Thursday, March 22, 2012
MIXED EMOTIONS
Yung totoo, bakit ba wala parin akong boy friend na matawag ngayon? Yung totoo talaga, takot na nga ba talaga akong pumasok sa isang relationship? Ewan. Kasi naman, para sakin, parang mas mabuti pa yung MU MU-han na drama lang e, kesa naman sa in a relationship nga kayo, di naman kayo magkaintindihan, lagi nalang may misunderstanding, lagi nalang nag-aaway, lagi nalang may tampuhan, hindi na naging peaceful yung buong pagsasama niya. Hirap kasing mag expect, hirap kasing umasa.. Tapos kapag umasa ka, at hindi nangyari yung inaasahan mo, hindi maiiwasang magtampo, at yung simpleng tampuhan na yun, nagiging ugat nang matinding di pagkakaunawaan, at pag naglaon, magiging dahilan kung bakit ang dalawang taong nagmamahalan ay naghihiwalay nang landas.
Ang hirap di ba? Sobrang hirap makipag relasyon, kaya kung ako sa'yo, di nalang ako makikipag relasyon, makokontento nalang ako sa presence ni Happy Crush, or ni Inspiration, yung tipong kapag nandyan siya, kikiligin ka ng sobra sobra, yung feeling mo, nasa Cloud9 ka.. Yung tipong kapag magkausap kayo at magkasama kayo, puro good vibes at kilig vibes lang mararamdaman mo.. Ang mahirap nga lang dun, sa drama ng mga taong.. Tinatago yung pagmamahal nila para sa isa't isa, kunwari matalik na magkaibigan lang daw sila, pero kung umasta, daig pa ang magkasintahan? Naguguluhan ako sobra. Ang bigat sa pakiramdam. Kapag nandiyan, sobrang saya mo.. Pero kapag wala, hinahanap hanap mo. Eh, wala ka namang karapatang magdemand ng oras mula sakanya, kasi.. Hindi naman kayo, wala ka namang karapatang umangal or kausapin siya about sa nararamdaman mo, kasi nga.. 'Magkaibigan' lang kayo. Mag-ka-I-bi-Gan.
Nakakainis lang. Anong petsa na ngayon o. Thursday na kaya. Monday pa yung last. :( Naiinis akong nalulungkot na ewan, bakit ba kailangan kong hanapin yung presence mo? Hindi naman pwedeng ako yung gumawa ng first move, bakit ba sobrang mysterious mo? Bakit last week, sobra sobra? Bakit bonggang bonggang paramdam yung ginawa mo? Eh bakit ngayon.. Ano ba? Nasaan ka na naman? Yan yung pinaka ayoko sa'yo e. Para kang mushroom, kung kelan ko di inaasahan, kung kelan wala akong pakialam, kung kelan wala akong nararamdaman, tsaka ka dadating.. Tsaka ka magpaparamdam at mag eeffort ng sobra sobra, tapos, kung kela naman.. Nararamdaman ko na at nagugustuhan ko yung presence mo, tsaka ka biglang mawawala. Bigla nalang di magpaparamdam. Ano ba talaga? Ano ba gusto mong mangyari? Paki sabi naman o. Litong lito nako sa mga panahong ito. :( Paki sabi naman o. Para kasi. Ugh.
Alam ko, wala akong sagot na aasahan sa'yo, kasi naman, 'FOREVER MYSTERIOUS' ang peg mo. Pero sana naman, konting assurance, di ba? Ayoko lang kasi yung ganito yung nararamdaman ko. Unti unti na naman kasing bumabalik yung feelings ko para sayo.. Oo, pinapangalagaan mo. Pero, hindi naman consistent. Kaya di ko alam. Pasulpot sulpot lang din yung race ng heartbeat ko e. Sobrang naguguluhan nako. Pero, masaya parin naman akong.. Hanggang ngayon, di parin nawawala yung kung ano man tawag mo dito. :) Hahahaha. Shit bricks, ang drama ko na naman pala tonight. Naiinis ako. :o
Sobrang naiinis lang naman ako, kasi.. Namimiss ko yung presence mo. :( Kahit busy ako, oo, busy ako.. Pero. Ugh. :( Kung di man masyadong naging okay tong week na 'to para sa ating dalawa, inaasahan ko na by next week, maging okay na ang lahat. :) Miss na talaga kita. Paramdam naman o. :(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment