January 20, 2012
'You need to treat her well, if you want to keep her forever.'
Yay. Cheers for the freaking weekend. :) Finally. Tapos na rin ang Prelims Week. And I super enjoyed answering my major earlier, Epistemology and Sir Pada, sobrang love ko talaga. It's super fun manipulating, formulating and creating your own theories about Aquinas, Aristotle and Plato's arguments about the Sense Knowledge and the Intellectual Knowledge. Haha. Sobrang kadiri yung amoy ng uniform ko kanina, amoy yosi. Haha. Sa dark room. Nakapag share pa ako ng problema ko sa mga guys, at nakatulong naman sila ng husto. Gumaan yung loob ko. Sobrang thank you din kay Kuya Stanger sa fancy place na nagbigay sa akin ng tissue, while I was on the phone with Mom, crying. Haha. Ang sweet. May mga lalaki pa palang ganun. Sabi pa niya, ‘Miss, wala siyang karapatang paiyakin ka’. Nangiti naman ako dun. Hahaha. Wait. Ayokong magsimula na namang magphilosophize right now. What I want to do, is to share what's inside of me right now :) Idk, feeling ko lang sobrang daming nangyari kahapon. I failed to create a blog na nga, for like I was feeling totally devastated. Haha, oo. Nakakatawa kasi mukhang pagod na pagod daw ako kanina pagpasok ko ng classroom namin. :) Wow. Nahalata nilang pagod ako. Pagod kakaiyak lang, sabi ko. :) Buti nalang hindi namamaga yung mga mata ko. But then again, kahit ganun, maganda parin naman daw ako. So, nothing to worry about. Oyiz, I know. Haha. I've had so much to remember last night. I even marked it on my calendar, January 19, 2012. Oh. Segue lang, 1:43am, and I love you. :) I still do, kahit nagmumukha nakong tanga. Anyway, as what I was saying, ayon nga. Natanggap ko na lahat ng sakit na pwede kong matanggap all in one day. Kaya, medyo okay naman, at least, isang bagsakan nalang. Hehe. :) Tinry ko naring alamin lahat, so that I won't be bothered na every now and then, I asked him to be honest with me though, para naman, hindi ako nangangapa sa dilim at nanghuhula kung nasaan ba talaga ko sakanya :) May I ask for permission? Pwedeng magbuhos na ko ng sobra sobra ngayon? Since then, medyo inaantok na ko. Haha. Promise, this will be fruitful and yea, I swear. This will be the last, feeling ko kasi nabagok na yung ulo ko sa fancy place kanina and sa dark room, kasama yung friends ko. Ganun talaga. Kakatapos lang ng Prelims e. Di naman ako kill joy, oo sana, pero I changed my mind din right away. Game, so start na ko sa kwento ko and paglalabas narin ng aking saloobin, well actually, pain lang talaga. Kahapon, pero ngayon, okay nako. Don’t worry. I’m learning from my experiences though.
January 19, 2012
‘Do what your heart desires’. Although I know in myself that, he will choose DotA over me, I still tried, because what he told me last Tuesday night is exactly like this. ‘Syempre, ikaw ang pipiliin ko, kesa sa mga kaibigan ko’. Obviously, pinanghawakan ko ‘yun, and that, I expected, and in fact, I was super excited for this day to come, kasi nga, exams are over na, well, ako hindi pa. Pero siya, tapos na this day. I even texted him that early morning, to let him know, and make him feel that, he moment he opens his eyes, naalala ko siya, and that I was saying some good luck charms from me to him. But I think, that sweetness of mine, was an immediate flunk. But stilI, know, I tried. Hello, I exist. Haha. And I do care for you, because I love you, I just want you to notice me. Pero srsly, I was damn hurt. I know, am at fault at first hand, kasi naman, I made him choose, DotA or Ako. Kahit alam ko naman sa sarili ko na, he’ll end up choosing DotA rin naman, pero ang nagpasakit lang kasi dun is, he told me, it will be me, but then. He’s not being honest naman pala. Yun lang. I will understand naman, if nung una palang, he admitted na, that he can’t give up DotA e. Understanding naman ako, ayoko lang kasi yung ganun. Napag-usapan na po kasi, and pumayag siya. Hindi bale sana, kung hindi. Tapos, bigla biglang magsosorry to the last minute, sobrang frustrating. Masaya naman akong naglalaro ng Tetris sa iPhone nung mga panahong yun e. Hanggang pumunta na kami ng Starbucks. Wait, share lang. Sobrang aga nga pala ng exam naming today, like 9am. For Phil Hist. Online exam naman. Buti nalang hindi ako masyadong nag-effort last night, 20 minutes lang ako nag-scan ng notes. Tapos yun na ‘yun. Haha. Ang fun lang, kasi the result was good. Then, pancakes at McDonald’s after. Sobrang boring lang, kasi I’m not a morning person nga, as in. Super antok, pero I guess, nang dahil sa coffee, naging hyper narin naman ako. Nakakaloka, I know, kasi we have nothing to do the whole day. Hello. Sobrang aga pa kasi. So, group discussion about Epistemology lang, I’m not that nervous naman when it comes to my major. I know I’m a good philosopher, I can handle anything. Haha. Eh, bakit ba. Confident akong masasagot ko yung exam ni Sir Pada e. Hahaha. Ang yabang ko talaga, mataas lang kasi yung first quiz ko sakanya. Pero srsly, feeling ko kasi, Logic lang naman talaga ang kailangan. And everything will be alright, I shouldn’t stress myself, overreact and over think about everything naman.
Wow ha. At talagang nagsalita ako. Kunwari pa ako e. If I know, may pinagdaraanan naman talaga akong mabigat na problema. Well, Idk. Baka para sakin lang to mabigat, para pala sa ibang tao, hindi naman. Haha. Nagiging OA lang ako. DotA lang ‘yan, Ade o. Anong problema mo? Anong problema ko? Haha. Pero, kasi yun nga, masakit lang. Minsan lang ako gumawa ng efforts for him, ii-ignore nalang niya ng basta basta. That’s the harsh reality, pero wala na. tapos na e. Nangyari na. So, period na. Anyway, nagburst na nga ako, ang dami ko na namang sinabi, for like, I was totally hurt nga, I cried in front of my friends again, nasa Starbucks pa naman kami, haha, at yung mga tissue dun, ginamit ko. Humiliating though, yea I know. Pero srsly, nasasaktan ako e. Anong magagawa niyo? Care ko ba. Wala kasing pakialamanan. Haha. Feeling ng mga kaibigan ko, nagiging inconsiderate na siya sa feelings ko, kasi naman. Sinabi ko na ngang nasasaktan ako, patuloy parin siya. Ayaw parin niyang tumigil. I even asked him, if he still wants to see me that day, pero ang sabi niya lang. ‘Gusto. Pero everyday nagkikita na tayo e. Marami pang time sa future na magkakasama tayo, since 2006, nagdodotA ako, it has been a habit.’ So kailangang ipagmalaki pa niya at sabihing habit niya ‘yun? Why still rub unto my face that you’re chosing DotA over your Girlfriend? Haha. And that, aren’t you aware that. Hello. It is a privilege to see me everyday noh. It’s not my lost though, if you won’t grab the chance to see me, and lastly, how sure are you na we will still be together in the future? Hello. You might not know, we might not know, kung hanggang saan at hanggang kailan tayo magsasama, ikaw nga nagsabi sakin niyan e. ‘Habang may chance that we can be together, we will be together’. Pero, bakit ngayon? Hay. Ito talaga ‘yung pinaka main root ng lahat ng ito e. Why do you have to change? Why leave me hanging then? You should have given me a warning. I’m trying to compromise and adjust though. Yes, I’m doing it all for you, that’s because I NOW care. And I NOW love you. But, if you don’t feel like, appreciating all these things, just please. Please?
Please let me go? Gently please. Sorry naman kung sa lahat nalang ng ginagawa mo recently, nasasaktan ako. Sinimulan mo dun sa pakikipaglandian mo sa chat sa ibang babae. Sheet. Ayoko nang alalahanin, masakit e. Pero hindi ko makita yung Logic na proud ka pa na hindi ka na gumagawa ng effort. :) Nakakalungkot lang. Wala ka na bang balak? Pero di naman na ako umaasa. Sabi ko nga, I’m leaving it all up to you, kung wala, ode wala. Pretty sure, sa wala rin naman tayo mauuwi. I did my part dude. I was damn humiliated, I went to that computer shop to give you a drink to at least quench your thirst, I tapped your shoulder, say sorry and kissed you on the cheek. That was embarrassing. So much, that a girl like me would actually do that? Gosh. I can’t imagine myself doing that, but omg. I did it, I did it for you. I ate up my pride just to let you know, that I still want to see you, and still wish to be with you. But what did you do? You just let go of me, without saying a word, don’t you think it’s very heart pounding? I thought, ugh. all I knew is that, you will never make my cry, and that you can’t afford to lose me, you’re also hurting every time I feel hurt by you? But why are these happening? Why al these things are suddenly happening? I’m not pressuring you. I’m not even asking you to prioritize me over your studies, for remember, I told you, I wan t you to be successful, and I want a career-oriented man. Kahit third lang ako on your list, that would be fine, all I’m asking lang naman is that, please spare me some time, take good care of me, avoid hurting me, don’t make me jealous of other girls? Don’t make me feel worthless. And someway somehow, pwede gumawa ka ulit ng effort? :) Bakit ba ayaw mo nang mag-effort sa akin? Why do you have to say you still do love me, if in the first place, you’re claiming na wala nang spark? Naguguluhan ako, honestly. You even say that ‘PATI YUNG FEELING MO SA AKIN, UNCERTAIN narin’. So, why can’t you just let me go? Kung ganun naman pala, pati sa nararamdaman mo sakin, naghehesitate ka na. Paano natitiis ng konsensya mong sabihin sa akin that you love me, if ayan nga, nagdadalawang isip ka, hindi ka sigurado. Ano ba talaga? Paki sabi naman o.
Well, sobrang thankful lang ako kasi nagpakahonest siya sa akin last night. Kahit sobrang iyak na iyak na talaga ako, I know, I shouldn’t let him see that I’m hurting and suffering because of me, kaya lumalaki yung ego e. Pero, okay lang. Kapag nasa harap naman kami ng society, alam ko parin kung sino ako. So, hahayaan ko nalang. I’ll feed up your ego though, I’ll help you, I care PA NAMAN E. Hintayin mo nalang mawala. 8:30pm na kami nagkita kahapon, sobrang late na. Alam mo yun, if I didn’t begged him to see me, siguro hindi niya ako pupuntahan. Sabi kasi niya, ‘sa chat nalang daw e’. Yun ang sobrang sakit for my part. Ginawa ko na nga yung bagay na ‘yun, nagpaka-sweet at aggressive na nga ako in front of so many people, and then anong napala ko after? Wala naman. Pain lang. He didn’t even follow after me. Patuloy lang siya sa paglalaro. As if I am a no body to him. Sobra-sobra na. Sobrang tinatak ko sa utak at puso ko yung nangyari. Pero, hindi ko parin naman tinatanggal sa utak ko na. By the way, I’m Adrienne Magora, and I shouldn’t forget who I am’. Sobrang nagpapasalamat narin naman ako sa pain, sa isang buhusan lang, para madali ko nang maicocondition yung sarili ko, in case magseperate ways na nga kami ng tuluyan for eternity. Ang sagot kasi niya sakin dun, hindi parin certain e. Eto lang yung some of my questions to him and then his answers to me. My dear readers, kayo na po ang bahalang humusga or mag-evaluate kung anong klaseng lalaki siya, at kung worth ba ang isang lalaking kagaya niya para kay Adrienne Magora. ‘'Ang totoo, ayokong mawala ka sakin'. Seryoso ka dyan? But. Why are you.. Slowly pushing me away?” This was my first question na sobrang sincere akong malaman. And then he answered, ‘I don’t know, but it’s true. Someday I want to be with you’. ‘Answer me. Why are you pushing me away?’ ‘Hindi ko nga alam, maybe it’s my nature’ ‘Talaga? Bakit dati hindi naman? :)) Magpakatotoo ka. :))’ ‘Haha, this is the real me e’, ‘Soooo plastic ka lang sakin all along?’, ‘It’s my other self yung nakilala mo dito’ Fuck this shit. Grabe. Ito yung unang nagpaguho sa mundong pagkakaakala kong siya, ang alam ko kasi, applicable lang ‘to sa mga mag-asawa e. Ano ka, two phased man? Wow ha. San a nung una palang, pinakita mo na talaga sakin kung ano ka. Shet. ‘Weren't you alarmed with what I felt earlier? Aren't you aware that you're slowly killing me already?’ ‘Actually, napaisip nga ako e. Baka bigla ka nalang himatayin.’ Yung pagkahimatay ko lang pala yung naisip niya, pero yung sakit na nararamdaman ko nang dahil sakanya, hindi niya napansin. Ang sarap naman talaga! ‘Masakit makitang nasasaktan yung taong mahal mo noh? Well, kung totoong mahal mo naman talaga’ ‘Oo, kaya nga parang sumegwey sa utak ko, is it better If we just go our separate ways? Pero ayoko. Ayoko talagang mawala ka e’. ‘Yung totoo lang. Kung ayaw mo talaga akong mawala sa'yo. Bakit hinahayaan mo lang na masaktan ako ng ganito?’ ‘Vain ako. Manhid’. Wait. Putangina. Pwedeng mag-react? Ang sakit. Kelan pa nangyari ‘to? Di ba yung taong mahal ko, yung minahal kong Mike, laging iniisip yung kapakanan ko? Ayaw akong nakikitang masaktan, inaavoid niyang umiyak ako. Hindi ako gustong makitang masaktan. Eh , ano tong sinasabi mo ngayon? Shet. Hindi na kita kilala. Hindi ikaw yung taong minahal ko, at mahal ko. ‘Hmm. Hindi ka naman gagawa ng way/s para hindi na ko masaktan ulit di ba? You'll continue with you're thing lang naman di ba? (Yung totoo) ‘Hmm, syempre, iiwasan ko na yung panlalandi, etc.’ Aray ha. Iiwasan mo lang, hindi mo titigilan? Tangina. Ipagpatuloy mo lang talaga, hanggang wala nang matira sa puso ko. Saksakin mo pa ako ng saksakin.
Basta ako I did my part. Bahala ka. I’m leaving it all up to you. Bahala ka sa kung anong gusto mong gawin or mangyari. Basta ako, mag-iisip ako nang mabuti. ‘Mahal mo pa ba ako?’ ‘Oo naman’, ‘Nagasasawa ka na ba sakin?’ ‘Hindi’. Hindi daw. Wow. Pero umamin din siya. Medyo nagsasawa na daw siya. Wala na yung intensity. Ganun ba talaga? Eleven months palang tayo o. Paano pa kaya kapag tumagal na? Kung kelan naman kasi kita minahal, tsaka mo ako binabalewala nang ganito. Hinahabol ka na nga ng isang Adrienne Magora, hindi ka parin masaya, ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Hay. ‘Pwede mo bang iparamdaman sakin ULIT na PINAPAHALAGAHAN MO YUNG NARARAMDAMAN KO, at yung WORTH KO? Pwede bang KAHIT konti lang, gumawa ka naman ng effort? (Kung pwede lang naman.) If not, paki sabi narin yung totoo as early as now. :)’ ‘I don’t think I can, if I find the spark again, maybe it will come back’. Leche. Hindi sa nagmamaganda ako ha. Pero, mahaba kasi yung pila sakin e. Ano ba? Tinatapon mo ba ang isang katulad ko? Naguguluhan ako. Akala ko ba, ayaw mong mawala ako sa’yo. Bakit ginaganito mo ako? Pero okay lang. Honest answers naman gusto ko e. Readers, paki evaluate nalang? Worth it pa bang ipagpatuloy? Hahaha. Worth it pa bang pagbuhusan ng pagmamahal? Hay naku. ‘Wala na palang spark di ba. Let’s settle it now.’ ‘Pero, hindi ibig sabihin nun, ayaw ko na maging boyfriend mo’. Ehhh ano? Anong silbi ng pagiging In a Relationship natin, kung ganito to ngayon? At feeling ko, walang magiging progress, kasi nga, lumalayo ka na. Wag mong sabihing hindi, kasi nga o. Hindi ka na nga nag-eeffort. Hahaha. 'Kung tunay mong mahal yung tao, kahit araw-araw pa kayo nagkikita, hinding hindi kayo magsasawa sa isa't isa' Ang sakit lang din kanina nung sinabi mong, araw-araw naman tayong nagkikita. Ehhh. Anong gusto mo? WILLING NAMAN AKO E. Maging aggressive nga, willing ako di ba? :)) Hay. Para sa pag-ibig nagpapakatanga ang taong matalino. :)) ‘Konting effort lang naman hinihingi ko di ba. Bakit sabi mo, di mo kayang ibigay? :))’ ‘Haha. Ewan, tamad ako e. This is the real me. WELCOME TO MY WORLD. :>’. Fuck shit. Naiiyak nako, gusto kong magwala. After a year, tsaka mo ipapakita yung tunay na ikaw? Fuck. Ang plastic mo. Bakit hindi nung una palang nagpakita ka na ng totoong ikaw? After all, nakikisama lang ako sa hindi naman pala totoong ikaw? So, hindi nga ikaw yung taong mahal ko, hindi ikaw yung minahal ko. Sino ka? Pwedeng magpakilala ka? Hay. Sakit. Hindi ako makapaniwala. All this time, hindi naman pala siya talaga yung totoong siya. Yung pinakita, pinakisamahan at minahal ko, hindi pala talaga siya. Kasi ayon nga, sabi niya, ‘This is the real me’. So ano ‘to? Shit. Natarantado yung feelings ko. Naloko ako. Hahaha.
P.O.V. NG MGA KAIBIGAN KO, KAPATID AT MAGULANG KO
‘You need to treat her well, if you want to keep her forever.’ Ade, enough na ‘yan. He’s not worth it. Nasasaktan ka na. Paulit ulit. Hindi na niya nirespeto yung nararamdaman mo. Alam mo ‘yun, kung tunay ka niyang mahal, sana nung nalaman niyang nasasaktan ka na, tumigil na siya. Wait. Dapat, hindi niya hinahayaan masaktan ka. Kasi, ang isang katulad mo, nirerespeto, ginagalang, inaalagaan, at higit sa lahat, minamahal. Sobang hirap makahanap ng isang katulad mo, trophy girl friend ka nga e. Di ba? All in one. Lahat na na sa’yo. Ano pa ba hahanapin ni Bannag sa’yo? Ang kapal naman ng mukha niya, siya pa yung may karapatang mag-sawa sa isang Adrienne Magora. Kitang kita naming nasasaktan ka. You know, you deserve to be enough. He doesn’t deserve your tears, mas lalo na ng pagmamahal mo. You have to reserve that, for someone real. Sa taong magpapakita sa’yo ng tunay na siya sa simula’t simula palang. Yung hindi ka kailanman magagawang saktan at pagbuhatan ng kamay. Babae ka. Hindi lang simpleng babae. You’re a beautiful woman inside and out, you’re a smart as well. Sinong lalaki hindi magkakagusto sa’yo? Open your heart for the possibilities. Explore. Wag kang magpaka-stressed and feeling heart broken kasi nalaman mong hindi pala siya yung taong minahal mo. Ibang pagkatao pala yun. Pinaniwala ka niyang ganun siya, pero kapag nagtagal pala.. Lumalabas na yung tunay na ugali. At least, ngayon palang alam mo na. Nadiscover mo na, na ganun siya. Mabuti na yung maaga palang. Paano pa nga ba di ba, kapag mag-asawa na kayo, ode baka mas malala pa yung mga mangyari? Masasaktan at masasaktan ka lang. Okay lang namang masaktan e. Kahit paulit ulit. Given na ‘yun. Pero, kung tunay ka nga talaga niyang mahal, he won’t let you suffer that way. That hard. Aalagaan ka niya. Kaya Saab, Mags, Adrienne, Ade, Anak, Ate, The Seductive One, cheer up, everything will be alright. Nandito lang kami for you. Wag kang malulungkot nang dahil sakanya. Marami pang ibang reasons para sumaya ka. Smile na. :)
P.O.V. KO. NI ADRIENNE MAGORA
Oo. Mahal kita, hanggang ngayon oo. Kahit sobrang nasasaktan ako. Sobrang nadidisappoint ako. Hindi pala ikaw ang mahal ko. Hindi ikaw yung minahal ko e. Hindi ka nagbago. Sana hindi nalang. Or sana, nung una palang pinakilala mo na kung sino ka talaga. Parang ako lang sa’yo di ba. Sobrang naging honest ako sa nararamdaman ko towards you. Haha, ang sakit lang, after a year, ngayon ko lang malalaman na, wow. Omg. It’s not you whom I fell in love with. Right now, I won’t say na, nabawasan na yung pagamamahal ko sa ‘Mike na nakilala ko’, hindi yung ‘Totoong ikaw pala talaga’. Hindi ko mamadaliin. Mamahalin ko parin yung Mike na ‘yun. At sana, bumalik na siya. Maghihintay naman ako e. Willing ako. Kahit gaano pa katagal, gusto kong mahalin yung Mike na yun e. Hay. Ang labo. Hindi pala siya tunay na nag-eexist. Mamahalin ko nalang siya sa sarili ko nalang. Kahit malaman pa niyang mahal ko siya, ano naman. Basta ang mahalaga, kahit wala ng relationship, if hindi na talaga mag-woworkout, at hindi na masaya sa isa’t isa. Go on with your separate ways na. Hindi ko naman mamadaliin e. I will take it easy. Hindi ko kailangang mag move on, kasi nga. Mahal ko yung Mike na ‘yun. Pero, uulitin ko, I mamahalin ko nalang siya sa sarili ko, kung kinakailangan na talaga naming maghiwalay, kahit for eternity nga. Since then I discovered, he’s willing to give up on me naman pala. For he answered with ‘Depende’. Sobrang uncertain nung feelings niya for me. Walang kasiguraduhan kung mahal ba talaga ako or hindi. Pero yun nga, I won’t stop loving him, I will take time for myself. Sobrang severe na ng situation ngayon, at alam ko, sobrang dami narin naming problemang nalagpasan, masarap sa feeling na marami na kaming nalagpasan, pero this is totally different, ngayon, siya na yung nawawala. Isa na sa amin yung may problema. Kahit bumongga pa sa taas yang ego mo na malalaman mong mahal kita. Okay lang. Wag ka mag-alala, hindi na kita gagambalain. Mamahalin na lang kita ng tahimik. I’m leaving it all up to you, I did my part, and I know that was my best. Sorry, kung hindi mo naappreciate. Sayang lang, malapit na tayong mag Anniversary, twenty four days nalang.. Tsaka pa natin kailangang maghiwalay. Nanghihinayang ako. Oo, sobrang sayang, lalo na’t ngayon lang kita minahal, ngayon lang ako nag-care para sa’yo, ngayon lang ako nag-effort, pero kailangan kong tanggapin. Eto lang sana tatandaan mo..
Mag-give up man ako sa relationship natin, hindi ako mag gigive-up sa pagmamahal ko sa’yo. Mag gigive-up lang ako, kapag nalaman kong meron ka nang iba. Sa puntong ‘yun, alam ko.. Wala nakong karapatan pang mahalin ka. Kasi, magiging sagabal lang ako sa pagmamahalan niyo. Mamahalin nalang kita sa sarili ko. Mamahalin nalang kita ng malayo. Mamahalin nalang kita nang hindi mo nalalaman. I don’t want to say good bye yet, I just want to say, see you.. For I know, we will still see each other.
Stay strong, Adrienne. Do not forget who you are. :*
No comments:
Post a Comment