Nakakatuwa naman. Bakit ganito? Ayaw na ba talaga ng tadhana sa lovestory na 'to? Eh kasi naman, bakit lagi nalang tayong pinaghihiwalay; lagi nalang ginagawan ng di pagkakaintindihan, lagi nalang may gulo? Wow. Ano ba talaga? Hirap na hirap nako. Gustong gusto nang isigaw ng puso ko.. "Tanga na kung tanga, and so? Mahal na mahal lang talaga kita.." Pasensya na kung ganito ako, kasi kahit ano pa mang paliwanag ang aking gawin, di mo naman alam at di mo rin naman malalaman kung gaano talaga kahirap tong pinagdaraanan ko ngayon e. Sabi nga sa 548 Heartbeats ♥ "Nung bata ako, nung ako'y simpleng GC/Nerd lamang, as in simple, walang iniisip kung hindi pag-aaral lang, yung di pa ko nagmamahal, yung siguro puro FATS lang.. As in Infatuations, hinding hindi ako iiyak ng dahil sa lalaki.. Kasi parang ang stupid lang naman." Pero duh, now I know, you're not one of them, you don't belong.. Kasi, sila mga FATS lang. Pero ikaw.. Mahal ko talaga. Sabi nga nila, minsan lang ako magmahal, mahirap kasi akong mapaibig. Medyo may pagkapihikan, ngunit pag ako raw ay nagmahal, sabihin na nating over over. Pero totoo. Kahit pa kahati mo sa oras ko ang sandamakmak na librong mga 'to, itong mga bangaw na lalaking tila baga'y buntot ng aking nakaraan.. Mga lalaking tila baga'y mga turnilyong aking daw minamagnet. Haha. =)) Tawa nalang tayo dyan. Corny as it may seem, pero uulitin ko, namimiss ko nga si Jared, pero, subukan mong mawala. Sa tingin mo ba, DI KITA MAMIMISS? Aba. Baka magpakamatay nalang ako bigla. (LOL. De, joke lang. Mahal ko si Lord eh. Di ko magagawang paslangin ang aking sariling buhay, lalo na't isang magandang nilalang pa Niya. Haha. =))
At mas lalong, DI RIN NAMAN KITA SAFETY NET. Ulol. Bulol ka ba talaga? Bakit ganyan ka mag-isip? Tae. Sige na, ako nang pipi at duwag, di ko masabi sabi sa'yo nang harapan tong mga bagay na to, o di kaya nama'y sa tuwing magkausap tayo't tinatanong mo ko ng mga bagay bagay. Sorry ha. Sorry talaga. Di ko kayang magpakatotoo sa nararamdaman ko. Sabi nga ulit dun sa 548 Heartbeats , "Ang mga babae, kahit kailan di nagsabi ng totoo sa nararamdaman nila, minsan kung ano talaga yung mga bagay na pinagmamakaingay nila sa ibang tao.. Yun pala ay yung kabaligtaran ng kung ano man ang tunay niyang nararamdaman o saloobin.." Parang sakin lang. Sinasabi ko sa iba, "Wala naman e, wala naman talaga" Pero sa loob loob ko lang talaga, at sa mga sinasabi ng aking puso't isipan sa sarili ko. "Tanga ka ba? Bakit di mo sabihin kung ano talaga yang nilalaman niyan?" Wala lang. Siguro nga, NATATAKOT LANG AKO. Natatakog sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa'kin. Nakapang-iinis at nakatataas ng dugo kung iisipin, pero di nga.. NAKAKABUWISIT man, sorry na.. TAKOT NA TAKOT LANG TALAGA KO. Parang ako sa'yo. Kahit ano pang tulak nila sa'yo palayo sa akin.. Ayoko. Kasi nga, takot akong mawala ka sa'kin. Bakit? Tinatanong mo kung bakit? Kasi nga.. MAHAL KITA.
Tae. Ang haba na naman nitong mga pinagsasasabi ko dito. Wala lang. Naiinis lang kasi ako sa'yo e. Bakit ba ganyan ka? Napupuno nako. Nagpapakipot lang naman ako e. Bakit di mo magets yun? Bakit nagpapakahysterical ka na naman dyan, tila baga'y ikaw nga'y sumusuko na. Sabi mo pa nga sa'kin kagabi, kahit anong mangyari, wag akong magpapadala o magpapaapekto sa kung ano man ang sasabihin nila, kung pigilan man nila ako sa pagmamahal sa'yo, HINDING HINDI KO GAGAWIN YUN. Kasi, nung panahong sinabi ko kay Blogspot na mahal, minamahal at mamahalin kita magpakailanman, TOTOO yun. Di naman ako nagsisinungaling sakanya e. Baliw. Marahil sinasabi mo lang yan o naiisip mo yang mga bagay bagay na yan, kasi nakikita mo sa mga most visited PUBLIC sites ko, si Facebook at si Twitter. :) Pero, hello. Gumising ka nga dyan, ano bang sabi ko sa'yo? DI BA SABI KO SA'YO, kung ano yung mga bagay na nakasulat dito kay BLOGSPOT ko, yun lang ang TANGING TOTOO. Walang bahid na kasinungalingan o pag-aalinlangan. Tulad nga ng pagmamahal ko sa'yo. Sorry na kagabi, gumaganun lang naman ako, kasi.. Kasi.. Shit, sige na, maarte na kung maarte.. HINAHANAP HANAP lang kasi kita. NAMIMISS KASI KITA. Ulol na kung ulol. Pero akala mo kabaligtaran noh? Woo. Oh, anong gusto mo? MAGPAHALATA AKO? Haha. Ugok. Di ko gagawin yun. Babae ako e. =))
Again, stupid as it may seem.. Nagkakaganito lang naman ako kasi, SOBRA SOBRA LANG NAMAN KITANG MAHAL. ♥
Mahal na mahal kitaaaaaaaaa. Kahit ipagsigawan ko pa sa buong mundo. Ano? Gusto mo? Haha. :) I LOVE YOU~ JAN-MICHAEL VINCENT BANNAG
PS: Wag mo lang tong ipapagawa sa akin na KAHARAP KA. Hahahaha. =))
No comments:
Post a Comment