Monday, October 15, 2012

Not everyone gets a second chance. So when you're given one, take the chance and make things right~

October 15, 2012
Monday: "Not everyone gets a second chance. So when you're given one, take the chance and make things right."

Wow. So it's a Monday today, and it's quite unusual, kasi.. Walang pasok. Onga pala, sembreak na nga pala! Pero with all honesty, medj 'di ko parin mashadong ramdam, five friggin days. Five friggin' days to go.. Bago ako tuluyang manahimik. Up until now, wala paring tigil ang pagtibok ng puso ko, I mean.. 'Yung sobrang bilis. 'Yung feeling super duper mega over nervousness. :/ Shocks. October 20, release of grades. Kapit na naman sa patalim ang peg ko. Gosh. I'll do anything just to passed my Pol Dy and Scholasticism. Omg. Two subjects, 9 units. Kinakabahan ako. Wag naman sana, I can't afford to fail. I shouldn't fail. I MUST PASSED all of my subjects this semester. Hell yeah. I'm in dire need of some miracle to happen. Nananalangin po ako ng mataimtim mula kay St. Jude of Thaddeus, sana po.. Dinggin niya muli ang aking muntik mga kahilingan. Konting sem nalang po ang natitira, roughly 3 sems to go, sana naman po.. Patnubayan niyo pa ako sa nalalabing isang taon at kalahati pa. Pangako ko po, magpapakatino na talaga ako. Last na 'to. Last na last na talaga. Magsisipag na po talaga ako ng sobra sobra, maipasa ko lang po talaga lahat ng subjects ko this sem. Itinatago ko pa sa bato. Mag-aaral na po talaga ako ng mabuti, magdodoble kayod na po talaga ako, magfofocus na.. 'Di na magpepetiks, pakinggan niyo po sana ako sa aking panalangin. Ako po'y nananalangin, sa ngalan ng inyong banal na dangal. Amen.

Aside from being troubled with this stuff of a lot of jitters flowing my whole entity, busy ako sa gym the whole day. Promise ko kasi sa sarili ko, matapos lang 'tong sem na 'to.. Magwowork hard na talaga ako sa gym. Magpapapayat na talaga ko. Shocks. Haha. Kinakailangan ko nang magbawas ng timbang. Ako po'y nananaba na naman. -.-

So, from 10am to 3pm, nasa gym ako kanina. Pagod ako. Napagod ako, pinagod ko talaga 'yung sarili ko. Haha. Well, at least once a week.. Kailangan kong magworkout ng sagaran. Last week, 'di ako nakapag work out, kasi exam week. So, one week din ako 'di nakadalaw ng gym. So 'yan. Nilubos lubos ko na kanina, bukas ulit ng umaga. :)

On a side note, namimiss ko na ang buong 3 Philosophy.. Grabe. Sinasabi ko na nga ba't tama 'yung hinila at pakiramdam ko, pagkalipas nang ilang araw.. Mababaliw nako sa katahimikang bumabalot sa akin. Paano ba naman, wala akong makausap. Everything's virtual, tawang tawa na naman ako sa harap ng laptop or ng iPad, habang nakikipag-usap sa mga namimiss kong tao. Wow. Cyber world. Grabe wala na talaga. Di ko matiis 'yung ganitong feeling. Gustong gusto kong makipag-usap, pero 'yun nga.. Virtual lang ang lahat. Medj nakakalungkot pa na 'di ako pinayagan ng mga magulang kong sumama sa Aparri. Oh well, nakakakaba din naman kasi. Baka kung anong mangyari.. Tsaka feeling ko, wala pa akong right para magsaya, hangga't di ko pa nakikita mga grades ko. :( Habang papalapit na ng papalapit ang October 20, palakas ng palakas 'yung kabog sa dibdib ko. :O Boo.

Namimiss ko na 'tong mga 'to! :)




Grabe. Ilang araw po, konting mga araw pa.. Mababaliw na talaga ko ng tuluyan. Wag naman sanaaaa. Di ba? :D Haha. Kaya ko 'toooo! :) Focus muna ko sa sarili ko this semestral break, hahanapin ko muna ulit 'yung sarili ko. Mananahimik ako maghihibernate na muna ako. :)

No comments:

Post a Comment