Monday, September 3, 2012

SEPTEMBER THREE

September 03 2012 (Monday)

Hello Monday! We meet again.
Hanggang kailan ako magpapanggap na 'di na kita mahal? Kailan? Paki sabi naman oh.'

Ang daming dahilan para 'di kita mahalin. Pero may isang dahilan kung bakit 'di ko magawa. Yun ay.. Dahil mahal kita. 'Yun lang 'yun.


Sayonara bid my farewell,
I can do nothing but tears just fell;
Forgive me my friend, please understand,
It is not in my hands your destiny depends.

I'm sorry with all my heart,
If I broke your heart and tore it apart;
I'm sorry if you mistrust,
No one listened but I did my part.

My conscience haunts me as your memories die,
I'll cherish you always, that's not a lie;
Forgive me dearest one if I had let you down,
Sayonara, Sayonara,
I hope I can undo all that has been done.


Hanggang ngayon.. Binabagabag parin ako ng konsensya ko. Nang kamalditahan at pagmamartulyo ng puso't isipan ko. September 03 2012 nga pala ngayon. To bury one's heart. Wala ako sa mood. Wala akong ganang kumain. Para akong nagluluksa. Hirap na hirap na yung kalooban ko. Haaylife. 2nd Monthsary na sana namin ngayon. Pero 'eto ako? Nganga. Tulala. Dina-divert 'yung emotions ko sa pag-aaral. Sa pagdadasal. Sa pagsusulat. Sa pagcoconfess sa'yo ng lahat ng masamang nararamdaman ko sa araw na 'to. Gustung gusto ko nang ibaon sa limot. Pero di ko magawa. Masaya ako. Pero pawang pagpapanggap lang lahat. Ang sakit na ng ulo ko... Sa kaiisip. Hanggang ngayon 'di ko parin mailabas labas lahat nang 'to. Sinusundan parin ako ng anino ng nakaraan.

Tatlong linggo. Yes. Three weeks na bukas. Tatlong linggo na kong nangungulila. Tatlong linggo ko nang gustong mamalimos ng pagmamahal sa kanya. Pero alam kong hindi pwede. Hindi maaari. Dahil hindi dapat. BAWAL. Magtitiis nalang ako nang ganito. Mag momove on nalang ako sa sarili ko. Ayokong magmakaawa. Ayokong malaman niyang mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Akala lang nila.. Di ako affected. Akala lang siguro nila 'di ako masyadong naattached. Pero ang 'di lang nila alam.. Buong pagkatao ko kaya kong ibigay sakanya. Handa nakong magmahal ng lubusan.. Pero turned out na.. Sawi ako. Naffrustrate ako. I feel so down.


Damn frustrations. Ohh magical regrets. Paulit ulit nalang akong ganito. Kelan kaya lilipas 'to? Pagod na pagod nakong mag-isip tungkol sa aming dalawa. WHAT IFS. Ano kaya kung 'di ako nagsalita ng napakaraming bagay against him? Ano kaya kung hinintay ko nalang siyang kausapin ako? Paano kayaaaa. Paano nalang kaya. Haaaylife. Nakakapanibago. Kahit ako naninibago sa sarili ko. Yes. I'm trying to keep myself busy. I'm avoiding idle times of my life para di ko siya maisip. Para di ko siya maalala. Kasi kung hindi.. Patay ako. Mamamatay yata ako. I wanna die. Srsly. Ang hirap. Nakakapagod.

Sa araw na 'to.. September THREE. Binabaon na kita sa limot. Binabaon na kita sa puso ko. Ittry ko yung best ko.. Para 'di na kita mahalin pa. Para di na kita maalala pa. Tutulungan ko yung sarili kong magmove on na nang tuluyan. Choice ko na 'to. And I know.. I'm making the right decision. Kung ikaw kayang kaya akong burahin sa buhay mo? Kakayanin ko rin. I just hope sometime soon.. Marealize mo kung gaano ka kaswerte sa pinakawalan mo. At maiisip mong.. "Sana di ko nalang siya pinakawalan. Makikita mo." Pinapangako ko yan sa sarili ko. Magkikita tayong muli at masasabi mo yan. :)

No comments:

Post a Comment