‘When can you say that you’re empty? Well, we can never really be empty. But, we can surely feel empty.’ --- ‘Hindi naman nakasarado yung puso ko e. Naghihintay lang ako na may kumatok.'
Haha. Parang ngayon lang. Idk ha, pero kasi. Gosh. Currently drowning myself to Secondhand Serenade’s songs again! Omg. What is the meaning of this? Haha. Ewan ko ba, every time I feel like, I’m all alone in this solitary moment, makes want to come back home e. Sobrang sarap lang talaga mag-reminisce, dati rati.. Tong kanta na ‘to, hay. Sobrang daming memories, flashbacks. Pero, ngayon hindi na e. Hindi na nga yata talaga magbabalik pa sa dati. Sobrang namimiss ko na yung lalaking minahal ko. Yung lalaking inakala kong kahit kailanman, hindi ko kayang mahalin ng buong buo. Pero ngayon, ‘eto ako.. Nagmamahal lang sakanya. Shet. Ang sakit lang isipin na, kung kelan ako naging ganito sakanya, tsaka naman niya ako ginaganito. Sobrang nagpapakatanga na ako, para maipakita ko sakanyang mahal ko siya, pero.. Parang wala parin sakanya e. Well, let me scratch that. Handa naman akong maging mukhang tanga para lang sakanya. Pero sana naman, marealize niyang, ‘Hindi ako dapat nahihirapan ng ganito ng dahil sakanya’. Hindi naman ako yung lalaki e. Di ba, ako yung Prinsesa niya? Ugh. Pero ngayon, ako pa yung kailangang humabol, at maghabol ng maghabol. At mag-effort ng mag-effort. Wow. Pero, ginagawa ko lang naman ‘tong mga bagay na ‘to, para malaman niyang, mahal ko siya e. At kahit kailan man, hindi ako magsasawang mahalin siya. Mamahalin ko lang siya, hangga’t kaya ko. Maghohold-on, hangga’t may pinanghahawakan. Pero, kapag dumating na talaga yung panahong, walang wala na. Ayokong mangyari ‘yun, pero. Ayoko talagang mag-isip sa ngayon e. Nahihirapan ako. Ugh. Survivor ako. Hindi na ako umiiyak, medyo bearable at nasasanay narin kasing binabalewala niya ako. Hihi. Nagsisimula naring mamanhid yung puso ko. Aww.
Kailangan ko pa ba siyang suyuin? Kelan ba nanuyo ang Prinsesa? Exceptions nga naman o. Pero, wala akong pakialam. Ito lang yung tanging paraan na alam ko, para malaman niya yung nararamdaman ko e. Bumabawi lang ako sa mga nagawa niya para sakin. Pero, feeling ko, sobra sobra na ‘tong mga ‘to e. Pero, kahit na pa. Bahala narin. Haha. Nagtitira naman ako para sa sarili ko e. Mahal ko kaya yung sarili ko, kaya alam kong, ready na akong mahalin siya, kaya nga.. Ayan, buong buo ko na siyang mahal e. Kung kelan naman talaga ako nagbago ng matiwasay, tsaka rin siya nagbago ng wagas na wagas. Haha. Kung dati, sinanay niya akong lagi siyang nandiyan, well.. Ngayon naman yata, time na para masanay ako ng wala siya. Inuunti unti niya ako e. May sama parin ako ng loob sakanya last Friday. Sobrang hinihintay ko yung araw na ‘yun. Nag-effort ako ng husto, para lang makapag reach out at makacontact siya. Masaya ako ng akala ko, tapos na silang mag DOTA, kasi, ang buong akala ko, makakasama ko na siya. Pero grabe ha. Parang sobrang sama pa ng loob niya nung nakita niya ako noong araw na ‘yun. Ako na nga yung nagpunta sakanya e. Nagdala pa nga ako ng bottled water e, hay. Nabalewala na naman ako. Nagmukhang tanga na naman ako. Mas lalo na this time. Gosh. Severe e. Sobrang nakakasama ng loob. ‘Nandito ka na naman?’. Wow ha. Sorry naman, nagpunta pa ako dito. Sorry naman at nagpakita pa ako sa’yo. Alam ko naman kasing ayaw mo akong makita e. Pero ako, mapilit. Inalam ko parin kung nasaan ka. Duh, I’ve waited for this day. Kahit sa fireworks display lang naman kita makasama, okay na ako e. Pero ano? Anong ginawa mo? Tinaboy mo lang ako na parang isang aso. Pinaasa mo na naman ako. Hahaha. ‘Huwag nalang pala tayong magkita, uuwi na ako, boring e. Blah blah’. Omg. Yun yun e. Umuwi ka talaga e noh? Tapos, malalaman ko, nagdodota ka na naman pala. Haha. Ang sarap. Wala na ulit akong issue sa DotA, sobrang laki na nang butas ng puso ko. Sinimulan mo na e. Tapos ngayon, patuloy mo paring pinapalaki. Haha. Ayaw mo akong alagaan e. Lalo mo pa akong pinahihirapan. Ano ba gusto mo? Pumapayag naman akong magstand by lang ako dito o. Display lang. Barbie doll. Kapag gustong laruin, lalaruin, pero kapag ayaw, naka-display lang. Hahaha. Imagine, you’re treating me like a toy? Wow. Di ba, masamang gumanti? Pero bakit ginaganito mo ako? Haha. Ayokong itanong. Ilang beses na akong nagtapat ng nararamdaman ko. Pero, binabalewala mo parin e. Ang nagugustuhan ko nalang sa mga sinasabi mo ay yung Mahal mo ako. Pero, bakit parang kahit ‘yun, unti-unti naring nawawala? Grabe. Namamatay na talaga. Wala na nga yata talaga. Sabi ko na nga ba. Baka ako nalang yung naghohold on. Hindi naman pwede, yung ako nalang yung lumalaban para sa ating dalawa di ba?
Hay. Padagdag nang padagdag yung sama ng loob ko. Yung sakit na nararamdaman ko. Pero, in fairness, sa paglipas ng panahon, unti unti, nagiging bearable. Just the mere fact na nagsinungaling ka sakin last Friday, alam kong ayaw mo talaga akong makita. Pero, nagpumilit ako. Shocks. Ang sakit. Sobrang daming lalaking naghihintay sakin, pero nagbubulag bulagan lang ako. Sana naman, magising na ako. Ilang beses na akong nauntog o. Sobrang sakit na. Naghihintay lang naman ako ng moment na, yung puso ko na mismo yung susuko, at magsasabing tama na e. Haha. Alam ko, sobrang daming iba pa dyan, pero sa ngayon, isa lang yung gusto at hinahanap hanap ng puso ko e. Pero, masakit nga lang, kasi tinataboy na niya ako. Ayaw na niya akong makasama, or even makausap man lang. Medyo nahihiya na ako para sa sarili ko. Feeling ko, nababasura nalang ako ng isang katulad niya. Hahaha. Pero, wala parin akong care e noh? Maybe for now, sobrang pinagtatawanan na ako ng mga ex ko, kung malalaman lang nila yung pinagdaraanan ko as of now. Haha, kasi naman, kung sino pa tong mga gwapo, matatangkad, matatalino at gentleman, sila tong pinaiyak ko. Pero, ngayon, anong klaseng nilalang nagpapaiyak sa isang dyosa? Haha. Nakakasawa narin. Pero, omg. Hindi ko masabi kung bakit nagkakaganito na e. Gosh. Basta. Bahala na, go with the flow. Kung ano man mangyari samin, ode ‘yun. Pero, still, I’m sticking to my new belief: Never make the breakup as a primary option for it will make things even worse. Wala namang problemang hindi nadadaan sa mabuting usapan e. Not unless, ayaw na niyang makipag-usap talaga, ode i-drof off nalang. Kaya lang, bastusan naman ‘yun. Haha. Isip isip rin.
Binabaan niya ako ng telepono kahapon. Tapos pinatayan pa ako. Yun talaga yun. Yun talaga yung pinakamasakit dun e. Tinanong ko siya kung naiistorbo ko na siya, sabi niya, hindi naman, okay lang daw. Hay. Ano baaaa. Akala ko ba. Ano ba, unti unti nang gumuguho ang aking palasyo. Unti-unti mo nang ginigunaw yung mga pangarap ko para sa ating dalawa. Ano ba ang puno’t dulo ng lahat ng ‘to. Kasi naman, shet lang kasi talaga. Mahal mo pa ba talaga ako? Hirap na hirap na akong papaniwalain pa yung sarili kong mahal mo nga talaga ako e. ‘Action speaks louder than words’. Ehh, paano yun, wala na ngang words, mas lalo pang walang actions? Gosh. Ang dali mo naman akong pagsawaan. Sayang lang. Nakakalungkot, kasi hindi mo pa nga nasusubukang makasama yung sweet na ako, ngayon ka pa gumive-up. Nakakaloka. Sobrang unpredictable ng buhay. Ngayon, ako na ba ang naghahabol? Haha. Kahit, kailan, kahit sa mga gwapo dyan, hindi ako naghabol, hinahayaan ko lang sila yung humabol sakin. Pero ngayon, ano na ba talaga ang nangyayari? Hahaha. Gracious goodness, sobrang nakakawindang naman. Isa pa. Nakakadurog ng puso yung.. Hinayaan niya lang akong umuwi ng mag-isa, ako pa mismo nagpapahatid sakanya, if in the first place, dati.. Siya pa yung nagkukusang loob na ihatid ako, ganun ba talaga, kapag matagal na yung relationship? Well, I don’t think matagal na talaga, kasi.. Wala pa ngang isang taon, ganito na o. Napabayaan na ng husto. Buti nalang, sinundo ako ng pinsan ko. Ode paano nalang kung walang sumundo sakin, kawawa naman ako. Haha. Anyway, sabi ko sa sarili ko kagabi, enough na. Enough na talaga. Sobra sobra na yung nagawa kong effort at pagpapakatanga, nakakalimutan ko na naman yung sarili ko. Nagsisimula na naman ako. Lol.
Kaya naman, after niya akong babaan ng telepono kagabi. Kahit sobrang nagmamadali pa siyang ibaba ko yung call, hindi na niya kinocontinue yung conversation, kahit, ramdam na ramdam kong, wala na siyang ganang kausapin pa ako. Kahit wala man lang bahid ng pagmamahal, wala man lang.. ‘Good night, I love you’. Hay. Ang sakit na naman. Pero, nangako ako sa sarili kong tama na muna. Go with the flow nalang. Ang dami ko na kasing pagcocompromise at sacrifices na nagawa e, pero wala parin siyang pakialam dun. Masyado nang natatapakan yung pagkatao ko. Mamahalin ko na ulit muna yung sarili ko. Para naman in time, kapag may kumatok na ulit, ready na akong magmahal ng sobrang sarap. Hihintayin ko nalang na may kumatok ulit. For now, relax. I know, God is still writing the best love story for me, all I have to do, is to patiently wait for that someone. Well, I will wait. Even it takes me for forever. Hahaha. Ang corny ko, batang bata ko pa e. Masyado nakong makapag seryoso sa buhay pag-ibig. Marami pang darating, kung ayaw niya sa akin, hindi ko naman na ipagpipilitan pa yung sarili ko. Maganda naman ako, matalino naman ako, at mas lalong mabait at mapagmahal naman ako. Sabi nga nila Terence, hindi ko dapat sinasayang yung kagandahan ko, sa isang lalaking hindi naman ako kayang ipaglaban at mahalin ng tama. Hahaha. Ewan ko nga ba, kung bakit hanggang ngayon, nagpapakatanga parin ako. Ugh. Hindi man lang kami nakapag-usap sa isang buong araw na ‘to. Siya pa naman nagsabi kagabi, pagkatapos niya akong yakapin… ‘Let’s keep the communication’. Ehhh. Ngayon, nasaan na? Nakita naman niyang online ako, pero kahit isang simpleng ‘Kamusta ka?’ Wala e. Ibig sabihin lang nun, wala na talaga siyang pakialam sa akin. Wala na siyang pakialam kung maaayos pa ba ‘to, o hindi na. Ano pa nga ba hinihintay naming dalawa? Feeling ko, naghihintay nalang kami ng ‘sign’ para tapusin ‘to e. Pero, ano nga kaya yung sign na ‘yun? Hay.
Uulitin ko lang. Hindi ako gigive up sa pagmamahal ko sakanya. Lalayo lang muna ako. Kasi alam kong yun ang gusto niya, hindi ko na muna siya pipiliting makita ako, kasi nga.. Alam ko namang ayaw niya, hindi ko narin ipagpipilitang kausapin pa niya ulit ako. Hahaha. Nangako na ako sa sarili ko na, ‘Last na yung kagabi’. Kaya nga, ginusto ko siyang makasama over the phone kagabi e, kahit hindi niya na sinabi yung magical eight letter word. Haha. Hopeless romantic ko lang. My gosh. Pero, parang wala na yata akong magagawa pa. Nagawa ko na lahat e. Ayoko namang ipagpilitan pa yung sarili ko, sa taong ayaw naman sa kin. Well, ganun nga yata talaga, ‘Even good things come to an end’. And so.. ‘People come and go’. Pero, hindi naman ibig sabihin nun na kapag may umalis, end of the world na. Sabi nga nila, kapag may umalis, may dumarating na mas tama. Yung taong handa tayong tanggapin ng buong buo, at pahahalagahan tayo. Nagpaparaya na ako. Kung sa tingin mo, mas masaya ka nang wala ako sa piling mo. Ayan na, binibigay ko na sa’yo. Pangako, hindi na kitang muling gagambalain. Salamat sa lahat. Mamimiss kita.
‘Hindi naman nakasarado yung puso ko e. Naghihintay lang ako na may kumatok.'
No comments:
Post a Comment