The Art of Letting Go~ Put away the pictures, put away the memories, I put over and over. I guess am just learning, learning the art of letting go. Watching us fade, what can I do? Simply nothing. :) At last, I am over you. I don't feel like loving you anymore, "I just don't love you no more". I told you, give me at at least a week, now it works, it has been two weeks already. Two thumbs up, am over with the "feeling of being magically in love with you".
I never knew this would have been so easy, but boy, you're easy to let go. You're easy to forget. (Just that I thought, it'll be so hard, but now, am congratulating myself. I did the best damn decision. Now am happy, no more regrets, no more cries, no more loving heart, just thinking of my own happiness and welfare. *flashbacks* I remember dumping and toying people around was so easy for me, and I changed a bit, and now am going back to the old me. The old dummy, materialistic and heartless. I know, you could brand me "fake" but that's just me. Now, am being realistic and honest with what am feeling. (Everything I write here, are all true, no pretension) Glad am really over you~ No more "extra" hurt. No more "extra" love. :)
May natira man, ubod nalang ng konti yun, marahil ay, isang kurot ng asukal ay sosobra pa. Pero di ba't hindi nararapat na asukal ang gamitin kong sangkap para dito? Di ba dapat, mapait? Kasi, hindi matamis tong ganitong pakiramdam e. Pero, ewan. Sobra nakong nahihibang. Marahil ay masaya lang, nakakawala na kasi ako sa estado ng pagiging "tanga". Tapos na kasi akong magmahal sa kanya. Ayaw niya mang bigyang tuldok, o ayaw ko man nung una, pero wala na akong magagawa. DI NA TUMITIBOK ANG PUSO KO PARA SA KANYA. Ayoko na siyang lokohin pa o paasahin, kasi nagmumukha naman akong masama at paasa kung ipagpapatuloy ko pa tong kalokohang ito. Magawa niya sana akong patawarin, pero.. Ayoko namang dumating sa puntong isusumpa na nya ako. Haha. =) Pero, hanggang sa ngayon, wala pa namang bagong tinitibok ang puso ko e. Tumigil lang sa pagmamahal sa iisang tao. :) Masaya nako ngayon, unti unti ko na ulit nahahanap ang sarili ko. Unti unti na akong nagpapakatao, at unti unti ko naring naimulat ang aking mga mata sa katotohanang.. "Tama na, hindi tayo para sa isa't isa. :)" Wag ka narin sanang magbulag bulagan, gumising ka na. Kasi, nagising na ako, ewan ko nga ba, bakit ngayon ngayon lang, dapat matagal na e. Pero sana ikaw rin, mamulat ka na sa katotohanang, "baka isang laro ko na naman 'to?" Pero hindi rin e. Haha, noong una pinilipit kong takasan ang katotohanan, pero sa wakas, naisip ko rin na wala na nga tayong patutunguhan pa. :) Kaya mas mabuti pang wakasan na ang lahat hangga't maaga, at hangga't hindi pa ganung kalalim. Kaya pa namang gawan ng remedyo e. Masaya ako, kasi nakakatawa na ulit ako, kahit wala ka. Hindi na ako masyadong nababagabag sa kung ano man ang meron tayo, nandyan ka man o wala. :) Nagpapasalamat ako, kasi dumating na ako sa ganitong lebel nang kung ano man ang nararamdaman ko para sayo. *Stage Clear na*. Konting linis nalang, maaayos din to. Kikintab muli, parang sa isang pares ng sapatos. :)
Wala na akong pakialam sayo. Nararamdaman mo sana, unti unti ko nang inilalayo ang loob ko mula sayo. Hindi dahil nakahanap na ako ng ipapalit sayo, ngunit, dahil nakahanap na ako ng mga bagong paraan upang maging kumpleto at maging tunay na masaya muli. :)- KAHIT PA WALA KA.:) Ipinanganak akong wala ka, gayunman ay masasabi kong, kaya ko nang wala ka. Salamat kay St. Augustine, ang daming kong natutunan sa pagbabasa ng pilosopiya niya. :)
Ganito ba ang epekto ng may monthly period? Pero, ang sakit e. Haha. Nanghihina ako. Ang mga nasulat sa itaas ay pawang "di man lahat ay katotohanan, kalati o sangkapat ay totoo naman. :) NAHIHIBANG NA NAMAN AKO. Exams na next week. Good night. Inaantok na ako. :)
"MY HEART HAS A MIND, MIND OF IT'S OWN"
No comments:
Post a Comment