I will ONLY stop loving you, when an apple grows on a mango tree on a 30th day of February. ~ Impossible right? :) Nagets mo ba? Hahaha. Hindi ako bumabanat, naglalabas lang ng ka-sweet-an, kahit alam kong, wala nakong pwedeng pagbuhusan nang mga nararamdaman ko ngayon. :) But seriously, sana alam parin niyang.. Minahal ko siya.
Naks, saan na naman ako nakakapulot ng inspiration and motivation sa mga panahon ngayon? Omg. It's already March, 'Fire Prevention Month' and oh, it's my month nga pala, sobrang lapit na kasi ng birthday ko, and I can't wait for that damn day to come na tuloy, gosh. Can't imagine na mas excited pa sakin parents ko, duhh. Almost forgot na, age is just a number nga pala. But still, ayoko pang tumanda e. Oh noes, tatanda na naman ako. Young, wild and free pa naman ang drama ko. Haha. Chos. :) But, seriously, life isn't that fair. Like, I don't know anything yet in this world, you know, household chores, locations, directions, public commuting, gosh. Nag-exist pa ako sa mundo? Knowing na.. Well, I'm not saying na matanda na ako. But heck no, I have this certain feeling kasi na, oo e. :P
Anyway, 5 weeks na pala akong Single tomorrow. And before that day comes, I dedicated 'something' for 'Anon' like you know, these 'remnants' inside my heart. Although 5 weeks na kaming 'over' as in 'totally over', alam ko sa sarili ko na, 'siya' parin yung laman ng puso ko, although hindi na ng isip syempre, pero.. I won't deny, na 'Siya parin talaga'. Aww. Ang emo. Bakit ba? Let it flow nga lang di ba, let your emotions flow nalang talaga. Though yerp, hindi na masakit, hindi na nga ba? Haha, feeling ko, hindi na talaga e, okay lang na i-mention ng i-mention, oh well, nagsawa din akong i-mention ng i-mention yung name niya ha, yung tipong.. Dumaan kami sa UST Chapel, tapos.. 'Dyan ko sinagot si Bannag o, nung February 14 of last year, tapos.. Sa ilalim ng mga stars, lumuhod siya sakin, blah blah.' Haha, sa Lover's lane, 'Dyan kami ng celebrate ng 4th Monthsary o. Binigyan pa nga niya ako ng bouquet of roses nun e.' Sa may Pasta Plate, 'Dyan kami lagi kumakain ni Bannag dati o, naalala ko tuloy nung birthday niya'. Hahaha. Yung mga ganun, sakto lang. Okay lang saking i-reminisce yung mga ganung bagay, naaalala ko yung mga 'sweet and happy' moments namin together, pero wala ng bitterness. :) Kasi, ready na akong makipag friends ulit sakanya. It's just that, bakit ganun siya? Nagtataka ako. Haay. Bitter parin siya sakin? Ano, galit ba siya sakin sa bigla kong pang-iiwan sa ere? Ang sakit kasi nun e. Di ko na kinaya. Alam naman niyang weak ako, pero.. Sa nakikita at nararamdaman ko naman, 'beyond words, beyond actions', wala na e. Wala na talaga.. As in. :'(
He's trying, nooo. Wait. He is really avoiding me. Yung tipong ewan ko ba. I can't say na 'wala na siyang feelings' sakin, kasi.. Di naman siya open e, ayaw niyang pag-usapan, iniiwasan niya. Paano magkakaroon ng closure, kung hindi pag-uusapan? Hahayaan nalang na ganito, okay lang sanang walang closure e, I'll accept that, pero.. 'Wag na sanang bitter' di ba, well, treat me as a friend man lang. Kung paano lang kami dati, nung di pa kami. Nung 'friends' palang kami. I'm not after the boyfriend/girlfriend relationship anymore, pero sana naman, irecognize as a friend niya ako di ba, hindi yung ganito. Hindi parin kaya niya ako napapatawad? Kasi, sakin, wala na yun lahat e. Kinalimutan ko na. Masaya nako sa kung ano man ang status ko right now. Again, uulitin ko lang, may 'feelings' pa ako sakanya until now. Pero, may nagadvice sa akin na.. 'Let go na, as in kalimutan na pati yung feelings'. Sabi ko naman, 'Oo, in time, hindi pa ngayon, may konti pa e. May remnants pa. Hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan yung tao e.' Yung taong minahal mo ng totoo. Yung lalaking tinuring kong daddy, best friend, at brother. Pero higit sa lahat, parang 'hubby' narin. Hay. Nakakamiss, bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Kalimutan, sumpaan. Hindi na masakit, oo. Pero, hindi ko kayang baguhin yung katotohanang.. 'Mahal ko parin siya.' Yun nga lang, hindi na kagaya ng dati. Alam ko, ganun din naman siya sakin. Mahirap tanggapin, pero.. Tinanggap at kinaya ko naman na e. Well, kung ayaw niyang makipag kaibigan sakin, 'Rerespetuhin ko nalang siya'. Ehh. Mahirap ba yun? Matagal narin naman ang one month, pwede namang ibaon nalang sa limot lahat ng sakit na naidulot sa isa't isa di ba? Mag-start nalang as new, from scratch.. New chapter as 'friends'? Hay.
Seriously. :( Sa tuwing maiisip ko siya, naiisip kong.. 'Sorry'. Sorry kasi, alam na niya yun. Lahat yun. Lalong lalo na yung huli kong ginawa, pero, hindi naman ako bibitiw, at di nalang magpaparamdam bigla, kung hindi ko na-feel na 'unwanted' na ako sa life niya e. :( I did my part, been a dumb ass for like, eleven days rin naman. :( Ugh. Remorse, remorse, regrets? - BIG NO. Alam ko siya rin, he didn't chase after me, after I left him. Yea, I know. No regrets din for his part. Pagod na pagod na siya. He's too tired na to love me, to take good care of me. Ugh. Pagod na pagod na siya, napagod na siya sakin, sinukuan na niya ako. Yun lang 'yun. :) Yerp, masakit nung una.. Pero yun nga po, natanggap ko na ng buong buo. :)
'You are~WERE my BEST boyfie, and always on my heart.' You were na nga pala ngayon. :)) Art work ko to, nung December pa, 3rd week yata, failed to show him and give him. Eto dapat yung mini poster na kasama nung gift ko sakanyang yellow ODM watch nung Decemeber 16 e. :) pero, since super nalasing nga ako, at nawala sa katinuan, di ko na 'to nasama. Fail, sayang. Remembrance nalang, chos. :) Took a picture of it lang earlier, just in case i-view niya tong blog site ko. Namimiss ko lang siya kanina. Bigla siyang nag-cross sa utak ko. Idk, it's quite impossible na yata for him to see this, at mas lalong i-appreciate, for I know, he's been avoiding me na nga, so syempre, pati yung daily posts ko, hindi narin siya interested. :) Di narin niya siguro vinivisit tong blog site ko. Haha. :) Pero, kung hindi man niya alam.. Wait. Nahihiya lang talaga ako, gusto kong ibigay sakanya niya to e, pero.. Ang kapal naman yata ng face ko. Hindi na kami e. Haha, para saan pa nga ba? Tapos na. Past is past. Wala lang. Pero para sakanya nga 'to. :)) Too bad, he's been asking for an artwork from me pa naman before. Well, I've given him nung birthday niya, first and last na 'yun. Sighs. :)) Seryoso, sayang talaga 'to. :))
And yeah, ito pa isa. Yerp. Bigla kong nakita. Same thing, same reason, kung bakit ko 'to shinshare at pinopost dito. :)) 'All I want for Christmas is YOU'. Natupad ba yung wish ko? Hahaha, parang hindi naman e. Good for one year lang pala yung effect nung 'sign' ko kay St. Therese. And he was the one who answered my sign. Hay. Ngayon kaya? This photo was taken nung Big Day ko, March 19, 2011. At City State Tower Hotel. First time I felt his lips. First time, I slept, him seeing me. First time my clan saw him. First time I dance with him. First time a guy been like that in front of my clan. First time, my colleagues saw him. Ugh. Too many first times that night. Yet, it's all part of the past. :)) Wala lang, masarap lang balik balikan. :"> Kinikilig parin ako whenever I remember those times, but then again.. 'Past is past'. :)
Oh well, since a close friend told me to 'move on completely' na.. Ehhh. I'll force myself to move on na talaga. Kasi naman, 'ayaw na pala niyang pag-usapan at iniiwasan niya e.' :) Ayon, di ko na alam kung ano pa dapat kong maramdaman. Pero, I'm sharing all these things tonight, kasi.. I want him to know that, there's stil a part of him in me. Sana, kahit di ko sinasabi, alam niya, kahit lumaki pa yung ego niya, okay lang. Eto yung nararamdaman ko e. Pero, I'm not brushing him off anymore, sana naman.. Seryoso talaga, before this A.Y. ends, maging okay na kami. I don't want to close this 'Sophie' life of mine, nang hindi kami okay.. Nang may sama siya ng loob sakin. I want to talk to him, pero.. Hindi ko na uungkatin pa yung nakaraan. :) Plain and casual nalang sana. Pero, kung ayaw, I'll respect his decision nalang. :) Sometimes, ex-lovers can't be friends na nga pala. Nakalimutan ko tuloy. Haha. :) Sige na nga. Buh bye na~
PS: I want my childhood book back. Si baby 'Charm School'. Ugh. It's as if I've given him my childhood e. Hahaha. My gosh. Birthday gift. :P Chos, asa pa ako. Pakikipag friends nga, ayaw niya e. I-return pa kaya yung gift na may sentimental value sakin. Nako naman, Ade. :) Hoho. Enough has been said. Ciao!
Btw, sana kung ayaw mong pag-usapan yung 'break-up' thingy, 'wag mo naman sanang sinasabi sa ibang tao yung alam nating 'hindi totoo'. Sana naman, kapag nagasabi ka, yung kapanipaniwala. Yung totoo, kasi.. 'Sa mukha kong 'to, at sa mukha mong 'yan, walang maniniwala talaga.. Ang kapal lang din talaga ng mukha. Pero, sabi nga ng mga guy friends ko, 'ego'. Yerp, naiitindihan ko naman. Sige na. Good luck nalang sa buhay mong puno ng kasinungalingan. :) (Gosh, kumulo na naman yung dugo ko sa mga nalalaman ko. Haha. Hanggang kelan? Buburahin kita sa mundo e.) :P
-CASE CLOSED.
No comments:
Post a Comment