MOOD FOR THE DAY: FEELING AND ACTING LIKE A CHILD~
I AM HAPPY I'LL ALWAYS BE CHILDLIKE AT HEART
Isang na namang nakagigimbal na araw para sa akin. Nagising ako ng bandang alas nuwebe imedya ng umaga, samantalang ako'y natulog na nang pasado alas singko kaninang umaga. Naalimpungatan at naalibadbaran na naman ako ng aking mga naririnig sa aking paligid. Nag-uusap na naman tungkol sa di na natapos na isyung matagal nang pinoproblema sa pangkasalukuyan. Nakakabingi, nakakapagod makinig. Nakakapagod umintindi. Hay. At ngayo'y magtatapat na naman ako, at magbubuhos ng aking emosyon at saloobin sa'yo, pinaka pinagkakatiwalaan kong, blogspot. ;) Hay naku, di nako napayapa. Marahil nga'y di ako mapapayapa at mapapanatag hangga't di ko 'to nailalabas lahat. Kahit anong gusto ko kasing gawing pag-intindi, at pagpapaintindi sa taong nasasakdal, hindi rin naman niya maiintindihan, kasi di nya sinusubukang intindihan. Kumbaga sa realidad ng buhay, ayaw nyang aminin sa sarili nya kung sino ba talaga siya. Naaawa ako, pero sa tingin ko, di na yata tamang kaawaan ko pa siya, hindi bale sana kung tunay siyang nakakaawa. Marahil nga siguro't nakakaawa siya sa buhay na meron siya, pero hindi yun sapat na dahilan para bigyang simpatya ko siya, kung siya naman ang gumagawa ng paraan para sirain at alisin at kahit papaanong awa na nararamdaman ko para sakanya. Sa totoo lang, di mo rin maiintindihan kung sino ang taong inilalarawan ko dito, sapagkat mahirap magsiwalat ng pangalan. Hindi ko alam kung sino at hanggang saan aabot ang sinusulat kong ito, hindi ko rin naman malalaman kung sino sino at kung mababasa rin nya ba ito. Ngunit, hanggang sa makakayanan ko, ayokong makasakit ng kapwa, lalo na't mahalaga pa siya sa akin. Lalo na't ang turing mo sakanya'y isa mo naring kapatid. Ngunit, sa mga nakikita't naoobserbahan ko ngayon, panahon na siguro para tanggapin nya ang katotohanang.. Kahit kaila'y DI SIYA MAGIGING AKO. Na kahit ano pang pagkukunwari ang kanyang gawin, hindi niya ako maduduplika. Dahil, nag-iisa lang naman talaga ang isang ako sa mundong ito. Sabihin na nga nating, kaya nya akong kopyahin, mga damit, ayos at kulay ng buhok, mga kagamitang ninanais ko, unibersidad na pinapasukan ko, mga lalaking ginugusto at minamahal ko, pangarap sa buhay, atensyon ng mga tao sa paligid natin.. At lahat na nga yata ng bagay na meron ako, gusto mo'y pasa'yo rin. Gusto mo ring makamit! Ngunit di mo ba naiisip na. KASAKIMAN na yung ginagawa mo? INGGIT AT POOT sa dibdib ang mayroon ka. NAKATANIM na sa utak mo na. Maganda ka at MAS maganda pa sa akin. Pero ingat lang, nagkakamali ka yata. Masyado nang lumalaki ang ulo mo. Baka naman sa paningin mo lang yan. Nakatatak na kasi sa'yo na MAGANDA ka. Eh, paano pala sa tingin ng iba? Baka ikaw lang ang nagsasabing maganda ka? Kawawa ka talaga. Hay, sana naman maisip mo na mga bagay na to hanggang maaga pa. Gusto sana kitang proteksyunan, pero.. Ikaw narin naman ang sumisira at nagtataboy sa akin palayo. BINUBUTAS at SINISIRA MO ANG BUO AT MAGANDA KONG PAGKATAO. Bakit naman ganyan? Ang sakit e. Ikaw pa. Ikaw pa na tinuturing kong isang kapatid? Ang saklap pa lang isipin na.. IKAW pa. ;( Ikaw pa ang gagawa ng mga ganitong bagay sa akin.
Pero alam mo, at sana malaman mo.. Isa lang naman ang hangad at tanging hiling ko e, para matuldukan na kung ano mang hidwaan mayroon sa atin ngayon, sa totoo lang.. Di naman ako nagagalit sa'yo o nakikipag kumpitenya sa'yo e. Pero sana tigilan mo na yang paghahangad pa ng MAS sa kung ano mang nakikita mo sakin. Pwede ka namang makontento nalang sa kung ano mang bagay mayroon ka di ba? Bakit ba kailangan LAHAT nalang ng mayroon ako, gusto mo, mayroon ka rin? SAKIM KA NA BA TALAGA? Ganyan ka na ba kadesperadang maging ISANG KATULAD KO? Nakakaawa ka. Pero sana naman, isa lang o. Isang pabor lang naman e. GUMISING KA NA SA KATOTOHANAN, tama na ang pagpapanggap. Tama na ang panloloko sa mga taong ikaw ay AKO. MAGPAKATOTOO KA NA. Huwag mo sanang pilitin ang sarili mong maging isang katulad ko. Akala mo siguro magkatulad na tayo, porket nagagawa mong makipagsabayan sa mga trip ko sa buhay, pero.. Sobrang layo, malayong malayo e. Kahit gaano pa kita kamahal, kung ganyan ka naman sa akin at patuloy mo paring gagawin yang panloloko mo sa ibang taong.. Sosyal ka, magaling ka, maganda ka, matalino ka, sikat ka? Di ka matatahimik. Di ka kailanman magtatagumpay sa mga pekeng kredensyal na pinilit mong itatak sa isipan mo. Kung ako sa'yo. TAMA NA. Maawa ka sa sarili mo. ;(
Sana naman, tigilan mo narin yung pakikipag malapitang loob mo sa mga dati ko nang naging karelasyon, tapos na kami e. Wala na kaming koneksyon pa sa isa't isa. Ngunit bakit naman ganun, patuloy ka paring nakikipag malapitang loob sa kanila? Alam ko namang may lihim na pagtingin ko dun sa isa. Pero sana, wag mo naman akong bastusin. Delikadesa naman. Hindi ka ba tinuruan ng magulang mong, kapag naging karelasyon at minahal ng lubos ng kaibigan mo. WAG MO NANG PATULAN PA. Ang pangit kasing tingnan, HINDI KA BA NAHIHIYA, or sadyang wala nalang talagang natitirang kahit isang maliit na piraso ng PAGKAHIYA diyan sa pagmumukha mo? Hindi ako nagseselos o kung ano pa mang emosyong dapat maramdaman. Hindi narin naman ako nagagalit, di katulad ng pagakagalit at pagkapoot ko sa inyong dalawa ng hayop na yun kagabi. SA HARAPANG PAMBABASTOS na ginagawa ninyo sa akin. Pero sana.. Naisip MO rin naman na, RESPETUHIN AKO. Wala na kami o, wag ka nang makipaglapit pa ng loob. ANO BANG GUSTO MONG MANGYARI? Ganito lang ang lohika dyan e. Mahal mo yung matalik mong kaibigan, pero sa di inaasahang pagkakataon, nalaglag ang kalooban mo sa kasintahan niya.. Nung nalaman mong hiwalay na sila.. PAPANGARAPIN MO BANG PASA IYO YUNG EX NIYANG MAHAL MO NARIN, PERO ALAM MONG MASASAKTAN NG SOBRA YUNG MATALIK MONG KAIBIGAN SA GAGAWIN MONG PAGPATOL SA HAYOP NYANG EX O TUTULUNGAN MONG IPAUNAWA AT IPAINTINDI SA MATALIK MONG KAIBAN NA TULUYAN NA DAPAT NYANG BURAHIN SA PUSO'T ISIP NYA ANG ISANG NAPAKA WALANG KWENTANG LALAKI? Yun lang analohiya. Kung tutuusin, di mo siguro maiisip ang aestetika ng kung ano mang pinagsasasabi ko dito. Eto lang yan, sa simpleng salita.. MAGKAROON KA NAMAN SANA NG DELIKADESA. NAPAKABABOY KASI NG PAGTAO MO E. ANG BABA NG URI MO. NAKAKAHIYA KANG MAGING KAPATID (?)- Ginamit ko nalang ang salitang kapatid para pagtakpan ang kung ano mang salitang dapat makabubuo sa pangungusap. Nais kong wakasan ang sulating ito sa pagsasabi sa'yo na sana magbago ka na. GUSTO KO SANANG IPAMUKHA SA'YO NA.. Magkaroon ka sana ng sariling personalidad, hindi yung pilit mo akong kinokopya. Patawad na, di ako pwedeng IDUPLIKA e. Dahil nag-iisa lang ako sa mundo.
PAHABOL NA SULAT: Huwag mo nalang din sanang gawin ang kung ano mang pinapangarap mong gawin.. Ibig ko lang namang sabihi'y kung may lihim kang balak na makipagmabutihang loob sa kasintahan ko ngayon, ibang usapan na 'yon. BAKA MAPATAY NA KITA. ANG LANDI MO KASI E. Tigilan mo na panghihimasok sa buhay ko. Sa buhay pag-ibig ko. Ano ka ba? PAPEL KA BA TALAGA? Adribida ka kasi e! Sa bagay, pwede ka namang pumapel e. PWEDE KA NAMANG MAGING THIRD WHEEL. Hahahaha. Di ako makagetover. Kawawang kawawa ka. Well, goodluck nalang sa mundong papasukin mo ngayon! Tama na ang pagpapansin uh, NAKAKAIRITA AT PANGIT TINGNAN. Nagmumukha kang trying hard. NAKAKAHIYA sa mga nakakakilala sakin, baka kung ano pang isipin. ;)
-Ayan, medyo ayos nako. Nakahinga nako ng maluwag. Nailabas ko na lahat e. Sabi ko na nga ba.. SORBETES LANG ANG KATAPAT KO E. :) Oo, sorbetes lang naman kasi ang katapat ng isang mapagmahal na batang katulad ko e. :)
No comments:
Post a Comment