Wednesday, January 26, 2011

SAGING LANG! SAGING LANG ANG MAY PUSO

Haaay. Litong lito na talaga ako. Gulong gulo nadin yung isipan ko. Napakaraming bagay ang tila baga'y sumisira sa aking pagkatao. Unti unting gumuguhit sa manipis, mapusok at malubha kong damdamin. Ewan, marahil ay namiss ko lang ang pagbblog. Ang tagal ko na yata tong di ginagawa, ang tagal ko na yatang nagpipigil maglabas ng aking saloobin, kaya siguro ako nagkakaganito ngayon. Hirap na hirap na talaga ako, yung pakiramdam na gusto ko nalang isuko ang laban ng aking buhay. Alam ko mahina ako pagdating sa mga pagsubok na bigla bigla na lamang dumarating sa aking gunita. Ngunit naisip ko, "hindi ba ako nagiging duwag sa mga ginagawa kong ito?" Bakit nga kaya hindi ko kayang ilathala sa nakararami ang tunay kong saloobin, bakit kailangan kong itago at ikulong ito sa bawat ngiting iyong makikita sa aking mukha? 


Minsan naisip ko, "BAKIT BA KASI ANG TAAS NG PRIDE MO, SAB?" Simula't sapul naman, yan lang ang naging problema mo e, bakit di mo subukang bumaba man lang para sa ikabubuti ng mga tao sa paligid mo? Hindi puro nalang sarili ang isipin mo, masakit yun. Nakapapaso ng kaluluwa; nakapagdudulot ng malubhang sakit: Kayabangan o pagiging MAHANGIN at PRESKO. Oh, hindi naman sa sinasabi kong mayabang ako, kasi kahit kanino man sa mga kaklase ko ngayong Kolehiyo ang tanungin mo, marahil ay sasabihin nilang hindi. Kasi naman, sinusubukan ko nang magbago, ngunit kahit ano yatang gawin ko, meron paring nagkukubli sa aking isipan na.. Ay oo, magaling ako, matalino ako, kayang kaya ko ang lahat ng bagay, kahit hindi ako humingi ng tulong kanino man. Marahil ay laging ito at ito na lamang ang tumatak sa aking isipan, kaya hanggang sa ngayo'y di parin ako lubusang nagbabago.. Hindi kaya't panahon para isaalang alang ko naman ang kagustuhan ng iba, hindi na lang puro yung KAGUSTUHAN KO NALANG?

Malapit na. Nararamdaman ko na ang pagbabago. Pagkatapos ko yatang makadama ng pagkadapa nung isang araw, (yung pagkadapang, wala si Mommy, yung walang sumalo sa akin at nagdalawang isip muna ako bago ako umiyak) Sabi ko, ito na talaga 'to. Panahon para sa aking tunay na pagbabago.. Ilang linggo nalang, magiging ganap na babae na ako. malapit na akong dumating sa punto na tatawagin akong isang tunay na miyembro ng Republika ng Pilipinas. Kailangan ko na tong panindigan. :)

No comments:

Post a Comment