Thursday, March 18, 2010

Happy Birthday to ME

March 16, 2009


-BIRTHDAY-

ayon. thanks sa mga bumati at nagbigay ng gifts sa akin, sobra akong nagulat. sa mga taong ginawang posible ang araw na ito, lalo na sa mga kaklase, kaibigan at mga guro ko. promise, sobra niyo akong napasaya. hindi ko nga talaga maexplain kung gaano ako kaligaya ngayon. sobra nga akong nashocked na. almost everybody knew that it's my birthday today. kung alam niyo lang guys, ewan ko. feeling ko talaga, i really couldn't ask for more. sobra-sobra na siguro ang mga biyayang natatanggap ko sa aking pang araw-araw. hmm. one thing lang siguro na hindi ko makakalimutan ngayong araw eh. nung AP time, kasi. kinantahan ako ng mga classmates ko, really, hindi ko inakala na gagawin nila 'yun. hmm, ayon, kaya wala naman akong masasabi sa kanila in terms of relationship, i become a good and considerate mayor naman e. (kung kelan nila gusto magpasa ng project, okay lang sa akin. ska never ko sila sinigawan. always, calm lang.) pero, i don't know, kahit araw ko ngayon, napaka exhausting parin para sa akin. since i am the mayor, responsibility ko naman talaga ang pagpunta sa mga offices. urgh. kailangan ko pang lakarin ng bonggang bongga yung mga 'yun ng isa-isa. tapos, yung mga classmates kung kulang pa, i have to chase them! tsuk. hirap non. hahabulin ko pa sila para ipaalala yung clearance nila. anyways, kahit sobra na akong haggard. i know last day na 'to, so ayon, puro evaluation na lang kami sa mga subject teachers namin, also with their performance. nung mga hapon na. my goodness, ang dami pa palang hindi nagpapamedical sa amin, so ayon. as usual, i have to give my time for them, to accompany and ask the Clinic staff to sign their clearance. (nakuu. kung hindi lang talaga ako mabaet, haha.) since, naisip ko, gagabihin mga kaibigan ko, i decided na. ipagpabukas na lang yung treat ko. so ayon, sa general cleaning na lang.

i go to mass with JL. i prayed for everybody especially for my family, i wish na sana, ngayong birthday ko, sabi ko, wala na akong mahihiling pa, at sobra-sobra na nga ang dating ng biyaya sa akin, so ayon. good health na lang para sa kanilang lahat, saka bigyan ako ng lakas para sa next school year, sana maging matatag ako. (yung iba kong wish. secret na lang. too personal.) so medyo, ginabi na. good thing, hinatid naman niya ako sa amin.


- GENERAL CLEANING -

eto na, general cleaning na. (yes, makakapanlibre na ako. naudlot kasi kahapon eh.) haha. treat ko sa mga kabarkada ko. * eunice, * rachelle, *liezel, * renalyn, * bea, * inna, * arvin at *graxa. aww. wala si *abby. hmm. eto, nakakainis kasi may dala akong basin, haha. anyways. okay lang. hindi naman masyadong hassle, naka service naman ako pagpasok saka pag-uwi. so, ayon na nga, badtrip. kasi ang lakas ng ulan. sobra. panira. paano kako kami makakapag barnis ng mga chairs? eh umiiyak ang mga ulap. (yabang, gumaganito na ako ngayon. haha.) okay na sana e. maligaya na ako, pero sympre as usual, nasaktan na naman ang damdamin ko. haha. nasabihan na naman akong HINDI SANAY MAGLINIS. aray ko, grabe naman 'yun. tsuk. nagsasanay nga di ba? well, ang saya pala maglinis, kaso. nakakapagod ng sobra. ayon, singit padin yung pag asikaso ko, sa clearance naming hindi na nakumpleto. kaasar. nakailang panik at akyat panaog ako. hay. so eto na, this is really is na. mga 11:30 am, we're finally dismissed. though malakas padin ang ulan, ayon kami, sumugod. actually, we're hesitating pa nga kung saan kami pupunta eh. kung sa SM or dun na lang sa Greenwich Baliuag, sa lakas nga ng ulan, napagkasunduan na, sa Greenwich Baliuag na lang ako manlilibre. haha. so, while waiting for Inna and Renalyn, konting kwentuhan muna kami. haha. then, nung dumating sila, nagorder na ako. so majority goes for LASAGNA. yehey, except for liezel, so sa tingin ko, lahat naman ay uhaw, kaya ginawa ko ng large coke ang lahat, then i ordered family Hawaiian pizza. yum. then, pagkatapos ng heavy lunch, malakas parin ang ulam, nakakainis! haha. ang laki ng naitulong ng basin ko, pananggalang sa ulan, ayon e. napagdesisyunan, na kina inna kami tatambay para sa open forum ng barkada. before kami magpunta, i bought an ice cream for us pa muna. (alam ko namang gugutumin sila sa gagawin naming kwentuhan eh. haha.) hinintay pa muna namin si inna, kasi kinuha pa niya yung key ng house nila sa clinic ng mama niya. ayon. ang tagal nga e! nainip kami. haha. then, nagsimula na ang kwentuhan at open forum, kami ni liezel ang nangingibabaw. yung spotlight e pasahan lang kami. pero, feeling ko, ako pinaka umeksena, kasi nagopen na ako sa kanila. then all of a sudden, naiyak ako. gosh. after several months, napatulo ulit ang luha ko. nagtaguan, table tennis, harutan, bukuhan, aminan, kwentuhan, biruan. hay sobrang saya talaga. feeling talaga namin last day kanina, sobrang daming revelations at mga white lies ang nagawa ng bawat isa. prangkahan narin. my goodness. hindi ko maimagine na napaka tagal naming nagkwentuhan. inabot na kami ng 4:30 pm. wow. uwi ng pilo section sa panahong half day. haha. pero napaka saya. sana sa 20 meron ulit.

- ayan. ang daming nangyari. ang saya ng birthday ko. -

No comments:

Post a Comment