March 23-26, 2012
ANG TUNAY NA TROPA..
Ingat kayo lagi, ngayon palang, miss ko na kayo.. Mahal ko kayo! >:D< From Kyle's Despedida Party at Padi's Point, hanggang sa pag ggrocery nating basag basag tayong lahat.. Hanggang sa paghatid kay Kyle sa Espana, with matching iyakan mode.. Ugh. Love you all, guys! BTW, unforgettable talaga yung pagtutulak niyo sa FX kahapon pabalik ng USTe. Haha. (BOYS) Kyle Merill Salvador Adap WE MISS YOU. >:D< (c) Jinny Apostol (Dahil ikaw ang photographer, wala ka dito) :P
Hola vacation. Finally, ramdam na ramdam na kita. Since then, Friday. What have you done to me? Masyado mo kong pinasaya. Gosh, but at the same time, pinalungkot mo narin pala ako. Yahoo! Finally, HELLO SUMMER 2012! Last day with my beloved blockmates, 2PHL. Kyle's Despedida party. Sobrang mamimiss ka namin, "MEN". Babalik ka ha? Pangako 'yan. Haha. Habang kumakain at nag-iinuman palang kami sa Padi's, ramdam na ramdam na namin yung spirit ng pag-alis ni Kyle, marami kami nung una, hanggang sa nalagas na nang nalagas.. And we're down to six. Jegs, Kyle, Ter, Venus, Meg and I.
Sobrang sayang mag grocery kasama ang TNT, Terence, Jegs, Kyle, Venus and Meg. Habang basag na basag kami, habang halos magkabangaan na kaming anim, pinag grocery kami ni Kyle. :) Baon namin sa Night Swimming.. Sobrang sweet talaga ni Kyle. :'( Kuha lang kami ng kuha ng mga chips na babaunin namin sa overnight namin. Sayang lang di kami kumpleto, kasi aalis na si Kyle. Bakit ganyan ka Kyle, pinapaiyak mo kami e. Wala namang ganyanan, you're too emotional, e.. Mas lalo pa kaya ako di ba. Hanggang sa bumalik na kaming USTe, at hinatid siya papuntang Espana. Ayan ha, hinatid ka na namin sa Spain. See you. Group hug.. Aaaaaw. Sorry, ang emotional ko talaga, tulo ng tulo yung luha ko. Ayoko lang kasi talaga ng ganitong eksena, yung may kaibigan kang sobrang malapit sa'yo, tapos aalis siya. Yung tipong di na babalik? Yung walang kasiguraduhan. (Tears shedding)
Past 7pm na yata yun, nung dumating kami ng USTe, tapos.. Naghiwahiwalay sandali, magmemeet up nalang sa TYK, grabe ha, in fairness, nagmadali akong magpack ng things ko para maaga kaming umalis, pero.. Ito namang si Matt at Josh, sobrang tagal dumating, mga 9pm na nga yata kaming nakaalis papuntang Marilao e.Sobrang cute lang namin, para kaming mga batang magoouting, may mga dalang pagkain, at malalaking bags.. Outing na outing talaga. Ang tagal ng cab, sobra. So we have to wait, hanggang sa nagdecide kaming pumuntan nalang ng Lacson, kasi dun maraming nagdadaang cab. Diresto nang Marilao, Bulacan para mag night swimming. Sobrang tagal ni Josh at Matt. Inugat na kami sa TYK. :) Hahaha. Pumuntang Trinoma para sumakay ng van going to 4Kings Resort. Sobrang fun experience with my beloved TNT. Ter, Matt, Jegs, Nigel, Josh, Venus, Meg and Jinny :)
Sobrang unforgettable din yung pagkakasugat ng elbows ko sa may pool, dahil kay Meg and Terence na pinagtutulakan ako papuntang pool. Na binubuhat ako upang itapon papuntang pool, kasi namane, halos maiyak talaga ako dun. "Di ako marunong lumangay!" Haha. Nalunod na kasi ako sa Antipolo dati, kaya ayoko nang maulit pa yun, as much as possible, sa gilid lang ako ng pool.Salamat sa pag-alalay, Tropang Terence, sa pagdala sakin papunta sa gitna ng pool, kahit naka tingkayad ako, hanggang sa nalet go freely ko na yung pagtayo ko sa pool, 5'2 lang kasi ako e. 5ft yung pool, wala nang matitira sakin kung mas malalim pa, malulunod nako ng wagas. Haha. Hanggang sa kinaya ko nang lumakad lakad sa gitna ng pool, mag-isa. :)
Salamat din kay Tropang Josh sa napaka comfortable na usapan about heart. :) "Dr. Love ka talaga." Ikaw na si Dr. Love, sobrang namomroblema kasi ako kay Prince Charming, sobrang confused ako, di ko alam kung ano na ba talaga, kung bakit ginagawa niya sakin yung mga ganung bagay, tapos biglang titigil nalang basta basta nang walang pasabi. Tapos, bigla ulit magpaparamdam, ang gulo kaya, sobrang nakakainis lang. Lokohan ba? Haha. Pero hindi naman kasi talaga, sinabi ko yung mga ginagawa niya for me. "May something na daw talaga yun", hindi lang ako nag-aassume, open my heart daw kasi. Okay. At hanggang sa pagsisiksikan na parang mga sardinas sa pagtulog. Ang daya ni Matt at Ter tagal natulog.. :) Samantalang kami, hirap na hirap sa pagsisiksikan kung paano kami makakatulog ng comfty.
Tropang Jegs, salamat din sa pag-share ng unan. Haha. Kahit sobrang di ako sanay na may kashare sa iisang unan, at kumot. Sobrang saya, maaga nga kaming nagising lahat, naghintayan naman sa mga tulog pa, 9am yung meeting time namin sa USTe going to EK, tapos 9am palang kami papunta ng house nila V. hanggang sa pagkain ng breakfast sa kanila. Sobrang cute namin, sa dining table. :) Though medyo mga bangag bangag pa, at wala pang enough na tulog from last night. Til we decided not to go back na sa USTe, diretso nang Buendia, naligo kasabay si Meg, at nag-usap sa napakaraming bagay, too personal na medyo paulit ulit narin, I guess. Nagblower at nagplantsa ng buhok kasama yung mga lalaki, grabe, pati sila, mga vain. Haha.
At hanggang sa pabalik na ng Manila..
Sobrang unforgettable yung pagtutulak ng FX ni Terence, Matt, Josh and Nigel. We're so proud of you, guys! :) Tatak Tomasino talaga kayo e. Kala ko pa naman, yung isang Kuya na tumabi sakin, kaya bumaba, kasi tutulong magtulak sa kanila, yun pala.. Shameless, bumaba nalang bigla. Haha. Poor him. Grabe lang talaga, bakit ganito? Di ako makapaniwalang, ganito kami katagal nagkasama sama, tapos puro kasiyahan pa yung mga experiences namin? Sobrang di ko ipagpapalit ang TNT kahit kanino pa man. :) Masayang masaya ako kasama sila.
Adventure time with the girls going to Enchanted Kingdom na. The best, commute lang kami.. Hanggang sa umulan nang napaka lakas, at wala kaming choice, kung di maligo sa ulan, habang sumasakay sa mga rides. Anchor's Away, Flying Fiesta, Wheel of Fate, Hot Air Balloon, at Rio Grande. The best, basang basa ako. Yung falls kasi saktong sakto sa akin, nabasa tuloy yung pinakamamahal kong SB planner.. :)) Mas inalala ko pa yung mga gamit ko e noh. Kesa sa sarili ko, kesa sa health ko, alam ko namang sakitin ako, nagpakabasa pa ako ng ganun, bonggang bonggang pagligo sa napakalakas na ulan e.
Umuwi kaming mga basang sisiw. Sobrang lamig, 'chill of death' 'chill to the bones'. As in, halos mamatay kami sa lamig ng bus going back to Manila, at kahit sa FX pabalik ng USTe. 'Kuya, pwedeng papatay nung aircon?' (Jinny Apostol) HAHAHAHAHHAHA. Grabe, sobrang nangingisay na ako sa lamig, yung jaws ko, nagshishiver, di ko na maclose.. Ughhh. Hahaha. Wagas, sobrang lamig. Nagshshiver at nangingisay kami sa sobrang lamiiiiggggg. :) Truly unforgettable. ♥ Pabalik na ako ng condo namin, with Meg, she'll sleep with me kasi. Ayon, we had a great time din naman together, and syempre, todo patuyo ako ng mga gamit kong nabasa, no worries about my clothing e. Yung SB planner ko lang talaga, kaya ayon, pinatuyo ko siya ng bonggang bongga using my blower, buti nalang medyo okay padin naman yung hitsura niya, pwede pang sulatan, buti nalang :)
And it's time to go home na, the next day, Sunday morning. On my way home, it took me a lot of courage to ride a cab, alone. With my Cappuccino Venti.. And I am so proud of myself. Haha.
Hello, Summer 2012! Got tons of plans this summer. Ugh, Ahead Tutorial Student Assistant, Summer job, Gym at Gymday, more time for my sketches and doodles, spend time with my books.. (Philosophy books) and Shall sleep early too at night. :)
FUN. FUN. FUN. ♥
No comments:
Post a Comment