'Kapag dumating yung time na, ayaw mo na, at hindi mo na talaga ako mahal, kahit masakit, I'll let you go, kasi alam ko sa sarili ko na nagkulang na ako' :)
Sobrang unselfish na statement na narinig ko from him right now. Well, I won't be talking about sweet things here, ang gusto ko lang namang ishare tonight ay yung mga napag-usapan namin, about the two of us, although sobrang dami kong naikwento sakanya sa 'special day' na 'to, 'naming dalawa'. Well, I don't think, special din 'to for him, well, I'm just wondering. Haha, kasi, for a certain reason, but I don't know why.. Parang ako lang yung nakakafeel na today is 'fourteen'. Ang emo ko naman, ang saya di ba? Haha, again, I'm not claiming or asking, or actually ranting anything from him. I ain't wanting or asking much of his time anymore, ang gusto ko lang naman, kahit pinch of his time lang.. Sobrang masaya na ako dun.
Sobrang nagpakahonest lang ako sa nararamdaman ko for him. 'Hindi ko alam kung dapat ba pa ba kitang mahalin', habang yakap yakap ko siya, sabay ang pagtulo ng aking mga luha. Again, hindi naman sa nagddrama ako, sobrang bigat lang talaga ng pinapasan ko ngayon, as in like, sobrang dami ko na kasing problems, tapos.. Ganito pa yung mararamdaman ko pagdating sa taong mahal ko. Nakakalungkot lang isipin na, kailangang maging ganito kami. Well, happy naman ako sa progress ng 'relationship' na meron kami, for we're like living our lives separately na. We know our limits naman na. Like, which to prioritize first, and that, there's always a time for everything, and that, we shouldn't enclose our focus much of our time and attention to each other. That's what I've been asking from him since then, but.. He failed me. Sinanay niya ako na lagi kaming magkasama, magkausap sa phone, magkatext at magkachat, though sobrang hectic ng academic life namin. (Those were the times na sobrang nababaliw na ako, for like, I don't know what's happening with my life), but now naman na, we're like, taking the right path, naguguluhan parin ako, kung before, nasasaktan ako, kasi ayoko yung mga bagay na gusto niyang mangyari sa amin, now.. I'm feeling like, super 'empty', feeling ko.. Worthless na ako sakanya, and that he's not minding me anymore, he doesn't care the way he cares for me before anymore. :(
Again, it's not that I'm questioning him or comparing him to anyone from my past. I told him, okay na ako sa cell phone, kahit simpleng phone call, at text lang na maayos, kahit isa sa umaga, at sa gabi.. Okay na. Sobrang maaappreciate ko na yun, it's not necessary naman na we are to meet every MWF, in a week. Kasi, I ain't asking much of his time nga.. Never ko naman ginawa yun. Ang dilemma ko lang, well, not really a dilemma, pero.. Parang isipin ko now, na sobrang nagpapabigat ng damdamin ko, at nakakapagpalungkot sa akin, ehhh. Yung fact na, sa times na sobrang kailangan ko siya sa tabi ko, dun naman siya wala. Tapos, at times naman na I don't feel like super empty and down, yung times na sobrang masaya ako, dun naman siya present. Well, I told him, I won't be a hypocrite na. For like, every time that we're together, without hesitations at all, masasabi ko na.. Masaya parin naman akong kasama ko siya. Pero, yun lang talaga ako. Naaappreciate ko naman yung mga things na ginagawa niya parin for me, although hindi na siya kagaya ng dati. Hindi na masyadong sweet, wala na masyadong effort, masaya pa rin ako.
Sabay, niyakap ko ulit siya, tapos umiyak na naman ako sa mga balikat niya. Habang sinusuntok ko nang ewan ko ba kung para sakanya, parang sobrang hina nun, sakin, malakas na yun. Haha. :) 'Bakit ba kasi ikaw pa?' Bakit ba kasi ikaw pa? 'Bakit hanggang ngayon, ikaw parin?' Sobrang nagtataka lang talaga ako. Bakit nga kaya siya pa? Ehh, sobrang dami namang ibang lalaking kayang makapag fill-in lahat ng pagkukulang niya sa akin. Napapaisip ako, bakit sa tuwing tatanungin ako ng mga kaibigan ko, kung bakit siya.. Napapatahimik nalang ako, at sinasabing.. 'Hindi ko alam, pero sobrang sweet kasi niya, understanding, gentleman at caring'. Siguro, dati, oo. Pero, sa mga panahon ngayon, hindi ko na masabi. Again, not that I'm asking him to be like that again, it's just that, just like what I told him earlier.. 'Sana kasi, noon palang, pinakita mo na sakin, or sinabi mo na sakin na ganyan ka, hindi mo na sana ako sinanay sa ganito, not like this.. All of a sudden, baaam. Come on, I'm confused, what's happening?' Srsly, really. Kaya nga siguro sobrang akong nalulungkot, kasi naiisip ko, why a sudden change? Wala man lang 'semi-warning', para sana naman nakapag-ready ako, hindi yung ganito, though nakakapag-adjust naman ako, sobrang nagulat at nahihirapan lang talaga ako.
Naaalala ko pa, bago mag-start yung second semester, sabi niya, well, hindi naman personally, pero he directly sinabi niya sakin sa conversation namin sa skype, 'Wag ka mag-alala, pagdating ng second sem, aalagaan na ulit kita, promise. Babalik ako. Hindi na kita sasaktan, promise'. Well, hindi man ganyan yung exact words na ginamit niya, pero ganyan yung thought. :) Kaya medyo in despair narin ako ngayon, kasi nga.. Bakit naman ganun? Umasa ako e. Sana hindi nalang siya nagpromise sa kin. Tanggap ko naman yung changes, pero sana lang talaga, wala ng 'promise', para hindi ako masyadong umasa. For like in the end, alam ko.. Masasaktan lang ako. :) Wish ko lang, sana wag siyang magdilang-anghel sa sinabi niya, pero, okay lang din. Sakanya naman kasi mismong nanggaling e. 'Kapag dumating yung time na, ayaw mo na, at hindi mo na talaga ako mahal, kahit masakit, I'll let you go, kasi alam ko sa sarili ko na nagkulang na ako'. Well, gets ko naman yung logic, kaya medyo at ease narin ako ngayon. Now I know, at least hindi na ako masyadong mahihirapang magdecipher sa mga words and deeds niya sakin these past few weeks. So, I'm not gonna hope for something deeper anymore, for like, he's telling me.. 'I'm more than willing to lose you'. Tanggap ko naman. At least naging mabuti yung 'celebration namin ng tenth monthsary namin' :) Sobrang kakaiba lang from all those previous months that we shared together.
Wala na masyado yung kilig, wala na masyadong excitement and thrill, pero ewan. Ang alam ko, mahal ko parin siya, though I have to admit, ang alam ko, hindi na kagaya ng dati yung pagmamahal ko sakanya ngayon. Well, bahala na siyang magdecipher kung mabuti ba or masama yung effect nun sa 'relationship' namin ngayon. :) I won't acknowledge or say it like.. 'Happy 10th Monthsary, Babe.' Kasi, sobrang daming pit stops. Sobrang inconsistent. Meron pa ngang month na, sobrang wala kaming communication e. So okay na? At least, everything's clear now~ And I'm super happy for the result of our talk, pwede na akong matulog nang mahimbing at matiwasay mamayang gabi, kasi, hindi na ako manghuhula kung dapat ko pa bang ipagpatuloy yung pagmamahal ko sakanya.
No comments:
Post a Comment