December 16 to 17 (Friday and Saturday)
Paskuhan Proper + I was totally drunk. T.T
This is, oh. Well, this is really is! It's the Paskuhan night na sobrang inaabangan, well I bet.. Kung hinihintay 'to ng Thomasian, mas lalo naman yung mga hindi Thomasians di ba? Kung last year nasa 7000-8000 lang ang estimated na taong pumunta, well this year, nadoubled na. Almost 15000 kasi ang estimated crowd na bibisita sa nag-iisang pinagpalang pamantasan. Haha, ang Pontifical, Royal and Catholic University. Again, ngayon ko lang 'to sasabihin, I'm a Proud Thomasian @ 400. Well, ano na namang connect ng mga pinagsasabi ko? Wow. Kasi naman, di ba. 2am na, at Sunday na.. Kailangan kong magsulat about what happened last Friday and Saturday, well, I'm not saying naman na obliged akong magsulat, it's just that, sayang naman kasi yung memories, I just don't want my blogspot to miss the fun. Gusto ko, kung gaano ako kasaya last Friday, malaman at mafeel din ni 'Princess in the Making' ;) Hahah. Ang corny ko na naman, nagiging wild na naman ang aking imagination, sobrang dami ko na namang naiisip. Na habang lumalalim ang gabi, naaalala ko yung pagkalasing ko. Swear. Idk kung marami ba akong memories na mailalagay dito, kasi nga sobrang lasing ako last night, Idk talaga kung may natatandaan pa ba ako. Well, if I remember it right, meron naman sigurong konti.. Well, try ko nalang alalahanin for the sake of having this entry. Haha. Joke. Gusto ko talaga e. :)
TGIF. Gumising ako ng sobrang aga. Well, hindi naman sobrang aga talaga. Mga 8am siguro, well, para sakin, aba. Miracle na yun. Kasi naman, sobrang pagod na pagod ako. Sabi ko nga, deprived from sleep ako. :) Kailangan kong bumawi ng maraming tulog. Haha, pero hindi rin nangyari e. Puyat parin, kasi maaga akong gumising, checking my phone at the same time, kasi sabi ni JP at ni Lyka, pupunta sila sa condo namin ng 8am, para magpump ng balloons e. So, as what I've promised naman, sige. Gigising ako for them. Ang fail nga lang, kasi hindi sila dumating. Pumasok rin ako ng 10:30, kasi kailangan ko pang bumili ng wrapper for my gift para kay Nicole, nakakahiya naman. Haha, there you go. Diretso Asturias na ako, buti nalang meron nang gift wrapper na nabibiling ilalagay mo nalang yung mga gifts mo, di mo na kailangang magdikit pa. :) Cool, for only 10Php, may wrapper na ko and presentable na yung hitsura nung gift ko, kesa naman sa ako pa ang mag-effort para magbalot nun, at magkmukhang pambalot pa ng tinapa yun, ode okay nalang na ganun. :) quarter to 11, dumating ako ng AB building. Wow. To my amusement. Wtf? May nagkaklase sa Rm. 204? Oh ghad. My klase pa ang 1PHL? Haha. Kawawa naman sila. While, Tonton, Terence, Ronald and I were outside lang, seated sa may bench. Kasi naman, sobrang tagal umalis nung 1PHL e, lagi nalang.. Tapos ang kalat kalat pa nila lagi. Well, hindi naman sa naninira, pero totoo naman kasi. Haha. Naalala ko tuloy yung sinabi si Sir Olivar sa amin last night, takutin daw namin yung mga bata. Haha. :) Sobrang benta lang ni Sir e. Hoho.
Anyway, sobrang late na kaya nagstart nung party namin, 12nn na. Wala pa. As in, sobrang konti palang nung mga dumadating. Haha, kinacareer. Palate-an yata ng pasok. Aba. Ako naman, since last year, hindi ako nakaattend ng party, bumawi ako. Pumasok ako ng maaga. Wala lang. Just to break the ice. :) Gusto ko lang mafeel yung hindi ko nafeel last year. While waiting, naglaro muna kami ng playing cards nila Ronald, Tonton, Lyka and Rachel. Pares-pares, Lucky 9, and Heart Attack. :) Sobrang fun lang. Last time na nakahawak ako ng deck of cards, ay nung times na nagdodorm pa ako. Kasi naman, bawal dito samin ang cards. :) Yung mga experiences nila sa party na namissed ko. Hay, sobrang sayang lang. Pero okay lang, at least this year, sobrang nag-enjoy ako. So, kahit hindi pa kami kumpleto, nag-start na kami sa party namin, around 12:10pm, ano ba yan. Akala ko naman magiging sobrang saya ng party namin, kasi ineexpect ko, pupunta lahat. :) Kaya lang ayon, sobrang dami palang absent.. I mean, late lang pala. :) Haha, ang yabang ko lang.. Porket maaga akong pumasok e. Haha, I won't deny it naman, sobrang nag-enjoy ako sa games. Though medyo may pagka weird lang yung first game namin. Nakakainis. Sobrang omg. T.T
Five girls and five boys. So as usual, ako yung pinakaunang nakita nila. Nako talaga. Kakainis. Magbibigay ka ng celebrity, tapos sasabihin mo yung favorite part nila.. :) Then I said Enchong Dee, and his 'lipshhh' with matching landeee, and flip ng hair, grabe. To my shock. Ang gagawin pala sa game na yun, using your nose, ididikit mo sa part na yun yung nose mo nga. Sheeet. Ako naman. OMG. Anong gagawin ko? Ghaad. Wala daw KJ. Shocks, wala akong kawala. My nose to Diego's lips. So.. Parang nakipag lips to lips ako di ba? Sheeet talaga.. Pero hindi ko naman talaga dinikit, kunwari lang. Haha. Pero sheeeet parin talaga e. :o Second game, trip to Jerusalem. 5 girls, and 5 boys parin. Yay! Ako na naman yung nanalo. Tapos, nung naglaban na yung sa boys, si Bonifacio yung nanalo, then nung kaming dalawa na.. Well, I won. :) Haha. Third game, pasukan sa hula-hoop. :) Girls group, vs Boys group. Unfortunately natalo yung group namin by 2 seconds. Haha, sobrang sayang talaga. Pero idc. Medyo nagiging boring na yung party, kasi naman, kami kami lang sumasali sa games, ang KJ nung iba, ayaw sumali. Tsk. Nagparty pa kami e noh? :> Trolol. Eh, kami kami lang nag-eenjoy e? Anyway, Bring Me, Hula-hoop and Dougie Battle, and Ninja Attack, yun pa yung iba naming games, sayang lang putukan ng lobo. Kasi naman, walang pang pump. 100 balloons pa naman yun. Tsk. Put into waste lang.. Ugh. :|
Grabe. Ang dami naming food. Aside dun sa mga pinrepare ng mga officers namin for us. Kasi, nagcontribute kami ng 100Php for the food, grabe yung pizza, sobrang giant. :) Tapos, may spaghetti and chicken strips pa. Sobrang dami tuloy lalo naming foos nung dumating yung mga professors namin. Sir Pada came, flipping his wallet for us. Then nagbigay siya ng 1000php, for the promised Yellow Cab pizza. Ma'am Doray came, with her Maltesars chocolates and Sir Olivar in the house, with his Red Ribbon's Dulce de Leche cake, na pagbukas na pagbukas namin.. Nagulat kaming lahat sa aming nakita
After ng party, mga 4pm.. Niyaya ko sina V, Meg and Jinny sa condo namin. Wala lang, dun kami magpapalipas ng oras hanggang magkita kita na kami ng 7pm sa may Arch of the Centuries. Pero grabe lang talaga. Haha, 8pm na nasa Pasta Plate parin kami. 6pm kasi umalis kami ng condo namin, then we decided na sa Pasta Plate kami kakain. Too bad umalis na si Jinny, kasi sobrang sensitive nun. Ayon, may misunderstanding pa sila ni Meg. Nagulat lang tuloy ako nung biglang tumawag sa akin si Jinny, she was actually crying. So, ako naman. Omg, what's happening between Jinny and Meg? Tsk. Shut up nalang tuloy ako, kaming dalawang ni V. Wala kaming masabi dun sa dalawa e. :) Haha. Habang naglalakad kami papuntang Pasta Plate, tinanong ako ni V, nasaan daw si Bannag? Sabi ko naman. NadoDOTA with friends. :) Ayon nga, masaya naman kasi kami ng ganito e. I mean, gusto namin magagawa parin naman yung mga gusto namin sa buhay, nagbago na kami e. Haha, for a better us na ang drama namin, for a better and mature relationship na. :) 7:30pm, nagpakita siya samin sa Pasta Plate, and since wala ng food.. Umalis narin siya agad to look for a place to eat, and then pagkabalik niya, nandun parin kami, kumakain parin. :) Exactly 8pm, pumunta na kami ng UST. Hindi naman masikip gaya ng sabi nila, sakto lang. Pwede na. Haha. Medyo sanay narin kasi sa masikip na daanang mga gates :) Ayon syempre, pagdating namin sa Arch, wala na sila Borj, kasi naman pinaghintay din namin sila ng medyo matagal, and 7pm naman kasi talaga ang call time. Eh, kumain pa kami. Kaya ayon tuloy. :) Di na kami nagkita kita. Hay, frustrating as it may seem, pero nagkaiba iba na kami ng plans that night. Then sa may arch, nakita namin sila Pam, ewan ko ba. Sobrang bulag ko. Di ko sila nakita nila Crissa, nung may biglang lang tumawag sa akin ng Saab, thrice pa nga yata, saka lang ako tumingin. :) tapos maya-mayas pa, may lumapit sa aking dalawang lalaki. Oh, to my surprise si Jared at si JM pala :) Wala lang. For me casual talk lang yun, pero ewan ko ba kay Bee. :( after naming mag-usap ni Jared, naging cold na siya sakin. Di na niya ko pinapansin, tapos di na rin niya ko hinahawakan. Sobrang nalulungkot at naiiyak nako nun e. Cause no matter how hard I tried to make up with him, hindi niya pinapansin, iniignore niya lang. Haay.
9pm, fireworks display, sobrang naamazed ako sa iba't ibang colors na nakikita ko sa sky. Sobrang ganda, I mean, nag-eenjoy kasi akong manuod ng fireworks display e, tapos yung place pa. Tsaka yung kasama. Officially, kasama ko siyang manuod ng fireworks display na magkasama kami ni Bee, na 10months na kami. Last time na we were together watching was, nung January, hindi pa kami, we were like total strangers palang sa isa't isa. Sobrang kinikilig ako, lalo na nung hinawakan niya ako sa may waste, tapos hawak hawak ko yung camera ko, taking some photos, tapos.. Maya maya pati yung isa niyang kamay, nilagay narin niya sa waste kami, tapos niyakap na niya ako. :""> Sheeeet. The best feeling. :) Under the fireworks pa. Kaya nga after that, gusto ko siyang ikiss e, kaya lang.. Nakakahiya sobrang daming tao, I can't contain e. Unti unti na niyang napapalabas yung showy side of Adrienne Magora. :) Well, I was with my Bee lang the whole night lang,I saw my cousin Meg nga pala nung papunta kami ng Dapitan, kasi feeling ko nasa Starbucks sila V. :) Bee and I went to AB bldg nalang pala, kasi they were there na pala. I used Bee's phone para tawagan sila. So yun, sabi ko na nga ba e, 'di ako nagkamali. :) Sa may kotseng puti, dun ko sila makikita e. :) At nandun nga sila. Si Meg, Venus, Terence, Luis and Louie. Plus Sir Olivar and Sir Rey. Sobrang saya ni Sir Rey. :) Hinulaan yung buhay ko, sabi niya.. Makakatapos daw ako ng Philo, tapos ang galing niya. :) Nalaman niyang maraming nanliligaw sakin. :)) Marami rin siyang sinabi about my future. And meron daw akong isang pagkakamali, na hanggang ngayon, pinagsisihan ko pa rin. Pati si Bee ko, hinulaan ni Sir Rey. :) Metaphysician si Sir e. No wonder, sobrang totoo talaga lahat ng sinasabi niya. :) Sabi pa niya, yayaman daw si Bee, tapos makakapasa ng bar exam. :) Ayeee. Kinikilig talaga ako. Haha. Imagine, yung mga professors ko, nameet na ni Bee. :) E wala lang. Sobrang idol ko pa naman sa pagtuturo si Sir Rey at si Sir Olivar, ang cool kasi nila e, as in sobrang mga genius. Tagal rin namin nakipag-usap sa kanila, hanggang 11:45 yata. :) tapos diresto Tierra na after, to meet Jonah and Wave. :)
Kaboom. Nung dumaan si Ma'am Doray, nagdispose pa ng Samba chocolates sa amin, binigyan ko si Sir Olivar, Meg at Matt. Ayaw ni Sir Rey e. Sobrang ingay namin dun. Haha :) pero grabe talaga.. Nagulat ako nung nakita ko si Arvin, tinawag ko siya ng malakas, tapos.. Sunud-sunod nakita ko si Eunice, Rachelle, Bea and Grace. :)) tapos maya maya, dumadating pa si Nikki. Omg. Sobrang tumulo ng wagas yung mga luha ko. Kasi naman, for almost 2 years, hindi kami nagkita kita. :) Tapos ayon, sheeet talaga. Sobrang miss na miss ko na sila. And at the same time, sobrang saya ko lang talaga, kasi nakita ko na ulit sila. :) Still, I was with my Bee. Nakakahiya, nakita niya akong umiyak. Gusto ko nga, siyang makasama na kaming dalawa nalang nung feeling ko, hindi na kami matutuloy mag Eivissa Centerstage nila Jonah e, kasi naman. Si Jonah at si Wave, nagkaroon pa yata ng tampuhan nang dahil sa planong pagbabar namin. Actually, ewan. Sobrang sayang nga e. Pati kumuha ng cab na masasakyan, aba. Sobrang hirap din kaya. Ugh. Hanggang sa nauwi nalang kami sa Asturias, dun nalang kami nag-inuman. :) Di ba ang saya, from Tomas Morato, to Asturias? :) Wow. Ang saya kasi talaga. Sobrang nababadtrip na nga ako nun e, tapos gusto kong magcoffee nalang, as in Starbucks nalang. Pero ayaw kasi ni Bee, sabi niya, ako daw yung nagyaya, tapos ako yung mang-iiwan, e bakit naman ganun? Mas inisip pa niya yung iba kesa sa kin? Maiintidihan naman nila Pam na ayokong uminom e, tsaka sinabi ko naman sakanya na ayokong uminom, pero sige parin. Hay, wala naman akong choice. Sobrang nalulungkot lang talaga ako. Kahit hanggang dun sa paghihintay namin ng cab sa Dapitan, instead of him thinking of me, mas inisip pa niyang naghihintay yung mga 'kasama daw' namin. Hay. Hanggang sa naglakad nako, pero nasaan siya? Ganun yung mga times na feeling ko, at natatanong ko sa sarili ko, 'Where do I stand ba talaga?' :( Tapos, nung iniwan pa niya ako thrice, di man lang niya sinabi ko saan siya pupunta. Sobrang mixed emotions, sa kagustuhan ko ng solitude, at makausap siya ng kaming dalawa lang, at umupo lang sa kahit anong fancy na place na may frappe, at sobrang romantic kasi gabi.. Mas pinili pa niyang uminom ako.. Alam naman niyang hindi ako tolerable sa alcohol e. Tapos pinuno pa niya yung baso ko. :( Nasaan dun yung will di ba? Nasaan dun yung care? T.T Mas inisip pa yung iba kesa sa sariling 'girlfriend'. Sana pala, umuwi nalang ako e. Ode sana hindi pa ko nalasing nang ganun. Sobrang di ko makakalimutan yung pagkalasing na nangyari sakin, naiiyak ako pag naaalala ko, at syempre sobrang pinagsisisihan ko yun. Sana pala kung ganun lang din gusto niyang mangayari sakin, sa iba nalang ako sumama e. Pero hindi kasi e, mas pinili ko parin na makasama siya. T.T
Kahit hindi ko na talaga kayang uminom, uminom parin ako. Hanggang sa mahilo hilo na ako, at tuluyan nang nalasing. At dahil nga lasing ako, hindi ko na matandaan yung mga nangyari, yung mga ginawa at pinagsasabi ko, basta ang alam ko, nalasing ako, nagsuka ako sa may tricycle, at nagising na ako ng may malay ako na matino ako ng 4:35am. Pagcheck ko ng phone ko, I've got missed calls from him, at syempre, texts.. Ako naman, dahil sa kagustuhan ko ngang makasama talaga siya na sobrang naffrustrate ako, kasi hindi nangyari yung gusto kong year end celebration naming dalawa na masasabi ko sakanya lahat ng dapat kong sabihin sa loob ng isang buong taon na 'to.. (Naiiyak ako, kasi mas pinili pa niyang makitang malasing ako at makasama yung hindi naman talaga namin kakilala, except Crissa and Pam) instead of the both of us, being together nalang.. Kung sana pumayag lang siyang mag Starbucks kami, ode sana nalaman niya lahat ng gusto kong sabihin. :) Pero hindi bale nalang. Tapos naman na e. :) Expectation is one way of hurting yourself nga naman. Sa kagustuhan kong maibigay yung regalo ko sakanya, and at least makasama pa siya, kahit patapos na yung Simbang Gabi, pumunta parin ako ng UST para sakanya, kahit hilong hilo, at gegewang gewang, at sumuka pa ulit ako ng dalawang beses sa may stairs, I took the risk. Pinuntahan ko parin siya. Hay, bigla kong narealize yung mga sinabi niya sakin kanina, at hindi ko maexplain, basta nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko. Parang hindi ko rin naman siya tunay na nakasama e. T.T Kasi nga lasing ako, tapos.. Hindi ko pa nasabi yung mga bagay pa pinaghandaan kong sabihin sakanya, gusto ko nga kasi sana.. Romantic ending, in a fancy place, under the moon and the stars.. Sobrang ganda nung mga naplano ko. Pero ayon, I ended up drunk. :) Sobrang fail di ba? :) Tapos yung gift ko pa sakanyang ODM, may crack daw.. Hay. Sana pala binigay ko nalang sakanya yung gift ko ahead of time, tapos umuwi nalang ako, sinacrificed ko nalang yung kagustuhan kong makasama siya, instead of physically being with him nga, pero mentally, hindi ko naman talaga siya kasama. :( Sobrang nakakalungkot lang.. Pero, tapos na e. Wala naman na nakong magagawa.
First time kong malasing nang wagas. :| and I swear, hindi na ulit ako maglalasing. And next time, kahit ikalulungkot ko pa, pipilitin kong iwan siya, kung hindi naman talaga kaya ng katawan kong mag-stay. :| Frustrating as it may seem, pero no worries. Again, tapos na e. Wala nakong magagawa pa. Nalulungkot lang talaga ako. Mahirap namang sabihing masaya ako, kahit sobrang nalulungkot naman talaga ako. :( Hindi eto yung inaasahan kong mangyayari e. Akala ko pa naman. Haay. :(
3:38AM of Sunday.
No comments:
Post a Comment