12:49am of Friday.
Wow. Two days to go, and it's Christmas already. Idk what to feel, well, super mixed emotions, kinakabahan na excited at the same time. Fine, I should start with my entry tonight, wala lang. I just want you, my dear reader/s to know that, I'm writing this, not just for for heck of it, but yea, this is actually a part of my 'present' for my Bee. Well, I know that I'm not acting too much, for I know, 'eto lang yung kaya kong gawin for him', after all those things na nagawa niya for me. I'm not showy and stuff, pero, sa ganitong way ko lang nae-express nang mabuti yung sarili ko, yung feelings ko for him. Not that, I'm hiding it from him naman, it's just that, wait. Philosophy major kasi ako. Haha. Pero ano naman nga ba ang connect? Eh, basta. Ayoko lang talaga. Gusto ko, as much as possible, maging sobrang 'private' lang 'to. Anyway, the reason behind this is this 'strip of paper', I found somewhere, while having my dress rehearsals for the coming Yuletide pictorial. :)
Holiday Season e. Haha, Idk, biglang lumabas e, nagulat nalang ako bigla, well, I was actually, looking for 'this' nung isang gabi, pero, it's nowhere to find. Swear. Parang divine intervention lang, kasi naman.. Feeling ko, everything's like falling apart na naman kanina, feeling ko, pinagsakluban na naman ako ng langit at lupa, nacoconfused na naman ako and whoa. Shocks. Idk, sobrang ayoko na talaga. Pero syempre, after all, alam ko namang, at alam mo rin namang kaartehan ko lang yun. Not that I'm feeling cold towards him, pero.. Medyo ganun narin kasi 'yun e. It's just that, hello. Pasko po ngayon, sadyang malamig lang talaga ang panahon. Wag kang mag-inarte, 'Te. :)
Haha, whatever. Adrienne. Wag kang matutulog. Umayos ka, di ba nga.. You're dedicating this night, to tell your 'reader' everything? Wow. Idk kung kaya kong isulat lahat. May naiisip kasi akong gawin. I mean, feeling ko, ito na yung gabi na kaya kong isulat ang lahat e, kasi.. Aalis narin naman ako mamaya, so yea. Sige. :) Ngayong gabi ko na gagawin. Sisimulan ko na. Pero, medyo lalagyan ko ng twist yung flow nito, bahala ka nang umintindi. Haha. :) Hulaan niyo kung kanino galing tong iqu-quote kong message.. :">
7:47am- 04.19.11
'Thank you so much for the awesome night! Ang daming reason kaya talaga ako pumunta dito, pero ang totoo, gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko noon, sulitin ang araw ng kahapon, at unahan ang mga pagkakataon sa future na hindi kita makakasama. All-in-one night, di ba? Sana masayang masaya ka kagabi. Ang saya ko. Ang daming first time! Hehe. Anyway, sorry po ulit sa fail na simula, pero sana things go well between the both of us. Hehe. I love you so much.'(Hugs)
PS: Hope to see you tomorrow, and on Monday, Tuesday, Wednesday and Thursday next week.
- Hahaha. Sheet. Ayaw niya akong makita, swear. Nawindang ako nung nakita ko 'to. That's why I decided to make this night, another 'blogger night', just because of this strip of paper. Devil in disguise ba 'to or blessing in disguise? Haha, for like Idk how to react. Ang gusto ko lang gawin is, 'isulat na yung Merry Christmas blog ko for him'. Well, I started with my drama na nga sa wall post ko sakanya kanina sa Facebook. Nagpaparamdam na 'ko sa dapat kong gawin, nagbibigay ng warning kumbaga, ayoko naman 'yun, bigla bigla nalang siyang magulat sa kung ano mang drama 'tong ginagawa ko. Haha. Again, hindi po 'to drama, it's just a part of showing my gratitude, na after several years.. I know, I have found the one. ;) My matchmate. :> Yiiii. Haha, oo na. Naglalandi na naman ako, pero. Paki mo ba? May freedom of expression naman ako di ba? Kaya go lang. :) I won't be writing so much in detail na, like you know, tell everything here, pero.. Wag kang magugulat sa gagawin ko uh? Nagmememo-plus gold ako, kaya sobrang alam ko yung mga highlights ng bawat month na magkasama tayo. Well, if not for the both of us, at least para sa akin. :) So, I guess, I have to start with Wow. Ten months na pala ang nakalipas since 'it all started'.
JANUARY2011.
'First picture' namin together. Hinatid niya ako sa dorm ko. :"> Quadri countdown 'to. Haha. Sobrang 'devil in disguise' lang yung pagkikita namin. See? Parang wala lang talaga. Pero ewan, hindi 'to cliche, pero yessss, we clicked. Hanggang ngayon, kami parin e. :) Kahit sobrang daming barriers, sobrang dami na naming napagdaanan, pero.. We decided to stick together, we decided to love and be strong for each other. Siguro, kung isa sa amin, sumuko, wala nang 'kami'. Sobrang saludo ako sa lalaking 'to, kasi siya yung hindi kailanman sumuko. Kahit sobrang daming beses ko nang gustong sumuko, hindi parin siya nag-give up. At alam ko. siya na talaga. Well, another reason why I'm writing all these things tonight, is because.. Umamin na ako kay Mommy na, hindi ako in-a-relationship ngayon, pero may mahal ako.
FEBRUARY 2011
'Can I be your Beau?' Haha, amazing. Sobrang natameme ako sa sobrang sweet proposal na ginawa niya for me. Though sobrang daming lalaki na ang nakapagpropose sa akin sa past ko, 'eto parin talaga yung pinaka the best yun, yung sobrang memorable na kahit kailan, hinding hindi ko makakalimutan. February 14, 2011, naging kami na.. Officially. Grabe talaga, corny na kung corny, na-pana niya yung puso ko nung araw na 'yun e. Sobrang sweet talaga ng Bee ko. Kaya sobrang mahal ko e. :"> I guess, hindi ko na kailangan pang i-elaborate pa kung paano nangyari yung proposal niya, ayokong maiyak. Haha, sobrang unforgettable nun. Sa may pav exactly sa tapat ng UST Chapel. Yiiii. :"> Ayoko na. Kinikilig ako sa tuwing naaalala ko. Grabe talaga, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na sobrang 'out of the blue' lang nung pagkakasagot ko sakanya, like we've got tons of agreements pa, he knelt down, I held his hand, and then I told him, 'hindi pa kasi ako pwedeng mag-boyfriend e' haha, pero, with his strong determination, napa-oo niya rin ako. Sobrang.. Omg. Like, asdfghjkl. Hindi pa talaga ako ready makipag-boyfriend, pero si Jan-Michael, napana ang puso ni Adrienne sa mismong araw ng mga puso.. :"> Sa pav sa tapat ng UST chapel, sa ilalim ng makikinang na bituin sa kalangitan. :)
MARCH2011
Debut ko. Sobrang tumatak 'to sakin. The best. :) Ang tapang ng Bee ko di ba? Nagawa niya yun in front of my family. Sheeet. Idol. Omg. Sobrang kinakabahan ako, kasi baka kung ano maging reaction ng family ko towards him after doing that, pero hands down, I salute him for doing that, kasi naman. Haha, may pagkaconservative kasi yung mga elders samin, pero shocks. Sobrang nawalan ako ng hininga nung gabing yun. First time may gumawa ng ganun for me. :) Sa debut ko pa, sa harap pa ng mga taong importante sa akin.. Lumuhod sa harapan ko, in front of so many people, offering his gift, and telling the whole clan how much he loves me. Pwedeng magmura, please, haha, like you know, fucking so hard? Haha. Kinikilabutan and nagakakagoosebumps ako sa tuwing maaala ko, wow. Ngayon ko pa naisiping mag-reminisce. See, napakadami na pala niyang nagawa for me, na hindi ko lang masyadong napapansin. Ang tanga ko pala, ngayon ko lang nakita. :) Magkasama lang kami buong gabi, as in. First time na magkasama kami overnight, debut ko. :) Sa room namin siya sa hotel natulog, sinamahan niya akong kumain nung madaling araw, hinalikan ko siya sa may rear-view ng door, wow. Sobrang risky nun kasi nandun sa loob yung buong family ko. Nakita niya akong natulog for the first time. :"> Sheet. For heaven's sake, fresh na fresh parin pala ang lahat sa akin, at sobrang mapapadaldal ako dito kung patuloy ko pang aalalahanin. Ghaad. Kahit sobrang daming asungot sa paligid, okay lang, ang mahalaga, mahal ko siya. At sana alam niya yun. :)
APRIL 2011
'Ngayon lang may lalaking nagbihis sa'kin, lahat sila gusto akong hubaran'. Haha. Eto, yung Ruby days. :) Naaalala ko pa yung ka-sweetan ng Bee ko, first time may lalaking naghubad ng damit niya, para lang isuot sakin, para makauwi ako ng matiwasay. Di ba? Sobrang gentleman? Yung maiihi ka sa sobrang pagkakilig, kapag ginawa yun sa'yo ng taong mahal mo, well, kahit nga hindi mo mahal e. Haha. Mahal na mahal kita. -Happy April Fool's Day. Ito rin yung times na, 'nagbalikan' kami for the first time. Di ba? Sobrang daming beses na naming naghihiwalay, pero bumabalik at bumabalik parin kami sa isa't isa. Ito na nga ba yung sinasabi ko e, 'we won't be at our best, without each other'. Shocks, parang hindi ko kasi maimagine yung sarili ko na nagmamahal ng iba, maliban lang sakanya e. First time naming mag-date outside UST, first time naming magmovie together, yung kay Sarah and Gerald yun e. Haha, I forgot na the title, pero swear. Sobrang bagay samin yung story line, sarap ngang rumelate nun e. Hihi. Medyo awkward pa yung treatment sa isa't isa, kasi.. After that kuno break-up, eto yung muli naming pagkikita. Kinilig lang ako ng sobra, well, not just because namiss ko siya ng sobra, pero.. Narealize ko na, I'm not that complete without him. And nung month din na 'to, nakapili na ko. And siya yung napili ko para mahalin, hindi lamang for a short time.. Pero hanggang sa forever na. Well. Sana. :)
MAY 2011
'Cause the spaces between my fingers are right where yours fit perfectly'. Ito yung mga times na, feeling ko 'survivor ako' kasi naman, akala ko, I mean, akala namin, I can't survive, like you know, hmm. Sobrang dami pa nga niya sa aking bilin nun e, before going to SG, one month kami sa cyber world lang nagkikita and nagkakausap everyday, salamat sa Skype. ;) 28 days in torment ang drama ko nun. Kasi, hindi ko alam kung kaya ko bang hindi makipagdate sa ibang guys, kasi summer. :) Gustung gusto kong lumabas.. Pero hindi pwede. Wow. Ang lonely pala ng life ko nun noh? Haha. Ang poor, iba pa kasi yung klase ng relationship ang meron kami nun ni Bee e. Super happy iba na ngayon. <3 Month of April and May, were like the happiest days of both our summers. Idk. Lagi kami magkasama nun e. Oh di ba, ang dami naming pera. Haha. Nanawa ako sa movies nun, umuuwi rin ng late, para lang magkasama kami. Wow talaga nga naman o. Love find it's way. Sheet, susuungin lahat, makapiling lang ang isa't isa. :) Nakasurvive ako ng wala siya sa tabi ko. Takot pa kami parehas nun, kasi akala niya, kapag nawala siya ng ganung katagal sa tabi ko, pagbalik niya, may iba na ako. Haha, sobrang nakakatawa lang palang alalahanin.. Pero hindi niya alam, after that, 'mas lalo ko siyang minahal, and I guess, dun ko palang talaga nasabing mahal ko nga siya :D
JUNE 2011
'Let us prove to them, that we can make this through whatever'. :) Sobrang hirap nitong month na 'to for us, kasi.. Ang hirap kayang mag-aral. Tapos magkaschedule pa kami ng MWF. Shocks. Ang hirap maghiwalay, ang hirap mag manage ng time, ang hirap magbalance ng buhay. Sobrang hirap ng lahat. But, still we managed to hold on.. Kahit ewan. Nagkakagulo gulo na ang lahat sa buhay namin, sige parin kami. :) Ayaw magpaawat, iba na talaga kapag sobrang mahal niyo yung isa't isa, minsan nagiging selfish na. Ito yung month na sobrang.. 'Wow, lahat na yata'. Haha, ayoko nang magdetail per detail pa, alam na ng Reader ko, kung ano yung tinutukoy ko. Gosh. Pero, I'm not saying naman na, I have this certain remorse, it's just that, as time goes by, matutunan din naman naming imanage at ibalance ang lahat. :) Parang ngayon lang, maybe nung month of June, sobra sobra lang yung intimacy ng relationship namin. :) We cut classes just to be together, we do so many crazy things.. As in, sobrang crazy, just to prove ourselves how much we love each other. :) Yay. Ang galing galing, sobrang laki na nang pagbabago ng foundation ng relationship namin.. Habang nagtatagal, mas lalong nagiging worth fighting for. :)
JULY 2011
I received a bouquet of flowers from him, nung monthsary namin. Month of July. Sobrang hindi ko 'to makakalimutan, kasi parang ito na yata yung pinakamasaya, pinakasandali, pero pinakasweet and unforgettable naming celebration together. 7pm yung end ng classes ko, nagkita kami ng 4pm sa may tapat ng AB Bldg, dun sa may mga pav. Sobrang nasurprised ako sa binigay niya sakin. Naspeechless pa nga ako e. Wow. Kasi naman, sobrang unexpected, and you know how much I love receiving surprises. :> Sheeet. Sobrang pretty nung bouquet. No wonder, maganda rin kasi yung recipient. :"> Sa loob ng classroom, everybody's like super aware na, I'm taken. Grabe, feeling ko nga, birthday ko nung araw na 'yun e. Anyway, tuwing Fourteen naman, sobrang special ng araw ko. Parang Pasko lang. :) Sobrang unforgettable ng celebration namin, kasi we celebrated it in a different way. :) Nagreminisce kami, since then nung sinagot ko siya. Pinuntahan namin yung mga places na madalas naming pinupuntahan, nung nagbbloom pa lang yung relationship namin. Sobrang nakakatouched, sobrang nakakaiyak, lalo na nung binasa niya sa akin yung letter niya, tsaka nung inalala namin yung proposal niya nung Valentine's Day. Wow. Lahat ng 'to, sobrang fresh na fresh parin sa akin, sana.. Sakanya rin. :)
AUGUST 2011
Wala akong pictures nung pinagpuyatan kong gifts ko sakanya nung Birthday niya, ang meron lang ako, ay yung picture naming dalawa mismo nung Birthday niya, sa Pasta Plate. :"> Sobrang special para sakin nung birthday niya, kasi feeling ko.. Hindi lang naman siya yung naging masaya, super happy ako, kasi nakita ko yung result, I mean fruit nung sleepless night ko na 'yun, kahit maaga pa yung pasok ko the next day, kunwari.. Wala lang sakin, kunwari nagtatampo ako, kunwari, hindi ko naalalang birthday niya nung gabi, pero hindi niya alam kung gaano ko pinaghandaan yung araw na 'yun.. Kung gaano ako nagbuhos ng masyadong effort maiparamdam lang sakanya, kung gaano siya kaspecial sakin, hindi man yun sobrang mahal, sobrang sentimental naman nung mga 'yun. At alam ko, sobrang naappreciate niya yun, lalo na nung binabasa ko sakanya yung mga poems na ginawa ko for him. Kung kinikilig siya, well, kinikilig din ako.. Kasi sobrang masayang masaya nga ako, kasi yun naman talaga yung agenda ko for that day, ang pasayahin siya, at mafeel niya, na although malayo sa kanya yung family niya, ehhhh. I'll always be there for him, no matter what. Sinuko ko narin yung chilhood book na 'Charm School'. Haha, nagdrawing ulit ako after a long while, pero in fairness, ang saya ko, kasi kaya ko parin i-drawing si 'Mickey Mouse' kahit medyo matagal na kong hindi nakakapagdrawing. Naging sobrang sweet and makata ko dun sa mga poems ko for him 'This is no joke.. I love you' :), at yung 'vanila' hand sanitizer na may Virgo sign. :) Haha. Ghaaad. In fairness, ang sweet ko pala. Pero, take note, sakanya ko palang nagagawa yun. Ganun ko siya kamahal e. :D
SEPTEMBER 2011
September 26, pageant ko. Search for Mr. and Ms. Philosophy, well, naappreciate ko naman yung presence niya, well, in fact, sobra sobra.. Sinamahan niya ako, sinuportahan niya ako. Sobra akong natouched, we even slept together that night. Sobrang sweet lang talaga. Hay, di ba? Para kaming mag-asawa.. :"> Eh, kinikilig ako sa tuwing maaalala ko yung mga bagay na bagay na magagandang nangyari samin, eto yung month na, gosh. Nakakawindang. eto na kasi yun e, nasa 'peak kami ng relationship' namin, tapos.. Mawawala, at mang-iiwan ako bigla bigla sa ere. :) Well, wait, hindi naman yung breakup namin sa lover's lane ang tumatak sa akin nung month na 'to e, although ayon nga, at this point in time, sobrang nagfflashback, kung paano ako nasaktan at nagdusa nung mga times na yun. Pero, no. Hindi pwede. Puro masasayang moments lang yung isusulat ko dito. :) Yun nga. Kahit sobra kaming nagkatampuhan after nung pageant, the fact that we slept together, and that, I bought my favorite pasta from Yellow Cab for him. We shared the same blanket and pillow together, that made the difference, yung tipong nilalagnat na ko nung madaling araw, niyakap niya lang ako, feeling ko magaling na ako. Sobrang ikli nung time namin together, (Wow, maikli pa pala yun uh) Haha, pero.. Shut up kasi Adrienne, wag yung tragic yung alalahanin mo.. Haha. Pero hindi nga. Yun yun e. Honestly, ayokong makipag break sakanya, pero kailangan. Kahit sobrang sakit, kinaya ko. Para naman sa ikabubuti namin yun e, siguro kung hindi ko siya iniwan ng basta basta nalang, hindi kami magiging ganito ngayon. Mabuti na ngang ginawa ko yun, para parehas kaming natuto sa buhay, for the betterment naman namin yun ginawa ko e. Now, I guess, he should be thankful parin, for I did that thing. :) Pero whatever. Naghiwalay man kami for like more than a month, 'eto parin kami.. Magkasama. :"> Kami parin e. Buong buo. :)
OCTOBER 2011
Ito yung mga panahong sobrang bitter ko sakanya. Haha, ako na nga yung nakipagbreak, ako pa yung may ganang maging bitter? Ang galing ko ba? :) Haha. Ewan. Ganun talaga, ako na nga yung delete ng delete sakanya sa Facebook at Twitter at pati sa Skype, ako parin 'tong mapride, what the fuck di ba? :P Haha. Pero, ito rin naman yung mga panahong, iyak ako ng iyak sa gabi, kasi.. Miss na miss ko na siya, hindi naman sa pinagsisisihan kong iniwan ko siya, at nakipaghiwalay ako sakanya, pero.. Sobrang nasasaktan lang ako, kasi hindi ko matanggap sa sarili ko na ginawa ko yun, why do I have to do that? I guess, hindi naman breakup yung solution para maging okay ulit kami e. Meron at meron parin talaga. Kung sana nung una palang, pinagbuti na namin yung relationship namin, hindi na sana kami hahantong sa ganitong scenario. :| Gabi gabi umiiyak ako, gustong gusto ko siyang makita at makasamang muli, pero sobrang bigo ako. Nagexpect ako ng sobra sobra, bawat lalaking makausap ko sa gabi, wala lang. Alam ko wala lang yun, pampalipas oras lang, pero hindi ko naisip na masasaktan ko siya. :| Sobrang selfish ko kahit kailan. Puro sarili ko nalang kasi yung iniisip ko e. Hay. Pero, kahit at least, kahit papano naman, still, he's making a move. Dun ko napatunayan na mahal talaga niya ako. Kahit, hindi ko masyadong pinapansin at inaacknowledge. Nagbubulag bulagan kasi ako. Sorry na, Bee. :) Ngayon alam ko na. Mahal na mahal din kitaaa. :*
NOVEMBER 2011
'Love is seeing an imperfect person perfectly'. Wow. Ang tibay talaga natin. Kahit saan pa tayo dalhin ng ihip ng hangin, kahit pagbalibaligtarin man ang universe, 'eto parin tayo o. Sobrang tight at strong parin ng relationship. We're back for good. :) I know this is for good. Alam mo yung November 11, 2011? :) 11.11.11 natatandaan mo pa? Grabe. Sobrang pakipot ko pa sa'yo nung first day of school ng second semester, well, I was trying to avoid you, sobra. As in. Kasi gusto kong maramdaman mo na, 'wala na akong pakialam sa'yo, na hindi na kahit kailanman magiging tayo pa, at wala nang tayong pag-asa'. Haha, sobrang arte ko. Sobrang pakipot ko. Pero, sa sobrang pagkamiss ko sa'yo, alam mo 'yun. Isang halik lang, bumalik na sakin lahat lahat. Yung lahat ng sakit na naramdaman ko for more than a month, kinalimutan kong bigla, nakalimutan ko nang ganun ganun nalang. Iba pala talaga ang healing powers ng 'hug'. Sobrang powerful talaga. Ang gusto kong iimply nung mga panahong ito, 'hanggang friends nalang tayo, nakapag moved on na ako'. Pero, hindi ko pala kayang ideny sa sarili ko, hindi kailanman. Never again. :)) I won't let my mind decide for my heart, for I know, my heart's saying the exact opposite. Pinagbigyan ko na yung isip ko e, ngayon naman.. Puso ko naman ang pagbibigyan ko. Gusto kong maging masaya kasama ng taong mahal ko e. :) At least ngayon, alam na namin kung ano yung tunay naming priority, well, ako naman.. Matagal ko nang gustong ipaintindi sakanya yun. At finally, nagtagumpay naman ako. Ang gusto ko lang naman, kapag bakasyon, sa'kin lang siya. :"> Hihi. Kasi kapag may pasok, wala rin akong panahon para sa boyfriend. Alam niya yun. :)
DECEMBER 2011
Sobrang amazing lang talaga, we've gone this far na pala.. At isang buwan nalang ang isusulat ko, matatapos na 'tong surprise blog ko for my Bee. :D Sana lang maappreciate niya kasi more than 3 hours ko tong ginagawa, medyo namamanhid na nga yung mga fingers ko, katatype e. But since, eto na nga lang yung kaya kong gawin for him, nilulubos lubos ko na. Natutuwa lang kasi ako, hindi ako makagetover. :) Sa mga panahong ito, dapat sawa na ako sa kanya, dapat wala na akong pakialam sakanya, dapat hindi ko na siya pinapansin.. Pero, parang ngayon palang umuusbong yung lahat, wow naman. Ganito ba talaga, kapag you, started like.. Out of the blue lang, yung wala pa talagang love in the first place? Yung habang nasa relationship ka lang nadevelop sakanya? :) Nakakakilig pala. Ngayon ko lang 'to naranasan, after so many trials, ngayon lang ako naging ganito kasaya. :) Idk kung paano ko ie-express yung gratitude ko sakanya, kasi.. Siya yung 'taong' napili kong mahalin nang ganito. Not that I'm giving my 100% percent love, pero nabago kasi niya yung paniniwala ko when it comes to relationship e. In nature, he has been like my constant believer na.. I can do this, I can do that in time. :) Sabi ko naman kasi sakanya, kaya ko e. In time. At eto na nga yung time na 'yun. Sana naman contented na siya sa love na binibigay ko sakanya, hindi naman ako yung tipo ng girlfriend na nagrarant ng so many things, hindi rin naman ako yung sobrang selosa na nangiinterrogate kung saan nagpunta and stuff. Haha, hindi ko yun ginagawa, nor hindi ko yun gagawin sakanya.. Wala lang, ang rude lang kasi e. Alam ko naman yung limits ko. <3
At ngayong December na tanggap na siya ng mga kaibigan ko, isa lang ang wish ko.. Sana matanggap na ulit siya ng pamilya ko para sakin. For like, I talked to Mom alreadyyy. Sabi ko, 'May mahal na ako, at gusto ko, in time, kapag pwede na ulit akong magboyfriend, gusto ko siya parin yung mamahalin ko at magiging boyfriend ko'. Kahit tinanong ako ni Mom, kung bakit ko daw hanggang ngayon mahal ko parin siya'. Hihi. 'Hindi ko naman na kailangan pang i-explain yung side ko, I mean, alam ko na alam ni Mom, kung ano yung nararamdaman ko for him. Tinatanggap ko naman na, for now, hindi pa kami pwede. Pero sana pagdating ng panahon, siya na talaga. Mananalig ako, maniniwala ako at patuloy akong magmamahal. Kahit pa masaktan ako ng paulit ulit. Ayoko namang maging martyr, pero. Basta, kapag nagmahal naman di ba, kasama na talaga yung sakit, so.. I'm willing to endure every pain, para lang sakanya. At unti unti ko naring natutupad yung pangako ko sakanya noon.. 'I will tell the whole world, and I will show to them, how much I love you' :)
This Christmas, I don't think I have to ask Santa for a material gift na, for I know.. I'm blessed with so many things. Nor, I don't need to ask God for 'more', for I know, these are all enough, for me to say that 'HE loves me' :) So far, I guess, wala na akong mahihiling pa. But, I won't be a hypocrite naman, it's just that.. I want HIM to continue showering me with these unending blessings. Love for my family and friends. Ito talaga yun, feeling ko tuloy, sobrang 'stable' na ng buhay ko. Good health, wealthy and happy living, sobrang saya ng buhay ko. :)
I'm more than happy this 2011, for like, I'm happy with my relationship with my family, friends, boyfriend.. And most importantly, to the Father Almighty. <3
3:29am of Friday. Hindi na ako nakatulog :)
#2011, Thanks for making me a better person. :) 'I can't ask for more' :)
#Ten months of countless and immeasurable love
-year-end-blog-entry :)
No comments:
Post a Comment