May 10, 2012
3:11PM, Thursday
True friends~ SB Dapitan Coffee Date and UST Chillin' with Sol and George~
You'll know that she's a true friend when she comes to see you, even she's too faraway, and that she picks up her phone in the middle of the night, just to answer your call, even if she's already asleep. ~
Wow, I don't kung tama yung ginawa ko last night, I'm really desperate to see and be with my girls, Zhea and Meg. As in like, maipilit lang, and yea, since wala naman nga talagang kaplano plano. Haha, pero natuloy parin kami. I don't know kung ano pumasok sa isip ko, and nagawa ko yun, as in.. Drama ko talaga, I even bothered Zhea from her sleep, di ko na naisip how she'll feel afterwards, haha, syempre, mahihirapan nakong makatulog ulit, once na nagising ako. Imagine, I called her in the middle of the night, just to inform her that I commented on her post sa Facebook, plus.. I was inviting her to join me and Meg for another coffee date the next day, and since I was just using my regular load, I ask her to go online. Mean. Tch.
I don't know, nagcacare nga ba talaga ko? Haha, care? Is that how I define care, and being sweet? Na yung friend mo, not in a good physical condition, tapos gigisingin mo ng phone calls mo in the middle of the night, hindi na nga nasagot once, inulit pa. Haha, hanggang sa sinagot na nga niya, if I were in her sitch, di ko sasagutin yun, tapos di narin ako magoonline, haha, nanahimik nakong natutulog e, tapos biglang mambubulabog. OMG lang talaga.
Buti nalang, maaga parin talaga kong nagising, nagonline, tinext and tinawagan sila Meg and Zhea, kasi push parin naman talaga kami, sayang yung opportunity na magkita kita, double purpose narin, date with my besties, and maghahakot ng gamit sa condo sa gabi. Oh well, I was so much in a hurry going to SB pa nga e, kasi nandun na si Caballero, haha, buti nalang si Zhea, wala pa. Kaya, nung nahatid ko na yung lola ko sa floor namin, nagkita na sila ni Dad, iniwan ko na sila dun, and nagpaalam na babalik nalang ako sa gabi. :) So yea, buti nalang talaga, haha, parang di rin naman ako naghakot. Haha. Nagpacute lang. Hihi.
Natatawa ko sa kadramahan ko, gumawa pa kong issue na, lalayas nako, etc. Hahaha. Like, omg. Napaka effective ko talagang magdrama, as in like "Di ko na talaga kinakaya 'to Zhea, ampunin niyo nalang ako." HAHAHAHA. Omg, while chatting with her, kachat ko rin si Meg, ayon, kasi nga.. Gusto naming kasama si Zhea, that's why joined force kami na panindigan nga yung sitch. Although ako lang talaga yung namilit kay Zhea ng sobra sobra, hanggang sa napapayag kong pumunta na nga siya ng UST, para magcoffee lang. OO, PARA MAG-COFFEE lang.
Then, yung sa family problem *kuno* ko, di rin naman napag-usapan. As in, pagdating niya ng SB, nakangiting nakangiti pa ko, masayang masaya. Haha, parang wala naman talagang problema. Wala lang, I just wanna see her, and be with her, kahit nagkita at nagkasama lang kami last Monday. Haha, and pinush na namin yung sa Familia Argentina namin.. Pinanindigan yung Sol, George and Curt, my gosh. Naloka kaya ako dun. I really don't know what to say sa barista.. I was about to say pa nga sana na... "Wait lang, isipin ko muna name ko!" Haha, buti nalang. Buti nalang talaga, napigilan ko yung bibig ko, and tawa ko ng tawa after. My baaaad. Haha. Yung totoo, wala naman talaga kong problema kasi. :)
Binash ko lang sila ng binash ni Meg. Tungkol sa mga guys na di pa sila nakakapag move on, like 100%, well, buti nalang talaga ko.. 101% nang naka moved on kay ex. Wala narin namang bitterness. So yea, I don't know, kahit we were all together for a long period of time, as in several hours, di parin kami nauubusan ng chika sa isa't isa. Ayoko lang yung time na nag susunset na, tapos biglang nag-emote yung dalawa, kamusta naman yun? Kailangan bang nagrereminise nalang every now and then, and sabi pa nila, promise daw, di sila magmemention about dun sa mga guys na yun, pero baaaam. Halos lahat ng sitch na pinag-uusapin namin, kino connect nila yung mga yun. "Let's go back to December." DECEMBER of 2011. Haha, that's so coincidental, lahat pala kami gustong bumalik sa panahon na yon. But srsly, Yuletide Season is the month of love, for me, and yea, also for my girls. I'm glad we all click together.
We were so happy with our coffee date and hangout sa mga HOT SPOTS sa UST, yea, I remember, "TAYO YUNG HOT SPOTS, KUNG NASAAN TAYO, MALAMANG HOT". Grabe lang talaga, that was awesome and hard like that. Haha, I can't explain how happy I was when I was with them, kung pwede nga lang, di na kami umuwi e, ginawa na namin, sobrang excited pa kami dun sa pinaplano naming outing sa Quezon, as in.. Naexcite akong mamalengke! :) Never ko pang natry mamalengke sa buong buhay ko, as in sa dry market lang lagi, supermarket. Haha, pero sa wet market, never pa. Dream ko talaga yun, and sana magkatotoo. Kaya nga, we planned so hard para matuloy lang kami e. Well, sana naman. Sana talaga matuloy na kami. Although I know, it's quite impossible, kasi naman.. Summer, busy busyhan ang drama ng mga tao. Kahit, di naman talaga. Haha.
Ang mga babaeng vain, picture na naman ng picture ang inatupag, tumambay sa Flame office, nag-usap ng napakarandom and even confidential stuffs, di na kami nakontento ng usapan namin sa Starbucks, tinuloy namin dun, hanggang sa Fountain of Wisdom. Nakita pa namin si Pabs. Omg. :"> Bakit ang saya? Kahit less than a month pa lang kaming di nagkakasama sama together, parang sobrang daming bagay yung namissed namin sa isa't isa. :) Narealize din naming, 4 sems nalang, as in konting kembot nalang. Ggraduate narin pala kami, sobrang bilis nalang nun. Oo, ganon kabilis ang College. :(
From 12:15nn to 6:00pm magkakasama sina Sol, George and Curt. Like, ano ba tong trip naming magkakaibigan? Di ko kinakaya. Award na award. Hahaha, sobrang fun to be with nila, pero sana, sa age namin ngayon, hindi PAG-IBIG pinoproblema namin, hahaha, although ako, walang problema ngayon, may inspiration din naman kasi ako, di palang ulit kami official, maybe more than friends, but less than lovers, waiting for the right :) Eto na naman, magsisimula na naman kami with another chapter in our lives.. Masaya, pare parehas SINGLE. This time, I promise, di ko na ibbreak yung agreement. Papanindigan ko na to hanggang 4th year, what's important is the thought na.. I'm reserved. Well sana, magawa niya kong mahintay hanggang sa dumating na yung time na yun :)
Sana in due time, kaming magkakaibigan, mahanap narin yung 'THE ONE' for us. Baka after College, pag nagkita kita ulit kami sa reunion.. Mas lalong masasaya na kami at kasama na namin yung 'the one' namin. Hay sana nga, nananalig ako. :)
PS: Nung hinahakot na yung mga gamit namin, nagulat ako... Sobrang dami pala. Haha. Tapos, nagpaka childlike na naman ako physically, pero at heart, childlike naman talaga. Kasiiii. Nakita ko yung Saaberry balloon ko. Sobrang natuwa ako. Successful lahat ng itineraries ko for the day, sobrang nag-enjoy pa ko. Sobrang fulfilling lang talaga :) Tapos umulan pa ng sobrang lakas, lalo yata akong sumaya. :D Namimiss ko na siya. Miss na miss. :">
No comments:
Post a Comment