to go home na.. It's getting late na kasi, I accompanied him sa may Lacson, pero shempre, 'di nako nagcross ng streets. Ang hirap kasi. Masagasaan pa ko. Haha. Then my phone rangggg. "Meg Caballero.. Calling.." YES HELLO? OMG. Mag-aAntipolo daw kami! :) So 'yung totoo? Ubusan ng salapi 'to. Pero okay lang! Sem break na!! Time to unleash everything! Eat, pray, love. =)) YEAAAAH. \m/ Namiss ko ang tunay na social life.. Ang tunay na bonding with my beloved blockmates! Pinagbigyan ko si Meg. Dahil nga sobrang miss na miss ko na siya.. Sila. It's just that, super sayang.. Hindi kami kumpleto. Parang unti unti na namang nadidissolve ang TNT. Wala si Venus, wala 'yung ibang guys. So what d'ya call this now? -.0 I really don't know. Basta ang mahalaga, we had fun last night.. I was with Aiko, Grace, Pops, Bren, Meg, Kyle, Jam and Jinny. Mga 9pm na yata nun when we decided to go to Antipolo. As always. Team building. Namiss ko din 'tong mga 'to, kahit papano. Well, kahit everyday ko naman silang nakikita sa room. Iba parin talaga kapag magspend kami ng time with each other. It's been so long!! Aww. It's breaking my heart at the same time.. *teary
eyed* Char. Arte ko na naman e! =)))
OMG. Adventure time, ang tagal din kaya ng byahe namin. Mga almost 2 hours. Nakakahaggard pa! In fairness.. Sobrang init sa train! HAHAHA. "Kanina pa ko sinusundo!!" Tren at airplane. WAHAHAHHA. Kamusta naman ang paglalamay namin? Gumagapang sa alcohol at kape!! :D Ang cute cute pa nung kubo. Shemay. Skype video call with Jae, Rachel and Sheena din!! OMG talaga!! Ngayon palang, wala pang isang araw ang nakakalipas.. Miss ko na silang lahat. Miss na miss ko na! Mukhang matatahimik ang mundo ko ah? Can't imagine na tatahimik ako for 3 consecutive weeks. Walang manggugulo sa araw-araw ko!!! Tatahimik talaga. Shit. Ngayon palang 'o. Kaya nga super daldal nako dito sa blog ko!! =)))))))
Okayyyy. Enough. Kaninang umaga lang kami nakabalik. Mga basag na basag from last night! :D Walang tumumba, sayaaaang. Naconfiscate pa 'yung Empi lights namin nung Daddy ni Bren, ang pplastic nila. Nakaka isang mucho palang daw kami ng Red Horse, pero 'wag ka.. Nakaka walo na pala kami! HAHAHHA. 'Yung totoo. Puro kasiyahan kami last night. Puro ingay.. At ngayon, nabibingi nako sa katahimikan ng wala silaaaa. Ilang oras palang talaga. Di ko talaga kaya. Shocks. I need to hangout with them soon! AGAIN. APARRI! :D
At may PART TWO pa 'to. Right after ng enrolment sa 23rd!!! :D Sana matuloy. Swimming! Antipoloooooo! :)
It's semester break. Pero.. Mukhang 'di pa ko matatahimik hangga't 'di ko nakikita grades ko. 'Yung totoo.. Kabado nako sa POL DY AT SCHOLA. *laslas* Hahahahaha
XOXO
No comments:
Post a Comment