Thursday, March 8, 2012

FULL MOON

03/08/12

Isn't it ironic, we ignore those who adore us? <3


"Adrienne, bakit ang ganda mo?"
"Adrienne, ang ganda mo."
"Adrienne, ang ganda mo talaga."
"Adrienne, you're so beautiful."


-Anonymous

(Guy, flipping my side swept bangs to see my right covered eyes) Ugh. :">



One More Chance: 'Minsan, kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi may darating na mas okay' :) Thought for the day, habang nakatingin sa kagandahan at liwanag niya. Sobrang nainlove ako sa'yo tonight, sobrang once in a blue lang kasi kita makita.. :"> 'Full Moon.' Ugh, and.. Oo nga pala, 'People come and go'. Bigla ko lang naisip, sobrang tamang chill lang kasi kami sa Lover's lane kanina. Yung feeling na, sobrang peaceful and tranquil ng surroundings,iniisip ko lang yung future ko after College, kasi naman, 3rd year na nga pala ako next sem. Parang napakabilis lang ng panahon, tapos.. Ang sarap pa ng hangin. Sobrang di ko maisip, paano nalang kaya ako after Graduation? Diretso Law School na ba ako, or chill pa muna? Ugh. 'I can wait forever.' Segue, parang may bumulong lang sakin. Bigla na naman akong napaisip, nasaan na kaya si Prince Charming? Ang tagal naman niya. Di kasi ako makapag claim na nandiyan na siya e. Confused kasi ako, ang daming present, pero.. Di ko maramdaman yung 'spark'. Alam ko, may chemistry, physically, mentally and emotionally, but. Ugh, Idk. I'm still having second thoughts, still ain't ready e. Or, yep, traumatized parin kasi ako sa nangyari. But, I have forgiven him na. Though, di siya nag aask ng sorry. Narealize ko rin, habang nasa roof top kami ng isang coffee shop, hindi naman niya ako pinakitaan ng masama e, in fact, naging mabuting boyfriend nga pala siya sakin. It's just that, 'people change, and that, people come and go'. :) Dahil sayo hindi na ako naniniwala sa salitang FOREVER. Haha.

While updating my planner earlier sa Starbucks habang nag-aanswer ng Epistemology quiz ko, natigilan nalang akong.. 'Oh, malapit na palang mag two months, tapos.. Three months na'. Pero hindi e. Kung ako lang siguro yung dating ako, nakapag boyfriend na ulit ako. PERO. Hindi na kasi talaga e. Sobrang natutuwa at thankful naman ako kay late ex, kasi kung hindi dahil sakanya, di ako matututo, di ako makakaexperience masaktan, di ako makakaexperience ng 'first, true love'. :) Yung inakala kong 'Siya', hindi parin pala. Pero ayon nga, hindi naman ako titigil mag try, kasi I have a feeling and beleif na, 'Di ko makikita yung taong para sakin, kung isasarado ko yung puso ko para sa taong nakalaan para sakin e.' :) Darating din naman siya in time, pero yun nga.. Di na ako magmamadali. Kahit sobrang matagalan pa. Medyo pagod narin kasi ako, hopeless romantic kung hopeless romantic, pero.. Gusto ko, yung susunod ko. 'Siya na rin yung maging LAST ko.'

This awkward feeling na, "I am missing someone to call MINE". 'Minsan lang kitang iibigin, minsan lang kitang mamahalin, ang pagmamahal sayo'y walang hangganan, dahil ang minsan ay magpakailanman.' Ugh. Ang loser ng mga nagpplay na songs sa pinakikinggan kong radio station, every night, naiinspire akong makinig, kasi.. Sobrang natutuwa ako, pati sa mga callers ni Papa Jack. Haha. :) Btw, I am torn again with my feelings. Yung feeling na dalawa silang gusto mo. Ugh. Eto na naman yun e, yun nga lang, Single ako ngayon, kaya no problem. Hihi. Yun nga lang, parehas silang may pagka inconsistent, ayoko kasi ng 'Mushroom' type ng guy e. 'Yan tuloy, pero, I have a feeling na.. 'Mas' lamang si Psych e. Sobrang di ko kasi ineexpect na mag-eeffort siya ng ganito, wala kasi sa pagkatao niya yung maging super determined. Chos. I like the feeling, kasi.. Kahit anong mangyari, yung feelings hindi parin nawawala.' :) Yung communication, hindi nawala. 'I'd like and love to keep you, cause you're special to me'.

'For ex-lovers can't be friends anymore after the breakup'. Ugh. If ever mangyari man yun, it's either, 'Hindi niya minahal yung isa't isa, or.. 'Hindi nawala yung feelings niyo para sa isa't isa.' Oh well, I don't know what to say, di lang talaga ako sure kung totoo ba 'to or hindi. :) Basta, the only thing I know is. 'Time heal wounds'. Let it flow, hindi man maging maayos ngayon, malay mo, malay natin, darating din yung panahong.. Yung tadhana na mismo yung makakapagsabing 'OKAY NA ULIT KAYO'. :) Ayokong pilitin, ayokong pangunahan yung kung ano man ang mangyayari, well, kung ayaw naman makipag friends, ehh. Nirerespeto ko naman yung decision. Ayoko lang yung 'attitude' na parang siya pa yung 'babae'. Bakit? Loser much ng attitude e. Di ka marunong maghandle ng breakup? Ang tunay na lalaki. 'Tinatanggap yung pagkatalo niya.' Na yung ex girlfriend niya yung nakipaghiwalay sakanya, na yung babae yung nang-iwan sakanya sa ere, or.. The best thing to do is to just shut up. Di ba? Parang ang loser lang kasi nung dating na di mo matanggap sa sarili mo yung KATOTOHANAN e.


Basta ako talaga, nagpatawad na. Kung ako, hindi pa niya napapatawad hanggang ngayon, problema na niya yun, siya lang din yung mamomoroblema. Yung feeling na. 'Si kaibigan A, everyday naiinlove sakanyang love interest, tapos.. Ako naman, everyday nakakapag move on.' Sobrang masarap sa feeling, kasi.. Napapansin nila yung stage development ko. Strong woman talaga ako e. Every Tuesday, nakikita ko, pero.. Nagawa kong magmove on, tapos binubrush off ko pa. :) Di ko naman sadya e. Pero, that's the way it it is. Di ko lang nagugustuhan yung 'presence' niya as someone so maangas parin. :) Wish ko lang.. Magbago na siya. Yun lang. Hehe. :) Kasi, kung ipagpapatuloy niya yung ganyang ugali niya, di talaga siya makakakita ng 'someone' niya. :)

PS: I am Miss Pulchritudinous, and I am loving it.

No comments:

Post a Comment