Sobrang nakakainis, namiss ko siya, si Mommy kasi, pinaalala na naman siya sakin kanina, 'Oh well, asa pa kong may gawing something special yun para sa birthday ko, Mommy. Asa pa talaga. Haha. Di na kami e.' Yun tuloy, natempt akong magbrowse ng mga albums niya with our pictures together, nilike ko naman yung ibang photos, dati kasi, wala lang, naka-tagged lang ako, pero wala akong care, ayan, ngayon ko tuloy nakita lahat nung mga tagged photos, and yerp, ngayon ko lang naappreciate, kung kelan moved on na ang peg ko. Hihi. But I know, there's still a part of me, na namiss siya bigla. Naka tatlong palit pa nga yata siya ng default photo niya, yung magkasama pa kami, haha, ang weird, kahapon nagpalit na siya e. Hanggang sa tinawagan ako ng friend ko, tapos nagtext pa, di pa nakuntento. 'Saab, omg. DP, ni Bannag yung picture niyo, kayo na ulit?' Haha, and I was like, 'Effin, sanay na ko dyan, ugh, walang meaning yun, baka namimiss lang ako ni user-friendly.' Over naman makareact yung friend ko, kapag ginawang DP yung pciture together, nagkabalikan na agad? Di ba pwedeng, nagfifeeling lang or nakakamiss lang talaga? Haha. :) Ayon, nagkachat pa tuloy kaming bigla nang wala sa oras, gosh, 6 weeks and 2 days, imagine, I survived. Oo, pinapamukha ko sa'yo, at nireremind kitang.. Ganyan katagal na. Ganyan katagal na akong masayang wala ka sa piling ko. (No hurt feelings)
Minsan, di na dapat sinasagot yung mga tanong na 'OBVIOUS' na. :)) Dated: January 28 of 2012. You know what I did. Remember nung 40K voices? Hahaha. Basta 'Sorry', wag ka mag-alala, lahat ng pain and hatred na inendure ko noon, wala na ngayon. Meron man, kinalimutan ko na. Sorry sa pagputol ko nang lahat Just have to do that for myself. To help myself Thank you rin. (Ugh, nakakainis, kailangan bang idetalye ko pa sakanya kung ano exactly yung ginawa ko nung araw na yun?) What siya ng what, di daw niya talaga alam kung anong nangyari nung araw na 'yun, my gosh, anong petsa na po ngayon. "Hahaha. Just like you, ayoko narin namang pag-usapan. Masaya na tayo parehas ngayon e. Okay, 6 weeks and 2 days na since I decided to live my life away from you." Hanggang sa hindi pa rin niya talaga magets, ayan. "hay.. pero alam mo namang ayaw ko talaga makipagbreak. ikaw lang naman may gusto nun eh. " Oo nga di ba, ayaw mo naman talagang makipag break, pero you provoked me to do so, right? :) What's the purpose of staying pa? Ugh. Anyway, enough has been said, buti nalang, after so long, nagkausap ulit kami about this. Wala paring closure hanggang ngayon, pero alam ko namang, 'Hindi na kailangan e.' Minsan kasi, di na talaga kailangang maghintay pa para sa closure, lalo na't alam niyong magkakasakitan lang din naman kayo in the end, magkakasumbutan, magkakapalitan ng maaanghang na salita. Kagaya kanina, namura pa ko, nagamitan pa ko ng 'putangin*'. Kamusta naman talaga, di ba? Alam na alam ko talaga yung roughness nang ugali niya e, samantalang nung kami pa. Hay nako lang talaga. At least, alam kong wala nang patutunguhan pa 'to. Ang 'di ko lang nagustuhan, nakikipag ayos na ko sakanya, bilang kaibigan, pero siya.. May halong galit parin e. Parang wala parin yung complete acceptance, nararamdaman ko parin yung bitterness, yun lang yung ayoko. Although, alam kong hindi na kasing extreme nung dati, medyo nag cool down na, pero.. Sana mapatawad na talaga niya ako sa nagawa kong pang-iiwan sa ere. Kinailangan ko lang namang gawin yun, para sa sarili ko, para isalba at least yung pride ko. :) although, sobrang nag-uumapaw ako sa pride. Haha.
Pero yun nga, masaya ako, kasi kahit papano, nakausap ko narin siya ng matino, yung hindi na umiiwas about the said issue, willing naman na siguro siyang pag-usapan, pero.. Nararamdaman ko parin yung pain. As much as I want to shut up, and not to give a damn sa pagpapalit niya ng default picture, natotouched akong namimiss niya siguro ako, kahit papaano, pero.. Medyo napapaisip narin at the same time, "What if?" What if di ako umalis sa tabi niya, magiging masaya pa kaya kami after all? Haha. Chos. Flash backs, memories. Oh well, alam ko naman na yung kasagutan e. 'Hindi na' Di na pwedeng ipilit pa, lalo na kung wala nang natitirang pagmamahal, I mean, kung hindi na kagaya nung intensity dati, wala na. :) Parang naghihintayan at lokohan nalang din kami kung ganun ang mangyayari, again, nakakapanghinayang yung mga panahong pinagsamahan namin together, pero.. Uulitin ko lang. It has been 6 weeks and 2 days, kung gusto niya, or ginusto niya sanang ayusin pa ang lahat, napakahaba nung mga nakalipas na panahon. Kaso wala e. :) Ang mahalaga ngayon, alam ko sa sarili kong, napatawad ko na siya, at masaya nakong muli. Nakakangiti na ulit ako, kahit wala na siya, sobrang kuntento na ako sa buhay kong ganito. At, kung tatanungin mo naman ako kung mahal ko parin siya? Ehh. Ang sagot ko. 'Hindi ko na siguro alam ngayon'. I care, oo. Pero, kung mahal? Sobrang hindi ko na talaga alam, yung care nga, medyo doubtful parin ako, kasi.. Minsan may pakialam ako, pero most of the time, wala na e. Six weeks and two days, sinanay ko yung sarili kong wala siya, di ko siya nakakasama or nakakausap. Walang kahit anong form of communication, pinutol ko ang lahat. Hanggang sa matanggap ko sa sarili kong.. "Wala nang kami". :)
Oo nga noh, tama sila. Acceptance lang talaga makakatulong sa kahit na sinong taong nasaktan at kinailangang makalimot at makapag move on. Sobrang tagal na ng 6 weeks and 2 days, magaan na yung pakiramdam kong na let go ko na yung pagmamahal ko sakanya. Yung lahat ng sakit na naidulot niya sa puso ko, tinanggap ko rin ng paunti unti, kahit alam kong sobrang hirap nun, masaya ako, kasi kinaya ko. Sobrang laking factor nang mga kaibigan ko, sa pagmomove on ko sa feelings ko para sakanya, lalo na yung mga kaibigan kong lalaki, at guy best friend kong, nagparealize sakin kung sino ba talaga ako. Hay. :) Sobrang sarap huminga, yung maluwag, yung walang halong galit, tampo siguro, meron pang konti. Pero, nirerespeto ko siya. Ramdam na ramdam ko namang hindi parin niya ako napapatawad e. Tsaka yun nga, di ko na ipagpipilitan pa.. "For ex-lovers, can't be friends anymore after their breakup". Nagiging friends lang sila in two reasons, one: Di talaga nila minahal yung isa't isa, or two: Di pa nila nakakalimutan ang isa't isa. :) Yung samin ngayon, sobrang hirap idecipher. Lalo na't, medyo fresh pa rin naman. Hehe. :)
PS: Time. Just give time, some time. More time. :) Konti pa. Alam ko, darating din tayo dyan. :) Basta ako talaga, napatawad na kita, at wala nakong problema dun. Wish ko lang, sana ako din, mapatawad mo sa lahat lahat. :) Namiss lang kita ngayon. Kaya ako gumawa ng blog related sayo. :)
No comments:
Post a Comment