Thursday, April 7, 2011

WAGAS, TOTOO, TUNAY AT TAPAT

Yes. Sa wakas, natapos ko narin yung binabasa ko. Worth it naman yung pagbabasa ko hanggang umaga, kasi.. Sa mga oras na yun, isa lang naman nasa isip ko e, habang tumatakbo yung oras, habang hinihintay ko yung pagsikat ng araw na dumampi sa kurtina ng kwarto ko, IKAW at TANGING IKAW LANG ang nasa isip ko. Ewan ko nga ba.. Nakakabaliw ka kasi, kasalanan mo yan. "Ano bang hormones ang meron ka at pati ata kaluluwa ko mapapatalon pag kayakap kita?" (Lalo na kahapon, kahit gaano pa kataas yung lagnat mo, habang nararamdaman ko yung init at higpit ng pagkakayakap mo sa'kin, parang ayoko nang mahiwalay pa sa'yo. Kung pwede nga lang sana, wag na tayong maghiwalay pa. Ang hirap pakawalan ka..) Ewan ko rin nga ba na sa tuwing nalulungkot nalang ako, bigla ko nalang naiisip yung sinabi nung author nung binabasa ko.. "Kung gusto mo maiiyak ang di mo maiiyak, gawin mo ang ayaw mong gawin. Tulad ng.. Ngumiti. :)" (Oo, sa tuwing naiisip ko na malayo tayo sa isa't isa, nalulungkot ako, minsan sa sobrang pagkamiss ko sa'yo, naluluha nalang ako. Gahd. Again, stupid as it may seem.. Nagkakaganito lang naman ako kasi, SOBRA SOBRA LANG NAMAN KITANG MAHAL. Sobra sobra na palagi ka nalang tumatakbo sa isipan ko.. Di ka ba napapagod? Corny na kung corny, pero wala akong magagawa. Mahal lang kasi talaga kita. Sagadsagaran. :) Wag kang magtataka kung sasabihin ko sa'yo na tayo na nga talaga til the end of time, kasi.. "Alam mo, sabi nila pag nag-appear daw ang dalawang tao, tapos nagdugtong 'to, Soulmates daw kayo, ibig sabihin.. Soulmate kita." Kumontra man ang sambayanan, wala na silang magagawa. Soulmates tayo e, nararamdaman ko yun sa tuwing maglalapat ang ating mga kamay, yung wala tayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga lang.. Magkahawak tayo ng kamay, at kung pwede lang.. Wala ng bitiwan pa. Katulad nung nasa sinehan tayo. :) At siguro nga, mas magiging masarap at masaya ang pag-iibigan nating ito, kung sasabihin natin na.. "Mas maganda sana kung sasabihin, na kaya tayo naging ganito.. Ay dahil sa tibok ng puso mo." Teka nga, hindi lang dahil sa tibok ng puso mo. Dahil yun sa tibok ng puso nating DALAWA, na naging ISA nalang. :) Kasi sa pagmamahalang ito, naging ISA na tayo. :) Mas lalong hindi ko rin kayang ideny sa sarili ko na.. "Hindi ko alam kung anong meron, pero.. Sa tuwing yinayakap kita, parang.. Ang sarap mabuhay." Sobrang sarap na mabihay na, tanging ikaw nga lang pala ang dahilan kung bakit gustong gusto ko pang bumangon sa aking pang araw-araw na buhay. Wag nang umepal pa yung iba. Wag kayong feeling. Hindi ako gumigising o, di tumitibok ang puso ko para sa inyo. Wag kayong asa. PARA SA KANYA LANG 'TO. AT PARA SA KANYA LANG DIN AKO. WALA NG IBA PA. :) "Dahil mahal, mahal na mahal kita." Wala ng iba pa.

At sa susunod na tanungin mo ako kung mahal ba kita? Di ako magsasalita. Alam mo kung ano yung gagawin ko? Ilalagay ko yung kamay mo malapit sa puso ko, para marinig mo kung gaano kalakas yung tibok niya para sa'yo, at tanging para 'sa'yo lang.. At sasabihin ko.. "Yan? Yang pusong yan? Kaw lang naman laman niyan e. Kaya siya tumitibok, dahil sa'yo." Wag ka na sanang magdalawang isip pa. At baka mabaliw nako kakaisip lang sa'yo. Hayy. Ang hirap. Ang hirap pala talagang mainlove. Bwisit. Droga ka ba? Naaadik na yata ako sa'yo e. :) And please, lang.. Wag na wag mong kalilimutan na mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita.. Minahal kita.. Minamahal kita.. At sigurado akong mamahalin parin kita.. HINDING HINDI AKO MAGSASAWANG IPARAMDAM YAN SA'YO. Siguro kung sasabihin ko 'to paulit ulit, mabibingi ka na, ayoko naman ng ganun, kaya ipaparamdam ko nalang sa'yo. ;) To infinity and beyond.. "Wag mong bilangin kung ilan yung letters ng infinity, kasi pag binilang mo, mawawala yung essence nung salita as infinity. Gusto ko lang makita mo na.. Mahal kita at katulad ng symbol ng infinity na yun ay hindi ko alam at hindi mo rin alam kung gaano kita kamahal. Unending. Basta mahal kita, at mamahalin kita habambuhay."

Oo nga. Habambuhay. Handa akong maghintay, malapit na. Sandali lang naman ang tatlong taon e. :) Salamat nga pala sa pagpaparamdam sakin kung gaano mo ko kamahal ah, "Kahit araw araw kitang nakikita namimiss kita sa tuwing ako nalang mag-isa. Kaya nga gusto kita lagi makita." Naalala ko tuloy yung sinabi mo sakin kahapon na.. Kaya gusto mo halot lahat ng oras mo ibinibigay mo sa'kin.. :) Pero kasi naman, ewan ko ba, kung bakit mahal na mahal.. Walang rason kung bakit mahal kita. Basta mahal kita.

-It's my heartbeat that keeps me alive. It's your heartbeat that lets me know I'm alive. It's our heartbeats that gives me the reason to live. ♥


WAGAS, TOTOO, TUNAY AT TAPAT ♥

No comments:

Post a Comment