Cheers to the freakin’ weekend. Haha. OMG. The best, sobrang the best ‘tong araw na ‘to. I don’t know kung paano ako magrereact, for I am totally happy, as in. The best. I can’t ask for more, basta nandiyan ang tropa. Solve na solve na ako. Ang kaligayahan ko, nag-uumapaw. Hep, kahit sobrang antok na antok na ako, at pagod na pagod sa mga nangyari for this day, sige lang. Go. Blog parin ako, di ko palalampasin ‘tong araw na ‘to, na hindi ko nashshare kay online diary, kung gaano ako kasaya. Wait, naduduling na yata ako. Haha. Chill. Carry pa. Last night, we all decided na magsusuot kami ng AB shirt, di kami mag-uuniform. Tropa e. Walang ‘trash talk’. Ay, talk shit pala. Hahahaha. The best talaga ‘to e. Si Jinny talaga, kapag humirit e, di mo alam kung seryoso or joke e. Pero ang mahalaga, masaya kami. In fairness, I have to blend in. Tropa e. Haha. Kumain kami sa isang carinderia kagabi. In fairness, napapamura ako, and masarap din naman yung food. Yun nga lang, medyo hassle, and medyo napahiya ako sa facial expression ko kagabi, haha. Huling huli ako ni Terence e, sabay tawa at asar sa akin. Haha, yup. I have to admit, though di ko trip yung food, okay narin. Masarap din naman pala sa carinderia, plus.. May mango banana cheese shake pa ako. Lol. With less than a hundred peso, sobrang nabusog ako. Nakatipid pa. Hahah. Grabe, can’t imagine, life would be this amazing, kahit in simple ways lang and not spending too much. Sobrang saya parin. Ughhh. Iba talaga kapag TROPA yung mga kasama ko e. Kahit, parang halos kaming apat lang ni Meg, Jinny and Venus yung girls dun. Blend in talaga e. Swak na swak. Haha. Pero, minsan naman, nandyan si Mikee, Dupps and Jam. Isama mo narin si Surla. Haha. Pero ito talaga yung the best e. Since halos wala nga kaming klase dahil AB Week, feeling ko, naviviolate ko na yung laryngitis ko e. Swear. The best, sobrang swollen na rin ng tonsils ko sa kakasigaw simula nung Monday palang e. Sa pagchicheer sa basketball and volleyball games ng Philo. Go lang ng go, kahit halos magmukha na kaming tanga sa kasisigaw. Haha, di parin kami tumitigil. Ang cute lang din namin sa swing, para kaming mga bata. Grabe. Hindi ko alam, bakit kapag kasama ko sila, feeling ko.. Walang katapusan yung adventures ko araw-araw. Ginagabi ako ng uwi ng bongga. Pero, nandyan naman ang mga tropang lalaki, para ihatid kami. Sheet. Hindi ko nasip before, na sobrang saya pala talagang maging Single. Akala ko, malungkot, kasi may mga panahong mag-iisa ako. Pero, not now, iba e. Iba talaga kapag yung mga kaibigan mo yung kasama mo e. Sarap at ginhawa, nandiyan. Walang iwanan. Hayyy. Di ko ‘to kayang ipagpalit sa kahit na sino pa mang lalaki sa pangkasalukuyan. Sobrang saya ko..
At dahil dyan, yung last day nalang. Yung pinaka main event ang aking exclusive for tonight. Haha, the best e. Ang aga ko lang nagising kaninang umaga, texting them kung itutuloy ba namin yung pagsusuot ng AB shirt. Haha, feeling fearless naman kami lahat, walang kinatatakutan, kaya go lang. Gusto namin e. Paninindigan namin. Hooray. Anyway, wow. Ang ganda ng gising ko. Ang daming good morning text messages, ibig sabihin, maraming nakaalala sakin, wow. Touched naman ako. Haha, kahit nakatulugan ko na yung mga katext ko kagabi. Ugh. Maaga akong natapos maligo, kasi magpeprepare pa nga for school, and dapat mas maaga ako makarating ng school, kasi bibili pa ako ng coffee sa carpark. Haha. Like, every MWF, I have to attend to my personal need: Coffee. Haha. TTH naman, same thing, pero before Filipino time, around 4pm. Haha. Merienda, kape parin. Adik sa kape e. Coffee is love kaya. Lol. Shocks, pagsuot ko ng AB shirt ko, plus skinny jeans, and my black booties. Omg. ‘Ang hot ko naman. Grabe.’ HAHAHAHA. Pero seryoso, natouched and natuwa naman ako sa mga compliments ng friends ko. ‘Mags, bakit sobrang sexy mo? Di ka na yata kumakain e.’ Tama na yang ganyang katawan, maganda na ‘yan. Wag ka nang magpapayat pa lalo.’ Gosh. Srsly, natuwa naman ako. Sobrang effortless, promise. Kahit pagtingin ko sa salamin, ‘sexy ko lang’. Hahahaha. Wth. Ganito talaga epekto sakin nang pagiging Single e. Lagi nalang. Haha, sa tuwing nagiging Single ako, wagas na wagas yung pagkasexy ko e. Ibang iba yung curves e. Hahaha. Sabi ko naman sa kanila, ‘Stressed lang ako.’ Pero, hindi talaga e. Masaya lang ako. Feeling ko, kailangan kong MAS maging gorgeous and attractive pa. Para masaya. Para sa sarili ko lang. Bakit. Wala namang masama di ba. Stay beautiful. Stay sexy and keep the swag. Hihi. Ang sayang magramp model. From carpark, to AB building. Wagas makatingin mga tao e. Haha. Alam kong may swag ako, pero tama na. Haha. Nakakalusaw ang tingin. Lol. Pero, the best parin talaga yung coffee ko this morning e. Sobrang sarap. Pero sobrang init sa classroom, late na naman si Sir Pada, hahaha. Pero, nag-enjoy ako sa discussion about Locke earlier. Naflatter ako at napanaginipan ako ni Ma’am Lintag. Hahaha, gosh. Sobrang weird lang nung dream niya. Kasi, nandun ako. Hahaha. Ano ba naman ‘yan. Naloloka ako. Sobrang ganda ng araw na ‘to para sa akin.
Gosh. For two days, kumain ako ng rice, kahapon at saka ngayon. Omg. Beer belly pa, dahil uminom kami ng beer ngayon. ‘Okay lang yan, Saab. Ngayon lang naman e.’ Hahaha, ang health freak ko lang. Duhh. Anorexic much. Tsk. Pero, dahil TROPA ako, go lang. Hahaha. For the third time, nag Mang Tootz ako. Haha, duh, kahit sobrang lapit ko lang sa Mang Tootz, sobrang seldom lang ako kumain dun, first is nung 1st year pa kami, then.. Nung kasama ko yung ex ko, tapos kanina. Grabe, halos di ko maubos yung kinain kong dalawang meat balls. Sobrang laki e. Eh, pero bakit ang mura? Heaven. Masarap din naman. I was with Ven, Meg, Ny, Ter, Matt, Kyle, Jegs, Cedjap, Jessie and Josh. Hanggang sa nakarating kami ng Gate 4, para manuod ng movie. Sobrang ganda lang nung timing nung pinapanuod naming habang naghihintay sa lounge, yung Broken Vow, yung eksena nang iwanan sa altar habang kinakasal. Haha, wagas. Ang sakit nun e. Grabe, sobrang tagal mamili ng movie nung guys, tsk. And in the end, yung gusto kong movie yung nasunod. Haha. ‘Shutter’. Horror nga e. Wag kayong duwag, ako naman, matapang, kasi napanuod ko na nga, kaya parang okay lang sakin. Hahaha, matapang ako ngayon sa horror movie, haha, sa harap pa ako ng screen pumwesto. Lol. Habang ang mga lalaking kong kaibigan, takot na takot. Kung makasigaw, wagas . Daig pa babae e. Haha, si Mattus na halos sabunutan ko. Si Terence na kung tumili sobrang pambabae, si Diego na nasa sulok lang. Si Cedjap na sobrang likot all throughout the movie, si Kyle na takot na takot din, si Jessie na sobrang spoiler, si Meg, Jinny and Venus, na saktong matakot lang, babae e. Hahaha. Pero walang tatalo sa experience na ‘to. Sobrang fun nung story line e. Puro kami sigawan at harutan all throughout the movie. Sobrang saya grabe. Past 6pm na kami nakabalik ng UST, para sa Salu-Salo. Sobrang sikip nga lan sa building, that’s why we decided na mag coffee muna, since nakapag coffee na ako this morning, nag caramel sundae ako. Haha, ang sweet. Puro hurt burn ang dinanas ko kanina. Ang sakit, sobrang acidic at umaatake yung ulcer ko. Haha, omg lang talaga, pero.. Masaya parin. Hanggang nakita na namin sa lobby ng AB sila Arvin, Mikee, Jam and JP. Pumila kami para sa photo booth, para sa dirty ice cream and cotton candy. Yep, kahit mainit sa lobby, go lang. Sama sama parin kami. Kahit past 8pm na pala. Hahaha, di naming namamalayan yung oras e. Ayon, kumanta kami ni Mikee sa Open Mic. Pakapalan ng mukha lang, kumanta ako sa AB crowd, tapos nandun pa yung ex boyfriend ko sa may pintuan, hiyang hiya nga ako e. Oh gosh. Pero, carry on. Pretty naman ako. Haha, 93 pa nga yung score ko e. With the tune of Teardrops on my Guitar. Haha, wala lang. One of my favorite songs lang, Taylor Swift kasi. Then, One Moment in Time, kami ni Mikee after. The best lang talaga sa supporters, sobrang mahal na mahal ko kayo, 2PHL, kung hindi dahil sa inyo, di ako kakanta sa ganitong klaseng event. Hahaha.
Proud lang ako sa sarili ko. 93 yung score ko e. Hahaha. Wagas na wagas. After singing, nagkayayaan na sa Tapsi. Wow. Sobrang wala kaming kapaguran. Fun filled day nga e. Ramdam na ramdam ko yung kasiyahan ko ngayong araw. Kahit sobrang pagod narin. Ahaha, pagdating sa Tapsi, puno. Kaya naman, lipat kami ng The Pit. Sabi ko na kasi, sa The Pit nalang talaga e. Haha. At parang ako pa talaga yung nangunguna sa pag-iinom e. Lol. So bakit kailangan, iinom talaga ako ngayong gabi, may pinagdadaanan? Hahaha. Gosh. Napapadalas na ako sa pag-iinom e. Pero, sige lang. Masaya e. Dito kami masaya ng tropa. Happy happy lang. Gosh. Oo, beer ‘to. Magkakabeer belly ako. Una kong naisip. Hahaha, anorexic much nga. Ugh. Hindi pa kami nasiyahan ni Mikee sa pagkanta namin sa Open Mic sa AB, kaya naman pinagpatuloy parin naming yung pagkanta dun sa The Pit. Pero, habang naghihintay, grabe e. May nais iparating sakin yung mga kanta. Hahaha, sobrang as in magkasunod na kanta pa talaga. ‘High’ and ‘Crazy for You’. Omg, wtf. Hahaha, ano bang nais ipahiwatig nun? Hmm. Binanatan ko narin ng opening kong Crazy For You, nung nasa group na naming yung mic. Lol. Guys and girls’ table. I was with Meg, Ven, Mikee and Jam. Plus the guys, Terence, Arvin, Cedjap, Jessie, JP, Diego and Kyle. Sobrang saya, salitan lang kami ni Mikee sa pagkanta. Walang tigil e. Hahaha, di na nawala sakin yung mic. Nag-duet pa kami ni Terence sa favorite song kong ‘Your Love’, saka sa ‘Di Lang Ikaw’, ‘Migraine’, ‘Magbalik’ at ‘Makapiling Ka’. Hahaha. Grabe yung emotions sa Your Love at Di Lang Ikaw e. Bigay kung bigay, birit kung birit. Gosh. At the top of our lungs, kung kumanta ang tropa e, hindi mo mapipigilang di kumanta. Ewan, outlet ko kasi talaga yung pagkanta ko e. As in, yung birit kung birit. Hahaha. ‘Di lang ikaw, di lang ikaw ang nahihirapan, damdamin ko rin ay naguguluhan, di lang ikaw.. Di lang ikaw ang napapagod, bulong ng isip, wag kang pakawalan, ngunit ang puso ko ay kailangan kang iwan..’ Hanggang sa naiyak na ako. Haha, ang sakit sa mata nung ilaw at yosi e. Pero, parang may pinaghuhugutan talaga ako. Sobrang cheers of joy. Ayon, niyaya ko yung Tropa sa long weekend sa Quezon, dun sa newly renovated house namin, tsaka may Borawan. –pinaghalong Boracay at Palawan na resort. Excited na kami. My gosh. Sobrang planado ng buhay namin. Come what may talaga, para sa fun. Gora lang ng gora. =))))))
Nahahyper na naman ako. Sabi ko na nga ba, di ko naman talaga kailangang lagi may boyfriend sa buhay ko e. Kasi, kung tutuusin, mas masarap at mas masayang maging single, yung puro kaibigan lang. Tropa tropa, wala kang dapat alalahanin kung may dapat ka bang itext, or magpaalam kung iinom ka, or gagabihin ka. Hahaha, basta sa parents ko, okay lang. Isang paalam at isang ‘Mom, call me’. Okay na e. Basta ihahatid naman ako nung tropang mga lalaki, pauwi e. Simply the best, this is life. Soooo amazing, unti unti na naman akong nabubuo. At pangako, this time, hindi na ako papayag na may makasira pa ng kaligayahang hatid ng mga kaibigan ko sakin. Sobrang mahal na mahal ko sila. Parang Pre-Valentine Date na ‘to e. Mula sa pagiging social deviants sa araw na 'to, sa pagkain sa Mang Tootz, sa panunuod ng Shutter sa Gate 4, na sobrang nakakatakot, sa pagpapapicture sa photo booth ng AB, sa pagpila para sa dirty ice cream and cotton candy, sa pagsuporta sa pagkanta sa Open Mic kanina, sa pag-iinom sa The Pit, sa pagvivideoke ng walang hiya hiya with a lot of feelings. At sa pagtambay hanggang mag-aalos dose ng hating gabi.---Pre-Valentine Date na 'to. :) Sobrang saya ko lang. Salamat, guys.Can’t thank you enough.
Unforgettable Week, as well as this day. Grabe. Itatatak ko talaga sa kalendaryo tong araw na ‘to, kahit may fieldwork at bangag akong magtuturo sa learner ko bukas, kahit almost 2am na, at gising parin ako para magblog. Hahaha. Bakit ba, masaya ako e. Hinding hindi mapapantayan ng kahit ano pa man. Okay nang Single ako, lalo na sa Araw ng mga Puso, isang araw lang naman yun e, pero yung mga araw na kasama ko yung mga kaibigan ko, hinding hindi mapapantayan at mapapalitan ng kahit ano pa man. ---Single is Sexy, Single is Swag, and I am happy that I am Single.
No comments:
Post a Comment