Friday, October 21, 2011

WELCOME BACK TO MY LIFE, YES. WE'RE BACK! :>

Note: This will serve as my LAST WILL AND TESTAMENT for this on HIATUS relationship. I made this blog, a week ago for my week countdown. Well then. Congratulations! :> But, I won’t post this yet, not until October 29 has arrived. For now, I have to wait and see. I’m giving you a week to prove yourself wrong. Please, make me realize I’m making a harsh decision. But again, if not, then I can’t do anything about it anymore. Have fun!

Saturday ngayon, bigla akong napaisip. Seven fucking more days to go, so yeah, kontiing tiis nalang. Kanina, habang nakahiga ako sa sofa bed, bigla akong napaisip, and eventually, napaluha narin ako. Bigla ko na namang kinausap yung sarili ko. Well, no wonder, given na naman yun. I suddenly realized that I only have seven more days to go. Seven days more, and I’m giving up. Although yeah, I know it’ll be very hard. Well, syempre sa una lang naman yun, habang nagtatagal, I’ll learn how to live my life “alone” again. Meaning, tatanggapin ko na sa sarili ko na mamumuhay “SINGLE” nalang ulit ako. No pressure, no commitment. I’ve given so much time for myself and for him already. Sobra sobra naman na siguro yung one whole month na binigay ko para makita and maayos ko pa yung kung ano mang gusot na dapat ayusin. But then again, I see. It’s pointless na, wala narin namang patutunguhan. Almost every night nalang akong umiiyak, ang sakit sakit na. para na akong tanga sa ginagawa ko. Nagpapakatanga na talaga ko, nang dahil lang sa paniniwalang mahal ko siya. On the other hand, naisip ko rin naman na, baka pinaniniwala ko lang yung sarili kong mahal ko pa siya. “State of the Mind”, well, most likely, it’s possible. Might just been blinded by these agony, and baka naman masyado lang ako nagpapadala sa emosyon ko, particularly, the pains and the heartaches. I really don’t know, pero sobrang weird, everyday, naiiba yung nararamdaman ko. If tonight, feeling ko mahal ko siya, the next day, wala na naman. Wala na naman akong pakialam sakanya. Pero mas dominant yung pangalawa, sa isang buong maghapon, hindi naman siya pumapasok sa isip ko. Well, unlike before na palagi nalang. Maybe because, di naman siya nagpaparamdam sa akin, di naman ako manhid. Nararamdaman ko rin namang unti unti, naglaho na. As in like, totally, wala na. Wala na yung constant reminders showing me that you still care and meron pang natitira kahit pinch of love man lang. Pero grabe, hindi naman ako darating sa point na ganito, like making this kind of decision kung wala lang naman talaga sa akin. Upon reading your early messages sa My Folders ko, yung mga nakasaved since then, February. Parang habang binabasa ko yun kanina, natatawa nalang ako. Kung before, medyo nakukurot pa yung damdamin ko, I don’t know kung ano nangyari, bakit ngayon. Parang wala nalang sa akin. Wala na nga yata akong pakialam. Pero hindi rin, meron pa naman kahit papaano, alam ko yun. Kaya nga siguro, gusting gusto kitang makita at makasama. Pero sabi ko nga kagabi, “Kung ayaw, ode wag, ayoko namang ipagpilitan yung sarili ko, sa taong ayaw naman sa akin”. Ayoko lang din yung binibigyan pa ako ng napakaraming rason, isa lang naman e, simple as, “Ayoko”. Tatanggapin ko naman kasi. Although, I ain’t used to this. Never pa ko naka experience ng rejection e. Kaya nga, yun yung fear ko. Pero sige, for you. I’m willing to accept it, whole heartedly. Promise, no hard feelings. And gagawin ko na ‘tong blog na to, as my “last will and testament” para sa kung ano mang pangako yung nabitiwin ko nung nakaraang gabi. Gagawin ko na tong mahaba at malinaw, and I promise, LAST na talaga ‘to. After this, magsasarado na ako ng libro, at mananahimik na. Titigilan na kita. Titigilan ko narin ang sarili kong mahalin ka pa.

Little by little, unti unti na akong nakakapag move on. Nagagawa ko narin yung mga bagay na, akala ko before, hindi ko kayang gawin nang mag-isa lang ako. Minsan, mahirap. Minsan madali. Minsan naman Masaya, minsan masakit. Sobrang complicated nalang talaga ng mga bagay bagay. I thought I can give it another try, for I used to believe na ang “second chance” ay para magka-ayos at magkabalikan kayo, pero naisip ko rin na minsan ang “second chance” binibigay, para ayusin at tapusin na ang lahat ng mga unfinished businesses niyo. Hindi para makipagbalikan, kung hindi para itama ang lahat, bago man lang kayo tuluyang magkahiwalay at magkalimutan. I have to admit, maraming panahon na akong sinayang, maraming gabi na akong umasa, maraming luha narin ang nasayang. Pero this time, ayoko nang bigyan pa ng “false hope” yung sarili ko. “EFFORT”. Effort lang naman yung kailangan ko e. At tsaka gusto kong makita at maramdaman from you, pero ewan ko ba. Bakit ganun? Para namang ayaw mong iparamdam at ipakita sa akin? Ay, di nga pala ako dapat naghihintay sa wala. Eto problema sa akin e, that’s why in the end, nasasaktan ako. But don’t worry, not this time. Okay na ako. Nangako na ako sa sarili ko, after kong iiyak lahat last night, remember yung blog entry ko last night? Well, nasabi ko lang siguro yung mga bagay na yun, kasi sobra kitang namiss. Sobra kitang gustong makapiling. Pero, after mo iparamdam sa akin na, di naman pala dapat ako umasa, e, naging okay na ang lahat sa akin. Tanggap ko na, so far. Eto na talaga, wala na masyadong sakit sa damdamin ko. Di na masyadong mabigat tong dibdib ko. “Congratulations!” You finally get what you want. Ayoko naman nang ibalik at ipamukha pa sayo yung mga minention mo dun sa texts mo sa akin, kasi.. Baka ikaw mismo, pag tawanan mo yung sarili mo, at magtaka at magulat ka nalang na nasabi mo pala yung mga bagay na yun. Ito lang, sabi mo. “Di mo kaya ng wala ako?” Pero, parang hindi naman. Sabi ko naman sayo, kaya mo yan e. Look at you know, you’re doing fine. Really fine. Habang ikaw nakikipag chat sa mga “friends mong girls”, naalala ko tuloy, sabi mo.. “She’s like your little sister”, pero she’s the only one na nakapagbuo ng araw mo. And don’t you dare, compare me naman, “Prom Queen, Miss Accountancy?” Sa bagay, yung beauty niya pang ganun diba? Nice one, ang alam ko kasi.. Ako, “Prom Queen talaga, and Miss Philosophy” and, habang ginagawa mo yang mga yan, habang nakikita ko, lalo ko lang napatutunayan sa sarili ko na.. Hindi na nga kita dapat pang balikan. Marami pang ibang circumstances. Kung sila naman talaga nakakapag pabuo ng araw mo, ode go lang. Congrats! Sana, ako rin. Makahanap na ng inspirasyon ko. Yung tipong makakapag pabuo rin ng araw ko. Pero, habang pinipigilan ko yung sarili ko, habang umaasa parin ako sa hindi ko na dapat pang asahan.. Lalo lang akong nagmumukhang tanga. Ang dami dami ko na palang pinalalampas na pagkakataon, para ako’y sumaya. Yes, ako naman, tinitiis kong hindi makipag-usap sa kahit na sinong lalaki. Kasi alam ko, hindi ko naman kailangan. Kaya ko namang mag-isa. Sabi nga nila, time heal wounds. And I guess, enough na to. Enough na yung isang buwan para patunayan ko sa sarili ko na kaya ko ngang tumayo ulit at ibalik sa dati ang lahat. Total, hindi mo naman na ako mahal, wag ka mag-alala, di na kita muling gagambalain, hindi narin ako hihingi pa ng pagkakataon kay destiny para magkita tayong muli. Kasi, wala rin namang mangyayari. Gusto ko, pag nagkita tayo ulit, yung mga tipong, December 29 na, para okay na ulit yung lahat. Tapos na yung 3 months. Ngayon pa nga lang malapit nang mag 1 month, binibigyan na kita ng laya. Kahit oo, medyo masakit pa. hindi na ako magdedeny pa. hindi naman siguro masamang aminin na, nasasaktan ako. Ayoko lang kasi yung tinatrato ako ng ganito. Sabi ko nga sayo. Mas mabuti nang saktan mo ako sa pag papamukha sa akin ng katotohang di mo na ako mahal, kesa naman yung pinapaasa mo pa ako.. Binibigyan mo ako ng panandaliang ngiti sa aking mga labi sa tuwing sasabihin mong mahal mo pa ako. Hindi mo ba alam? Hindi mo ba naisip na mas masakit yun? Hindi ka naman na yata naawa sa akin. Sa bagay, ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman na. Ang mahalaga, ginagawa mo yung gusto ng puso mo.
Hinihintay ko yung sinasabi mo. Yung sinasabi mong.. “Lagi mo akong namimiss, yung every time, gusto mo, makausap ako.” Pero, nasaan na nga ba yung mga sinabi mong yun? Kasabay na marahil ng paglalaho ng pagmamahal mo sa akin, yung paglalaho ng mga simpleng salitang nagpagalak sa aking puso. Pero ayon nga, sasabihin ko muli, pagod na akong umasa. Masyado nang matagal ang isang buwan, para paasahin ko yung sarili ko, at papaniwalain kong.. Muli tayong magkakasama, muli kitang mayayakap. Lahat ng yan, medaling pangarapin at hilingin, pero.. Malabo sa pagkakataong ito. Babae ako, ilang ulit ko nang sinabing “Susuko na ako. Suko na ako sa’yo. Hindi na kita mahal. Hindi na kita babalikan kahit kailan.” Pero, hindi naman ibig sabihin nun, sasaktan at sasaktan mo nalang ako palagi, paaasahin ng paaasahin sa mga bagay na wala ka naman palang balak tuparin. Hindi mo ba alam kung gaanong pagtitiis na tong ginagawa ko? Na sa bawat gabing pag-iisa ko, naiisip ko, akala ko ba.. Hindi mo to kayang gawin sa akin? Pero bakit naman ganun? Ang dami dami mong pangakong binitiwan mula noon hanggang ngayon. Masyado mong ipinamukha sa akin na mahal mo nga talaga ako. Pero hindi e. Hindi naman talaga. Wala namang halong galit tong nobela, I mean, last will and testament kuno na ito e. Gusto ko lang, malaman mo lahat ng hinanaing ko. Bago ko pa man, tuluyang bitiwan yung pangako ko sayo. Pasensya na. Sorry. Hindi ko na yata kayang tuparin yung.. “Pangako, babalik ako sa’yo”. Lalo na kung “WALA NARIN NAMAN PALA AKONG BABALIKAN”. Kahit kailan, hindi ko pinangarap na masaktan. Sino ba namang matinong tao, ang gustong masaktan nalang palagi? Ewan ko nga ba sa sarili ko, kung bakit ang tagal kong nagpakulong sa sabi sabi at paniniwalang may tunay palang pagmamahalan. Payo ko lang sayo, sana.. Hindi mo nalang ako binibigyan ng pag-asa gabi gabi na, pagdating ng takdang panahon, may babalikan pa ako. Kung as early as now, hindi mo kayang panghawakan lahat ng sinabi mo sa akin, what more, pag nagtagal diba? Ako naman yung tipo ng babae na, oo nga’t maraming nanliligaw sa akin, pero, mabibilan mo naman dun, kung sino lang talaga yung totoo e. Yung iba, ewan ko ba. Nachachallenge lang siguro sila. Eto ang masaklap, hindi kita tinuring na manliligaw. Tinuring kita bilang kaibigan, pinagkatiwalaan kita ng higit pa sa mga kaibigan kong babae. Noon, hindi ko naman pinagsisihan yun. Pero, ngayon, hindi nalang ako sigurado sa ginawa kong yun.

Hindi lang naman ikaw ang nagsakripisyo. Kung akala mo, labis labis na yung sakripisyong nagawa mo para sa ating dalawa. Lumalabas ngang, oo ikaw. Pero, kung susumahin mo, at pag-iisipan mo ng mas mabuti, makikita mong.. Ako talaga. Kaya ko nga nasabi noon na ako yung “loosing end”. Ilang beses narin naman akong nagbakasakaling, magkita tayo. Pero, ewan ko nga.. Sadyang ayaw lang talaga tayong pag tagpuin ng tadhana. Hindi pa daw kasi panahon. Hindi pa ito yung tamang panahon para isiwalat ko lahat ng ito. Mahirap isulat, sa totoo lang.. Marami pa akong dapat sabihin, hindi naman kasya ang isang buong gabi para tapusin at isalaysay ko dito lahat ng gusto kong iparating sayo. Sapat na yung, tinigilan mo na yung pakikipag konekta at pakikipag-usap sa akin. Yung tipong, kontento ka na sa iilang minutong nagkakausap tayo sa gabi ngayon. Kasi, aminin mo man o hindi.. WALA NA TALAGA.
Uulitin ko lang.. Hindi ako manhid para hindi maramdaman. Ayoko lang yung pinag lilihiman pa ako ng mga bagay na halatang halata ko naman. Hindi mo naman kailangang itago sa akin e. Matatanggap ko rin naman kasi. Well, as of now, tanggap ko na. Naalala ko lang before, sabi ko, isang buwan at walang koneksyon, kusa naring nawawala yung koneksyon ng puso ko dun sa taong “mahal ko”. Pakitaan mo lang ako ng pagmamahal at tunay na pag-aaruga. Magiging okay na ang lahat. Pero, ayon nga, sa pagkakataong ito. Tinatanggap ko na..
Ang second chance na maaaring magkaroon tayo, ay hindi para tayo’y magkabalikan. Kung hindi, para tayo’y magkaayos, bilang magkaibigan. At tuluyan nang magparaya para sa isa’t isa. Masaya na ako ng ganito. Naexperience mo namang maging boyfriend ko e. Bakit di mo pa subukang i-experience naman ang buhay bilang kaibigan ko nalang? :>
Well, halata naman sigurong pinagbuhan ko ng effort at oras tong blog entry na ‘to. So ibig sabihin, hindi ito basta basta lang. Hindi ito simpleng biro lamang. Malaman to, at mas lalo’t higit na makatotohanan. Ginawa ko ‘to, kasi ayaw mo namang makipag kita sa akin, at sigurado naman akong.. Sa personal, hindi ko rin kayang sabihin lahat ng ito sa’yo. Kaya eto na nga o. Malinaw na pruwebang “okay na ang lahat sa atin” Sabi ko naman sa’yo.. This is something you’ll surely like. :>

Welcome back to my life. Yes. We’re back! :>
Welcome back, Friend!

PS: I-popost ko na ba ‘to ngayon, o hihintayin ko pang mag 29th? Maghihintay pa ba ako ng mga maari mong gawin para baguhin yung isip ko? Well, I guess, kahit ano pa man sabihin at gawin mo. Hindi na nun mababago pa yung isip ko ngayong gabi. “Congratulations!”

Well, I decided na i-post na nga ‘to. Sa eto. Wala nakong ibang sasabihin pa. :> Para di na sumakit yung ulo mo sa kaiisip na kung ano man ang meron sa loob ng isang lingo. Di na kita pahihirapan pang mag-isip. Ayan na, sinabi ko na. Okay na? Quits na tayo uhh. Buh-bye!

No comments:

Post a Comment