Saturday, December 17, 2011
POST TENTH MONTH CELEBRATION
Omg. Before I start with my blog entries tonight, gusto ko lang munang ilabas 'tong kung ano man ang aking nararamdaman. As in like, swear. Sobrang heavy. Gusto kong sumigaw at the top of my lungs, kasi naman, kakaiyak ko lang. Due to certain unexpected reasons na, ewan ko ba kung worth ng tears ko, kung super nonsense lang ba para pagbuhusan ko ng pansin, but, srsly. Idk, there are a lot of things na gusto kong ishare, I mean dapat naman talagang i-put into writings, haay. Naalala ko bigla yung gift sa 'kin ng Bee ko. :) Sobrang sweet. Pero as of now, ayoko pa munang gamitin yun e, gusto ko iba ang ilalagay ko dun. Besides, sobrang hirap kayang magsulat, nakakangawit, at least dito, nakasanayan ko nalang kasi na, kapag mageentry ako sa online diary ko, mas madali. And I guess, mas expressive ako. :) Haha, ang daldal ko na naman, ewan. Siguro may hangover pa ako sa kagabi. Anyway, today is Saturday. And what I promise to share is, yung mga unforgettable na mga happenings nung Thursday and Friday. Well, sige. Idagdag na natin yung hanggang kaninang umaga. Hanggang kaninang Simbang gabi ng 4am :)
December 15 (Thursday)
Paskuhan Mass and Post Tenth Month Celebration NAMIN~ (Honey and Bee)
Pauso ko na naman. Ako si Honey. Si baby Mike ko si Bee. :) Ehhh. Kinikilig ako. Haha. :"> Ang landi ko na naman 'te. Omg lang. Anyway, first day ng UST Paskuhan celebration ngayon. :) Sobrang excited ako sa Paskuhan Mass, kasi after a year, wala lang. Nasa UST parin ako. Sobrang happy ko lang, kasi up until now, endless blessings parin yung natatanggap ko, I'm feeling like extra lucky pa sa pagiging 'stable' ng buhay ko. :) Idk. Although medyo complicated yung flow ng buhay ko, na parang roller coaster ride lang, na there are times na sobrang saya ko, sobrang hyper and sobrang bilis ng mga nagyayari, and meron din namang mga times na sobrang down ako, sobrang lame and numb, and feeling ko, sobrang bagal ng mga bagay na 'di ko naman talaga inaasahang mangyari, tapos kusa nalang dumarating na wala man lang pasabi. Minsan, sanay na, pero often, I'm still so confused and effin shock. Kasi nga, sobrang nakakagulat. :) Nakakafrustrate lang at times, in the first place, ayokong ngang mangyari di ba. Tapos ganun parin. But I guess, okay lang. Life must go on. :) (Wtf. Sobrang haba ng introduction ko. Ang dami ko pang sinasabi) Haha. Idk, kasi naman, start na ng Christmas break, so it's just like the same as saying, 'Someone is so back into writing' :)
Well, if I remember it right, roughly around 10:24am nagtext sa'kin si Bee. Natuwa naman ako, kasi nag good morning text siya sa akin, meaning, naalala niya ako, well, at least bago man lang siya pumasok sa school. :) Sa simpleng ganun lang naman, masayang masaya nako e. Simpleng good morning and good night text lang.. Lumalambot na yung puso kong bato. :) Haha, anyway, since macu-cut naman ang classes ng 4pm, we talked na magkikita kami ng around 4:30pm sa may Grad school. Wait lang. Nagtext pala ulit siya sakin, telling me that he's already late school, and that he's asking me kung nareceive ko daw ba yung message niya. :) As much as I want to rely agad, late narin kasi ako. 12:20 na ako nakalabas ng banyo. :) Grabe. So good luck naman sakin. As what I'm actually expecting, sobrang late na nga ako. Haha, kasi naman. Inayos ko pa yung buhok ko. Well, effective naman. Someone told me, he likes my hair daw. :) and back to what I was saying, 15 minutes akong late for my Statistics class, but since umuulan.. Inisip ko lang na considerable naman yun, at sobra kaya akong napagod sa pag-iyak last night. Pinaiyak kasi ako ng Bee ko. :o Hay. Tapos mag-isa pa ako sa condo, syempre, late na talaga akong nakatulog. And I guess, sobrang deprived na kasi talaga ako sa tulog. For like, how many consecutive days na ba akong puyat. Hay. Nagbabalik na naman ako sa dating ako e. Mamaya nito, sa next na appointment ko regarding my condition, wala parin palang pagbabago. Haha. Ayon, sobrang fun lang ng discussion sa Stats for this day. Kasi minadali lang ni Ma'am Ledesma, then dinismissed na niya agad kami. Good thing naman, kasi ang dami pa naming pinag-usapan ng mga girlfriends ko, I almost even cried, for I was thinking na.. Nagtatampo sa akin si Grace and si Aiko. :) Pero, after I explained everything naman and talked to them, e okay na. :) Hinugged pa nila ako after. :) So, ako naman 'tong si cry baby, nagiging OA na naman, paranoid? Haha. Ewan, ayoko lang kasi na merong tao na may sama ng loob sa akin e. Kasi naman. Wala lang. I hate to say this, pero parang medyo lang naman, parang medyo nagbabalik ako sa feelings ko way back High School times na, sobrang daming friends around, and konting tampo lang, nabibiyak na yung puso ko, well, Idk why. Pero sobrang lucky lang talaga nila na mga friends ko sila, again for the nth time, sobra sobra kasi akong magtreasure ng kaibigan. As in like, as much as I can, I'm willing to sacrifice everything for them. Sobrang mahal ko lang talaga sila, kaya in the end, pag ako na yung naiwang mag-isa, wala naring natitira sakin, kasi nga.. Grabe ako kung magmahal ng kaibigan, well :) Buti nalang, sa kaibigan lang, hindi pa applicable sa boyfriends, kasi.. Ayokong 'madoble' yung sakit na nararamdaman ko. Kung sa kaibigan nga, ganito na ko magreact, what more kung sa boyfriend pa di ba? :)
Nagquiz nga lang pala kami sa Phist. Haha, grabe. Buti nalang talaga hindi na ulit ako nagreview, after ko magreview, two weeks ago? :) Haha, hell yea. Kasi naman, ilang beses na kaya napopostpone yung quiz namin, paulit ulit nalang ba akong magrereview. Haha, gracious goodness, buti nalang madali lang yung quiz ni Ma'am Yanga, and wala pang identification, dun lang naman talaga ako kinakabahan e, kaya laki ng smile ko nung pagkakuha ko ng quiz paper ko na wala naman palang identification e. Yun, sobrang nakahinga na ako ng maluwag. 3:15 palang yata, tapos na akong magsagot ng quiz ko. And after kasi ng quiz namin, pwede nang umuwi. See, sobrang babait lang ng mga professors namin ngayon, dapat lang naman yata di ba. Kasi naman, Christmas na. Haha, at least yung time nila, gift na yun para sa amin, yung early dismissals nila, para naman hindi kami mabore ng todo todo. Haha. :)Anyway, from 3:20 to 3:50, nasa room lang kami nila V, Meg and Jinny. Tapos nandun din sina Arvin, Baylon, JP and Ate Kristine. Tinext ko na si Bee, so medyo nababadtrip pa ako ng konti, kasi ang dami na naman niyang sinasabi, haha. Sabi niya kasi, sasamahan niya ako bumili ng gift, tapos biglang sasabihin, sa friends ko nalang daw ako magpasama. Eh, medyo naasar nako. :) I gave up na. Instead of eating with him, and waiting for him, I mean.. Sa walang kasiguraduhang oras ng pagkikita namin, I won't sacrifice my hunger na. Sobrang seldom na nga lang ako magutom, ipagkakait ko pa sa sikmura ko. :) Haha, that's why I asked my girlfriends to eat na lang sa Pasta Plate. So sad nga lang, kasi Venus have to go home na. So, kaming tatlo nalang nila Jinny and Meg ang magkakasama. I thought of kidding V pa nga e, I texted her na kasama namin si Sun. And then, kami ni Meg, kung ano yung itetext ko kay V, ganun din ang itetext niya. :) Sobrang partners in crime lang. Haha. Ang mean namin. :) Wala lang, kasi naman. Sayang kasi, sobrang miss namin si V. Gusto sana namin siyang makasama that afternoon. :)
4:30pm, dumating na si Bee. Hehh. Nagtatampo talaga ako. Hoho. Pero syempre, charot lang. :) Gusto ko na kasi talaga siyang makita e. Sobrang bitin lang yung celebration namin ng 10th monthsary namin nung Wednesday. Haha, nag-iinarte ako. Kasi naman, alam na niya yung kung bakit. Hindi ko na kailangang i-enumerate pa :) Kasi, alam na niya yun sa sarili niya. Well, if hindi pa niya alam.. Meron akong isang bagay na alam kong alam na alam niya, kahit hindi ko pa sabihin, I mean, kahit hindi ko madalas sinasabi.. 'I Love Him, I Love Mike' :) anyway, kumakain parin kami. As usual, sobrang bagal. Kung si Jinny, sobrang bilis kumain, kami ni Meg, sobrang pagong lang talaga, this time, ako yung pinaka last na natapos. Haha, depende kasi sa gutom e, minsan si Meg yung mahuhuli, minsan ako, minsan naman si V. Sobrang cool lang. Haha, pero si Jinny, consistent. Siya lagi yung pinaka nauuna. Kaya naman si Bee, panunuorin lang ako kumain, tapos kapag malapit nang maubos yung food ko, tsaka palang siya magsisimulang kumain. O di ba? Sobrang mean lang. Ako na talaga mabagal kumain, nako. Pag ako bumilis kumain, hintayin mo lang, Bee. :) haha. Anyway, feeling ko, past 5pm na kami natapos kumain e, then. Si Meg and Jinny bumalik na ng UST. Kami naman ng Bee ko, bumili na ng gift for my munita. Si Nicole yung nabunot ko. So, instead na magbigay ako ng something fancy na alam kong hindi naman niya masyadong magugustuhan, I decided to give her scrapbook materials and yung Victoria Secret na lotion na binili ko for her. :) Wala lang. Gusto ko kasi, yung magagamit niya talaga e. At least yun, I know, sobrang magagamit niya. Umuwi muna kami ng Bee sa condo ko. Para kumuha ng tupperware for the Agape dinner. Since bawal yung mga styro and paperplates, we decided na yun nalang gamitin namin, plus my 'utensils'. Yung spoon and fork ko na sobrang liit. :) Idk. I explained to them naman na yun lang ang ginagamit ko for my meals. Haha, kaya nga siguro nasanay ako sa pagkain ko. :) 6:15pm, nagkikita kita na ulit kami sa elephant area. Kaboom. Sobrang daming na namang tao. As what we're actually expecting. Paskuhan Mass, and free food kasi, kaya ganun na nalang karami ang yung mga tao. :)
Umakyat pa kami ng AMV, para magCR si Jinny and Meg, pero same thing. Sobrang dami paring tao. That's why I decided na, mag Red Iced Tea nalang kami sa Tokyo Tokyo, para hanggang mamayang Agape dinner na namin ni Meg, since hanggang sa pag-inom, sobrang bagal parin naman namin. I texted Rachel and Borj to meet us sa may elephant area din, since dun yung meeting place namin lagi. Haha, umattend muna kami sa Grandstand ng Mass ni Bee ko, ni Meg and ni Jinny. Sobrang sweet lang namin ni Bee. Para kaming 'Honey'. Ehhh. Kahit di ko pinapakita, sobrang kinikilig talaga ako, hindi lang sa dahil kasama ko siya, yun pa.. Sobrang tanggap na siya ng mga girlfriends ko, hindi man bilang boyfriend, pero bilang isang beloved ko na sobrang mahal na mahal ko, kahit na sobrang dami nang nangyari between us. Ayon, after Mass, nagkita kita na kami sa may Elephant area, Sheena, Rachel, Jae, Mikee and Surl was there. I even noticed Caylao's presence, pero I know naman na she feels the other way around. So anyway, okay lang. :)) Moving on. Happy ako, kasi marami na kami, and nung time na para pumila kami for free food, for Chooks to go, lechon and beef. Waah. As in like, out of nowhere, sa sobrang daming tao, and sa sobrang bagal ng progress ng pila, well, buti nalang may nakita kaming dalawa ni Bee na mabilis lang yung pila, nasabi ko nalang sa sarili ko, 'I can't imagine myself doing this', haha, tapos sabay grin. Idk. Kasi naman, ang effort. Sobrang daming tao. Tapos sobrang bagal pa nung pila. :) Hanggang sa nandaya na nga sila e. Sa lane ng Chooks to go nalang kami kumuha, dun sa beef and sa lechon, hindi na. Haha. Bakit ba, PG ba? Haha. Sobrang unlimited Chooks to go yata yung nangyari samin. Kasi naman, mga naisip nila, ilalagay sa isang container, tapos kukuha ulit ng panibago. :) Wow. Di ba? Mauutak. Hahaha. Pero sobrang saya lang. Nagpicnic kami dun sa Quadri fountain. Though walang mat or anything, umupo na kaming lahat at kumain. Yung iba gusto ng rice, pero ako. Ayoko talaga. Haha, gabi na kasi e. Mahirap nang kumain ng carbs. T.T Arte ko ba? Haha. :) Again, sobrang sweet lang naming dalawa ni Bee. Sinusubuan niya ako, tapos susubuan ko rin siya. Ehhh. Naovercome ko narin yung hiya ko sa mga kaibigan ko. :) First time 'to uh. As in like, he's the first guy na sinubuan ko habang kumakain kami sa harap ng friends ko. Before, muntik nang mangyari yun, pero di ko tinuloy.. Nahiya ako e. :)
Anyway, 'Recycled Water yan!' Sigaw ko at sigaw ni Meg, dun sa mga taong parang mga sira, pero okay lang, they're having fun naman e. Pero kadiri parin talaga. Bakit nila ginagawa yun? Bakit kailangang magpakabasa, ode anong napala nila after? Ode wala lang. ;) Haha, pasikat masyado. Kahit yung mga babae. Grabe nga e. Imagine, recycled water, maiinom nila.. Madidikit sa balat niya, maliligo sila sa ganun? Haha. Pero kahit na talaga, recycled water parin yun e. Idk. Mga naghahanap ng sakit sa katawan mga tao dun, makapagsaya lang. Haha. Pero okay narin, dun sila masaya e. :) Kami naman, concerned lang. Haha. Sobrang dami naming pictures, lalo na si Mikee. Haha, pasaway yun e. Naligo tuloy siya dun sa fountain. Haha. Nanuod kami sa Plaza Mayor ng Parokya ni Edgar at Kamikazee. :) Syempre, ang Thomasian crowd, sobrang hyper. Sino ba naman ang hindi mahhyper kapag kumanta na si Chito Miranda, di ba? :) Haha. Past 10pm, umuwi na kami.. Hinatid na ako ni Bee. Habang pauwi kami. I held his hand, tapos, pinisil ko. Tapos nagsmile ako.. Facing him.. Tapos sabi ko. 'Thank you, I love you' :) Sobrang nahihiya ako nun, kasi naman. Ang risky kaya. Ako yung girl e, tapos ako yung unang gagawa nun. Again, for the first time in history, ginawa ko yun sa lalaki. At sobrang swerte niya, kasi siya yun. :)) Haha. Siguro kapag nalaman niya, kikiligin siya ng wagas. Haha. We bade goodbyes, kissed and hugged each other under the shade of the moon light. :) Haay. Sobrang sweet. What a sweet and lovely way to end my year.. I was with my friends na nga, and at the same time, I was with him. Now I know, kung bakit sinasabi nilang 'stable' ng life ko. Haay. Kinikilig ako pag naaalala ko kung paano kami naging gaano ka-sweet ngayon. Kahit gaano pa kabasa yung mga kamay niya, pasmado kasi e. Haha. Gusto ko paring hawakan, para malaman niyang 'kahit hindi kami magkasing laki ng mga kamay, still.. I know, the spaces between my fingers are right where yours fight perfectly.' :"> Hay. Ang saraaap mag-reminisce.
1:11AM of Sunday..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment