‘Sometimes, you don’t need a closure, all you need is time.’- Ikaw nagturo sakin niyan. Pero, bakit ngayon, kinokontra mo ako? Haha. ‘Ehh. Bakit tayo, hanggang ngayon, wala paring closure?’ Omg.
‘A guy may use his fist to protect, not to hit you’.~ This blog entry should be dated as February 04, 2012
Dapat na ba akong kiligin? Haha. Omg. ‘Page 35 of 366 today I stood for more than 4 hours straight, was all worth it, cause at the end of the day she talked to me after so long :)’ Sorry, for the late blog. Sobrang seldom ako magsulat in the early morning uh. Kasi naman, I fell asleep right away, after my field work. Damn, I was super exhausted, that’s why, I wasn’t able to start with my abstract paper narin, and at the same time di ako nakapag post ng blog entry. Hahaha. Pero, basta. I had a super heavenly sleep. Haha, hindi kaya may kinalaman ‘yun sa nangyari sa akin kahapon? Haha. Teka, di ako makagetover. Parang last night lang, ang laman lang ng utak ko. ‘When one door closes, another door opens’. But, shall I consider this as another one, or hindi naman talaga nagsarado? Hmm. I smell something, ‘and so my heart races yet again, i wish this will end up good :)’ Sana nga, ako rin. Sana ganito rin. ‘Good ending’.
But seriously, I woke up so early para sa NSTP fieldwork ko. Wala pa ngang 6:30am, nasa street like a boss na ako e. Hihi. Crossing. Wow. Ang cool lang, kasi wala halos tao. Sobrang peace and tranquil. Pero baka hindi rin. Nagfifeeling lang ako. Haha. Anyway, since umuwi ako ng condo ng maaga last Friday, kasi nga, I prepared so many things for my field work, plus yung Computer project ko pa, tinapos ko narin. For 2 straight hours, yun lang ang ginagawa ko. Haha. Pero, in the end, okay naman. Fulfilling naman. Ang ganda ng PPS ko. Iba na talaga kapag inspired sa mga panahong ‘to. Sabi ko nga, kung last week, I was mourning, e ngayon, I’m like, super duper rejoicing na. As in, to the max. Sobrang saya ko. Nabubuo na ulit ako. Best part of it all. Sobrang nakipag kwentuhan lang ako sa mga Seniors nung Friday, after class, as in. More than 2 hours, I guess. Imagine, nag-stay pa ako til 5pm, para makipag chikahan lang. Hahaha. Kakaibang bata, madaldal masyado. Hahaha, pero okay lang. ibig sabihin nun, masaya na ulit ako. I’m better off without you nga. Sabi nga nila. Hehe. Nakakainis pa yung mga 4PHL guys. Oo na, alam ko na kung sino na naman dun, ang may something. Si Kuya Neil. Pero duhh. Nasa process ng healing and forgetting about the past ngayon. So I guess, wala akong time sa tiny flirtatious actions niyo. Lol. Ang taray ni Ade. I don’t care, eto talaga ako e.
‘Wag atat. Chill. Eto na nga e. I’ll be talking about my fieldwork na. Grabe lang talaga. For the first time, ako pinakauna sa bus namin. Grabe. Ngayon lang ako naging ganito kaaga sa lahat ng appointments ko sa buong buhay ko. Haha. Naalala ko tuloy, nung HS, newly elected as President pa naman ako ng Council, tapos.. Nalate ako sa gathering naming, going to a far flung place for a leadership training. Haha, my gosh. Ako nalang pala yung hinihintay nila nun. Sobrang nakakahiya. Then, after that incident, natuto na akong dapat lagi akong maaga. Haha, pero hindi parin e. Eto talaga yung pinaka epic e. Haha, ako yung pinaka una sa bus. Tapos, sobrang lamig pa. Buti nalang may dala akong jacket, tapos.. May dala dala akong coffee. Kahit saan naman e. Before I get to start my day, kailangan ko siyempre ng coffee. Ewan, parang hinahanap hanap na ng sistema ko. Haha. Gosh. Nagiging caffeine dependent na yata ako. But, that what keeps me hyper e. Di ko lang alam kung bakit parang hindi umepekto nung field work. Haha, mas dominant kasi yung pagiging cozy nung bus, sobrang lamig pa. Ang sarap matulog. Hanggang sa nakatulog na nga ako. Heaven. Haha. Around 10am na yata kami nakarating ng Bataan. Gosh, to our surprise, we were looking for our learners, pero di namin sila makita. Nakakaloka lang. So, we all decided to pick another learner. Tsk. Sayang, miss ko na yung learner kong si Kenjie e. Sounds Kenjie dun sa binabasa kong manga. Hahaha. Pero duhhh. Fictional character. Lol. Naalala ko na namang nagmahal ako ng isang fictional character, kasi.. hindi naman pala talaga nag-eexist. Lol. Anyway, yung bago kong learner, Rachelle yung name, yun nga lang.. Medyo may pagka slow, pero okay narin, compared kay Kenjie, mas nag-enjoy akong turuan siya, kasi.. Sobrang bait and masunurin niya, that’s why, after ng tutorial, binili ko siya ng snacks. Then after ng tutorial, picture taking naman, para sa portfolio namin, second to the last fieldwork na ‘to e. then, my NSTP mates and I started talking about our professors na. Haha. Nagulat lang ako about the things na sinasabi nila tungkol kay Sir you know. Haha. Ayon. We had a wonderful time namin, around 12:30pm, umalis na kami ng Bataan.
Nakatulog na naman ako sa bus. Grabe, ang sarap matulog e. Haha. Hanggang sa pagkagising ko. Nagulat ako, may texts, apat yata. From Mom, Andre, Geroge, and Jared. May missed call pa. Gosh. One hour na pala yung nakalipas. Ang iniisip ko, bakit nagtext si Jared. Parang nakakakaba naman kasi yung text niya.. ‘Major!’ Tapos, may missed call pa. Halaa. Ano kaya problema nitong taong tao? So, nagreply na ako after an hour nga. Haha. Ayon, to my surprise, matagal tagal narin kasi kaming di nakakapag-usap, or even text. When it comes to texting guys, I don’t take the first step. So ayon nga, sobrang nasurprise lang ako. Kasi sabi niya, sabay daw kaming umuwi. He was asking kung nasaan ako, tapos nung nalaman niyang nasa UST pa ako, sabi niya.. Sabay na daw kaming umuwi. Nagulat lang talaga ako. Tapos, sabi ko. ‘Sige.’ For quite some time, hindi rin kami nagkikita, and at the same time, hindi narin nakakapag-usap. Sabi nga niya sakin, sa panahon daw ngayon, hindi na ako dapat nagpapakipot. Haha. Bastos talaga ‘tong lalaki na ‘to. Charot. Pero, natuwa naman ako. Ano kayang naisip nitong lalaking ‘to, para maisip niya, or gusto niyang makasabay akong umuwi ngayon? Haha. Medyo hindi ko pa alam kung ano yung irereact ko sa sinabi niya. ‘Habang katext kita kanina, katext ko rin si Papa, nasa Cebu kasi siya ngayon, dapat sabay kaming uuwi, pero I chose to be with you’. Sheet lang. bumabanat ka ba, Mr. Pogi? Haha. Ang sagot ko naman ‘Arte mo!’. Haha. Pero, medyo mixed emotions narin. Gosh. Just the mere fact na, he adjusted for me, sabi niya, mga 4:30pm nandun na siya, I was damn amazed, just like the usual him, magugulat nalang ako, nasa likod ko na pala. Ahaha. Sabi ko nandun narin ako, bumibili lang ng coffee. Pagtalikod ko. ‘Siya na’. Kaya pala nakasmile si Kuya. Omg. Tapos ayon na. Since sobrang gentleman nga niya, dinala niya yung coffee ko for you, he opened the door for me as well. Grabe lang. How I missed this guy. We talked about so many things na naman. Hay. Habang nagbabayad ako sa cashier for my coffee, sobrang nakangiti lang si Kuya samin, tapos sabi ko pa kay Jared. ‘Hoy, may kwento ako sa’yo.’ In a super different tone, tapos he told me, siya rin daw may kwento sa akin, sobrang dami. But seriously, I felt the sincerity and eagerness, na marinig niya yung mga kwento ko sakanya, but at the same time, nagsumbong at nagsorry narin ako sakanya. For a lot of reasons.
‘Ano yung nakasulat sa shirt mo?’ Wow. Sexy ha. ‘ Baliw ka talaga, Jared. Hahaha. Syempre, ganun talaga. DI ka na nasanay. ‘Naka-extensions ko?’ Sabi ko naman, ‘Masama?’ Hahaha.‘Jared, sinampal niya ako.. And from the start, ang intention niya lang pala is to get everything na pwede niyang makuha from me, including my most precious possession, then iiwanan na daw niya ako’. Dito palang galit na galit na si Jaboo, lalo na nung nalaman niyang sinampal ako. Haay. ‘Hindi ko alam kung anong magagawa ko sakanya kapag nakita ko siya, wag na wag siyang magpapakita sa kin, baka yung iniisip niyang threat lang, malaman niyang, hindi lang isang threat’. Grabe. Ramdam na ramdam ko yung care niya for me. After all. Inamin niya narin sakin na since then nung debut ko, hindi niya na talaga gusto yung mula ulo mukhang paa na yun. Kung makatingin daw sakanya. Hay, kung alam ko lang talaga, noong una palang. And I can’t believe na sinabi niya sakin na.. ‘Nung lima nalang tayo after ng party, nung hinihintay natin si Papa. Naawa ako sakanya, siya yung katabi mo, and nakayakap sa’yo.. pero sakin ka nakatingin.’ Naalala ko ‘yun. Di ba nga, sabi ko naman sa’yo.. Nung mga panahong yun, may feelings pa ako sa’yo? Haha. Nakakainis lang kasi Jared boy. Kung kelan ko naman siya minahal ng buo at totoo, tsaka ko malalamang fake pala siya and all. After a year, tsaka ko lang malalaman na.. I loved a non existing creature pala. Mapagbalat kayo talaga. Nakakainis. Now, I know, kung bakit since the beginning palang, ayaw na ng mga kaibigan ko sakanya, ikaw rin. Haha. Grabe nga e, pati yung hula sakin nakawento ko sakanya, na nameet ko na raw yung future husband ko. Haha. And yun nga, tinutulungan niya akong icontradict yung sarili ko. Lol. Philo major ako, Psych major siya. Haha. Natutuwa lang ako, na everytime na magkausap kami. Ganun lang. Yung hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan, about us, about our friends, about our family. Sobrang namimiss ko yung ganitong opportunities. High school times, I even said sorry to me. For I feel like. You know what Jared, I realized that I slapped you because of him. I’m so sorry. Nung una, di niya nagets, but then. Nung latter, okay naman na. ‘Sorry, I put down my standards, kung magkakaroon man ako ng another boyfriend after you, yung sobrang baba pa sa’yo. ‘Sorry, no one’s better than me’. Haha. Baliw ka, ang yabang mo. Hmp. Haha, nag-aasaran at kulitan lang kami all throughout. Yung previous dates namin, nasama din bigla sa usapan. Hay. Sobrang dami naming napag-usapan. Napilit niya rin akong sabihin kay Mommy yung tungkol sa pagsampal sa akin ni Michael. Iba talaga yung will power ni Jabo e. “Maybe it’s about time’. Sabi nga ng mga girl friends ko, tapos ‘A guy may use his fist to protect, not to hit you’. Ito talaga yun e. Si Jared, para rin nga palang isang fictional character, pero in a good way, kasi.. Naalala ko, may nagsabi sakin before, ‘Yung boyfriend mo, parang sa manga lang nag-eexist e.’ totoo naman, sobrang hirap makahanap ng isang katulad niya, ‘Perfect couple nga kayo e’. Maganda’t gwapo, parehong matalino, family oriented, mayaman.’ Waah. Grabe lahat na, nag-uumapaw. Haha. Natatawa nalang ako pag naiisip kong.. Ganito na kami ngayon.
Pero, napapaisip parin talaga ako dun sa ‘closure’ thingy na ‘yun e. Bakit tayong dalawa, hanggang ngayon, malabo parin yung hinahanap mong closure sa inyo ng ex mo? Haha. Haay. Tama ka, mahihirapan ako ngayon. Sobrang nadevastate ako ngayon e, hindi pa ako ready to commit again. Masaya namang maging Single. Although, hindi siya nag-agree sakin nung sinabi ko yun. Haha, for almost a year, si Jabo e. Ako rin naman nun, nung nagbreak kami. Medyo nagkamali at nagpadalos dalos lang talaga ako ngayon. Sobra kong pinagsisisihan, pero, may natutunan narin naman ako. So, sa susunod kong relationship, hindi ko na dapat ibaba pa yung standards ko, at.. Sasagutin ko lang, kapag mahal ko talaga. And yun nga, dapat yung katulad ko. Yung may magandang face features din, para naman in the future, kapag nagka anak ako, artistahin din. Hehe. Ewan ko ba. Sobrang laking tulong ng mga kaibigan ko, at lalong lalo na si Jabo sa future endeavors ko. Medyo malabo nga lang hanggang ngayon yung sa aming dalawa. Nag-effort e. Mas pinili pa ako kesa sa Papa niya. Hahaha. Grabe. ‘May hinihintay ka ba? Basta, kapag di mo na kaya, sabihan mo lang ako. Makikita mong kaya kong maghimala. Gagamutin natin yang puso mo’.
Omg. Ano daw? Haha. Para nga akong nagbibingi bingihan sa mga naririnig ko mula sakanya e. Alam ko namang, parehas kaming hindi sawi. Nakwento ko rin nga pala, yung belief ko when it comes to having relationships after College. Pero, nakakainggit lang din yung mga nakita na yung para sakanila, since then High School, sabi niya naman. ‘Depende daw yun’. Sa bagay, depende talaga. Hinding hindi natin masasabi, kung kelan at sino nga ba talaga ang para sa atin. While on the trip, pinakita pa niya sa akin yung notebook niya, yung mga pampagwapo niya. The best talaga e. Fashionable naman kasi kami parehas, clothes, shoes, accessories. Grabe. Dyan kami nagkakasundo e. Sobrang nagfifit in para sa isa’t isa, kumbaga, we truly mesh. Pero. As of now, wala akong maramdaman. Namiss ko lang yung ‘dating kami’. In different and comfortable na ulit akong makasama siya and makausap, hindi na nakakailang. Di kagaya dati. Siya parin pala yung Jared na nakilala ko. Yung tunay na sweet and gentleman. Hinding hindi parin nagbabago. Sobrang swerte kong magkaroon ng guy best friend sa pagkatao niya. Sobra, kung makakasama ko nga lang sana siya araw-araw, hindi imposimbleng, mafall na naman ulit ako sakanya e. Pero, sobrang saya ko lang. It’s all worth it. Maghihintay ako. Bubuuin ko muna yung sarili ko, mamahalin ko muna yung sarili ko ng buong buo. Bago ko buksan ulit yung puso ko para sa iba. Or para sakanya. Uulitin ko lang, ‘Hindi naman nakasarado yung puso ko e. Naghihintay lang ako na may kumatok’. Itatago ko ‘tong chocolates na bigay mo sakin. Ang sweet mo talaga, kahit kelan, you never fail to surprise me. ‘Ipagbukas mo rin ako’. Hahaha’ Omg. Dapat pala pinagbukas ko siya, tapos sinubuan ko siya e. Ano kaya mararamdaman nitong mokong na ‘to? Haha. Joke lang. Masyadong dinidibdib yung journal ko e. Nakakahiya. =)) Sobrang thank you din, kasi for quite some time, ngayon nalang ulit niya ako kinantahan nung kaming dalawa lang. Yung magkatabi kaming dalawa lang, hindi kami natulog para sa byahe, for like. ‘I will stay awake for you’. Hay. Hanggang sa kailangan ko nang bumaba.. ‘Yung hug ko?’ Next time ulit ha..’ – ‘Nakakahiya, suntukin nalang kita.’ :”> ---Save my Heart. ♥
Pinapangako ko sa sarili ko. Hindi na ako magmamadali. Di na ako magpapadalos dalos pa sa pagpasok sa isang relasyon, dapat kapag mahal ko talaga, hindi yung trip trip lang. Nandyan naman yung mga kaibigan ko e. Tsaka yung pamilya ko, para alalayan ako. Maghihintay ako ng tamang lalaki para sakin. At kahit kailan, hinding hindi ko na ulit ibababa yung standards ko. ‘Minsan na nga lang ako magmahal ng pangit, ganito pala, sobrang fake pa.’ Hahaha. Hayaan mo, Jabo. In time, maybe in two to three time.. Pero hindi rin. Basta. Maghihintay ako. =))
~And so my heart races yet again, I wish this will end up good :)
Save my Heart. ♥
No comments:
Post a Comment