Friday, June 1, 2012

Ang unang mahulog talo. Yan ang deal

June 01, 2012
12:55AM
'Ang unang mahulog talo. Yan ang deal.'

Gosh. Bye, month of May, hola month of June. :) 6 months. 6 months to go. Wow, another half of a year, grabe. I couldn't just imagine how time flies really fast. Actually, this blog post is not about anything, or whatsoever. I just wanna share my dilemma. Well, actually, hindi naman siya 'serious' dilemma. Tamang inarte lang, sa isang taong nakakamiss. Haha, sa isang taong forever alone and loveless like me. Hindi naman siguro obvious na, four months nakong Single, pero.. Parang namimiss ko lang yung 'feeling'. Gaah, that feeling na meron akong ka PBB Teens. Haha. Just kidding! Sobrang hirap din pala yung walang kalandian. ;p

I mean, sarcasm is on air. Hahaha.I won't ever marry a guy, who'll use his fists to hit me, instead of protecting me from harm. Ito lang naman kasi yung worry ko this time, it's not that, I ain't ready yet to commit or something. Like enter another 'shit' and risk my heart all over again, I ain't scared of that na, nakagetover nako sa fear na yun. Gaah, pero akala ko lang pala? At this point, I ain't really sure yet, baka naman nagsasalita lang ako ng tapos. Whereas, in reality, I am not certain YET of the things I am saying right now.

Alam mo yun, it's hard to give in one's trust again e. Lalo na't alam mong, nagawa mo na yun, and you UNfortunately failed. It's just too alarming, mind flicking. Who to trust, and when to trust again? Mahirap na. Sobrang hirap nang magtiwala. Lalo na, kapag di mo naman talaga alam kung ano yung magiging result nung situation na papasukin mo. Mag-isa ka lang sa battle mo, wala kang kakampi, kung hindi ang sarili mo. If you're not strong enough to get hurt, then eventually, you'll end up losing your own battle din in the end. So better yet, brace yourself na sa kung ano man yung kahihitnan ng pinasok mo :) Anyway, ginusto mo naman yan e. Wala kang karapatang magreklamo, if ever pumalpak ka man in the end.

Mahirap umasa sa isang araw na hindi naman darating. Sobraaaa. Like, srsly. Kelan nga kaya? Gosh, instead na pinoproblema ko yung pagpasok ko this coming semester, another 'complicated' heart dilemma ko na naman ang tinatry kong iresolve tonight, just when I thought na, okay na ko. Kaya ko na ng walang 'special someone' on my side, that family and friends are already enough for me, mas lalo ko lang pala finu-fool yung sarili ko. It's not that easy pala. Lalo na't sanay akong meron akong karamay at kakampi, well, syempre maliban sa kanila. I don't know. Pero, sobrang miss na miss ko na yung feeling na may nag-aalaga and nagpprotect sakin. Iba parin kasi talaga yung 'romance and kilig' na nararamdaman ko, whenever I know I have a 'special someone' to call 'mine' :)

Seriously, it makes me sad. Not all the time, pero syempre, I can't hide it. I should be asking now: 'Is everything okay?' :( And seriously, 'Is everything really okay?' Sa totoo lang ah, ang hirap magtanga tangahan at magpakamanhid, mas lalo naman yung manghula.. Di ko na alam kung 'meron pa bang kami' I mean, 'nagkaroon ba ulit ng kami, or pinafall niya lang talaga ako sakanya, or sadyang sweet lang talaga siya sakin nun, kasi bored siya?' Gaah, "Ang babae, kapag sinabing okay lang siya, ibig sabihin, hindi talaga siya okay. Kaya gumawa ka ng paraan para maging okay talaga siya." Sobrang sakit parin pala kung iisipin. PERO, ngayon alam ko na yung kasagutan, siguro nga.. Siguro nga't tinulungan niya lang ako makamove on dun sa isa kong ex, pero.. He has no intentions of making me whole again, kasi kung meron.. Sana matagal na. And sana, masaya kami ngayon. Masaya ako ngayon. Kaso, WALA e. Okay. Sige, tinatanggap ko naman e.

Move on. Moving on. Nakakaloka lang. Parang kelan lang, dun sa ex ko ako nagmomove on. Ngayon naman, dun sa feeling na 'forever hanging'. Yung eksenang, It's Complicated. Walang kasiguraduhan yung relationship. Standby mode on lang ako. Hahahaha. Nakakatawa. Pang ganun nalang ba ang drama ng beauty ko ngayon? Pinaghihintay? Haha, minsan tuloy napapaisip ako, baka naman, "I am just another option for you?" Well, hindi malabong mangyari. Pero, ewan. Di ko talaga alam, I trust you so much e. Kaya parang ang hirap mong sirain. Siraan sa puso ko. Kaya, kahit yung isip ko, sobrang daming naiisip na against you, asking me and proving me to 'stop' beating my heart for you, e. Eto.. Tanga tangahan parin. Manhid manhiran parin sa'yo. Mahal ka parin. Pero, hindi na kagaya ng dati. :(

Sana mawala na 'to. June na o. Pasukan na. Forever stuck parin yung puso't isip ko sa'yo. Sa kaiisip, kung.. "Nasaan ka na ba?" Alam ko baduy, pero.. 'Sana makatagpo ako ng lalaking kagaya ni Daniel, yung aalagaan ako, at mamahalin ako ng walang hanggan.' :)

No comments:

Post a Comment