Sa gitna ng dilim, ako'y napaisip. Totoo na nga ito. Ako'y masaya nang muli. Subalit, medyo may pagkawirdo. Di na naman ako makatulog, di dahil sa may matindi akong iniisip ngayong gabi. Di dahil sa iniisip ko ang mangyayari sa panghinaharap, ewan ko ba. :) Sadyang di na naman ako makatulog. Eto kasing antok ko, di parin ako magawang dalaw dalawin. Paulit ulit nalang kaming ganito, nagtataguan, naghahanapan.
Sanay naman na kasi akong matulog ng umaga, at sa pangkaraniwang mga oras, nakasanayan ko nang.. Gising parin ako ng mga ganitong oras. Sa totoo lang, may bahagi sa aking utak na nagsasabing "Sa wakas, nakakalas narin ako sakanya. Nagawa ko narin siyang iwan." Masaya ako, kasi di na ako nasasaktan kagaya ng dati. Marahil siguro'y tanggap ko na sa aking sarili, ang katotohanang "Di kami para isa't isa, bagkus, may tamang tao para sa aming dalawa na makapagpupuno ng lahat ng aming pagkukulang". Masaya ako. Sa totoo lang, kasi wala na akong isipin pa. Wala narin akong itinatago pang sakitin, at hirap. Ngunit alam kong mas masaya ako, kasi natupad ko narin yung matagal nang naisin ng puso't isipan ko. Ilang beses na akong nadala sa awa.. Kamaikailan lang, saka ko naisip. "Hindi nga 'to marahil tunay na pagmamahal, kasi mas marami yung awa, kesa sa pagbibigay ng puna't atensyon na kaya kong ibigay para sa kanya". Alam kong nagkamali ako, masyado akong nagpabulag sa definisyon niya ng tunay na pagmamahal. Winaksi at itinatak ko sa aking isipan na.. "Sapat nang kaming dalawa ay nagkakaintindihan, at mahal namin ang isa't isa."
Dun naman ako nagkamali. Masyado akong naniwala at nagpabulag sa maling paniniwalang yun, na nag-ugat sa napakaraming gulo, at pagkasira ng iba't ibang relasyon ko. Sa aking mga kaibigan, at sa aking pamilya. Unti-unting nag-iba ang aking ugali, masyado rin akong napalayo sa kanilang kalooban, ininda at isintabi ang kanilang presensya't pagmamahal. Marahil kasi'y, masyado akong nagtiwala at nagmahal. Masyado kong pinaniwala ang aking sarili na. "Mahal ko siya", kahit isa isang banda'y "hindi naman pala talaga". Hindi ako naguguluhan, dahil alam ko sa sarili ko kung ano nga ba talaga ang tunay kong naararamdaman. Ilang araw narin naman ang nakalipas, na-eksamin ko na nang mabuti ang aking sarili, bakit ako humantong sa ganitong desisyon, at kung hanggang saan ang kaya kong gawin upang panindigan ang desisyon kong ito.
Ayoko nang saktan pa ang aking Ina. Ayoko narin namang saktan pa ang aking sarili, ayokong naring lokohin ang aking mga kaibigan. Gayunrin, ang aking mga magulang.. Mas lalong higit ang aking sarili. Idagdag na natin siya. Ayoko nang paniwalain siya na kaya kong panindigan, na "Siya na talaga", kung alam ko naman sa sarili ko, na hindi pa talaga. Nararamdaman naman yun e. Di ba? Sabi nga sa akin ng aking kaibigan. Kusa ko nalang daw mararamdaman kung siya na nga ba para ang para sa akin. Pero, hindi talaga e. Ayoko nang papaniwalain pa ang aking sarili, kasi minsan na akong nasaktan. At tama na ang isang sakit na yun, para matuto ako.. At bumangon muli upang itama ang lahat ng pagkakamaling iyon.
Minsan ko naring ipinaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit ganun parin, wala namang nangyari. Pagal na pagal na ako sa kaiisip na "May patutunguhan pa ang kung ano mang mayroon kami". Dahil sa pagkakataong ito, sarili ko namang ang pagbibigyan ko. Masyado na akong nagpakatanga. At hindi ko pinagsisihan yon, dahil "nagmahal lang naman ako." Yun nga lang, sa maling pagkakataon, at sa maling tao pa. Hindi na ako nasasaktan, o masasaktan pa.. Sa tuwing malalaman kong, pagkatapos na pagkatapos nating maghiwalay.. Nakikipaglandian ka na sa ibang babae, nakikipag-tawagan, wall post, text at kung ano pa man. :) Wag mo nang itago, ayos lang naman sa akin. Tanggap ko na. Wala na akong pakialam. Ang sa akin lang. "RESPETO" naman dude. Kung ako nga, di ko pa nagagawang makipag-chat sa kahit na sinong lalaki simula nung gabing nakipag-hiwalay ako sayo e. Pero wala akong magagawa, ganyan ka talaga e. Kung di mo kayang respetuhin bilang ex mo, respetuhin mo nalang sana ako, bilang tao. ;)
Kung yung ex-boyfriend ko ngang ubod ng gwapo. Hindi lang naman marahil siya, lahat sila.. Eh, lahat naman sila, gwapo e. Hindi nila nagawa yun sa akin, pagkatapos naming maghiwalay, nirespeto nila ako. Kahit isang bahid ng pakikipag-usap sa kung sino mang babae. Wala. (take note, mga gwapo pa yun uh?) Ikaw lang talaga yung pinaka "exotic". Ewan ko nga ba, kung ano meron sa'yo, kung bakit nabulag ako, at pinatulan kita. Sabi nila, ginayuma mo raw ako, bakit sa ganda ko raw na 'to, pinatulan kita? Sabi ko naman, di naman yun nakikita sa panlabas na kaanyuan ng isang tao, di nga tayo bagay, alam ko, at marahil alam mo yun, ayaw nila sayo, kasi malayong malayo nga raw tayo. Dahil ang maganda daw, para sa gwapo lang. Oo, nasasaktan ako, sa tuwing makakarinig ako ng mga ganung komentaryo tungkol sa ating dalawa, pero hindi ko rin naman sila masisisi. Yun ang realidad e. Pambawi mo naman yung kabaitan at ka-sweetan mo sa akin. Ngunit, unti-unti yung nagbago, nung medyo nagtatagal na yung relasyon natin. Sinasaktan mo na ako. Pinagsasalitaan mo na ako, masakit mapagbuhatan ng kamay, at mapagtaasan ng boses. Oo, ipinapangako ko sa sarili ko, una't huling beses na ito. Dahil "SUKO NA AKO" Wala ng atrasan pa. Kaya ko naman na wala ka e. Kaya ko ring panindigan to. Masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon. Masaya naman ako sa mga kaibigan at pamilya ko. Sapat na sila, para sabihin kong "maraming nagmamahal sa akin".
Kanina, nabanggit lang sa akin ni Mommy na, nakita raw ng kapatid ko, may kalandian ka sa Facebook wall posts, ako naman.. Di na nagulat. :) Pagdedeny nga sa akin bilang girl friend mo, nagawa mo di ba? Yung kamukha ni Angel Locsin, kaya mong i-deny, e mas lalo pa kaya kung kamukha ni Bakekang di ba? :) Oh well. For heaven's sake. Di na ako nagtataka. Ang laki naman ng ulo mo. Ang gwapo mo kasi. Kakaiba. Sabi nga ng kapatid ko, "kakapalan naman, ang GWAPO mo kasi para hindi irespeto yung Ate ko, manlalandi ka na agad ng ibang babae". Anyway, saludo naman ako sa'yo dyan e. Dyan ka naman magaling. :) Wag kang mag-alala, no hard feelings. Nakapag-move on na ako sa "katotohanang" NAGMAHAL AKO NG ISANG KATULAD MO. Wala naman akong pinagsisihan dun, kasi tinanggap ko naman ang buong pagkatao mo, kahit pa hindi tayo bagay. Kahit pa, madalas akong mapahiya at kwestyunin ng mga tao sa paligid ko.. Kung bakit ikaw ang boyfriend ko. Oh, correction. "EX" na pala. :) Pero seryoso, no hard feelings. :) Masaya naman na ako, tapos na ang lahat sa atin. Ayoko nang balikan pa yung mga yun. Wala ring akong pinagsisihan sa naging desisyon kong hiwalayan ka. Ipinaglaban naman kita e, yun nga lang.. Hindi ka deserving para dun, mas lalong higit, sa pagmamahal na kaya kong ibigay.
Paalam na. Hanggang dito nalang. Itinatago ko sa bato, huli na to. Wala nang kasunod pa. :) Salamat at naging kabahagi ka ng buhay ko, salamat sa pitong buwan at dalawang linggo. Masaya naman ako kahit papano. :) Good luck sa buhay pag-ibig. Makatagpo ka sana ng KASING GANDA o MAS HIGIT pa sa akin. Hahaha. Joke lamang~ :)
PS: Pinagbawalan na nga pala akong mag boyfriend ng Mommy at Daddy ko. Di rin muna ako magpapaligaw, bawal pa. Kapag 21 years na ako, tsaka nalang ulit ako magkakaboyfriend, magmahal man ako ng di inaasahan, wala akong sasagutin, kahit isa man sa kanila. Kaya kung tatanungin at aakusahan mo akong iniwan kita para sa ibang lalaki, pakita ka lang sa akin, handa akong sampalin ka. Kaliwa't kanan pa. :) Hahaha. Lolololol =))
Sobrang haba na nito, siguro naman, ayos na to? Nasagot na nito lahat ng katanungan mo. Kaya pwede ba, wag mo nakong gagambalain pa? Tigilan mo narin pagtetext sa akin. Nagpalit na ako ng numero. Paalam! :D Masayang masaya na ako, wag ka nang mag-alala sa akin, nasa mabuting kalagayan ako. :) Pangako mo sa akin, pag nagtagpo tayo sa hinaharap, may buhok ka na sa harapan uh? :D HAHAHAHA! Sa wakas wala narin akong isipin pa. Nakakawala narin ako sa'yo~
WALANG HALONG KAPLASTIKAN, MASAYA AKO, DAHIL HIWALAY NA TAYO! :)
No comments:
Post a Comment