Saturday, January 14, 2012

That LRT Ride :)

'Life as we know it, as I know it. Oh well, it only revolves around you and me.' :)
'I might be quiet at times, but that is because so many extreme thoughts are running through my mind and I know you can't handle them, and that's the reason why, I chose to shut up.' :)
'Every time I get bored, I just have to think of you, then everything turns out well again.'

January 14, 2012- Eleven Months na Pala?



Page 14 of 366 is indeed awesome. 'Wag mo nang itanong kung bakit, alam mo naman na wala na akong ibang reasons pa para maging masaya sa araw na 'to. Mag-deny man ako, mag-inarte man ako, alam ko na alam mong ikaw yung natatangi kong dahilan e. :) Akalain mo 'yun, eleven months na pala, pero parang hindi naman. Parang wala pa ngang isang buwan e, kasi kung magselos ako, kakaiba. Haha, ang weird. First time kong magselos ng ganito, kung magselos man ako before, sobrang hindi ko nalang pinapansin, pero ngayon.. Nagttransform na ko, oyiz. Into a jealous monster. ;p Hindi naman siguro masamang magselos ako, right? For I know, and I believe, sobrang seldom lang, and I won't get jealous naman kasi if feeling ko, ako lang, and kapag tinitreat mo naman ako rightly, I won't dare complaining, nor feeling anything bad about you and another girl, or should I say.. Girlssss :) Hindi naman talaga ako selosang girlfriend, pero minsan nawawala sa isip ko na, maganda nga pala ako. Kaya pati sa panget, nagseselos nalang ako ng basta basta. Yuck, feeling ko lang tuloy, ang babaw ko, para magselos ng ganun kadali. Pero, narealize ko rin na, nung dati, wala akong pakialam sa kanya, hindi ako nagseselos, ngayon naman na feeling ko, sineseryoso ko na talaga siya, tsaka naman ganito.. Tsaka ako nakakakita ng mga hindi ko dapat makita. Opening your partner's Facebook account is a suicidal act. Well, that's according to a friend of mine, wala. Ewan ko nga ba, hindi ko alam, bakit ang dali kong mag-init ang ulo at kumulo ang dugo. Hindi naman ako dati ganito e. :) Sabi ko na nga ba, no doubt, 'You Changed My Life' :)

Akalain mo 'yun o. Sobrang galit na galit ako sa mga nakita ko nung Thursday na. Halos sumabog talaga ako sa sobrang inis at galit sakanya, pati dun sa mukhang suso ni Michaella at mukhang biik na Kris. Hahaha. Hindi sakin galing 'yang mga yan. Sa mga kaibigan kong lalaki nanggaling yan, at kapag ang lalaki namintas ng babae, wagas. :) Alam ko 'yun. Grabe lang talaga. Pero totoo naman. Sa sobrang gusto ko talaga siyang ihampas sa pader, sampalin ng magkabilaan sa pisngi pati sa noo, sheet. Sobrang nagwawala ako sa classroom nung Friday. Eskandalo sa mga kaibigan e noh? :) Haha. Wala lang, masaya lang magbuhos ng nararamdaman, yung paulit ulit, halos sa lahat ng kaibigan sinasabi, para mawala yung pain. Ganun naman yun e. Kapag paulit ulit mong sinasabi, unti unting nakakalimutan at nawawala yung pain, hanggang sa tawanan mo nalang in the latter part. Ikaw ba naman. Tse. Ewan, ang gaga ko kasi e. Sa tuwing may nararamdaman akong kakaiba sa mga kinikilos at dun sa way ng pakikipag-chat niya sa kin, lalo na kapag mabagal, yung tipong 'okay', 'alin', mga ganun lang reply sakin, naiinis talaga ako. Kaya sige lang. Kapag nag-out ka, bubuksan ko yang profile mo, at makikita ko rin kung ano 'yang tinatago mo. :)) Last week, nahuli ko na nga siya about dun sa panglalandi niya dun sa mukhang Suso, nagayon pati ba naman dun sa mukhang biik, pinag-sabay pa habang kachat ako. Grabe talaga. :)) Ikaw ba, hindi ka mag-rereact kapag may nakita kang sobrang sweet nung flow nung conversations, like.. Yung mga banat, walang sense, walang polysyllogism, ang cheap lang kasi, babanat na nga lang, wala pang connect, as in out of nowhere, sobrang kadiri. No wonder, binabara ko siya kapag ginaganun niya ako, tapos sasabihin pa niyang pang ttrashtalk lang 'yun. :) Wow ha. Hanggang sa 'pasalubong issue', trashtalk foreversss. Kaya minsan, hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala e, baka mamaya, pati pala ako, tinatrashtalk na, walang distinctions e. :( Ang gulo gulo. Kaya nga, saan ba kasi talaga ako lulugar sakanya? Ang hirap e. Kaya hindi ko nalang masyadong pinagbubuhusan ng pansin, puro sa mga kaibigan ko nalang ako ngayon humuhugot ng kasiyahan. Kaya no wonder nga, napapalayo na yung loob ko sakanya. :) At least, mas madaling mag-detach at mag-let go ng feelings if ever. Less pain. :) Less worries. Hindi masisira buhay ko. Kasi naman e, eto na naman ako, dumadaldal na naman ako ng nonsense stuffs and everything.

Tapos na yung issue kagabi sa Starbucks. Tapos na yung sampalan moments. Sinampal ko siya, dalawang beses, pero sinampal niya rin ako. Pinisil pa yung arm ko, at hanggang ngayon, may marka parin. :( Sobrang sakit lang, first time akong masampal at makasampal narin. Ako naman, dala lang ng sobrang galit at inis ko yun, kaya ko nagawa. Pero ewan ko ba kung bakit sinampal ako nung impaktong yun. :( Grabe talaga, hindi ako makapaniwala. Sabi niya dati, last na daw na pananakit niya sakin yun e, tapos ngayon sabi niya, last narin daw. Hay. Oh di ba? Ngayon naniniwala ka na. Hindi ko na talaga alam. Kaya mahirap din magbigay ng specific answers e. Sobrang labo na nito. Gustong gusto ko ng makipaghiwalay, okay na ako. Handa na kong i-let go siya, the moment na nalaman kong may ginaganun siyang mga babae, okay. First time, inignore ko lang, yun nga yung about kay suso about sa pasalubong last week, na buti pa yun, naalala niya, samantalang ako, wala man lang kahit ano.. Kung hindi sama ng loob, remember. :) Mas lalo pa nung sinampal niya ako, tapos sinaktan yung braso ko, namumuong dugo e. Tinapon pa yung Mocha Cream based venti frappuccino ko. Grabe talaga :)) Nakakainis lang, nagdedeny pa siya nung hapon na hindi niya talaga alam yung mga sinasabi ko, tapos hinayaan ko siyang mafigure out niya, naglabas muna ako ng sama ng loob sa mga kaibigan ko, tapos magtetext siya ng ganun sakin. Wow ha. Pagkatapos mo kong tarantaduhin at gaguhin, sobrang landi mo talaga.. :( Hindi ka na nahiya. Seryoso na nga ako sa'yo o. Ano pa ba? Hay. :(

"Tsaka kung makikipag-date man ako sa kung sino man, gusto ko ikaw lang. Wala ng iba", "Pwede ba kitang maalok for a movie?", 'Sana mahawakan ko ang mga kamay mo, for sure, malambot yan', 'Can I call you mine?' Grabe talaga, wagas :)) Well, pwede ka namang maging sweet sa pakikipag-usap mo sa ibang babae, pero hindi naman yung tipong mas sweet pa kesa sa pakikipag-usap mo sakin, saka lagyan mo naman ng distinction, hello. Girlfriend mo ko o. Hindi ko nga makita yung kaibhan, paano nga ba ako naging special sa'yo, e ganun din naman. :) Sinong taken na lalaki ang manlalandi ng ibang babae? Bakit ka magdedate ng ibang babae, mag-iinvite for a movie kung alam mong may girlfriend ka, at take note si Adrienne Magora LANG NAMAN ang girlfriend mo. How dare you? Ang kapal ng mukha mo. Gusto kitang sampalin right now, kaya pala napakatipid mong magreply sakin kanina, nambobola ka na naman ng ibang babae. Kailangan ko pa ba ng explanations mo? I guess hindi na, ang masasabi ko lang, sobrang kapal ng mukha mo. Ang panget mo na nga, ang landi mo pa, pinatulan na nga kita, nakuha mo pa akong ganituhin :)) Ang sarap mong patayin. Wagas. Sobrang sasabog ako sa inis at a galit, grabe ka. Ang tindi mo. Kung hindi ko pa bubuksan yang account mo, di ko malalamang ginagago mo na pala ako. :)) Sobrang gusto kong iignore yung mga nakita at nabasa ko, pero sheet. Sobrang kapal na talaga ng mukha mo. Di ko kayang iignore e, feeling mo siguro ang laki laki ng ulo mo noh? Well totoo naman, puro hangin e. Show off. Don't call me baby, if you're treating or at least planning to treat other girls as one. :) Sobrang dami ko pang gustong isulat, nakalagay lahat 'to sa drafts ng phone ko na pinakita ko naman sakanya at pina-explain. Hay. After almost 2 hours of talk sa Starbucks, naging okay din naman ang lahat. :)

Pili ka. It's either, You'll stop what you're doing to me, and we'll continue what we have, or.. You'll continue with what you're doing to me, and we'll stop what we have. :) Syempre, he picked the latter, I gave him the chance. Pero promise, sobrang first and last na 'tong mangyayari. Strike two, then you're dead. :)

Sobrang cold ko lang sakanya this morning, like, I was trying to ignore him. Nagawa ko naman for quite a while, pero pinasin ko narin naman nung nagtatagal, sayang yung magandang araw e. Iignore ko nalang na we're having a date, ang iniisip ko nalang.. We're being professionals, gaya nga ng sabi ko sakanya. Pero ayaw naman niyang pumayag. :) Although sobrang fail nung start ng day na 'to, naging okay din naman ang lahat nung hapon na, yung paglalambing and sweetness, nandun naman, yung effort. Nararamdaman ko naman. Ano 'to? Pambawi sa pagsampal mo sakin kagabi saka dun sa namuong dugo sa arm ko? :)) Bribe e. Haha. Basta, natouched na naman ako.. :o Kinilig narin siguro? Siguro lang naman. Kasi, sa sobrang pagkatouched ko, gusto ko siyang yakapin, pero ang daming tao, gusto ko siyang halikan, kahit feeling ko nag PPDA na kami sa mga public transpos na nasakyan namin kanina. Hanggang sa LRT. Sheeet. Okay, haha. Natutuwa lang ako kasi, kahit eleven months na kami, (technically) inaalala parin niya akong ihatid, di parin ako pinapabayaang mag-isa. :) At nabura na ng araw na 'to, lahat ng pagkagalit at tampo ko sakanya nung isang gabi. Kahit gaano pa man kabigat yun, wala nga namang problemang hindi naaayos sa mabuting usapan. :) Oo nga pala, hindi siya sumuko sakin kahit kelan, pero bakit ako.. Ang dali kong sumuko. Haha. Strong na nga pala ako ngayon. :) Pero yung totoo, masaya parin naman ako sa piling niya, sa mga balikat niya, komportable parin akong mag-lean on. At sa mga kamay niya parin ako nakakaramdam ng extreme security and safety. At tanging siya parin ang nilalaman ng puso ko. :) Ayoko nang mag detail per detail ng nangyari sa date namin kanina, ang alam ko lang.. Pakipot ako, 'yun lang. Hahaha. Pero, konting lambing lang din naman, umaamo na ako. :)

PS: Sobrang spoiler niya sa pinanuod naming movie kanina. Mission Impossible: Ghost Protocol. And, dream come true mo, nalibre mo na ako ng popcorn sa movie house! Hahaha. Salamat sa paghatid, salamat sa hugs and kisses, kahit wala parin yung chocolates ko. :( Grabe talaga. Nakakainis. Naalala ko na naman yung chocolates. :( Kahit di naman talaga ako nanghihingi, pero nung nahuli kita, sabi mo.. Nasaan na? :( Grabe lang talaga. Huhu. Joke lang. Yung shirt and chocolates na 'yan, di ko naman kailangan niyan. :) Bigay mo nalang din sa ibaaaa. Hihi. Ang gusto ko lang ngayon, samahan mo ko next week sa debut. Please. Parang awa mo na talaga. Tuturuan mo pa akong mag-swimming di ba? :)) Hahaha. For now, ang alam ko, kahit hindi man halatang masaya ako, alam ko.. Masaya talaga ako. Kasi nakasama kita, kahit hindi man 'to, kasing halaga ng mga nakaraang fourteen sa buhay natin, basta nakasama kita, okay na 'yun. Kahit patuloy parin akong nag-iinarte kanina, kahit sinusuyo mo na ako. Promise, masakit parin hanggang ngayon e. ;) It takes time lang naman. Magheheal din 'to. ;) Pero seryoso, SAMAHAN MO TALAGA AKO SA DEBUT NEXT WEEK. :o Sige na please? :(

'I listened, I understood, I asked you to choose, you picked the right one. Congratulations! But you made a promise, and you have to abide with that, don't you ever dare try breaking it.' :)

#ThatLRTRide :)))

No comments:

Post a Comment