Saturday, January 21, 2012

Kung di tayo para sa isa’t-isa, - Aba, Pilitin mo dahil ayoko sa IBA. ♥.

‘Well, I’m still hoping. Good night. I still care. See you.’



I really don’t know kung dapat pa ba akong maapektuhan. For he told me that, at the end of the day, no matter what he did in the morning, it is still me that he thinks of. But up until now, I have to admit that, I’m still opening his Facebook account, kasi nga, I still care, mahal ko pa e. just like what I’ve said last night, hindi pa ako magmomove on, hindi ko kailangang magmove on, hangga’t wala pang ibang involved, but based from what I see right now. Nagsimula na na namang madurog yung puso ko. Hindi parin pala niya tinitigilan si girl na mukhang snail. For seven long hours magkausap lang sila sa chat, and I guess, magkatext pa nga yata. Hay. Hindi niya na siguro pinapansin talaga or iniisip kung ano man yung nararamdaman ko. But last night, hindi ko nalang pinansin yung ‘I love you’ thingy na nabasa ko. I tried to ignore it, kasi baka nga naman joke lang ‘yun. But then, this time. Pumapasok na naman sa frame si Snail. I know, hindi ako dapat mag-aksaya ng panahon dun, at mainsecure, kasi ang laking ganda ko naman dun. I won’t stoop down to her level, pero, nagseselos talaga ako e. Hanggang ngayon, hindi parin pala niya ako kayang pagbigyan. Although wala namang something na dapat ipagselos talaga. Ang sakit nga lang, when I see this. ‘May love life ka ba?’ Ang sagot niya. ‘I dunno’. Anong ibig sabihin nun? Tinatago niya dun sa girl na yun, hay ayoko nang mag-isip. Lalo lang akong nasasaktan. Feeling ko, ito na ‘yun e. Feeling ko, may iba na talaga. So ano, help me decide. Masakit talaga. Kesyo first time daw siyang natememe sa girl, blah blah. Namumula pa siya. And that, ‘wala pa daw nakakakita ng sincerity and purity ng pagmamahal niya?’ Anong tawag niya sa akin? Omg. Ang tanga tanga ko, para buksan padin yung account niya, pero ewan. Gusto ko kasing malaman yung mga reasons, kung bakit ganito na e. Bakit ganito na siya ka-cold at ka-effortless sa akin? Although, I can feel naman na, effort parin yung pagmemention niya sakin sa Twitter. Haha. Nakakatawa, parang ang pathetic ko. Feeling ko siguro, wala nang ibang lalaki diyan e noh? Pero hindi ba niya nakikita kung gaano ka siya kaswerte sa pagkakaroon ng girlfriend na isang katulad ko? Ano pa ba mahihiling niya? Hay. Ang dami daming lalaki diyan o. Pero, hindi ko naman siya masisisi, kung nagsasawa na talaga siya sa akin at gusto na niya ng ibang mamahalin. Siguro nga, I’m just not enough for him. And maybe, he’s wanting someone or something na hindi niya nakita sa akin. But, seriously. Grabeng pagpapakatanga na ‘to. Hindi ako naiinsecure, kasi.. Wala akong dapat ika-insecure, pero nagseselos ako. Kasi, buti pa ‘yung si mukhang suso, naaappreciate niya yung ‘beauty’ kung meron man. At mas lalo yung presence, and time nang talk nila together. For seven long hours. Hay. Samantalang ako. Patuloy lang sa pag-iisip kung ano na ba talaga? Shit. Mahal mo pa ba ako?

Mahal mo pa ba ako? Or may bago na, may iba ka nang gustong mahalin, may iba ka nang gustong makasama, at may iba ka nang gustong ituring na prinsesa? Naguguluhan ako. Gusto kong mag-hold on. Hangga’t kaya ko, pero hangga’t nakikita kong may ganito, hangga’t nararamdaman kong, nakakakita ka na ng happiness sa ibang tao, pababayaan na kita. I will set you free. Wala na ba talagang natitirang pagmamahal para sa akin dyan sa puso mo? Hirap na hirap nakong masaktan at umiyak ng dahil sa’yo. Am I not the only one for you? Am I not enough for you? Kay Snail ka na ba talaga masaya? Kasi, may limitation naman yung sinabi ko sa sarili ko. Oo nga, hindi ako magmomove on, sa ngayon, kasi I’m still hoping that we could still be together, and that, I will still love you, nang patago. Nang tahimik nalang, nang hindi mo na nararamdaman, pero sana naman, sa tuwing mababasa mo tong mga blog posts ko, maisip mo rin na nasasaktan ako. Na naghihintay akong tigilan mo na yung mga bagay na nakakapag pasakit sa akin. Na nakakapagpaselos sa akin. Yung mukhang biik na ‘yan, at yang mukhang snail na ‘yan. Naalala ko tuloy yung sabi ng mga kaibigan kong lalaki. Haha. Ang tanga naman daw niya, para ipagpalit ang isang Adrienne Magora sa mukhang suso. Wag ko nalang daw iyakan, sayang lang yung oras ko. Hay. Is he trying to deny that I am still his girlfriend? And that he want that girl already? Sobrang masakit lang. Anyway, segue. Naalala ko kahapon. Nung nag-iinuman kami nung mga kaklase ko sa dark room. Katabi ko si Jessie, tapos sabi nila Terence, mag-ingat daw ako. Kasi nga, kincomfort na ako ni JJ, haha. Pero, kasi daw.. May HD sakin si Jessie. Hidden desire. Hahaha. Natawa naman ako. Kung pwede nga lang sanang magmahal nalang ako ngayon ng iba e. Kung pwede nga lang sanang gamitin ko nalang yung mga lalaking may gusto at nagmamahal sakin all this time, ode sana, hindi ako masyadong nahihirapan ngayong mag-bear ng pain. Pero, kinakaya ko naman, para sa sarili ko. Para sa kanya, at para sa aming dalawa. Pero. Kung sasabihin naman niya sa sakin na, ‘Hindi na ako ang tinitibok ng puso niya, na hindi na ako ang pinakamagandang babae sa paningin niya, at hindi na ako nagpapangiti sa kanya’. I’m willing to set him free. Oo nga, nagpapakatanga na siguro ako ngayon. Kasi, masyado nakong nasasaktan, sabi nga nila, ‘Ade, kung hindi ka na masaya, umalis ka na diyan.’ Pero, alam ko sa sarili ko, masaya pa ako sa tuwing kasama ko siya, ang hindi ko lang sure is, kung ganun parin siya sakin. Baka naman kaya hindi na siya gumagawa ng effort, at ayaw na niya akong makita everyday is because may iba na nga talaga.

May iba na nga ba talaga? May mahal ka na bang iba? May napupusuan ka na bang iba? Hay. I’m starting to sound weird, pero. Hindi ko maialis sa isip ko na.. Kapag mahal mo nga naman yung tao, kahit sa mga pangit, nagseselos ka. Parang ako lang. Haha. Nakakatawa. Si Ms. Everything magseselos sa mga higher beings? Hahahaha. Higher being when it comes to physical attributes, tama nga si Dustine, magaganda ang mga babae sa AMV. (Sa kabaligtaran) Wow. Hahaha. Sobrang benta. Ewan. Nalalandian lang ako kay Snail saka kay Piglet. Buwisit. Taken na si Bannag noh. Selfish ako. Oo, selfish ako. Kahit pangit yan noh. AKIN LANG YAN. MAHAL KO YAN. Kaya pwede ba, back off. Wag niyo ngang landiin yung boyfriend ko. Shet lang. Natatawa akong naiinis sa sarili ko, para akong bata. Ang dali kong magselos. Hindi bale sana kung may kalevel ko yung pinagseselosan ko e. Hahaha. Ehh wala e. Wala pa sa kalingkingan. Tch. Gaga na kung gaga, selosa na kung selosa, ayoko lang nang may nanlalandi sa lalaking pinakamamahal ko. Kaya pwede ba? Ito namang malapad na noo kong boyfriend, ayaw tigilan. Sinasadya na yata nitong saktan ako e. Ouch. Pwede ba? Kung wala kang balak itigil tong pananakit mo sakin, just please tell me. Ipamukha mo nalang sa akin na. Hindi na ako. Hindi na ako yung mahal mo. Either si Snail na or si Piglet. Para hindi na ko napaparanoid sa kaiisip. Kung mahal mo pa nga ba ako, at nagsawa ka nalang nang bigla bigla.. Kasi nga, nandyan na ‘yung mga bagong makapagpapasaya sa’yo. Kaya siguro nabobore ka na sakin at wala na yung intensity, kasi nahanap mo na sa mga ‘exotic’ na tao. Hahaha. Ang mean ko lang. Pero grabe naman kasi. Sabi ko nga before. Kung ipagpapalit man ako ng current boyfriend ko sa ibang babae, well, siguraduhin niya lang na ‘MAS’ maganda ‘yun sakin. Haha. Yung MAS girlfriend material kesa kay Adrienne Magora. Haha. Egocentric ako. Mataas tingin ko sa sarili ko, kasi pinalaki ng sandamakmak na lalaki yung ego ko. Whatever. Pero. Gusto kong malaman niyong SELFISH AKO. Uulitin ko. SAKIN LANG SIYA. Hay, kung pwede lang sana. Kaso, parang siya pa yung nag-iinitiate na magstart yung talk nila e. Na mas lumalim yung ‘something nila sa isa’t isa’. Yung tipong, sobrang getting to know each other. Seven long hours of talk. Haaay. Endless.

Yes. I know. Sobrang endless pain din for my effort. Pero, unti unti. Natatanggap ko rin namang.. Hindi na nga siguro siya masaya sa akin, kaya kailangan na niyang maghanap ng panibagong babae na makapagbubuong muli ng kanyang pagkatao. Puro fail daw lahat ng mga naka-thing niya e, and that, ayaw pa niyang pag-usapan nila ‘yun ni Snail. Ang hapdi talaga nung tinanong siya e. Tapos, ang sagot niya.. ‘Hindi niya alam kung meron siya or wala’. My ghad. Ano bang ibig niyang sabihin dun? Sobrang hindi ko naman kasi maitindihan kung anong gusto niyang mangyari samin e. Well, kung ako ang tatanungin. Gusto ko, maging kami til the end of time, kasi gusto ko nga.. Siya na yung maging last ko. Siya na yung mapangasawa ko sa future. Pero. Pero. Pero. Parang hindi na nga siya yung lalaking minahal ko na ‘yun ngayon e. My gosh. Sobrang fucked up na. Are we just sticking together, for the sake na matagal na kasi at malalim yung pinagsamahan, pero hindi na mahal at masaya sa isa’t isa? Ano ba? Lalo akong napapaisip e. Gabi gabi nalang. Every night, before I go to sleep, right now. Since, nadiscover ko nga yung sa chat thingy. Pero, parang wala namang nangyayari. Kahit ilabas ko lahat dito sa mga posts ko, wala lang sakanya e. Hindi siya naaalarma. Hindi niya ginagawan ng aksyon. Ng immediate action, so maybe, anytime, ready na siyang mawala nalang nang parang bula ‘tong kung ano man ang meron sa min. Pero most of all. NAGSESELOS ANG DIYOSANG SI ADRIENNE MAGORA SA ISANG LOW CLASS CREATURE. SA ISANG SUSO NA DUMIDIKIT SA PADER. HAHAHAHAHAHA. Kadiri. DI ako makagetover. Bakit ba ako nagseselos dun? Kasi.. Mahal ko si Michael. Oo. Mahal na mahal ko. Shet lang. At sobrang sakit na. Hindi ba niya nakiita at nararamdaman yun? Wala nalang talaga siyang gagawin para matigil na yung pagseselos ko? Shit lang. Wala ka na ba talagang gagawing effort, para maging okay ulit ang lahat sa atin? I think we have to talk, hindi yung ganito. Sobrang clueless. Wait. No. excited akong mag-next week, kasi malalaman ko na naming yung results ng Accounting exam niya. Hay. Medyo kinakabahan ako. Pero, nakapag prepare na naman ako ng immediate actions para nga hindi ako masaktan. Ngayon, ang ayoko lang talaga… Ay yung mga nilalandi. Nadudurog puso ko e. Gusto ko ako lang ginaganun niya. Hay. Pero eto na talaga. Sasabihin ko lang ulit, although I know, napuput into trash lang din naman lahat ng thought and insights na sinasabi ko dito, kasi patuloy parin siya sa pakikipagchat, at sa pakikipagmabutihan sa Snail ‘yun. Puta. Ang sarap manugod. Sarap sabunutan nun. Shocks. Gagawin ko talaga. Pero, kung hindi sila titigil baka parehas ko silang mapatay. HAHAHAHAHAHA. Just for the record, sobrang lalim na ng pagmamahal ko sakanya ngayon. Sana lang naaappreciate niya. Sana wag siyang manhid. Sana iparamdam niya saking mahal parin niya ako, at pinahahalagahan parin niya ako. Kasi, babae ako. And I don’t think I deserve to be treated this. I’m sorry, kung nagiging OA ako, nag rereact ako ng ganito kaharsh over a simple thing. Pero. Pero kasi. You’re continuously stabbing me with a dagger e. And lalo akong nawawasak. Binebenta ko na yung puso ko e. Ahaha. Anyway. I just want you to know that..

I will never stop loving you, I won’t ever give up. Again, for the nth time, I’m saying this, cause this is real, this is what I feel. Mag-gigive up lang talaga ako kapag may iba ka nang mahal. Hinding hindi ako magmomove on, kasi nga.Hindi ko naman kailangang magmove on, at hindi ako nakikipaghiwalay this time, kahit masakit na masakit na talaga.. Kasi alam ko, maaayos pa natin ‘to. Kaya natin di ba? Mahal kasi kita e. Sana totoo ngang yung sinasabi mong mahal mo parin ako. I know, we will still meet halfway. Kaya natin ‘to. Tiwala lang. Hindi ako bibitiw. Nandito lang ako. Pero, gusto kong ipaalala sa’yo.. Na ‘Ako yung Prinsesang inabandoned mo.’ Wala ka bang balak na sagipin ako? Hay. Sagipin mo naman ako o. Aking Prinsipe. Ugh. Basta. Hindi ako titigil. Hindi ako susuko kasi mahal kita. Tandaan mo ‘yan. Mamahalin kita nang tahimik, at nang hindi mo nalalaman. Pero, sana marealize mo din na.. ‘You have to meet me halfway, we have to revive this, we have to save our relationship’ (Kung meron man). Pero, naniniwala ako sa time and space. Siguro nga, ngayon yun lang ang kailangan natin, para marealize natin yung worth ng isa’t isa. Pero, hindi naman ibig sabihin nun, hindi na kita mahal. Sana ganun ka rin. Hindi naman sana ibig sabihin nun, ibubuhos mo na kay Snail lahat ng atensyon na para sa akin. Sana sa mga panahong hindi mo ako nakikita at nakakasama, at least, kahit isang segundo, pumasok man lang ako sa utak mo.. At maalala mong, nagmamahal parin ako sa’yo. Ikaw lang. Wala nang iba pa. Sana alam mo ‘yun. Sana ako nalang. Sana ako nalang ulit. Hahaha. Ang babaw ko, para magselos ng ganito katindi. Sorry ha. Mahal na mahal lang talaga kita.

January 22 na ngayon. Quadri week na next week. May naalala ako. Hay. Mag-iisang taon narin pala. January 28, 2011 nun. ‘Akin ka nalang, akin ka nalang, iingatan ko ang puso mo.’ Omg. Six days nalang. Six days nalang bago dumating yung significant na araw na ‘yun. Kung kelan nagsimulang unang maglapat ang aming mga kamay, and kung kelan ko, muling naramdaman, na ‘I am precious’. Quadri week. Oh, Quadri Week. Darating ka na namang muli. Sana ngayong taon, maging masaya ulit ako. Pero. Hay. Ang hirap. Ang sarap lang mag-reminisce, kasi may mga masasayang memories. Pero naisip ko rin, kaya tayo gumagawa ng memories, para may balikan tayong masasayang alaala, hindi para panghinayangan. Well, ayokong umasa for something good na mangyayari between us anymore. Bahala na. Kung meron man, ode masaya, pero kung wala. Sorry sakin. Haha. Basta, I have to bear in mind that, he used to treat me as his princess. But why is it now, he’s treating me as a no body? I’ll wait and see. Come what may. If it’s meant to happen, it will surely happen.

Kung di tayo para sa isa’t-isa, - Aba, Pilitin mo dahil ayoko sa IBA. ♥.

No comments:

Post a Comment