It's finally over. Temporary vacation, Christmas vacation. Here I come, I've been waiting for you since then the month of December appeared on my calendar. Oh well, Thanks for at least giving me this some sort of relief. I badly need R-E-S-T. As in a full time rest, see. I am too much preoccupied with unnecessary stuffs unconsciously succumbing my entire being. :) You're beautiful, oh. I mean, your sweet, hot and flirty look. Di ko mapigiling di tumitig sayo e. :* (HAHAHAHA. Shit. Ito ba naman kagad ang marinig mo galing sa kanya? Kinikilig ako. OMG!!! =)))) Just like the usual practice, I have to blog about everything that happened the past week. My last memories with the year, 2010. So, continue ready, baby if you wish to know what had happen. :)
MONDAY
I do not have the courage yet, for I believe I have a tons of things to do. I actually have this plan of going to Timog, spend my day with a friend. But, all of a sudden. Bye. I have to attend a dance practice. For the next day will truly be the day of performance. Hit the floor, babe. Somebody's awfully tired, this is how the story flows. After class, Jenn and I went to somewhere in Dapitan to feed our hungry bellies. My first time to eat rice, after a month. Haha. (Grabe. Di ako makatanggi kay Intsik eh. Nahiya naman ako. Okay. Sira na ang diet.) Have to admit it. Haha. It's actually quite hard for my part. But, I love the mouthwatering taste of the food. :) But oh. Still, have to start practicing at around 2PM. My bad, nobody's there yet. (Alam mo naman, napaka Filipino time ng mga tao) Kuya Fred was there, we talked about stuffs since we can't pursue with our practice, (Ano magagawa namin? Tatlo lang kami?) We accompanied Jenn near the Grand Stand to claim her P.E. uniform and so was that. We stayed at the Q Park til 5:30 PM. Changed our dance, changed our dance. (Tatlong beses yata. Ang hirap magdecide kung ano ba talaga yung sasayawin namin e) Because the word's keep on spinning, spinning around. :p So it was getting late already, my feet are actually killing me. So I decided to go. I was awfully tired. Leave everything hanging. (Bahala na si Batman) I told myself. *Fingers crossed*
TUESDAY
Somebody's not on her real existence today. Somebody has just transformed. Would you imagine? She didn't take her recitation seriously. Well, it was for the first time. (Magloko ba naman daw sa harap, di na nahiya. Haha. Pasalamat ka, mahal ka ni Ma'am Tangco. 1.25 pa yung grade mo, oh next time kasi. Wag nang gagawa ng kagagahan ah. XD) However, still. Nothing's new. I have to wait for 3PM to fall right after our 1PM dismissal. Since I left everything hanging yesterday, we're all on a blank state on what's gonna happen with our performance. I was a BIT nervous. I told Sir Ancelmo about all our problems. (Naiinis na kasi ako e. Bigla na lang ang dami ko ng kagroupmates, puro lalaki pa. How come? E akala ko 10 lang ang maximum sa isang group? Nagulat pa ako. Kasi saan sila nanggaling? Bigla na lang sumusulpot? Urg. BV talaga.) So 'twas the turn of getting picking! Teeeeennnnn. Group 5 picked number 1 (Masaya to e. Di ba? Maganda talaga e! Di nga kami prepared, kami pa yung nauna. Fate nga naman. Maraming salamat ah. Haha) But still, I was on the verge of my happiness. I can't imagine I got the highest grade. Line of 1 pa. :) (I thought I have a pair of two left foot. :p) Very thankful. Then, after we went to somewhere in P. Noval, bought this Strawberry flavoured yoghurt shake. So yummy, in all odds. (Pero, I swear. Di ako makagetver. Bangag na bangag ako ngayong araw na 'to. Parang nawala lahat ng pagkaseryoso ko sa buhay ah? Magbihis din daw ba sa isang napakadilim na lugar malapit sa Male's room? Grabe. Haha. So ayon nga. Di ko mapigilan mga ginagawa ko. Haha. Pero, ang alam ko. Sobrang saya ko.) When I arrived our dormitory, I told myself, I have to regain my mood for studying, I hurriedly checked for my books get my notes in English and Literature, for I believe we'll be having a quiz the next day. (Umakyat na ko sa 7th floor dun sa may study hall. Di na kagulat gulat na wala namang tao dun, hindi naman kasi Prelims kaya konti o wala talagang nag-aaral dun.) Then I felt anxious, my heart seemed to fell. I do not know why. (Di ko na talaga kinaya e. Kaya ayokong maging sobrang saya. Kasi naman, sa tuwing nagiging masaya ko, di pumapayag yung luha ko.. Tumutulo na lang bigla bigla nang di ko pa inaasahan.) The reason why I cried is simply because.. Simply because of you. I have to keep the reason privately. :|
WEDNESDAY
Today's the start of the Paskuhan Mass. I went home early after class. For I was sick, emotionally. I have to prepare myself for the full acceptance for the coming of the Child Jesus. (Depressed ako. Hindi natuloy yung mga quiz na nireview ko pa para kahapon e. Di ba? Sana pala, di na lang ako nag-aral. Di naman pala papasok yung mga prof namin, haha. Sana kasi di ba nagsasabi sila na di pala sila papasok para di ako nadedepressed nang ganito? Urg. Dapat itinulog ko na lang sana yung mga oras na yun.) Anyway, I fell asleep for about 3 hours. Woke up at 5PM and hurriedly went to the Arch of the Centuries to meet my friends. (Ang tagal di naming naghintayan ah. Almost 30 minutes din yata yun.) So medyo dumidilim na nga. Naaasar pa ko sa mga nakikita kong tao. Joke, haha. Di naman sa naaasar. Basta, past is past na kasi e. Ayoko nang maalala pa. Kaya ayon, I decided na magpanggap na lang na di ko sila nakita. The mass started past 6PM, I was with my blockmates, for I looked around the place, and puffed. I saw a tall guy, with that shape of his head. I got intimidated and curious so I come closer. Then when I was sure about that it was really him, I covered his eyes. (And ayon, siya nga.) Decided to stay with him and with other friends, masyado kong namiss e. By the way, wala nga pala akong FOOD STUB. Pero salamat sa nagbigay. Haha. Then, after nung Mass, we're all hungry. Ang haba ng pila para sa free food ng Max's e. Sabi ko sa kanila, wag na kami pumila, bumili na lang kami ng food sa labas. Sabi naman nila, sayang naman daw. So ayon. Nagtyaga na lang kaming pumila. Haha. It was already past 9PM for I have to go home, somebody texted *him* asking a favor from him na ihatid ako sa may Dapitan. Wag akong papabayang mag-isa sa dilim. (Syet. Kinilig na naman ako. Hahaha.) Pero, ewan. 10PM na nga, naligo pa ko ng matagal. Hoooo. =))))) :*
THURSDAY
As expected. We won't be having our quiz in Math anymore, for we had this votation system yesterday through text. And yea, as expected majority of the class voted for NO. So, no choice. The quiz was moved by next year. (Grabe. Bakit kapag sinabing next year parang napaka tagal? E ilang linggo na lang naman yun. Hmm, to be exact, 2 weeks lang yata. Tapos, tadtad pa ko ng gawain. Maganda talaga to.) We do not have any class except for Logic, then for almost 3 hours, we were like staring at each other. Hahaha. (Hindi, seryoso. Nakatanga lang talaga) Then, somebody invited us to have a game called Ninja. Actually, at first I hate to play such, cause I believe it will only cause too much noise. But once I joined, yea. It was totally awesome. Share lang. (Hindi talaga ako sanay sa ingay, naBBV ako sa mga kaklase ko nung mga nakakaraang buwan, kasi naman. Oo na aaminin ko masyado kong focused sa pag-aaral. Pero, narealized ko through their help, na hindi lang pala dapat puro aral. Kailangan din ng social life. Yung hindi mo lang papaikutin yung mundo mo sa iilang tao. Mas marami silang makakapagpasaya sa'yo. Kung bubuksan mo lang ang puso mo. Then ayon, they were so right nga. :) Kung dati, I hate noise, ngayon love ko na. Pero sana maging tolerable lang. Kasi kapag sobra na. Ayoko narin. Kapag may class, pwede bang learning noise na lang? :) Ilugar na lang natin! Please. Pero, I love my Philosophy friends. Sobraaaaaa. =)) After Math class, I went back straight to our dormitory. Kailangan maaga ko kasi my roommates and I will be going to Divi, bibili ng mga pang souvenir sa friends. Pero bago pa kami makarating, oh my! Super hilong hilo na ko. Kakaiba yung usok e! Babala: Nakamamatay ng brain cells ang usok ng sasakyan, kaya kung ayaw nyong mabobo. Matutong magtakip ng ilong. =) BTW, guess what? I have with me P1500, akala ko makakabili ako ng maraming items knowing the price. So ayon, naghiwahiwalay muna kami para makabili ng maayos. I have to keep quite a distance sa kris kringler ko. :) Si Jonah. Haha. I bought her a chick top. Ang cute! Nagustuhan ko. Super, and then bumili din ng pang exchange gift para sa room, sige na. Wala narin namang thrill e! Spoil ko na. Si Tonton nabunot ko. :) Excited ako to give him the stuff I bought. Konting ikot pa, sukat dito, sukat doon. Pili. Pili! Pagtingin ko ng wallet. Tumataginting na P70 na lang ang natira. Wow sakto. Pang McSaver meal na lang yung P50 ko. At yung P20 ko naman, pamasahe pauwi na lang. :) So okay na. Ang damot ko talaga. Hahaha. Puro pang sarili ko na naman ang nabili ko. Ayon tuloy, kulang yung nabili kong pangregalo sa friends. Hahaha. Anyway, I went back to Tokyo Tokyo already to meet them, so Jonah was there already. Then, Pam and Crissa. Pero, wala pa si Ate, so we decided to go to Sakura. Check for some accessories, ayon. Marami din namang cute. Nagtext na si Ate Myka, so Jonah and I decided to go back to our meeting place. Iniwan na muna namin sila Crissa dun. I was so hungry after, my belly sounded like growling.. Haven't eaten my lunch e. We waited for quite some time, we were looking for the two, pero they were just like, no response. So, ayon. Di na talaga namin mapigil yung gutom. Hahaha. Jonah and I bought our food from McDonald's. Winner na sa McSaver's Meal. :) Then, si Ate sa Chowking. Hooo. Then fine, back to reality. I checked my coin purse. Bye P50. Naiiyak na yata ang P20 ko. Nagiisang paper bill na lang sya dun. Hoho. Napala ko, shopaholic much e. Anyway, I accompanied Jonah naman to buy stuffs para sa mga reregaluhan nya, nasuyod na naman ang buong Divi. And finally! Nakabili na sya. Winner na. Buti pa sya, hahaha. Kumpleto na. Twice pa naming nakasalubong sina Crissa and Pam. So ayon, hanggang sa tapos na kami ni Jonah. Have to go back upstairs to meet Ate, pero nakasalubong namin sya sa escalator. Kaya no worries, hintay na lang dun sa dalawa. Gracious goodness. Ang tagal yata nila. Medyo natagalan talaga e. Haha. Anong petsa na wala pa sila. So anong ginawa naming kagagahan ni Jonah? Nakaupo nga kami sa mga escalator diba? Namalimos at naglaro nalang kami dun. Hahahaha. Hanggang sa 8:30PM na, tapos na mamili sila Pam at Crissa. Nagkita kita na lang kami sa may Mister Donut, tapos umuwi na. Nung pauwi na kami. Sobrang traffic padin. NakakaBV, ang init pa. So, dinaan na lang namin sa saya, kulitin sa jeep. Hanggang sa di ko namamalayan, may katabi na pala akong gwapo. Pagbaba nalang namin saka ko narealized. Haha. Kung hindi pa nila sinabi sa akin. XD
Pagbalik sa dorm.. Kanya kanyang balot muna ng gifts. Bawal ang silipan. Secret muna. Haha. Bawal makita! Pero, since hindi nga ako sanay magbalot ng maayos, I seek the help of Ate Myka, wala naman na kasi syang babalutan kasi nakabalot na yung kanya. :) So ayon, while she was doing the wrapping thingy, I have to keep myself busy preparing for our Christmas party. I asked Rm. 5-2 for at least 25 words for our Pinoy Henyo game. Tik tok, tik tok.. Hanggang sa pumatak na ang 9:30PM. We have to start with our Christmas party na. Masaya at maingay naman, kasi may speakers si Pam. Saksak lang ng iPod. :) Inusad namin yung bed ni Ate dun sa may mga cabinets, para maluwag yung area sa gitna. So my bed was like a mess. Mt. Pinatubo sa dami ng kalat! Urg. Actually lahat naman pala kami. :)
First game: NINJA. Lahat kami participants. Si Ate Myka, Carla, Crissa, Pam, Jonah and ako. :) Hustler kami ni Jonah e. Contenders. Hahaha. Then at the end of the game, She won. Fierce kaya, so sobrang pagkalikot ko, I fell off pa. My precious. Haha. FIERCE nga e.
Second game: PINOY HENYO.
1st pair: Pam and Jonah; 2nd pair: Ate and Saab; 3rd pair: Crissa and Carla. :)
Tiga tanong: Jonah, Saab and Crissa.
Tiga sagot: Pam, Ate and Carla.
Sobrang saya nung laro. Ang tagal din namin sa game na to. Kakaiba yung mga words eh. Benta much! I won't forget the word: TIERRA LINDA, TILES. Di ako makagetover e, ahaha. Nakakahiya. Kasi naman. XD Ang fierce. BONGGA. Pero at the end of the game.. It was a close fight!..
2nd pair won: AKO SAKA SI ATE! :) YEY! KITKAT, POLVORON and PASTILLAS yung price e. :)
Third game: BUNONG BRASO.
Round Robin ang laban. Kailangan makalaban ng bawat isa ang lahat.
1st game: Crissa vs Carla. W: Carla. L: Crissa.
2nd game: Ate vs Pam. W: Pam. L: Ate.
3rd game: Jonah vs Saab. W: Jonah. L: Saab.
Winners: Carla, Jonah and Pam.
Losers: Crissa, Ate and Saab.
At the end of the game:
OVERALL CHAMPION: PAM.
OVERALL LOSER: SAAB.
Oo na sige na, haha. Ako na zero ang score. Sabi nga ni Pam. Yan kasi napapala ng hindi kumakain. Hahaha. Kawawa naman pala ko, wala akong enerhiya sa katawan. Ang lakas ni Carla. Sobra, napaka fierce. Si Jonah din! As in like, yea. Unbeatable talaga si Carla. Di ko makalimutan e. Si Ate, pwede narin. Si Crissa akala ko mahina. Akala ko talaga ako mananalo e. Pero, duh. Loser much talaga ko. Wala akong naipanalo. Hahahaha. Ang saklap.
FOURTH GAME: BRING ME
First player to get 5 points siya ang panalo! :) Kailangang bumawi e. Hahaha. Mahina nga ako. Pisikal lang yun. Hoho.
Gross part.
Pam: Bring me a BRA!
Saab: Yuck. Gross, pero seryoso. Bra ba talaga? Hahaha.
At the end of the game: I won. =))
FIFTH GAME: TOUCH ME NOT GAME
Ang mechanics, lahat kami nakablind fold. Kailangan mahulaan namin kung sino may-ari nung bagay na ipapahawak sa amin. Ang saya ng feeling kapag kahit hawak mo palang dun sa bagay alam mo na kung kanino. Dito namin nalaman kung gaano na talaga namin kakilala ang isa't isa. :) Si Ate yung nagfacilitate nung game.
TIE BREAKER: Saab vs Crissa.
At the end of the game: Panalo si Crissa. =)
SIXTH GAME: PAIR MEMORY GAME
Pair 1: Pam and Saab
Pair 2: Crissa and Ate
Pair 3: Carla and Jonah
Everything went well naman. Mas lalo ko pang nakilala yung mga karommates ko, nalaman ko na.. May mga bagay pala na hindi ko pa lubos na alam tungkol sa kanila kahit napakatagal na namin magkakasama. :) Wala nading winner. Kasi napagdesisyunan na sharing na lang ang mangyari.. Medyo lumalalim nadin kasi yung gabi e, antok na din..
Around 3AM na. Gising padin kami. Highlight na ng party.
EXCHANGE GIFT.
Jonah: Saab
Saab: Jonah
Grabe. Bonggang exchange gift talaga nangyari sa aming dalawa. Kaya naman pala, secret secret pa kami kanina habang kumakain sa Divi kanina e. Hahaha. Ang cool. She made me cry, like a lot. Same kaming damit yung binili para sa isa't isa. :) PERFECT FIT PA YUNG NANGYARI. So, talagang magagamit. :) Message giving para sa isa't isa. Then, para dun sa nabunot. :)
Pam: Ate
Nagustuhan ni Ate Myka yung gift ni Pam na dalawang necklace. :) Kaya super happy din lahat. :)
Crissa: Carla
HELLO KITTY yung bigay ni Crissa kay Carla. Kitang kita ko din yung ngiti sa mga mata nila. Sobrang masaya. :)
Carla: Pam
Stuffed na pillow na pink yung gift ni Carla para kay Pam. Bone yung shape. Since mahilig nga sa pink si Pam, nagustuhan nya rin. :)
Ate: Crissa
Magic pillow at cute na container yung gift ni Ate kay Crissa. Sobrang cool. :)
Then, si Ate Myka nga yung huling nagbigay ng message. Eto na po, tumulo na luha ng lahat. Biglang nagsink in sa bawat isa isa amin na konting panahon na lang, magkakahiwahiwalay narin kami. :( Lalo na si Ate, kasi ggraduate na sya.. :( Inisip ko nalang tuloy na joke lang lahat ng nangyari. Nagbibiruan lang kami. Ganun, kasi iba na talaga yung turingan naming lahat sa isa't isa e. Mas close pa sa bonding ko sa mga kaklase at HS friends ko e. Basta. Iba talaga. As in total sisters na talaga. :) Super iyakan kami.. After nga naman ng kasiyahan, may kalungkutan. Reverse psychology. Bakit nageexist ka pa? Hmmm..
So, time check: past 4AM na. Kailangan na naming matulog. Nakalimutan kong may pasok pa pala ko ng 7AM, at may practical exam pa ng swimming si Jonah ng 9AM. Maganda talaga to e. Hahaha. So ayon. Nag-alarm ako ng 7AM, sabi ko kasi, magpapalate na lang ako sa party. Since party na lang naman yun, nagising nga ako pero pinatay ko lang din yung alarm ko. Di kaya nung katawan ko e. Masyadong napagod sa party kagabi. :) Nagising na lang ako ng 11AM, tapos na yung party ng block. Ayos talaga yun di ba? Haha. Kawawa naman yung nabunot ko. Wala siyang natanggap na gift. Pero. May nabili naman ako e. Haha. Sa January na lang. :)
PASKUHAN sa hapon. Separate blog ang gagawin ko dun. :)
Ito na lang muna. Monday-Thursday. Marami din kasing naganap nung Friday e. :)
ABANGAN! :)
No comments:
Post a Comment