April 22, 2012
03:08am, before going to sleep.
"Mahal niyo pa ba ang isa't isa? May pagasa pa bang magkabalikan kayo?"
Boom. Shit. Ang hirap namang sagutin nitong dalawang katanungan na 'to. Di ko rin naman kasi alam kung ano yung isasagot ko, o kung tama pa bang patuluyan ko 'tong mga nakahihiyabang na katanungan. Yung totoo, I ain't sure anymore. Yea, I may still care, yea, I still DO really care. But there's a big but. Ewan, sobrang timely lang siguro nitong pagsusuot ko nung shirt niya e. Yup, my boyfriend's shirt. His shirt, no. Actually, my "EX boyfriend's" shirt. Plus his jacket, ewan, para lang akong tanga noh? Feeling ko lang, or maybe it's just my way of showing myself, how much I missed him, how much I want to feel his arms wrapping me again, the warmth of his body right next to me, parang di ko lang kasi kinaya yung coldness and lonesome na pinagdaraanan ko ngayong sobrang nangungulila ako sa kanya. By the way, I'm wearing the smile you gave me, in case you don't know. :)
Well, before going to bed, I saw that random text message from a friend, and I can't hide it nor keep it to myself, bigla nga akong napaisip, lalong napaisip actually. "Mahal ko pa nga ba siya?" E, siya, "Mahal parin niya kaya ako?" Ugh, basta ang alam ko, gulong gulo na naman ang puso't isipan ko ngayon. No, ramdam na ramdam ko kasi e. After seeing that tweet of his. "I need to focus more on studying than just being with you, though it's hard because I love you so much I can't do it. :(" And seriously, nawindang ako after reading this, nganga all night tuloy, and napaisip ng wagas. Really, I wasn't expecting to see such emotion from him, as in. I don't know what to say, bigla akong naspeechless.
BUT, why now? Why now, when everything's too complicated already? When little by little, I'm starting to fall for somebody else. Don't you want me to be happy again, to experience happiness without you? Just when I thought I've completely forgotten about you, just when I thought I can start a new beginning without you, I'll then eventually learn to discover that I still have feelings for you, extreme feelings in particular. This is hard. This is insane, why can't you just let me be? :(
This is how the conversation of my friend and I last night, and up until this morning. Yung totoo, bakit bigla nalang akong naiyak, akala ko ba, wala na? :(
ZKE: Mahal niyo pa ba ni Bannag isa't-isa? May possibility bang magkabalikan kayo?
Me: OMG, what's with those random questions of yours? So very exclusive ah? (Bigla akong napaisip, alam niya, ramdam niyang namimiss ko si ex? Bakit?)
ZKE: Haha, award. Wala lang. Random lang. Naalala ko kasi ikaw kanina, na namimiss mo siya. :)
Me: Ay charlot! Masama bang makamiss ng ex? Parang di naman yata ah, uh srsly, medyo napaisip ako. (To think na, totoong nag-iisip na ko, bago palang siya magtext, grabe, ang timely lang) But yea, I know, it's quite impossible na. Haha.
ZKE: Haha. O di ba, panalo. Napaisip kita. Bakit naman impossible?
Me: Cause it's simply impossible. Period. Haha, ang galing mo nga. Very timely, I started missin him yesterday pa. And he pmed me, telling me how much he loves me.. Still. Ugh, maybe I got traumatized. Ayaw nang masaktan e. :)
ZKE: E ewan ko, nafeel ko kasi pangungulila mo sakanya e. Haha, ate. Ang love walang space para sa fear. Ansabe mo sakanya after?
Me: Onga e. Ikaw na talaga soulmate ko, lol. Pero hanggang dun nalang yun, di nako nagreply back, nagulat lang talaga ako. As in sobrang nagulat ako. Besides, di ko rin naman alam kung ano yung isasagot ko.
ZKE: Akalain mong madaling araw pa ko nagtext sa'yo? Di ko kasi macontain yung feeling na namimiss mo siya. Yiiihhiiiee. Hahaha. Di ka naman niya kinulit nung di ka nakasagot?
Me: Omg, for heaven's sake, parang sinasaksak ng dagger yung puso ko kagabi, lol. Ee, wala e. Wala naman akong magagawa, hanggang pagkamiss nalang naman siguro 'to. Temporary feelings. :) Di naman na siya nangulit after.
ZKE: Taray. Dagger talaga? Haha. Dama kita. E ikaw, ano bang gusto mong mangyari?
Me: Wala akong gustong mangyari. Chilled lang ako dito, yun lang. Haha. Stay as what it is nalang siguro, baka pag inanticipate ko bigla tong kung ano mang nararamdaman ko, maloka na naman ako ng walang sa oras. Minsan talaga, kailangan nating tanggapin na, kahit may natitira pang konting pagasa at pagmamahal, kahit anong pilit, di na possible yung "Happy Ending". :) Tanggap ko naman na e. Matagal na.
ZKE: E hindi naman sa ginugulo ko isip mo ha, what if, this time, pag binigyan mo ng chance maging happy ending na? What if pag pinalampas mo yan ngayon wala na talaga yung possible happy ending mo? Naisip mo ba yun? :) Wala. Iniisip ko lang ang possibilities. Haha.
Me: Haha, award. Award na award. Bullshit yan, one of these days, tingnan mo, mababaliw talaga ko :) Para kong tanga, suot ko pa yung shirt at jacket niya kagabi, e naisip ko rin naman kagabi yung about sa chance, pero paninindigan naman. Girl principles to be exact. Choice ko rin naman to e. Besides, wala naman akong pinagsisisihan. May ibang laan for the both of us. Alam ko yan. Love you talaga, haha :)
ZKE: Love you too. Haha. S sinasara mo na ang sarili mo sa possibilities na yon? :) E di ba, pano mo naconclude na di kayo sa isa't-isa? Pero di ko naman sinasabing magbalikan kayo ha. Naiisip ko lang naman. Haha
Me: Matagal tagal narin naman kasi noh, kung magkakabalikan man kami, ode sana noon pa. Hindi na ngayon. Tsaka unsure nako sa feelings ko. If meron pa man, I know this *love* is not enough, wala narin naman kasing flame. Masaya nako ngayon e, ayoko nang bumalik pa sa dati. Baka magkagulo na naman ang lahat. E, kung meant for each other nga kami, for the nth time, dapat di kami nagbreak. If yer not happy, leave. Obviously, di nako masaya, that's why I chose to leave.
ZKE: Taray, flame. Sakin, spark lang, sa'yo, flame. Haha. Ilang beses na ba kayo nagbreak? :) E di ba, malay mo, obstacles lang yon, nalampasan niyo na di ba? Tapos ngayon, nagkahiwalay kayo. What if this time happiness na? Hirap no, di tayo sure.
Tsaka di ba, wala naman sa tagal yun? E tignan mo nga sa OMC, si Poy at Basha, ang tagal nilang nagkahiwalay. In between, nagkakasakitan parin sila kahit hiwalay na di ba? Pero it the end, happy ending parin.
Me: Yung totoo, nakakarma ba ko? I used to do the same thing sa iba kong friends na confused e. Pinapaisip ko sila ng mabuti. Pero kasi, sa panahon ngayon, alam kong di na talaga pwede e. As in walang wala na. Di naman siguro hahantong sa ganitong klaseng breakup and distance kung may hope pa para sa amin e. :) Pero yea, unsure nga, di ko masabi. Lol, for I don't have the right, I can't foresee things beforehand naman e. Haha. I don't know, bahala na, darating naman yun e. Ang mahalaga, di ako miserable ngayon, I'm happy. Though not completely syempre, but good thing is, I've found my true self. Thanks to him. :)
ZKE: Haha. Gaga. Di ka nakakarma, binabalance lang kita. Haha. Ano, yan yung alam ng utak mo, e yung puso mo, ansabe? :) You found yourself because of him, tapos iniwan mo siya? Ano yon, parang ginamit mo lang siya para mahanap sarili mo? Haha. Sakit naman nun. :)
Me: Yea right, pwedeng ganun nga. Pero, I guess not, I didn't used him to find my true self. Nahanap ko lang, cause he helped me search for my true self. :) How sweet, bittersweet. Kailangang dumating pa sa ganitong sitch. Pero sa pinagdaanan namin sa loob ng eleven months na yun, wala naman akong maicocomplain, but yet, I know. We had enough, we both had enough. Again, for once and for all, wala akong pinagsisisihang minahal ko siya. :) My ghaaad, why are you makin me cry? Srsly. Gaah, yung totoo, na true love talaga ko dun ah? Moved on na ang peg, pero may care parin ako, extra care. Heartbeat, and heartbreak. Plus medium heartaches nga naman o :)
ZKE: Ay sorry, di ko naman sinabing umiyak ka. Eto naman, e wag. Iiyak mo lang yan. Haha, Ate. Ang love naman, walang sinusukat na panahon e. Basta mahal mo, kaya mong tiisin lahat para sa ikabubuti niyo. Ayan, natiis mo yan, malay mo. eto na talaga ang hinihintay na trulab? :)
Me: Mothers know best. Ayaw ng Mommy ko sakanya e. Sumusunod lang ako, sinuway ko na siya, twice. Ayokong masaktan ko siya. In return, everything's in good terms naman. So yea, di ko idedeny, my pain at feelings pa ko for him, but I'll deal with it by letting it falter in time. Kinaya ko naman e, bakit kailangang baliin ang prinsipyo? :)
ZKE: Oo. Tama yan, pati kami, sinuway mo nun, di ba? Pero dahil sa pagsuway mong yon, nalaman mo tunay na ugali niya, nakilala mo yung sarili mo lalo. Ginusto mo naman e. Haha
Me: Yea right, yung totoo, sinaPsychwar mo ba ko? Natuto nako, firmed na decisions ko. Lalong lalo na, when it comes to him :) No more turning back. We had enough, both of us. :)
ZKE: At least di bitter ending niyo, di gaya ko. :)
End of convo about my heart, sobrang haba pa nung usapan namin, nawala pala sa isip kong mag-unli, ang haba pa naman nung usapan namin kanina. :) Regular load lang pala ang gamit ko. :) Pero yung totoo, at the end of it all, at the end of the day, nalulungkot at nangungulila man ako sakanya, alam ko parin yung tama. Kung ano yung tama at nararapat kong gawin. :) Closed book na talaga kami ni EX. :)
No comments:
Post a Comment