Friday, March 9, 2012

A thing of beauty is a joy forever. ♥



May pinagdadaanan ba ako sa aking buhay o kaya'y sa lovelife? HAHAHA ♥

Ang common notion kasi ay may kahulugan daw ang biglaang pagpapagupit ng mga babaeng nag-maintain ng mahabang buhok sa mahabang panahon. Ang paliwanag ko lang naman, "Kasi birthday ko, e. Actually, malapit na. Wala nang isang linggo, six days nalang. So, tiningnan ko yung mga birthday photos ko, tapos na-realize ko, na tuwing magbe-birthday ako, iisa yung 'itsura ko. Yung buhok ko mahaba, straight. Para lang maiba. Yung eksenang nakaMOVED ON na ako ng wagas. Kaya naman ganyan ang drama ng length ng hair ko. :)

Haha. Naks, dami ko na namang alam sa buhay ko e. Yung eksenang, dapat nagsisimula nakong gumawa ng mga dapat kong gawin, due this coming week, pero.. Eto ako o. Chilled parin, chill lang kasi dapat, wag mag-panic. Kaya 'yan. Carry on lang. Haha, tamang motivation lang and tiwala narin kai sa sarili. Exert more effort. Haha, I second thy motion. Chos. Ang baliw ko na naman ngayon, sobrang maligalig na naman ako. Pero 'wag ka. Ang tahimik ko na kaya. Nananahimik na talaga ako e, noh? :) Nanahimik narin sa panlalalaki. :)) Kung makapag taray naman kasi ako, wagas. For heaven's sake, dumadami yung strangers sa mundo, saan niyo ba nakukuha yung number ko? Ugh.

Nakakaloka lang. Di na nga ako pala text na tao, ang dami paring nangungulit, di bale sana, kung interested ako. Eh kaso, hindi e. I am no way, interested, so back off. Please? Haha, ang taray ko lang talaga last night, basag na basag yung kung sino mang Bryan na yun. Sorry, bumalik na naman yung bangis ko e. Kung makapang brush off ako ng mga lalaking feeling gwapo, at syempre, yung maaangas, ehh. Nakakatikim na ng bangis ng katarayan at kamalditahan ko. Friends niyo mukha niyo, strangers. Wahaha.

Side effects ng coffee? Holy cow. In now way, this isn't funny, sobrang nahihirapan ako sa ginagawa ko sa sarili ko. Imagine, ayaw tumanggap ng digestive system ko ng kahit anong solid food, puro COFFEE lang talaga yung tinetake. Haha. Imagine, breakfast and lunch, Starbucks Venti Cappuccino, tapos merienda and dinner, Hot Coffee Latte? Feel na feel ko yung ambiance ng Starbucks e, tsaka yung masarap na hangin, sarap mag-emote sa roof top ng Mamong Taho, peace and tranquility. Haha, chos. Di ko na tinigilan e. :) kaya naman, in effect, di lang yata insomnia ang nakuha ko, mas malala pa kasi talaga e, yung tipong 6am na kanina, gising parin ako, paikot ikot lang ako sa bed ko. Ugh. Sobrang di ako makahanap ng tulog. :(


Existentialist halos ang peg ko this week. Hindi ako nag-iingay literally, pero, yung puso ko naman, naguumapaw sa damdamin, lahat, binuhos sa pagsusulat at pagddrawing, kaya naman, yung diary ko, parang naging sketch pad narin. At dahil nga.. Naniniwala akong sobrang 'UNLADYLIKE' nang paghiga ng babae sa grass, kahit lagi lang akong nasa Lover's lane, hindi ako humihiga dun, hinahayaan ko nalang yung mga friends kong sige, kayo nalang.. Ako, chill lang dito. Ang sarap kaya ng hangin, sobrang peaceful pa ng kapaligiran, yung feeling na.. Dati rati, lagi ko siyang naaalala, samantalang ngayon, kahit idle ako, sobrang bihira nalang, not unless, may biglang magmention. :) Oh well, achievement, no pain, no gain nga naman talaga. Hihi. I'm so over him.

Iba narin naman kasi ang soundtrack ng buhay ko e. Yung tamang ako lang, tamang trip, tamang chill, tamang aral.. Tamang pakikipag kaibigan, tamang pagbibigay ng oras sa ibang tao, yung sakto lang. Walang labis, walang kulang. Balanced life, balance everything. Sobrang sarap sa feeling, parang Cloud 9. Feeling ko, nasa heaven na naman ako. ♥

Nanahimik narin naman ako ng kababarkada at kauuwi ng madaling araw, not that, pagod na akong ma-award ng todo todo ng parents ko, pero.. I am making slight changes sa sarili ko, para sa ikabubuti ko. I am making it sure na, right after class, uuwi na ako, to get enough rest and sleep. Tapos, aral aral din. Except, kapag may nag-invite for dinner, which is a 'coffee' night for me. Haha. Kelan ba naging totoong meal and sineryoso ko yung kakainin ko? Ayy. Bad. Haha.

Nag-iinarte si Lola, kasi naman. "Nag-didiet ka ba?" Tama na 'yan, okay na 'yang ganyan. Sexy ka na o. Baka masobrahan, maging payat ka. Tch. 'Sobrang nag-aalala ako para sa health mo, Saab. Kumain ka naman ng may sustansya, puro nalang saging kinakain mo. Nabubusog ka ba dun?' Eh, sobrang nawalan na talaga ako ng gana sa pagkain, ewan. Nakakatamad, ang gusto ko lang.. Magbasa nitong Metaphysics book ko, at uminom ng kape, tapos.. Mag-stay sa roof top, kahit ako lang mag-isa, go lang. Ang mahalaga, nakakahanap ako ng peace of mind. Nakakahanap ako ng magandang atmosphere para magreflect reflect sa beauty ng buhay. :)

Indeed, sobrang lucky ko pala talaga. Yung tipong wala pala akong dapat ipagalala, wala naman pala talaga akong problema, na sobrang daming taong ang nandyan para sakin, nananatiling kaibigan ko, at patuloy na nagmamahal sakin. Wow, dumadrama na naman ako o. Di nga pala panahon para magdrama ngayon. :) Existentialist lang ako, di ako emo! Haha. Isang napakagandang araw, para tapusin ang napakasayang gabi.. Ay, umaga na pala. Hihi.

It feels really good to be with your 'old' friends from the past, for they're giving you so many reasons to look back, that sometimes, it isn't wrong to do so.. Memories. Oh well. Thought for the day: Start your day right, so you'll end it just the way it is. :)

Few days left, and I am turning 19 already. Ugh. Super mixed emotions right here in front of my monitor. Haha. @.@

'A thing of beauty is a joy forever.' Good night. :"> ♥

No comments:

Post a Comment