August 11 2012 (Saturday)
Kapag nasasaktan tayo kailangan may gawin tayo para mawala na ang sakit na yun.
Okay lang namang umiyak. Pero hindi ibig sabihin na luha lang ang palaging magiging sandata natin.
Sometimes.. We need to find a better weapon for us to fight the pain. And in finding those weapons you need to open your eyes. Sometimes.. The answer is just right in front of you.
Grabe. Di ko alam kung paano ko icocomfort si Mama sa nararamdaman niya. Kasi naman.. Dapat siya mismo tinutulungan niya yung sarili niya maovercome yung kung ano mang 'fear' meron siya everytime na magkakaharap or marereject ni Papa yung presence niya. Pero.. As much as I could gustong gusto ko siyang tulungan. Sobrang hindi ko lang alam kung paano. Pero isa lang naman ang naisip ko para matulungan siya. Sabi ko nga: The answer is just right in front you you. Right in front of her. Choice naman kasi niya yun whether to be or feel affected. Nakakainis lang na medjo paulit ulit narin yung pain na ineendure niya. Sobrang pati kaming magkakapatid naaapektuhan every time she cries. When she cries at night. =))
Pero seriously. Hindi naman sa gusto kong mamanhid nalang sa feelings niya si Mama sa pain na sinasabi niyang yun. Ayokong nakikitang umiiyak si Mama. Ayokong nasasaktan siya. Ayokong makitang nasasaktan siya nang dahil sa maling dahilan. Kasi nasasaktan din ako. Nasasaktan kaming tatlong magkakapatid. Pero ang mahalaga.. Napapasaya namin siya. Napapasaya siya ng presence ni Papa.
Yun lang naman yung mahalaga e. Sana marealize niya yun. Sana kahit papano mag-enjoy siya sa concert na pinuntahan niya this evening. Sobrang mahal ko si Mama. Sana nararamdaman at alam niya yun. :*
No comments:
Post a Comment